Nang minsang sinubok ako ng kakilala, “Bakit hindi ka nanlaban? Baka ginusto mo? Baka ika’y nasarapan?” Naglakbay ang mumunting butil ng mga luha mula sa aking mga mata sabay tanong sa sarili, “Ginusto ko ba? Hiniling ko ba?” Pero… Mali sila. Walang kahit anong halaga ng luwad mula sa maruruming mga gunita ng iba ang makakapaghukom kung sino dapat ako sa kanila. Hindi kamalian ang maging isang modernong Maria Clara. Hindi ko kasalanan kung naliligalig ka sa’king katawan at masyado ka nang nilunod ng mahalay mong isipan. Hindi ko kapintasan kung nababagabag ka sa aking kurba, sa kolorete sa mukha, sa dami ng tinta, at sadyang hindi mo tanggap na ako’y babaeng malaya. Mali ka. Hindi ko hanap ang iyong pasya.
19