1 minute read

Upos na kalusugan, hindi sapat na dahilan?

Pagod na ako. Isa marahil sa mga kadalasang namumutawi sa bibig natin ay ang katagang ito. Paano ba naman sa dami ng responsibilidad at tungkulin na kinakailangang gawin ng bawat isa sa atin, hindi kata-takang darating tayo sa punto na bumibigay na ang ating pisikal na pangangatawan at mental na kalusugan. Subalit dahil sa kahusayan at pagsisikap na ating ipinapakita, tila hindi pa rin ito katanggap-tanggap upang humingi tayo ng kaunting pahinga mula sa mga trabaho at gawain na kinakailangan nating gampanan.

Ayon sa World Health Organization ang burnout ay resulta ng matagal ng stress na nararanasan, na siyang talamak at paniguradong kinahaharap ng karamihan. Kadalasan itong nararamdaman kapag masyado na tayong nao-overwhelm sa mga nangyayari sa ating paligid, emotionally drained o hindi na natin kinakaya ang mga problemang pinagdaraanan.

Advertisement

Base sa mga pananaliksik na isinagawa ilan sa mga sintomas ng burnout ay ang pagkapagod, kawalan ng motibasyon na gawin ang iyong trabaho, pananakit ng ulo, kawalan ng kumpiyansa sa sarili at pagdududa sa sariling abilidad o kakayanan. Gayunpaman, sa kabila ng mga siyentipikong pananaliksik, hindi pa rin ito sapat na dahilan upang ilagay ang rason na ‘burnout’ sa ating mga excuse letter na siyang pangunahing requirement kapag tayo ay lumiliban sa klase o trabaho.

Sa inilabas na resulta ng sarbey ng American Psychology Association, sa U.S. umabot sa 1,501 na mga manggagawa o 79% ang nakaranas ng work-related stress. Habang sa Pilipinas, tinatayang nasa 52% ng mga trabahador ang nakararanas ng burnout, ito ay ayon sa inilathalang pagaaral ng Milieu Insight and mental health technology firm Intellect. Higit na mas mataas ng apat na porsyento kumpara sa naitalang datos mula sa Singapore at Indonesia.

Dagdag pa rito, isa rin sa mga nagpapahirap sa bawat estudyante ay ang burnout. Sa dami ba naman ng mga projects, sunod-sunod na reportings, at halos arawaraw na pagsusulit hindi kataka-takang isa sila sa mga nasa unahang linya na maaaring makaranas nito. Subalit nakakalungkot lamang isipin na sa kabila ng mga proyekto na inilulunsad ng DepEd upang isulong ang ‘mental health’

This article is from: