5 minute read

PARA SA GINTO

Gilas Pilipinas, pinatumba ang Cambodia sa SEA Games 2023, 80-69

Pinabagsak at pinawalang bisa ng Gilas Pilipinas ang depensa sa loob ng mga nagtataasang miyembro ng Cambodia matapos makamit at ibalik ang ginto para sa Pilipinas sa nakaraang Southeast Asian (SEA) Games 2023 Men’s 5x5 Basketball event na ginanap sa Morodok Techo National Stadium sa Phnom Penh, Cambodia nitong May 16, 80-69.

Advertisement

Pinasiklab agad ni Justin Brownlee ang magandang opensa ng Gilas sa unang quarter ng laban matapos magpakawala ng mga behind-the-back at cross court passes, pinahulog niya pa ang mga tira nina Marcio Lassiter at Cristopher Newsome upang maidikit ang kalamangan ng Cambodia sa isa, 21-22.

Hindi naman inalintana ng Gilas ang laki ng diperensya sa laki ng kanilang kalaban at ipinamalas ang mahusay na opensa sa loob ng paint at sa mga salaksak na siyang nagpasimula ng 14-2 run sa pangunguna pa rin nina Lassiter na nagtala ng 10 puntos at Brownlee na kumana naman ng 23 puntos, pitong rebounds at apat na assists, 44-33.

Sinunggaban naman ng Gilas ang tyansang makabawi sa malaking kalamangan ang Cambodia nang ipinagpatuloy ni CJ Perez ang kaniyang maliliksing layups at jumpers at kumolekta ng siyam na puntos na sinundan naman ni Chris Newsome at kumana ng 16 puntos

Sinabayan naman ni Jerom Lastimosa ang mga pagtatangkang opensa ng Cambodia sa kabila ng kaniyang pagkakaiba sa tangkad at nakapagtala pa ng apat na puntos at rebounds, sinupalpal pa niya ang pag-asang mapababa ang kanilang pinakamalaking kalamangan na 13 puntos sa ikatlong quarter, 64-51.

Pinadapa ng Pilipinas ang pagsisikap ng

IBALIK ANG KORONA!

La Salle, winakasan ang UAAP Season 85

Namayani ang De La Salle Lady Spikers sa UAAP women’s volleyball landscape upang masungkit ang kampyeonato matapos humataw ng reverse sweep kontra National University Lady Bulldogs, 19-25, 23-25, 25-15, 25-17, 15-10, na ginanap sa SMART Araneta Coliseum nitong Linggo. Sa tagumpay na ito, binulsa ng La Salle ang kanilang ika-12 na UAAP champion title sa pangunguna ng rookie at Most Valuable Player na si Angel Canino na nagtampok ng mahigit 19 puntos at 10 digs para tulungan ang Lady Spikers sa finals.

Gayundin, nakapasok si Thea Gagate sa fifth set para tulungang pabagsakin sa trono ang NU at ibalik ang La

Cambodia na makabalik sa laro at itinigil ang 6-0 run nito sa pamamagitan ng matinik na opensa nina Brownlee at Perez na siyang dinagdagan pa ng dinamikong pagsasama nina Newsome at ni Brandon Ganuelas-Rosser upang maselyuhan ang laro, 80-69.

Natatandaang natalo ang Gilas sa Cambodia sa maagang mga laro ng torneyo at kinailangan ng Gilas na makabawi mula sa tambak na pagtatapos ng naturang larong iyon sa sa iskor na 79-68.

“There were those who doubted this team after that first defeat to Cambodia. But I can tell you in the dugout, what I told the players was that it was a defeat that was required. We needed that defeat to bring that fire.” ani Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes Bagaman nabigo, pinatunayan naman ng Cambodia ang kanilang bagsik sa court sa pangunguna ng kanilang forward na si Brandon Peterson na naghulog ng 18 points at 14 rebounds para sa mga Cambodian.

Inambagan naman ng malalaking puntos ang Cambodia matapos magtala ng anim na puntos si Darius Henderson at sinamahan naman ni Sayeed Pridgett na nagkamit ng 13 markers, anim na rebounds, at limang assists na silang nagtigil sa Gilas na makuha ang kanilang pinakamalaking kalamangan sa ikalawang quarter.

Sa kabila ng malaking kalamangan na kailangang habulin sa nalalabing oras ng ikaapat na quarter ng laban, nagsimula ang Cambodia ng 6-0 run na siyang nagpakilos sa Gilas at nagpaliit ng kanilang malaking kalamangan.

Samantala, pinag eensayuhan naman ng Gilas Pilipinas ang nalalapit na FIBA World Cup na idadaraos sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10 sa Europa.

Salle bilang powerhouse sa kompetisyon kung saan ito ang dating proverbial bar para sa maraming paaralan.

“Happy dahil ayun nga, na-redeem namin yung pagkatalo namin nung second round so eto, nasa finals na. Pero hindi pa tapos ‘to, mahaba pa kaya kailangan pa naming mag-training at mag-improve pa,” pahayag ni La Salle assistant coach Noel Orcullo.

Diniin pa ni Orcullo na ginusto ng kaniyang koponan na manalo at sa mga panahon na hindi napupunta sa kanilang pabor ng laban, ay hindi pa ito ang katapusan, kailangan nila bumangon at harapan ang mga hamon na ito.

“Nangangatog na talaga kasi pinaghirapan namin yung season na ‘to. But thank you kay Lord, kay coach Ramil (De Jesus) at sa mga patuloy na naniniwala samin since day one,” sinambit ni Mars Alba ang graduating setter ng La Salle kung saan nasungkit niya rin ang Finals MVP.

Sa kabilang dako, si Alyssa Solomon ay nagtala ng 34 puntos para sa Lady Bulldogs habang si Mhicaela Belen ay nagtampok naman ng 11 puntos. Ngunit kung wala si Sheena Toring na na-injure ang kanyang tuhod sa Game 1, halos hindi na nagkaroon ng pagkakataon ang Lady Bulldogs na tapatan ang Lady Spikers.

“There’s always pressure. But sinasabi ko lang sa sarili ko na huwag na isipin ‘yung nasa labas, but kung ano pa ang meron na ilalaban—’yung goal—which is for us to be champions,” ani Canino.

Mahusay na nakamit ng Lady Spikers ang kabayaran sa tagumpay nang ibalik nila ang pabor sa NU na tumangay sa kanila sa yugtong ito noong nakaraang taon.

“Siyempre next dream is to makakuha uli ng championship sa UAAP. Heto yung biggest goal namin at ‘di kami titigil dito,” dinagdag ni Canino.

Nilunod ng Sibol Esports team ang Malaysia sa kanilang malalim na hero pool at bersatayl na paglalaro upang masungkit ang 3-peat gold streak ng Pilipinas, sa nakaraang Southeast Asian Games (SEA) 2023 Men’s Mobile Legends:Bang Bang event sa Phnom Penh, Cambodia nitong May 14, 3-0.

Ibinida agad ni Michael “SAYSON” Angelo ang kanyang Fredrinn pick sa gitna ng gitgitan na lord fights at mahahabang teamfights, sa unang laro ng serye at kumana ng apat na kills at 10 assists upang maitanghal bilang Most Valuable Player ng naturang larong iyon, 1-0.

Nawalan naman ng talulot ang Malaysia matapos pitasin ng Pilipinas ang kanilang malambot na carries ng teamcomp ng mga Malay sa pangunguna naman ni Rowgien “UNIGO” Stimpson sa kanyang walang mintis na Franco, matapos magpakawala ng nakakasindak na hooks para maselyuhan ang lord at ang ikalawang laro, 2-0

Isinagawa ng Harith counter-pick ni Marco “REQUITIANO” Stephen ang isang masaker sa gold lane matapos paglaruan ang Karrie ni Muhammad “CikuGais” Fuad at magtala ng dalawang solo-kills na nagpaluhod sa gold laner ng Malaysia.

Kakapit bisig naman ng Harith pick ni Requitiano na nagtala ng 7 kills at 5 assists ang agresibong Helcurt pick ni SAYSON na siyang nagpadilim sa pag-asa ng Malaysia para makabangon sa 14 thousand gold lead ng SIBOL at tapusin ang laro sa loob ng 11 minuto, 3-0.

Kilala ang mga kinatawan ng Pilipinas bilang Bren Esports sa Pilipinas na nagkaroon ng dominanteng pagtakbo nitong regular season ng Mobile Legends: Bang Bang Philippine League (MPL) at nagkaroon ng nalugmok sa playoffs.

Maituturing ito bilang unang pagkapanalo ng nasabang lineup ng koponan sa isang malaking paligsahan.

Sa kabilang banda, hindi nagpakita ng pagsuko ang Malaysia sa unang laro ng laban matapos maidepensa ang kanilang base laban sa tatlong lord na nakuha ng Sibol at kinailangan pa respetuhin ang masakit na damage na handog ni CikuGais sa kanyang Beatrix pick.

Nakipagsabayan naman ng kamandag sa maagang oras ng pangalawang laro ang mga Malay matapos magpakita ng mga plays na nakasentro sa kanilang Valentina pick na si Mohammad “Izanami” Lim at nagtala ng tatlong kills sa pitong kills ng Malaysia

Hindi lang sa pangalawang laro nagtatapos ang pagpupumiglas ni Izanami sa malaking kalamangan ng Sibol sa gold, naghatid mula siya ng tatlong kills sa anim para sa Malaysia sa pangatlong laro.

Samantala, dedepensahan naman ng Pilipinas ang kanilang posisyon bilang isang powerhouse country sa larangan ng MLBB sa darating na M5 World Championship na magaganap sa Disyembre.

This article is from: