3 minute read

ADHIKAING MAGPALIPAD

Next Article
TULOY TULO Y LANG

TULOY TULO Y LANG

sa Atletang Lapisyano

“Pangarap kong manalo,”

Advertisement

Ito ang sambit ni G. Bangug sa isang panayam bago sumabak sa kompetisyon ang kaniyang mga estudyante. Isang mag-aaral sa sekondarya noon si G. Bangug nang una siyang makasali sa isang patimpalak sa DanceSport ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya nagwagi. Kaya naman ganoon na lang ang kaniyang galak nang sa wakas ay nanalo na siya kahit na bilang coach at hindi bilang mananayaw.

‘Wag lang puro isip

Ang pagtutuon ng pansin sa iba pang aspeto ng mga magaaral ay isa sa mga adbokasiya ni G. Bangug. Kilala ang LPSci pagdating sa mga paligsahan sa Math, Science, at Journalism. Subalit para maging holistiko ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay ibinahagi at patuloy na binabahagi ni G. Bangug ang kaniyang talento. Sa ngayon, walang sawang tinuturuan ni G. Bangug ang mga mag-aaral na nais ding kumatawan para sa LPSci sa larangan ng dancesport.

Hindi palpak

Marami sa atin ay malamang sumusuko na sa ating mga ginagawa lalo na kung hindi naman tayo nakakikita ng magandang resulta. Ngunit, pinatunayan ng kwento ni G. Bangug na dapat lang na huwag tayong mawalan ng kumpiyansa kung hindi kaagad tayo nakatatanggap ng magandang resulta. Ang pinakamahalaga sa lahat ay masaya tayo sa ating ginagawa at ang tagumpay ay kusang lalapit sa atin. Tuloy tuloy lang! Ikaw ay magtatagumpay din, lalo sa mga pagkakataong hindi mo inaasahan.

“Mahalaga na iangat ang mga Lapiscians pagdating sa larangan ng isports.”

Iyan ang mga salitang ibinitaw ng Las Piñas City National Science High School (LPSci) Men’s Volleyball team Coach na si Ariel Delos Santos sa isang panayam matapos ang isang Semi Finals finish ng naturang paaralan sa nakaraang Cluster Meet.

Pinagmulan na hindi malilimutan.

Nagsimula ang angking kaalaman ng guro sa larangan ng volleyball sa pagtungtong niya ng High School matapos makasali sa kanilang Volleyball team. Mula rito, nagsimula na ang kaniyang pagmamahal sa paglalaro ng isports.

Hitik sa mga ginintuang karanasan.

Gamit ang kaniyang mga karanasan mula sa kaniyang pagkabata, kinuha niya ito sa bilang kalakasan sa pag-gabay ng mga magaaral na atleta ng LPSCI. Dahil dito, kilala siya ng mga mag-aaral na isang guro na may angking kagalingan sa maraming isports at unti-unting nagiging aktibo sa mga kompetisyon, sa loob at labas ng paaralan. Ramdam niya rin ang pagkasabik ng kaniyang puso nang ihandog sa kaniya ang posisyon bilang Coach ng mga manlalaro ng volleyball ng LPSCI, lalo na’t isa ito sa mga unang palaro pagkatapos ng pandemya.

“Siyempre naging excited at masaya nu’ng binigyan ako ng pagkakataon na maging coach para ma-develop at ma-train ang mga players sa volleyball pagkatapos ng pandemic” ani, Delos Santos.

“Hindi lamang sa pampalakasan ng katawan kundi sa kalakasan ng isip”

Bantog ang mataas na paaralang pang-agham ng Las Piñas sa mag-aaral na may maliwanag na katalinuhan ngunit, sa larangan ng pampalakasan, tila’y baluktot ang storya. Kung kaya’t ikinatuwa ni Coach Delos Santos ang paggamit ng mga atletang Lapisyano sa kanilang matalas na kokote sa kanilang mga laro laban sa isa sa mga pampublikong paaralan ng Las Piñas.

Balakid ay wawasakin.

Sa likod ng kanilang pagkapanalo, mistulang nagpakawala ng matulin na ispayk ang mga atleta sa mga hamong dinaranas nang magawang mag ensayo para sa nararating ng Cluster Meet at ipinamalas ang pagiging masunurin sa kabila ng higpit ng oras sa pageensayo, mga gawaing pang-akademiko, at ang “no disruption of classes” policy na mahigpit na ipinatutupad ng dibisyon.

Ngiti sa taas ng net.

Palagi-laging ipinapabatid sa pagrepresenta ng paaralan at ng cluster ang pagtatapos sa istorya ng mga manlalaro, nakatatak na sa isip ni Coach Delos Santos ang kanilang gitgitang laban sa Semis at iyon lamang ang nais niya sa mga manlalaro, ang magpamalas ng isang magandang laban at magpanatili ng dangal sa pagkaranas ng pagkatalo. Bagaman bigo na maihatid ang panalo sa Cluster meet, naiukit na ng coach sa mga Lapisyano na hindi siya naghahangad na sungkitin ang panalo dahil sa kakulangan at dami ng hadlang sa kanilang paghahanda. Bagkus, nung sila ay nakakamit ng isang panalo, abot-taingang tuwa ang nakapinta sa mga mukha ng mga batang balebolista.

Pagbubukas ng kurtina sa bagong duluhan.

Ang kanilang pagkabigo ay nagsisilbing paalala sa mga naghahangad na atletang Lapisyano na hindi lamang ang kagalingan sa pang-akademiko ang handog ng paaralan. Kundi mga guro, tulad na lamang ni Coach Ariel Delos Santos, na pabagsakin ang paniniwala na ang mga Lapisyano ay mayroong pangbrusko sa larangan ng isports sa halip na talas lamang ng isip.

This article is from: