1 minute read

KRISIS SA EDUKASYON

Next Article
PARA SA GINTO

PARA SA GINTO

Kakulangan sa gamit, kalidad ng edukasyon kailangang tutukan – UNESCO

Nilatag ni United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) Foundation Chief Researcher Dr. Reynalyn Marcia, sa kanyang diskusyon sa International Forum for Educators, ang mga pangunahing isyung pang-edukasyon sa bansa na kinakailangan ng pagsisiyasat at agarang solusyon nitong ika-25 ng Enero sa SM Mall of Asia.

Advertisement

Kabilang sa listahan ang lumalalang kalidad ng edukasyon, kakulangan sa gusali, libro, at gamit, mababang sweldo ng mga guro, bilingual policy, mismatch, at globalisasyon.

Nanguna sa tala ang lumulubha umanong kalidad ng edukasyon sa bansa na maiuugnay sa maliit na pondo ng gobyerno para rito, ayon sa mga pag-aaral.

Tinuturo rin nito bilang sanhi ang mababang kalidad ng kaguruan, pasilidad, laboratory, aklatan, at kapaligiran.

Samantala, tinalakay din ang kapansin-pansing kakapusan sa klasrum at mga aklat sa mga paaralan matapos pumalo sa 4% ang inaakyat ng enrolment rate sa elementarya kada taon mula taong 1960.

Ayon sa tala, aabot sa 40,000 ang kulang na silidaralan, habang maraming paaralan na ang nagpapatupad ng two-shift operations upang mapunan ito.

“Hassle talaga siya actually. Napipilitan kaming gumawa ng mga activities, trainings, at klase kung saan-saan lang,” hayag ni Richard Respeto, mag-aaral ng CAA National High School na nakararanas din ng two-shift operations.

Sa kabilang banda, mas nakababahala aniya ang suplay ng aklat makaraang maitala ang 10:1 pupil-textbook ratio sa mga mababang pampublikong paaralan.

Binunyag din ang talamak na ulat ng korapsyon kaugnay ng paglalabas ng suplay ng libro at pagpapatayo ng mga gusaling pampaaralan.

“This situation handicaps the teaching staff in their work,” saad sa sipi.

Karagdagan, nababagabag naman ang UNESCO sa mababang sweldo nga mga guro, dagdag pa sa labis na trabahong ipinapataw sa kanila.

“Dapat lamang na itaas ang sweldo ng mga guro. Underpaid sila, overworked, ang dami nilang ginagawa, tapos yung sweldo nila kulang pa sa isang buwan,” ani Regel Aggabao, mag-aaral ng Las Piñas City. National Science High School.

This article is from: