5 minute read
Lubid ng Balidasyon
Noon pa man, hindi na maiaalis sa bandera ng bawat mag-aaral ng mga paaralang pang-agham sa Pilipinas ang kanilang labis na dedikasyon sa pag-aaral. Hindi alintana ang puyat, gutom, kahit nga ang minsang pagkakasakit dahil sa paningin ng iba sa kanila, higit na mayroong importansya ang mataas na markang makukuha sa bawat asignatura. Bunga rin ito ng matayog na pagtingin +- kanila ng kapwa nila mag-aaral, guro at iba pang taong umaasa sa kanilang kakayahan. Mahirap man isipin at mabigat man sa damdaming tanggapin, ganito ang reyalidad ng ilang estudyanteng nasa mga prestihiyosong ‘science high school.’
Matutukoy ang ganitong uri ng karanasan ng mga mag-aaral bilang manipestasyon ng ‘academic validation’ at presyon o ‘pressure’ na nararamdaman nila sa kanilang pag-aaral. Ang ‘academic validation’ ay isang karanasan kung saan ang mga estudyante ay nakahahanap ng matinding kasiyahan sa mahusay na pagganap nila sa paaralan. Tila ba ang kanilang mga marka ay nakatali sa kanilang pagkatao at halaga bilang mga pag-asa ng bayan. Karamihan sa mga nakararanas nito ay takot na pumalpak o biguin ang eskpektasyon ng mga tao sa kanilang paligid dahil sa animo’y etiketa ng kahusayang nakakabit sa kanilang pagkakakilanlan.
Advertisement
Karaniwang naoobserbahan ito sa mga pangagham na paaralan dahil sa mas mahigpit na kurikulum na ipinapatupad dito at dahil sa mas mapaghamong mga takdang ipinagagawa sa mga mag-aaral. Para sa karamihan, nakaugat ang pag-udyok ng ‘academic validation’ sa itinakdang tunguhin ng mga estudyanteng pantayan ang galing ng isang perpektong bata na siyang nagpapanatili ng walang kadungis-dungis na reputasyon bilang isang mamamayan. Ngunit sa totoo lang, mayroon nga ba talagang “perpektong mag-aaral?”
Sa perspektibo ng ilang mag-aaral sa Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Las Piñas, naibahagi nilang namumutawi ang ‘academic validation’ sa tuwing nararanasan nila ang labis na pangangailangang makiayon sa kanilang kapaligiran. Lumilitaw ang pakiramdam na oo, may kamalayan ang lahat na hindi kompetisyon ang pinupunto ng kanilang araw-araw na pagpasok sa silid-aralan, ngunit lumilitaw din kasi ang pangamba sa kanilang kalooban na kung hindi nila mapantayan ang kanilang mga kamag-aral, mag-iiba ang pagtrato sa kanila ng ibang tao.
Para bang pinipilit ang bawat isa na makisabay sa alon ng karagatang tinutumbok ng nakasisindak na bagyo. Matapos ang pagpalya ng mga mag-aaral na makisabay sa along ito, mapapaisip na lamang sila na maaari ngang
Salindiwa
Ni SOPHIA DENIELLA MABANSAG
Nilimitahang Pangarap sa Pamamahayag
Hindi pa nakalilipas ang dalawang buwan nang ilabas ng Kagawaran ng Edukasyon ang opisyal na memorandum para sa 2023 National Schools Press Conference na nakatakdang ganapin sa darating na Hulyo 17 hanggang 21. Sa pagpapalawig ng naturang memorandum, halos buong bansa ang nagulantang lalo na ang mga pampaaralang mamamahayag gayundin ang kani-kanilang ‘school paper advisers.’ Kapansin-pansin kasing nalimitahan ang bilang ng mga kalahok na maaaring kumatawan sa bawat rehiyon sa bansa, bagay na malaki ang kaibahan kung ikukumpara sa mga nagdaang NSPC noong mga nakaraang taon. Marami ang nadismaya dahil tila napatid ang pagnanasa ng maraming batang mamamahayag na makarating sa naturang prestihiyosong kompetisyon ng pamamahayag sa Pilipinas. Nalimitahan din tuloy ang kakayahan ng ibang maipakita sa pambansang antas ang kanilang pagkadalubhasa sa pagsulat at paghayag ng katotohanan.
Bilang bahagi ng lupon ng patnugutan ng aming pampaaralang pahayagan, labis akong nalungkot nang malaman na isa na lamang ang tatanggapin mula sa bawat rehiyon upang kumatawan sa NSPC 2023. Ito ay kalungkutang hindi para sa aking sarili kundi para sa mga kapwa ko mamamahayag na alam kong may malaking potensyal at matinding pagnanasa na makarating sa ibang probinsiya at buong pusong katawanin ang kanilang dibisyo’t rehiyon.
Tiyak na maraming pagnanasa, pag-asa at pangarap ang napigilan dahil sa naturang pagbabago sa pamantayan.
Kung susuriin, bago pa maudlot ang pagsasagawa ng
NSPC dahil sa pandemya, umaabot pa sa tatlong kinatawan sa bawat rehiyon para sa indibidwal na kategorya ang ipinapadala sa naturang paligsahan upang lumahok. Iba na ito sa isinasaad sa kalalabas lang na DepEd Memorandum
No. 024, s. 2023 kung saan isang kalahok na lamang mula sa bawat rehiyon ang pahihintulutang makasali. Maoobserbahan nagkaroon sila ng pagkukulang. Ang mahirap pa rito’y mas pinaprayoridad ng mga estudyante ng ‘science high schools’ ang kanilang titulo bilang ‘science high students’ para lamang sa pagsang-ayon at papuri ng kanilang mga guro’t magulang.
Tunay ngang ang ‘academic validation’ na pinagdadaanan ng ilang mga kabataan ay nagiging susi nila upang mas lalong pag-igihan ang pag-aaral dahil sa pagturing nila rito bilang epektibong ‘academic motivator.’ Ito ang tumutulak sa bawat mag-aaral na makisangkot sa mabuti at makabuluhang kompetisyon na umiiral sa silid-aralan. Gayunpaman, hindi dapat ito maging sanhi ng mababang pagtingin ng mga estudyante sa kanilang sarili sa oras na hindi umayon sa kanilang inaasahan ang mga numerong lilitaw sa ‘report card.’
Hindi kailanman masusukat ng kahit anong numero o titulo ang halaga at tunay na adhika ng isang mag-aaral ding mula sa sampu ay lima na lamang sa ‘school paper category’ mula sa bawat rehiyon ang maisasali sa NSPC.
Huwag ikumpara ang sarili sa kapwa magaaral! Bawat estudyante ay may kanya-kanyang larangan ng kadalubhasaan na hindi laging naisasalamin sa mga markang nakikita ng mga mata. Magtiwala sana ang mga kabataan lalo na ang mga ‘science high student’ sa kanilang kahusayan at sa katotohanang sapat sila, sapat ang ginawa nila at sapat ang kakayahang taglay nila. Higit sa lahat, huwag dumepende sa prinsipyo na nagsasabing ang kinabukasan ay nakabatay sa mga papuri at gradong natatamasa sa paaralan.
Hindi kaakibat ng pagiging mag-aaral ng paaralang pang-agham ang pagiging perpekto. Ano pa ang silbi ng pagpasok sa paaralan kung ang mag-aaral ay hindi na rin naman masidlan pa ng kahit anong kaalaman ukol sa mundo? Pakatandaan na hindi kailanman masusukat ng kahit anong numero o titulo ang halaga at tunay na adhika ng isang mag-aaral. Kaya bilang mga estudyante, walang dahilan upang hayaang masakal ang sarili sa lubid na nakapulupot lamang sa paniniwalang sinasalamin ng pagkakakilanlan ng indibidwal ang kanyang mga markang pang-akademiko.
Hindi man natin gustuhin ngunit naidudulot ng pagbabagong ito ang pag-udyok sa mga mamamahayag na tratuhin bilang purong kompetisyon na lamang ang naturang kaganapan.
Hindi maikakaila na dahil nga mas naging mahigpit ang Kagawaran ng Edukasyon sa pamimili ng mga kalahok, tataas din ang posibilidad na higit na maging mapag kompetensya ang mga ‘campus journalist.’
Iyon ang bagay na alam kong ayaw na ayaw naman nating mangyari dahil hindi iyon ang pangunahing layunin ng pagsasagawa ng ‘schools press conference’ sa Pilipinas simula’t sapul pa lamang. Isinasagawa ang nasabing pangyayari upang mahubog ang kabataan na gamitin ang kanilang kalayaan sa pamamahayag na nakaangkla rin sa Republic Act 7079 o ang “Campus Journalism Act of 1991.” Hindi naman talaga ito para sa kompetisyon o anumang karera sa ranggo ng pamamahayag. Ito ay upang masigurado rin na ang bawat mag-aaral sa bansa ay maturuang gamitin ang kanilang kalayaan sa pagkilatis ng pampublikong impormasyon.
Nawa’y sa mga susunod na pag-organisa ng mga ‘schools press conference,’ higit na maging maagap at patas ang Kagawaran ng Edukasyon sa pamantayang kanilang inilalabas. Repasuhin ang mga alituntunin ukol dito at siguraduhin sanang hindi magiging mahigpit na paligsahan ang magiging imahe ng ‘schools press conference’ para sa mga kabataan. Kung kinakailangang paulit-ulit na balikan ang tunay na saysay kung bakit ginagawa ang nasabing kaganapan taon-taon, bakit hindi isagawa kung para rin naman ito sa kapakanan ng mga pampaaralang mamamahayag sa bansa?
Kahit lamang sa pamamaraang ito ay maiparamdam sana sa mga ‘campus journalist’ na kayang kaya nilang maipakita sa pambansang larangan ang kanilang dedikasyon at matayog na pangarap para sa larangan ng pamamahayag.
Siguraduhin sanang hindi magiging mahigpit na paligsahan ang magiging imahe ng ‘schools press conference’ para sa mga kabataan.