1 minute read

PAGHUPA NG PANDEMYA

COVID-19 ‘di na ‘global health emergency’ - WHO

Opisyal nang idineklara ng World Health Organization (WHO) ang wakas ng COVID-19 bilang isang public health emergency nitong ika-lima ng Mayo 2023, tatlong taon mula nang orihinal itong idineklara noong ika-30 ng Enero 2020.

Advertisement

Nagpulong ang Emergency Commitee ng global health agency at inirekomenda sa United Nations (UN) Organization na wakasan na ang COVID-19 crisis bilang isang public health emergency of international concern o ang pinakamataas na public health alert level.

Ayon sa datos ng WHO, ang COVID death rate ay bumababa mula sa 100,000 katao kada linggo noong Enero 2021 sa 3,500 kada linggo noong Abril 2023 na sinasabing epekto ng laganap na pagbabakuna, pagkakaroon ng access sa mga treatments, at population immunity ng mga nauna nang nagka-COVID.

“It is therefore with great hope that I declare COVID-19 over as a global health emergency,” anunsyo ng WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus. Dagdag niya na hindi ibig sabihin nito ay hindi na dapat kabaliktaran naman nito ang paraan na ipinapakita ng mga paaralan sa pagtanggap sa konsepto ng ‘burnout’.

Bilang mag-aaral ng isang eskwelahan na ang paniniwala at kaalaman ay nakabase sa Agham. Nakakadismayang isipin na ang pagtingin sa konsepto ng ‘burnout’ ay isang walang saysay na dahilan sa pagliban sa klase. Kaya naman ang iba ay napipilitan na lamang pumasok kahit na unti-unti ng bumibigay ang kanilang katawan sa takot na baka sila ay magkaroon ng mababa o bagsak na grado na siyang maging dahilan upang sila ay magkaroon ng suliranin sa paaralan.

Kaya naman ang tanong ng karamihan, patuloy na lamang ba magiging ganito ang sistema ng ating pamumuhay?

Kapaguran, paghihirap at halos walang karapatan magpahinga?. Ano pang saysay ng mga isinasagawang proyekto’t programa upang labanan ang depresyon at isulong ang ‘mental health’ kung ang konsepto lamang ng burnout ay hirap na silang intindihin? Hanggang kailan ang paghingi ng kaunting araw para makapagpahinga at halos suntok sa buwan kung ibigay?

Tandaan, hindi mareresolba ang isang suliranin kung hindi mismo tatanggalin ang ugat nito. Kung tunay na nais nga ng mga kumpanya, ahensiya ng gobyerno at mga institusyon na bigyang solusyon ang tumataas na populasyon ng mga nakakaranas ng depresyon. Hindi nila ipagdaramot na ibigay ang pahingang hinihiling ng kanilang mga kinasasakupan, sapagkat alam nilang makatutulong ito upang mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa at mag-aaral. Nawa ay dumating din ang panahon na ang pagtingin sa konsepto ng burnout ay hindi lamang isang balahibo na maaaring tanggalin sa damit kung kailan mo gugustuhin. Bagkus, tratuhin bilang isang bagay na maaaring makaapekto sa ating pamumuhay kung hindi agad bibigyang pansin.

This article is from: