5 minute read
MAKALIPAS ANG TATLONG TAON
K-10 solusyon ng DepEd sa ‘congested’ na K-12 program
We are set to release the final draft of our K to 10 curriculum guides for interested stakeholders so we get feedback from them.” Ito ang binitawang pahayag ni Undersecretary for Curriculum and Teaching Gina Gonong noong ika-13 ng Abril nang kanyang kumpirmahin ang plano ng Department of Education (DepEd) na ipatupad ang K-10 curriculum sa susunod na taon upang paangatin ang antas ng edukasyon sa ating bansa.
Advertisement
Agad na inilabas ng DepEd ang draft ukol sa pagpapatupad nito nang matuklasan sa kanilang pag-aaral ang mga suliraning kinahaharap ng ating bansa sa ilalim ng kasalukuyang K-12 program.
Awiting 70’s, OPM bida sa muling pagkabuhay ng BOTB
Matapos ang mahigit tatlong taong pagkaudlot, ibinalik ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod ng Las Pinas ang Battle of the Bands (BOTB) noong ika-23 ng Pebrero sa Villar Gymnasium na pinamunuan ng SSG at MAPEH Club.
Bahagi na ng tradisyon ng paaralan ang taunang pagdaraos ng BOTB upang maipamalas ng mga Lapisyano ang kanilang galing sa pag-awit at pagtugtog.
Para sa taong ito, limang banda ang nagtagisan sa Junior High at tatlo naman sa Senior High kung saan bawat banda ang mga awiting OPM at 70’s na kanilang napili. Tampok sa kanilang tugtugan
Karamihan sa mga tumutgtog ay mga baguhan, kabilang na ang mga grupong Valenines, Contented at Asterismo mula sa Junior High.
Nangingibabaw sa kanila ang bandang Marahuyo sa pagtatanghal ng kantang ‘Huling Sayaw’ ng Kamikazee at Awitin Mo at Isasayaw Ko’ ng VST & Company dahilan upang masilat nila ang mga parangal na Best Vocalist at Best Lead
Guitarist.
Sinundan sila ng mga bandang Kalbo and Hairs at ng Asterismo na nakakuha naman ng ikalawa at ikatlong puwesto.
Sa kabilang banda, hindi naman nagpadaig ang mga bandang Hollow Blocks at EPI na binubuo ng mga kilala at batikang manunugtog ng LPCNSHS sa Senior High Level.
Ngunit naghari pa rin sa kanilang antas ang bandang 100 meters na nagbulsa ng samu’t saring parangal kabilang na ang unang pwesto at ng mga special awards na Best Keyboardist, Best Drummer at Best Vocalist sa kanilang bersyon ng mga awiting ‘Umaasa’ ng Calein at ‘Bonggahan’ ng Sampaguita.
Samantala, nagpakitang gilas din sa kanilang pampasiglang bilang ang pangkat na Hello VI — binubuo ng mga mananayaw ng ika-sampung baitang — na naghari naman sa Dance Competition na naunang idinaos ng MAPEH Club.
Bilang pangwakas, nagpasiklab din ng galing ang Coro Lapisciano Choir Director na si G. Larry Byl Cuenca, kasama ang mga hurado ng programa na sina Alvin Arevalo ng Piranha Philippines, John De Zuñiga ng bandang Reggae Mistress, at Alex Quebral na dating bahagi ng mga bandang Taipan at Sangre Blues Revival.
Lumitaw sa kanilang pag-aaral ang ideyang i-decongest ang K-12 dahil sa mataas na bilang ng Most Essential Learning Competencies (MELCs) o ang mga aralin na kinakailangang maituro ng mga guro sa bawat taong panuruan.
Bilang tugon, iminungkahi ng kagawaran na bawasan at rebisahin ang pagkakasunod-sunod ng mga paksa. upang matiyak ang mabisang paglalahad ng mga aralin at masigurong angkop ito sa kailangang matutunan ng bawat baitang.
“We will recalibrate iyong ating curriculum. Kasi nakita natin na congested… so pwede talagang magbawas tayo ng competencies para po mapagtuunan talaga natin at mabigyan natin ng panahon iyong core subjects,” saad ni spokesperson Atty. Michael Poa sa isang mensahe.
Pagrerepaso sa Kurikulum
Kabilang sa mga pagbabago na nakasaad sa inilabas nilang draft ay ang padaragdag ng mga kontrobersyal na paksa sa kurikulum ng iba’t baitang sa Araling Panlipunan. Tampok rito ang pag-aaral sa human rights violations tulad ng red-tagging, trolling, at extrajudicial killings, gayundin ang sigalot sa West Philippine Sea na kasama sa kurikulum ng ikasampung baitang.
Kasama rin sa kurikulum ng ikasampung baitang ang pagdaragdag ng gender related topics tulad ng same sex marriage at same sex unions.
JEROME LEE CAPONPON
Iginawad ng Department of Education - National Capital Region (DepEd NCR) ang parangal para sa TALA Project ng Las Piñas City National Science High School - Senior High School (LPCNSHS - SHS) nitong Enero 25 sa Manila Hotel matapos makamit ng paaralan ang ‘zero drop-out rate’ sa taong panuruang 2021-2022 Tinanggap ng paaralan ang parangal sa pangunguna ni Gng. Leonora Lustre, dating punongguro ng LPCNSHS, katuwang si Bb. Aprilyn G. Miranda, Guidance Advocate ng SHS.
Ang proyektong Systemized Action to Lessen Drop-Out Thru Holistic Observation, Monitoring and Evaluation 2.0 (SALO-HOME 2.0) ay inilunsad ng paaralan upang mapanatili ang kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral habang walang naiiwan na Lapisyano sa gitna ng pandemya.
Dahil dito, hindi kinayang patumbahin ng pandemya ang mga Lapisyano matapos walang magdrop-out sa nasabing paaralan sa nakalipas na dalawang taon.
Gayunpaman, hindi maiiwasan na may mga suliraning tumambad sa mga mag-aaral sa gitna ng pandemya tulad ng paglobo ng kaso ng mental health na naging pangunahing rason kung bakit dumami ang bilang ng Learners at Risk (LARs) sa magkasunod na taon.
Hindi ito ginawang hadlang ng paaralan matapos maglunsad ang SHS Guidance Office ng mga programa sa ilalim ng SALO-HOME 2.0 gaya Online Kumustahan, Home Visitations, at paggamit ng DepEd TV upang masiguro na walang mag-aaral ang mapagiiwanan.
“Ang encouragement ay nagpaplay ng role sa motivation ng isang bata. Connected ito sa selfefficacy which means naniniwala sila na kaya nila. That is why encouragement plays a vital role para ang tao, mamomotivate na magpursigi sa sariili niya at mapataas ang kaniyang adversity quotient as a human being,” ani Bb. Miranda.
Samantala, binabalak naman suungin ni Bb. Miranda ang pagsulong ng kaniyang bagong adbokasiya na Project Refer kung saan handa ang SHS Guidance Office na magrekomenda ng mga propesyonal sa mga mag-aaral na kinakailangan ng tulong hinggil sa mental health.
Talon Dos VAW Desk nakiisa sa GAD Seminar
Nakibahagi bilang speaker ang kinatawan ng Violence Against Women Desk (VAW) ng Barangay Talon Dos na si PMSg Romina Cruz Casangkapan sa isinagawang Gender and Development (GAD) Seminar for Students ng Las Piñas City National Science High School (LPCNSHS) na ginanap sa LPCNSHS Auditorium noong ika-24 ng Abril.
Nakasaad sa Memorandum Circular No. 2011-01 na kinakailangang isagawa ng bawat paaralan ang GAD bawat taon upang patuloy na mapalaganap ang kamalayan ng mga mag-aaral, magulang, at mga guro sa mga karapatan at isyung may kinalaman sa Gender Equality.
Linahukan ang naturang programa ng mga pangulo ng bawat pangkat mula Junior High School (JHS) hanggang Senior High School (SHS) kasama ang mga pangulo ng bawat organisasyon sa LPCNSHS.
Tinalakay ni Cruz ang Anti-Bastos Law o ang Safe Spaces Act kung saan ibinahagi niya ang legal na depinisyon nito pati na ang mga parusang maaaring harapin ng sino mang lalabag dito.
Ang “Anti-Bastos Law” o RA 11313 ay isang batas na naglalayong paigtingin ang personal space at public safety ng bawat indibidwal mula sa banta ng lumolobong kaso ng “gender-based sexual harassment” sa mga pampublikong
Karagdagan, isunusulong din ng DepEd ang pagtuturo ng sexual at reproductive health mula sa ikaapat na baitang pati na rin ang pagtatanggal ng Mother Tongue bilang subject na umani ng samu’t saring reaksyon. Samantala, wala masyadong pagbabago at patuloy pa rin ang isinagawang review para sa Senior High School. Kaugnay nito, magugunitang naunang ihain ni dating Pangulo at Deputy Speaker Gloria MacapagalArroyo ang House Bill 7893, o ang K+10+2 Bill na naglalayong putulin sa Grade 10 ang mandatory education at gawin na lamang karagdagang requirement ang dalawang taon sa Senior High School para sa mga nais kumuha ng professional degree sa mga unibersidad.
Introspektibo
Ni Andrea Tancinco
lugar.
Karagdagan, namahagi rin si Cruz ng mga flyers upang magsilbing karagdagang mapagkukunan ng impormasyon ng mga kalahok.
Naging matagumpay ang pagdaraos ng programa sa pamamagitan ng pagtutulungan ng GAD Technical Working Group sa pamumuno ng Supreme Student Government (SSG), kasama ang mga GAD Heads na sina Gng. Dureza Dancal mula sa JHS at G. Rizaldy Medina sa SHS. Samantala, nauna nang magkaroon ng GAD Seminar ang LPCNSHS para sa Persons with Disability (PWD) at Senior Citizens, pati na sa mga magulang bilang bahagi ng Memorandum Circular No. 2011-01.