1 minute read
TULOY TULO Y LANG
Nitong nakaraan lang ay pinagharian ng Las Piñas City National Science High School (LPSci) ang 2023 DanceSport Competition sa Cluster Meet sa pangunguna ni G. Peter Bangug na tumayong coach ng mga estudyanteng kalahok. Sa loob lamang dalawang buwang pagsasanay ay naharbat nina Arvin Padilla at Ysabelle Estrada ang ginto sa kategoryang Modern-Standard, samantalang nasungkit naman nina Matthew Mangulabnan at Kadine Valdez ang ginto sa Latin. Hindi lang ito ang kauna-unahang beses na nagpadala ang LPSci ng kalahok sa mga nabanggit na paligsahan kundi ito rin ang unang pagkakataon na nakasali si G. Bangug sa ganitong patimpalak bilang coach. Unang apak
Bata pa lamang ay kinahiligan na ni G. Bangug ang pagsasayaw. Sa katunayan ay na sa elementarya pa lamang siya noong una siyang tumapak sa dance floor, kung saan natutuhan niya ang Latin. Hanggang sa college ay tinahak niya pa rin ang dancesport. Nakapagtapos siya bilang Bachelor of Physical Education Major in School Physical Education sa Cagayan State UniversityCarig Campus. Ayon pa sa kaniya, ang unibersidad na ito raw ang humubog sa kaniyang talento sa pagsasayaw at naging dahilan din kung bakit napagtanto ni G. Bangug na ang dancesport ay bahagi na ng kaniyang buhay.
Advertisement
Pag nadapa, bumangon ka
Tila ang mga katagang ito ang itinatak ni G. Bangug sa kaniyang isip sa pagpapasya sa kaniyang mga hakbangin sa buhay. Kahit na marami na kasi siyang karanasan sa dancesport ay hindi kailanman nakapag-uwi ng karangalan sa pagsasayaw si G. Bangug. Ngunit hindi ito naging dahilan upang itigil niya ang pagsasayaw. Bukod pa rito, sa unang subok niya na maghanap ng trabaho bilang guro sa Las Piñas noong taong 2020 ay hindi siya natanggap. Pero muli siyang sumubok at mapalad na nakakuha siya ng trabaho bilang guro sa LPSci.