2 minute read
BAGONG KASAYSAYAN
1K katao sa Timog NCR nagsanib-puwersa sa Mangrove Clean-Up nasabing programa, lalo na ang mga mangrove ang pumoprotekta sa mga residenteng malapit sa katubigan mula sa matitinding baha at pag-angat ng lebel ng dagat.
“After the cleanup, we plan to install a river barrier in specific river locations to capture the trash upstream before it reaches the
Advertisement
Naiuwi ng mga piling mag-aaral mula sa ika-12 baitang ng Las Piñas City National Science High School (LPCNSHS) ang ikatlong gantimpala sa semi finals round ng Global Dimensions Olympiad (GDO) 2023 nitong ika-15 ng Abril sa Southville International School Campus.
Binandera nina Gabriel Caluya, Althea David, Gwen Go, Lawrence Gobot, Ralph Nuñez, Ashley Sabandal, at Christine Soriano ang LPCNSHS sa GDO sa paggabay ni Bb. Aprilyn Miranda, guro sa ika-11 baitang.
Sa isang panayam, ibinahagi ng mga kalahok ang kanilang magkahalong emosyon sa kanilang pagkawagi.
“Nagulat kami kasi nanalo kahit mangroves, and ultimately the oceans,” dagdag ni Mangco. Ang mga makokolektang basura sa LPPWP ay gagamitin upang makagawa ng recycled sunglasses mula sa mangrove at mga eco-brick para sa mga lokal na komunidad. kaunti lamang ang aming preparasyon, pero masaya pa rin kami na nagkamit kami ng Ikatlong Gantimpala kahit ganoon,” saad ni Ralph Nuñez, mula sa 12-Efficiency. Samantala, pinangunahan ng Southville International School affiliated with Foreign Universities (SISFU) at ng The Rotary Club of Makati Salcedo ang GDO sa kanilang adhikain na makakalap ng natatanging mag-aaral na karapat-dapat maging susunod na iskolar ng naturang paaralan.
Bukod sa handog na scholarship, nakatanggap din sila ng PHP 10,000 mula sa SISFU at “extra money” mula sa trivia round na ibinahagi ng The Rotary Club Makati Salcedo.
Hindi naman nagpahuli ang malikhaing kamay ng mga Lapisyano sa mga idinaos na On-the-Spot Poster Making Contests.
Sa pagsasanay ni Bb. Emerina Bernante, nasungkit ni Angelina Musa, mula sa SHS, ang tansong medalya sa kaniyang Digital Poster.
Binigyang-diin ni Musa sa kaniyang obra ang malaking potensiyal ng bansa sa larangan ng agham at teknolohiya.
“Bumibilis ang pagtuklas ng mga inobasyon at konsepto, simula sa satellites na gawang-Pinoy, hanggang sa pagyabong ng e-commerce. Ito yung naisipan kong ilagay sa aking obra,” aniya.
Karagdagan, naiuwi rin ng kaniyang kamag-aral na si Amanda Stinson ang ika-apat na pwesto sa kaniyang Traditional Poster na likha sa oil pastels, graphite at colored pencils.
Para naman sa antas ng JHS, nagkampeon si Elion Esquera sa Digital Poster habang nasilat naman ni Marycar Cristobal ang ikalimang puwesto sa kaniyang Traditional Poster.
Bagong hanay ng mga punongguro ng LPCNSHS, dumating na
Mainit na pagtanggap ang inihandog ng Las Piñas City National Science High School (LPCNSHS) nang dumating ang kanilang mga bagong hirang na punongguro noong ika-12 ng Enero sa School Field.
Nagbigay-pugay ang Boy Scouts at Girl Scouts of the Philippines sa pagdating nina Gng. Eleanor Honrales, G. Damaso Salbatona Jr., at Gng. Genovie Tagum sa isang programang pinangunahan ng Supreme Student Government at Faculty Club.
Ipinaabot naman ng mga Lapisyano ang kanilang pagtanggap sa mga bagong tagapamahala ng paaralan sa pamamagitan ng pagwagayway ng mga banderang pula, berde, at dilaw, mga kulay na sumisimbolo sa LPCNSHS.
Ayon sa nakasaad sa Division Memorandum No. 74, pangangasiwaan ni Gng. Honrales ang buong paaralan bilang punongguro, habang sina G. Salbatona at Gng. Tagum ang magsisilbing pangalawang punongguro ng JHS at SHS Department. Samantala, lumisan na ang dating punongguro ng LPCNSHS na si Gng.
Leonora Lustre patungo sa Las Piñas National High School Almanza matapos ang kaniyang dalawang taong serbisyo sa LPCNSHS.