1 minute read

69% ng Batch 2024 nagpatala sa ACAD1

Next Article
PARA SA GINTO

PARA SA GINTO

Sumali ang 69% ng mga mag-aaral sa ika-11 baitang ng Las Piñas City National Science High School (LPCNSHS) sa ACAD1 Review Center bilang paghahanda sa UPCAT sa darating na Hunyo.

Advertisement

Matapos ang dalawang taong pagpapaliban ng UPCAT, matatandaang inanunsyo ng University of the Philippines (UP) ang pagbabalik nito para sa taong panuruang 2023-2024.

Inaasahan umano ng mga mag-aaral ng Batch 2024 ang madugong pagsusulit kaya’t labis na lamang ang kanilang preparasyon para rito.

“Diagnostic test pa lang sa ACAD1 sobrang hirap na, paano pa kaya sa aktwal na entrance exam? Panigurado kakabahan pa ako niyan,” wika ng isang mag-aaral na nagpatala sa ACAD1.

Higit na nakatulong din daw sa mga mag-aaral ang pagpapahintulot ng Division Office ng Las Piñas na sa paaralan mismo ganapin ang rebyu. “Bawas sa iniisip” kung kanilang ilarawan.

Samantala, ginhawa naman sa mga magulang ang kaloob na diskwento sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan.

“Naging malaking tulong talaga na sa school siya ganapin kasi bukod sa binigyan kami ng discount, bawas na rin sa pamasahe at pagod kung sakaling sa Maynila pa gaganapin,” dagdag pa ng mag-aaral na ito.

Bilang pagtatapos ng rebyu, ginanap ang mock test noong ika-6 ng Mayo kung saan sinuri ang antas ng mga estudyante ng LPCNSHS kumpara sa ibang mag-aaral na nagpatala sa ACAD1.

Nangibabaw rito si Takao Dollente ng 11 - Altruistic na nakapagtala ng kabuuang net score na 139.5, kung saan inungusan niya ang 99% ng mga magaaral mula sa iba’t ibang Science High School sa bansa.

69%

This article is from: