2 minute read
Plastic Bottle Recycling, muling inilunsad ng YES-O
Upang makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa eskwelahan at maisulong ang proseso ng recycling sa paaralan, muling inilunsad ng Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) ang kanilang proyektong Plastic Bottle Recycling sa Las Piñas City National Science High School (LPCNSHS) noong Agosto 2022 matapos ang dalawang taong pagkakatigil nito dulot ng pandemya.
Advertisement
Ang YES-O ay isang school youth organization na naglalayong isulong ang mga gawaing patungkol sa environmental protection and conservation. Ito ay pinangungunahan ng kanilang gurong tagapangasiwa na si Gng. Kathleen Joy E. Baja katuwang ang kanilang mga pinuno na sina Sergio Manuel Biglaen mula sa SHS at Andrei Joaquin Paat.
Sa nasabing proyekto, may mga bins na nakalagay sa pagitan ng Aguilar at DepEd Building pati na rin sa canteen kung saan dapat itapon ang mga plastic bottles. Matapos kolektahin ay kanilang pinaghihiwa-hiwalay ang mga parte ng bote tulad ng labels, katawan ng bottle, rings, at caps. Ang mga labels ay tinatapon upang hindi na maging pollutants, samantalang ang mismong bote naman ay pinapadala sa junk shop upang duon ay marecycle.
“Ang prosesong ito ay ginagawa na sa paaralan noon pa man ngunit ngayong pandemya ay nawala na ang bins para sa white papers, at colored papers at natira na lamang ang sa plastic bottles sapagkat bawal na nga ang paglalagay ng trash bins sa kada silidaralan upang maiwasan ang prolonged human contact,” saad ni Gng. Kathleen.
Noong bago pa man magpandemya ay isinasagawa na rin ang nasabing proyekto kung saan lima hanggang walong kilong bote ang narerecycle ng organisasyon. Bukod pa rito, ilan din sa kanilang mga programang inilunsad bago tumama ang COVID-19 ay ang cleanup drives sa loob at labas ng paaralan; pangangasiwa ng cleanest classroom contest; dengue brigade; seedling planting; CD collecting; paglalagay ng ecobox, at signages; at paggawa ng eco bricks.
Para sa taong panuruan 20222023 may mga panibagong planong inihanda ang YES-O, ilan na rito ay ang: Project APABLE (Anti-Plastic Awareness for Sustainable Learning Environment) hangad ng proyektong ito na bawasan ang mga
JANELLA ERIN GUTIERREZ single-use plastics sa pamamagitan ng paggamit sa mga reusable containers, Tanim para sa Kalusugan Project kung saan muling lilinangin ang garden ng paaralan, at E-Mulat na naglalayong i-promote ang environmental awareness sa mga mag-aaral sa tulong ng mga infographics, at advocacy videos.
Magbabalik din ang ilang mga programa tulad ng KalikaSign na may layuning magbigay kaalaman patungkol sa water at electricity conservation sa pamamagitan ng mga signages; Cleanest Classroom Contest; at Tara, Linis! Program na pangungunahan ng YES-O kasama ang Supreme Student Government (SSG) at Campus Integrity Crusaders (CIC) sa pagsasagawa ng mga clean-up drives.
Para naman sa mga Lapiscians na hindi miyembro ng YES-O, pakiusap ng organisasyon na sumunod sa mga alituntunin at magtapon sa nararapat na tapunan upang makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa ating mahal na paaralan at upang makaiwas na rin sa sandamakmak na basura na maaaring magdulot ng iba’t ibang mga sakit.