2 minute read

LPCNSHS

Next Article
o kapahamakan?

o kapahamakan?

koordineytor ng Dengue Brigade sa LPCNSHS, mayroong naitalang isang kaso ng dengue sa paaralan noong unang linggo ng Brigada Eskwela 2022, ngunit walang kasiguraduhan kung sa paaralan ba nakuha ang sakit. Mula sa isang kaso ay umakyat ito papuntang walo sa loob ng humigit-kumulang apat na buwan.

“Noong nagkaroon naman ng case ng dengue ay naglagay tayo ng gamot [insecticide] sa area ng quadrangle, kasi mayroong area d’yan na kung saan, kapag umuulan, ‘yung tubig ay nagiging stagnant d’yan sa area na ‘yan, kaya naglagay tayo ng gamot d’yan na para kung sakaling mangitlog ‘yung lamok, ‘di na sya made-develop into an adult mosquito,” tugon ni G. Gayas tungkol sa mga ginagawa ng paaralan upang maiwasan ang mga kaso ng dengue.

Advertisement

“Aside from that, hinanap din natin yung mga pinamumugaran ng [mga] lamok, pinangingitlugan ng [mga] lamok, at tinanggal natin ‘yon,” dagdag ni G. Gayas.

Ang artificial intelligence (AI) ay ang kakayahan ng isang kompyuter na gumawa ng mga gawaing karaniwang nangangailangan ng human intelligence. Bagaman nakatutulong ang AI sa iba’t ibang sektor, lalo na sa pagautomate ng mga gawain, hindi maikakaila na ito ay may mga masasamang epekto. Ayon sa pag-aaral na inilabas ng International Labor Organization (ILO) noong 2020, karamihan ng mga trabaho sa bansa tulad ng construction worker, domestic cleaner, at salesperson ay nanganganib na maapektuhan sa paglaganap ng digitalization at AI. Kasabay ng paglaganap ng AI ang pag-usbong din ng mga AI-enabled crimes o mga krimeng gumagamit ng AI upang gumawa ng masama. Batay sa isang pag-aaral ng University College London noong 2020, maraming AI-enabled crimes ang maaaring lumitaw at magdulot ng kapahamakan sa Internet sa mga sumusunod na taon. Isa na rito ang pag-iral ng mga deepfakes — mga sintetikong imahe o video na ang layunin ay gayahin ang itsura ng isang indibidwal at makapang-loko — at AI-generated fake news na maaaring gamitin upang manira at magkalat ng maling impormasyon.

Upang masiguradong magagamit ang AI para sa ikabubuti ng mga Pilipino, mahalagang magkaroon ng batas at mga polisiyang mahigpit na magbabantay sa paggamit ng AI sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Mahalaga ring magkaroon ng malawakang upskilling sa mga manggagawang Pilipino para mabigyang-pansin ang kasalukuyang digital skills divide sa Pilipinas. Hindi man computer virus ang AI, huwag na nating hintayin na ito ay lubusang makaapekto sa milyun-milyong Pilipino. Huwag nating hayaang gamitin para sa kapahamakan ang isang instrumentong magagamit para sa kaunlaran.

Sa inilabas na artikulo ng World Health Organization noong Enero 2022, isa sa mga senyales ng dengue ang pagkakaroon ng mataas na lagnat na karaniwang sinasabayan ng dalawa pang sintomas, tulad ng matinding pagsakit ng ulo, pagsusuka, pagkahilo, pagsakit ng mga kasukasuan at kalamnan, at dengue rash. Kung magkaroon man ng mga senyales o sintomas tulad ng mga nabanggit, inirerekomendang manatili muna sa tahanan, magpahinga, uminom ng maraming tubig, at ipagbigay-alam ang sitwasyon sa doktor at classroom adviser.

Upang maiwasan ang dengue, hinihikayat naman ni Bb. Daylo ang mga mag-aaral na maglagay ng anti-mosquito lotion bago pumasok at magsuot ng mga mahahabang medyas sa tuwing magsusuot ng palda. Pinapayuhan din ang bawat isa na maglinis ng kanya-kanyang silid-aralan at lumayo sa mga liblib at madamong lugar.

This article is from: