5 minute read

INTRAMS 2023: Nasaan na?

Sa kabila ng oras at panahon na nasakop ng pandemya, isang palahok na matagal nang inaabangan ng maraming estudyante ang pagkakaroon ng Intramurals. Layunin ng isang paaralan na magsagawa ng Intramurals taontaon upang makapili ng mga mahuhusay na manlalaro sa iba’t ibang larangan ng isports upang ipaglaban sila sa mga kompetisyon tulad na lamang ng Cluster Meet. Ngunit, ano nga ba ang dahilan kung bakit pinalawig ang palahok na ito at nagkaroon ng limitadong impormasyon sa mga anunsyo hinggil sa pagdaraos ng Intramurals sa Las Piñas City National Science High School (LPCNSHS) ngayong taon?

lamang ang Intramurals ng Senior High School (SHS) ng LPCNSHS.

Advertisement

Kalakip nito, hindi matutuloy ang Intramurals ngayong taon marahil sa idineklarang memorandum ng Division Office na isinatupad nitong Pebrero 17,18, at 19 kung saan ito ay ginanap sa Biyernes, Sabado, at Linggo. Ayon pa kay Ginang De Vera, mahigit 60 na estudyante ng ika-11 na baitang ay hindi available sa mga araw na iyon sapagkat sila ay naghahanda sa nalalapit na Division Schools Press Conference (DSPC). Kasabay nito, ang ilan sa kanila ay magsisimula sa kanilang academic review sa mga nasabing araw kung kaya’t napagdesisyunan na ikansela na lamang ang Intramurals ngayong taon sa mga kadahilang ito.

"

Hindi pa naman ito ang katapusan para sa mga Lapiscians

Kagitingan ng Kababaihan, Bakas sa Kasaysayan

MACKENZIE TATEL

Madalas na naiuugnay ang larangan ng isports sa mga kalalakihan marahil sa kinakailangan na likas na lakas at tikas ng katawan. Ngunit sa makabagong panahon ngayon, nabibigyang-pansin na rin ng taong-bayan ang kahusayan ng mga kababaihan na kaya rin nila magpakitang-gilas at makipagsabayan sa iba’t ibang isports. Kabilang na rito sina Hidalyn Diaz, Margielyn Didal, Olivia “Bong” Coo, at iba pang mahuhusay na babaeng manlalaro na ginawaran ng samu’t saring gantimpala at parangal mula sa iba’t ibang patimpalak na kanyang sinasalihan. Ngunit, napapaglaanan ba ng sapat na pagkilala ang mga Pinay na atleta sa kanilang mga pagtatagumpay sa karerang pampalakasan?

Hindi matatawaran ang kakayahan ng mga Pinay na atleta na sumungkit ng karangalan sa bansa. Bitbit ang karanasan at talento, namumukadkad ang kani-kanilang karera sa larangan ng iba’t ibang isports. Ang ipinamalas nilang husay sa kanilang larangan ay nararapat na magsilbing kamulatan sa sambayanan upang bigyan ng suporta at pagpapahalaga ang ating mga Pinay na atleta. Sa panahon kung sila ay aalayan ng sapat na pagkilala, tiyak na mas lubos na mahahasa ang kanilang mga talento upang bumulsa ng karangalan para sa Pilipinas.

Isang ehemplo nito ay si Hidilyn na noong una ay nagsasanay lamang sa isang simpleng gym sa kanilang probinsya. Kung ang iba pang babaeng atleta katulad ni Hidilyn na may angking kakayahan at kahusayan sa larangan ng weightlifting ay mabibigyan ng sapat na suporta sa kanilang pagsasanay, tiyak na aangat ang bansa at masungkit muli ng ginto. Bunsod nito, napatutunayan ng mga Pinay na atleta na hindi lamang ang mga lalaki ang may kakayahang makipagbakbakan sa entablado ng mga internasyonal na kompetisyon sa larangan ng mabibigat na isports tulad ng weightlifting kaya ito ang dapat pagtuunan ng pansin.

Karapat-dapat lamang na mas pagtuunan ng pansin ang mga babaeng atleta na may malaking kontribusyon sa kasaysayan ng isports upang ibandera ang Pilipinas. Marami pang sektor ng isports ang mas kinakailangan ng suporta mula sa gobyerno tulad na ang ating mga Pinay na atleta upang mas malayo ang kanilang mararating sa larangan ng isports. Mahalaga na maging inklusibo at bukas-palad ang mga namamahala sa mga atletang Pilipino upang maging daan sa mga oportunidad na maipapamalas sa internasyonal na entablado ang talento at kahusayan ng mga babaeng atleta.

Sa pag-iisip na ito, mapapaunlad natin ang larangan ng pampalakasan para sa lahat ng mga atleta sa Pilipinas, lalo na sa ating mga babaeng atleta. Maaari nating pukawin ang mga kababaihan na manindingan at pagtagumpayan ang kanilang mga laban sa nasyonal at internasyonal na entablado kung susubukan nating baguhin ang ating mga paraan sa kung paano natin tratuhin ang ating mga atleta. Ang pagkilala sa kanila ay mahalaga para sa pagpapabuti ng isports sa Pilipinas at mag-iwan ng makabuluhang bakas sa ating kasaysayan.

Ngunit sa panahon ngayon na ipinagdidiriwang ang pagbubukas ng buwan ng MAPEH ay wala pa ring opisyal na anunsyo ukol sa pagsasagawa ng Intramurals sa LPCNSHS. Mahihinuha sa isang manlalaro ng Intramurals ngayong taon na nabalitaan niya kay Ginang Angel De Vera, organizer ng LPCNSHS–Senior High School Intramurals, na hindi matutuloy ang naturang palahok dahil sinubukan nilang ihabol ang oras at panahon ngunit walang angkop na araw upang ipagpatuloy ang paligsahan na ito. Idinagdag pa rito na maaaring ituloy ang Intramurals ng Junior High School (JHS) at kanselado

Sa mga nakalap na impormasyon, masasabi na hindi talaga preparado at planado ang administrasyon na humahawak sa pagpapatupad ng Intramurals sapagkat mahabang oras na ang nakalipas ngunit kahit ang mga guro na nangangasiwa sa naturang palahok ay hindi sigurado sa gaganaping paligsahan na ito. Kung matatandaan, halos dalawang taon nasa online na setup ang paraan ng pagaaral ng mga estudyante at hindi posible na magkaroon ng pisikal na Intramurals dahil sa restriksyon dulot ng pandemya. Sa kadahilanang ito, naurong din ang pagimplementa ng paligsahan na ito na ginaganap dapat tuwing buwan ng Agosto.

ASHANTI LEONARDO

Talaga namang nakakapanghinayang isipin na kanselado ang Intramurals ngayong taon lalo’t na nagsimula muli ang face-to-face classes sa LPCNSHS. Ang Intramurals ay naging bahagi na ng kultura ng LPCNSHS kung saan pinagbuklod-buklod nito ang mga mag-aaral upang sumikap na masungkit ang tagumpay. Subalit ganito man ang kinalabasan, hindi pa naman ito ang katapusan para sa mga Lapiscians, mayroon pang susunod na taon upang maisakatuparan ito na walang hadlang. Nawa’y sa susunod na ipapatupad ang palahok na ito, ay mapaglaanan ito ng sapat na panahon, pondo, at pagsisikap nang sa gayon ay magkaroon ng matagumpay na Intramurals upang ipagbunyi ang diwa ng pagkakaisa.

Pondong Kulang,

Matinding Hadlang

MACKENZIE TATEL

Matagal nang kilala ang Pilipinas sa madamdaming kultura ng palakasan, na may mga mahuhusay na atleta na umuusbong mula sa iba’t ibang sulok ng kapuluan. Mula sa boksing hanggang sa basketball, ang bansa ay gumawa ng mga kahanga-hangang atleta na gumawa ng kanilang marka sa internasyonal na entablado. Gayunpaman, sa likod ng kinang at kaluwalhatian ay namamalagi ang isang malupit na katotohanan—hindi sapat ang pondo upang masuportahan nang sapat ang ating mga atletang. Ang isyung ito ay hindi lamang nagpapahina sa kanilang potensyal kundi nakahahadlang din sa kakayahan ng bansa na maging mahusay sa mundo ng palakasan.

Ito na ang angkop na panahon upang bigyan ang mga Pilipinong atleta ng suporta at pondo

Mahalagang kadahilanan na nag-aambag sa hindi sapat na pondo para sa mga atleta ay ang hindi sapat na alokasyon mula sa badyet ng gobyerno. Ang kaunting pondong inilalaan ay kadalasang naglilimita sa mga pagkakataong magagamit para sa pagsasanay, pagtuturo, at pagbibigay ng mga kinakailangang mapagkukunan para umunlad ang ating mga atleta. Ang kakulangan ng suportang pinansyal ay may direktang epekto sa pagaccess ng mga atleta sa mga kalidad na programa sa pagsasanay at mga kawani ng suporta, na pumipigil sa kanila na maabot ang kanilang buong potensyal. Sa kasamaang palad, sa Pilipinas, ang sponsorship sa isports ay nananatiling limitado, lalo na para sa hindi tradisyunal o hindi gaanong kilalang sports. Bagama’t ang mga sikat na isports tulad ng basketball ay tumatanggap ng samu’t saring suporta at sponsorships, ang ibang mga disiplina ay naiwan lang para sa kanilang mga sarili. Ang kakulangan ng investment sa ating mga atleta ay lalong naghihigpit sa mga oportunidad na magagamit, na nagpapahirap sa kanila na ituloy ang kanilang mga pangarap at kumatawan sa bansa sa mga internasyonal na kompetisyon.

Gayunpaman, maraming natatanging talento sa iba’t ibang disiplina ng isports ang matatagpuan sa bawat sulok ng ating bansa. Ang iba’t ibang institusyong pang-isports ay nagpupumilit na patuloy na makamit ang kahusayan ng ating mga atleta upang makarating pandaigdigang yugto. Sa ganitong pamamaraan, nabibigyan pa rin ng suporta ng ating gobyerno ang ating mga atleta sa halip na maliliit pa ang kanilang hakbang tungo sa pagsuporta sa mga Pilipinong atleta.

Ang talamak na kakulangan ng suportang pinansyal para sa mga atleta ay isang nakasisilaw na isyu na dapat matugunan nang madalian. Sa pamamagitan ng pagbibigay-priyoridad sa pagpopondo sa isports, ang gobyerno at mga stakeholders ay maaaring magbigay ng daan tungo sa isang mas maliwanag na kinabukasan para sa mga atletang Pilipino, paggamit ng kanilang talento, pagpapaunlad ng kanilang kakayahan, at pag-usbong sa napakalaking benepisyo sa ekonomiya na maidudulot ng isang umuunlad na industriya ng palakasan. Ito na ang angkop na panahon upang bigyan ang mga Pilipinong atleta ng suporta at pondo nararapat para sa kanila. Kung kaya’t ito’y maaaring magsilbing pagkakataon na maiposisyon ang ating bansa bilang isang mabigat na puwersa sa pandaigdigang mundo ng isports.

This article is from: