4 minute read
PRESKONG PAMUMUHAY NGAYONG TAG-INIT
Bukod sa asul na karagatan at pinong buhangin. Tanyag din ang Pilipinas sa klima nitong tropikal na maaaring ilarawan sa pamamagitan ng mataas na temperatura at mahalumigmig na panahon na nangyayari sa buong taon. Kung pagbabasehan ang Agham isa marahil sa mga pangunahing salik kung bakit natin ito nararanasan ay dahil sa lokasyon ng ating bansa. Kaya naman nang pumasok ang panahon ng El Niño tila ba parang nasa ibang planeta tayo sa tindi ng init na nararamdaman.
Hindi maitatanggi na ang mga mag-aaral ay isa sa mga direktang naapektuhan ng init na ito. Paano ba naman sa isang maliit na silid-aralan na binubuo ng mahigit 40 estudyante, tanging apat hanggang limang electric fan lamang ang nagpapaikot at nagbibigay hangin sa loob ng silid.
Advertisement
Kaya naman babala ng mga eksperto na maaaring magdulot ng negatibong epekto ang labis na init ng panahon sa ating pangangatawan. Ilan na rito ay ang mga sakit tulad ng sore eyes, ubo, sipon, sakit sa balat, diarrhea at marami pang iba.
Subalit huwag kayong mangamba! Narito ang ilan sa mga paraan na aming nasaliksik kung paano mapangangalagaan ang katawan mula sa init na ating nararanasan.
1.) Manatiling hydrated
Uminom ng maraming likido, partikular na ang tubig, upang manatiling hydrated. Iwasan ang mga matatamis at may caffeine na inumin dahil maaari magdulot ito ng dehydration. Ugaliin din ang pagdadala ng sariling lagayan ng inumin at ugaliin ang pag uminom nang madalas.
2.) Maghanap ng malilim at malamig na kapaligiran Kapag ikaw ay nasa labas, humanap ng malilim ng aircon at gumamit ng mga bentilador o gumawa ng cross-ventilation sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga bintana at paggamit sa natural na simoy ng hangin.
3.) Orasan ang aktibidad na panlabas Magplano ng mga aktibidad sa labas ng tahanan sa mas malamig na oras ng araw, tulad ng bago pa sumilip ang araw sa umaga o kapag nakalubog na ang araw sa hapon. Ito ay makatutulong upang mabawasan ang panganib ng mga sakit na dala ng init.
4.) Gumamit ng mga panangga sa araw Ugaliing maglagay ng sunscreen na may mataas na SPF (Sun Protection factor) sa tuwing ikaw ay lalabas na tirik ang araw upang maprotektahan ang iyong balat mula sa mapaminsalang UV rays. Panatilihing magsuot ng malapad na sumbrero, salaming pang-araw, at gumamit ng mga payong bilang panangga.
5.) Laging tingnan ang mga pagtataya ng panahon
Manatiling updated sa mga pagtataya ng panahon at mga paalala tungkol sa init na ibinibigay ng mga lokal na awtoridad. Sapagkat ang mga impormasyong ito ay makatutulong na planuhin ang iyong mga aktibidad at gawin ang mga kinakailangang pag-iingat.
6.) Kumain ng magagaan o sariwang pagkain Ugaliing kumain ng mga mga nakakapreskong pagkain tulad ng mga prutas at gulay. Iwasan ang mabibigat, mamantika, at maanghang na pagkain na maaaring mag pataas ng metabolic heat production sa ating katawan.
Paalala naman ng mga eksperto na agad na humingi ng medikal na atensyon kung nakararanas ng mga sintomas ng heat exhaustion o heatstroke. Tulad ng pagkahilo, mabilis na tibok ng puso, pagduduwal, pagkabalisa, at panghihina.
Mahalagang tandaan din na ang mga karanasan at opinyon tungkol sa nararamdamang
Madalas nating nararanasan ngayon ang pagbuhos ng malakas na ulan sa kabila ng tirik na araw at matinding init ng panahon. Isa lamang ito sa senyales na ang ating mundo ay nakararanas ng Climate change o abnormal na pagbabago ng klima katulad ng matinding pag-init o paglamig nito.
Labis na tayong naaapektuhan nito kaya hindi natin ito dapat ipagsawalang bahala.
Hindi lamang dito nalilimita ang mga epekto ng Climate change, nagdudulot din ito ng sumusunod:
Kumpara sa tag-init na nararanasan noon, mas mahaba ito ngayon at mas mataas ang temperatura. Bilang resulta, natutuyo ang mga lupa at nawawalan ng pakinabang sa pagsasaka. Kaya naman, ginagastusan ito ng mas malaking patubig upang mataniman.
Palakas nang palakas ang mga bagyong nararanasan natin kumpara sa mga bagyong tumama noon. Kaya naman mas mahirap na bigyang aksyon dahil nagdudulot ito ng pagbaha na lagpas pa sa ikalawang palapag na bahay. Mas madaming apektadong lugar, kaya mas madami ang nasasawi dahil dito.
Ngayong pandemya, itinataas ang alerto ng mapanganib na COVID-19 virus lalo na ngayong mainit ang panahon. Mas madaming kaso ng positibo rito dahil mainit ang panahon at mas madaling dumapo ang
4. Pagkasira ng mga tirahan ng iba’t ibang organismo Dulot ng mga kalamidad na tumatama, nasisira ang mga gubat na pinaninirahan ng maraming hayop. Namamatay din ang mga coral reefs kaya nababawasan ang mga isdang nabubuhay dahil wala na silang
Ngayong nakararanas na tayo ng epekto ng climate change, init sa Pilipinas ay maaaring iba-iba base sa mga indibidwal at rehiyon sa loob ng bansa. Ang mga lokal na salik, gaya ng geograpikal na lokasyon at altitude, ay maaaring maka-impluwensya sa intensidad ng init na nararanasan. dapat ay lalong mamulat tayo na kailangan at maaari natin itong masolusyonan sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Ngayong panahon ng tag- init mahalagang alagaan natin ang ating mga sarili. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tips na ibinigay maaari itong magsilbing gabay upang magkaroon ka ng preskong pamumuhay.
1. Pagtitipid ng kuryente:
Isa sa mga malalaking kontributor ang usok mula sa paggamit ng langis para sa produksyon ng kuryente. Kaya naman makatutulong tayo kung magtitipid tayo sa pagkonsumo. Maaaring palitan na natin ang ating mga bumbilya sa LED at kung bibili man ng kagamitan sa bahay dapat ay iyong mababa lamang ang konsumo. Kung hindi naman kinakailangan na matuyo agad ang damit, hayaan na lamang itong nakasampay kaysa gumamit ng dryer.
2. Iwasang manakayan o gumamit ng sariling sasakyan kung malapit lang ang pupuntahan:
Kung hindi nagmamadali at kayang lakarin o pumunta sa patutunguhan na naka bisikleta, huwag na tayong manakayan o huwag na nating gamitin ang ating sariling sasakyan upang mabawasan ang usok na ibinubuga ng mga transportasyon sa kalsada na siyang may malaking kontributor sa paglala ng climate change.
3. Huwag magsayang at magtapon ng pagkain:
Kung sinasayang lamang natin ang mga pagkain ay para na rin natin sinayang ang ginamit ng enerhiya para sa produksyon nito. Maging matalino dapat tayo sa pagbabadyet sa bibilhing pagkain, dapat ay iyong sakto lamang at hindi sobra. Kung puro lamang tayo tapon ng pagkain, nagiging kontributor ito ng methane,isang greenhouse gas na nakadadagdag sa paglala ng climate change.
4. Sundin ang 4R’s (Reuse, Reduce, Recover, and Recycle): Katulad ng ating pagtitipid sa pagkain, dapat din tayong magtipid sa kagamitan dahil ginagastusan din ito ng enerhiya. Kung maaari pa itong magamit muli o hanapan ng gamit sa ibang pamamaraan ay dapat hindi pa natin ito itapon basta-basta.
Hindi tayo dapat na magpakampante dahil hindi lamang ang henerasyon natin ang maaapektuhan nito, kung hindi ang kinabukasan ng ating magiging pamilya. Sa kabila ng pag-aalaga natin sa sarili ay huwag din nating kalimutang alagaan ang ating kapaligiran. Kaya naman bago pa tuluyan nang hindi matirhan ang ating mundo, sundin natin ang mga aksyon na dapat nating gawin upang masolusyonan ang paglala ng climate change.