12 minute read

Liham sa Patnugot

Next Article
PARA SA GINTO

PARA SA GINTO

Naging usap-usapan kamakailan lang sa Twitter at Facebook ang balita ukol sa posibleng pagbabalik ng sistema ng edukasyon sa makaluma at tradisyonal nitong kurikulum. Ipinanukala raw ito bilang 'K-10+2' kung saan mula kinder hanggang ika-sampung baitang na lamang ang maituturing na "mandatory" na makumpleto ng mga mag-aaral. Matapos nito ay nakadepende na sa kanila kung kanilang ipagpapatuloy ang pag-aaral nang dalawang taon sa 'senior high school' bago tumungtong ng kolehiyo.

Sa totoo lang, magkahalong tuwa at takot ang aking nadama nang nalaman kong may binubuong bagong programa kaugnay ng nakasanayang 'K-12' na para sa iba ay hindi naman ganoon naging matagumpay at epektibong tunay para sa lipunan. Namutawi ang aking tuwa dahil sa wakas ay hindi na sapilitan pa para sa ibang mag-aaral ang pagaaral sa 'senior high school.' Ngunit, nariyan pa rin ang takot. Ito ay ang takot sa posibleng hindi inaasahang pagbabago at pagpalpak ng ipinapanukalang programa. Paano na ang edukasyon sa Pilipinas kung magiging alanganin din ang pagpapatupad ng nasabing bagong panukala?

Advertisement

Tugon ng Patnugot

Salamat sa pagbabahagi mo ng iyong pananaw kaugnay ng usaping ito. Oo, naiintindihan naming nakapagdudulot ng pangamba ang inaasahang pagbabago na naman sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Normal na maramdaman mo ito dahil sa hindi rin kasi sobrang tatag na estado ng ating edukasyon. Gayunpaman, minsan ay kinakailangan ng lahat na tanggapin ang epektong maidudulot ng pagbabago sa isang bagay.

Mas mainam namang magkaroon ng pagbabago kaysa sa hayaan ng gobyernong manatili sa lugmok na sitwasyon ang kalagayan ng edukasyon sa ating bayan. Bigyan din natin ng pagkakataon ang Kagawaran ng Edukasyon na repasuhin ang nakagisnang 'K-12 curriculum' at obserbahan ang maibubunga ng ipinapanukala pa lang na 'K-10+2 curriculum.'

Tapatan

Ni JOSH CHRISTIAN DIAZ

Labas o Loob

Foodpanda, Grab Food at iba pang delivery apps — iilan lamang ito sa mga maaari nating gamitin para bumili ng pagkain nang hindi pumupunta sa aktuwal na mga kainan. Mas naging laganap ito simula ng kasagsagan ng pandemya sapagkat hindi tayo basta-bastang nakalalabas sa ating mga tahanan.

Magmula nang magbalik ang ‘face-to-face classes,’ kadalasang nakikita sa labas ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Las Piñas ang iba’t ibang ‘food delivery riders’ na nag-aabang sa mga estudyante o guro upang kuhain ang kanilang mga biniling pagkain.

Hindi na rin ito kataka-taka sapagkat nakagawian na natin ito. Kung kaya sa tuwing naghahanap tayo ng

Durungawan

Ni ANDREA TANCINCO

Presyo, Kalidad ng mga Produkto sa LPSci Canteen: Sulit Nga Ba?

Madalas ka bang sumingit sa pila sa ating kantina?

Araw-araw na nating gawain ang bumili sa ‘school canteen.’ Sa samot saring pagkain na inihahain doon, meryenda man, tanghalian, o mga inumin ay tiyak na napupuno ng kasiyahan ang ating mga tiyan. Madalas na hinahanap natin sa canteen ay mga pagkain na magpupuno ng ating mga tiyan na sakto pa rin sa ating badyet. Ngunit, masasabi nga ba nating sulit ang mga paninda roon? Alamin natin ang saloobin ng mga Lapiscians!

Mula sa pananaw ng aking mga nakapanayam na Lapiscians na palaging pumupunta sa canteen, ang presyo ng ilang produkto ay hindi abot kaya ng bulsa. Masasabi na may kamahalan ang mga paninda roon. Ayon sa kanila, hindi ito gaanong patas at makatwiran para sa mga estudyante lalo na't marami ang kulang sa badyet at may mga kailangan pang pagkagastusan tulad ng transportasyon. Ayon pa sa kanila ay medyo kaunti ang mga ‘servings’ na nakadadagdag sa problema ng ilang mga mag-aaral sa pagiging ‘overpriced’ nito.

Ni SAMANTHA GRACE BALIAO Kalayaan sa

“Mga mamamahayag”

Sila ang mga taong nasa likod ng paglalathala ng mga balita. Ang isang mamamahayag ay mayroong mapanganib na trabaho. Bakit? Dahil kasabay ng pagbibigay o paglalahad nila ng katotohanan para sa bayan, kanilang buhay ang maaaring kapalit. Totoo rin na sa isang iglap lamang ng paglalahad nila ng maling impormasyon ay kritisismo at pambabatikos na ang kanilang dinaranas.

Sa kasalukuyang panahon, tila hindi pa rin malaya ang pamamahayag at paglalathala ng balita sa Pilipinas. Nariyan ang mga krimen na nangyayari sa mga Pilipinong mamamahayag. Ayon sa tala ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), 197 na mga nagta-trabaho sa midya ang pinatay mula noong taong 1986. Ang pagkamatay nila ay may kaugnayan sa kanilang ginagawang trabaho.

Noon ngang taong 2009 ay 32 mga mamamahayag ang pinatay. Ang krimeng ito ay ang Maguindanao Massacre na tinaguriang “the world’s worst single attack on journalists.” Ayon sa isang artikulong isinapubliko ng Alto Broadcasting System and Chronicle Broadcasting Network (ABS-CBN), kahit mga estudyanteng mamamahayag ay nakatatanggap ng mga pagbabanta mula sa mga mamamayang Pilipino. Isa na nga sa nakaranas na makatanggap ng pagbabanta ay si Polynne Dira, dating editor ng Philippine Collegian, ang opisyal na pahayagan ng University of the Philippines (UP) Diliman. “I’m just at home. What if someone on a motorcycle passed by to shoot at me? I became wary of talking to strangers who look at me for more than 3 seconds. I’ve heard so many incidents of human rights defenders who first received death threats and then were later killed. It’s better to be paranoid rather than dead,” sambit ni Dira.

Mahirap ang trabaho ng isang mamamahayag dahil sa oras na maisapubliko ang isang balitang kanilang inilathala, ang impormasyon ay maikakalat at makakain, una nating naiisip ang mga produktong mabibili sa pamamagitan lamang ng ilang pindot sa ating mga ‘mobile phones.’ Ngunit kung tutuusin, mas nakatutulong sa ating paaralan kung mas tatangkilikin ng mga estudyante ang ating kantina. Dagdag kadahilanan na rin na malapit ito sa atin at nakakukuha ng ‘feedback’ ang ating mga pasilidad sa kanilang serbisyo. maipamamahagi sa bawat mamamayan. Sa usapang mga pambabatikos at pangingialam sa kalayaan ng pamamahayag ay hindi maitatanggi na kung minsan ay nangingialam din ang gobyerno, lalo na kung ang balita ay hindi makabubuti sa imahe nila. Sa kabila nito, sana naman ay hindi makisangkot ang gobyerno at iba pang mga mamamayan sa usaping pamamahayag dahil ang layunin lamang nito ay magbigay o maglahad ng makatotohanang mga impormasyon.

Hindi na bago ang balitang ito sa mga namamahala ng paaralan kaya sila ay patuloy na gumagawa ng aksyon upang mapukaw nila ang mga mata’t tiyan ng mga estudyante.

Pagbabawas ng presyo, pagpapalawak ng menu at pagpapasagot ng sarbey ukol sa mga pagkain na nais ng mga estudyanteng maidagdag — iyan ang ilan sa mga aksyong tinahak ng ating paaralan hinggil sa isyung ito.

Naiintindihan ko ang kagustuhan ng aking mga kapwa mag-aaral na bumili ng pagkain sa labas dahil mas maraming mapagpipilian mula rito at mas masusulit natin ang perang ating ilalabas. Ngunit, ating alalahanin na tayo ay may sariling kantina na maaari nating matulungan kung lilimitahin natin ang pagpapadeliver.

Ikaw, anong pipiliin mo, labas o loob?

Sa kabilang banda, maganda naman ang kalidad ng mga paninda sa canteen. Para sa mga Lapiscians na aking nakausap ay masarap at katakam-takam ang mga pagkain doon. Sari-saring mga pagkain ang ibinebenta kaya hindi nawawalan ng pagpipilian ang mga mag-aaral. Ang mga produkto ay malinis din at hindi mapanganib sa ating kalusugan.

Importante rin na malinang ang "healthy eating habits" sa mga kabataan.

Matapos nating malaman ang pananaw ng mga Lapiscians, masasabing kinakailangan pa ng kaunting pagbabago sa presyo ng mga bilihin sa ‘school canteen.’ Inaasahang mas magiging maunawain sa pagtatakda ng presyo at magiging angkop ito sa badyet ng mga estudyante. Gayundin ay kinakailangan namang panatilihin ang mataas na kalidad ng mga produkto na ibinibenta rito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malusog, masustansya, at abot-kayang pagpipilian sa menu. Makatutulong ito sa mga mag-aaral na kumain nang maayos at upang maiwasan ng mga magulang ang pag-aalala sa kung ano ang kinakain ng kanilang mga anak sa paaralan. At panghuli, importante rin na malinang ang “healthy eating habits” sa mga kabataan sapagkat ang pinakaprayoridad pa rin ay ang kalusugan ng lahat ng mag-aaral.

Mahirap ang trabaho ng isang mamamahayag.

Sana’y maitigil na ang mga karahasang ginagawa sa mga mamamahayag, gaya ng pagpatay at mga pagbabanta. Sa likod ng pagiging matapang nila sa paglalathala at pagsasapubliko ng mga impormasyong naglalaman ng katotohanan ay nakakubli ang kanilang pagkatakot para sa kanilang sariling kapakanan. Nararapat lamang na depensahan ang kalayaan ng mga alagad ng katotohanan! Delikado ang daang tinatahak ng mga mamamahayag, ngunit sa kabila nito ay patuloy silang nagiging matatag upang masiguradong manaig ang katotohanan sa lipunan.

Alpas

na Magsulat para Makapagmulat

Kilala ang Las Piñas City National Science High School (LPCNSHS) bilang tahanan ng mga manunulat. Mula pa noon ay likas na sa mga Lapiscian ang angking galing sa pagsulat, lalo na sa larangan ng pamamahayag. Subalit habang tumatagal ay kaunti na lamang ang nahihimok na sumali at maengganyo upang mamamahayag sa paaralan. Kailangang patuloy ang paghikayat sa mga panibagong henerasyon ng mag-aaral sa paaralan na makapagsulat para magmulat. Nang nagkaroon ng pandemya, pansamantalang naudlot ang pagtawag sa mga kasapi ng mamahayag ng paaralan. Bagaman may mga ‘online workshops,’ ang mga kasapi rito ang mga dati pang miyembro, kung may mga baguhan man, sila naman ay nabibilang sa mga matataas na baitang. Ika-11 baitang ako nang nagsimula akong sumali sa pamamahayag at ngayong pa-gradweyt na ako, nangangamba ako kung may mga panibagong manunulat pa ba ang maeengganyong magsulat sa kabila ng sandamakmak na gawain na ginagawa sa paaralan. Maraming mga Lapiscian ang may angking galing sa pagsulat, subalit kulang naman sila sa ensayo, lalo na ‘yong mga bagong tapak pa lamang sa paaralan. Maganda sana na magsagawa ng workshops para matutukan ang kanilang kasanayan upang makapag-produce ang paaralan ng mga bagong manunulat na papalit sa amin. Subalit salat ang oras upang isagawa ito, kulang ang mga eksperto na makakapagpamahagi ng karanasan at karunungan. Higit sa lahat, malaking kalaban ang mga gawain at responsibilidad na hawak naming mga mga kasapi ng organisasyon.

Kaya naman, naisip ko sanang mahikayat ang mga bata na magsulat sa pamamagitan ng pagpost ng posters sa ‘social media’ ng paaralan. Pwede ring maglaan kami ng oras para bisitahin ang mga silid upang hikayatin silang magsulat at magbahagi ng talento, hindi lamang para sa paaralan, bagkus para isulong ang katotohanan sa lipunan. Dapat ay marami kaming makuhang mga kabataan na imulat sa kagandahan ng ‘campus journalism.’ Sa oras na sila’y mamulat ay tiyak na sila’y gaganahang makisapi sa pagsulong ng pamamahayag sa paaralan. Hindi dapat natin hahayaang mamatay ang diwa ng pamamahayag sa paaralan at maging sa bayan. Naniniwala ako na nagsisimula sa atin ang pagsulong ng katotohanan para makaabot sa bawat mamamayan ng bayan. Biniyayaan tayo ng mata para makita ang kalagayan ng lipunan, boses para iboses ang daing ng sambayanan at puso para patuloy na ipaglaban ang Pilipinas. Kaya’t patuloy nating buhayin ang ‘campus journalism’ sa paaralan at huwag tayong mapagod sa pagpuksa sa mga kasinungalingang ‘toxic’ sa lipunan.

Papel ng Katotohanan. Tinta ng Katapatan.

FRANCHESCA CAMUS

ABEGAIL POLOAN ng Agham

ERIN GUTIERREZ

DWYNE MACKENZIE TATEL

CARLO SABANAL

SERGIO MANUEL BIGLAEN

Sandigan

Ni SAMANTHA GRACE BALIAO

Komprehensibong SexEd, Isulong!

Dahil sa patuloy na pagtaas ng naitatalang bilang ng maagang pagbubuntis at kaso ng nagkakaroon ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) na maaaring magdulot ng Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS) sa Pilipinas, pinag-uusapan ang kompulsaryong pagtuturo ng “comprehensive sexuality education” sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bansa. Ayon sa Department of Health, ang “comprehensive sexuality education” ay naglalayong pahintulutan ang mga mag-aaral sa elementarya hanggang sekondaryang antas na makakuha ng wasto at sapat na impormasyong tutulong sa kanilang maunawaan ang kanilang tungkuling maibsan ang diksriminasyon sa mga kapwa nila nabubuntis sa murang edad at kabilang sa LGBT at ‘indigenous groups.’ Ang mga aralin na ituturo sa comprehensive sexuality education ay papatungkol sa human body & human development, personhood, healthy relationships, sexuality and sexual behaviors, sexual and reproductive health, personal safety, at gender, culture, and human rights.

Marami ang naitatalang bilang ng maagang pagbubuntis at HIV/AIDS dahil sa kakulangan ng impormasyon na naibibigay o naibabahagi sa isang kabataan o mamamayan sa paaralan patungkol sa maagang pagbubuntis at mga maaaring makuhang sakit na may kaugnayan sa ‘reproductive health.’ Sa katunayan, isa sa kada sampung kababaihan na may edad 15-19 ay sinasabing maagang nabuntis. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), 3,739 na mga sanggol ang ipinapanganak kada araw sa Pilipinas.

Balintataw

Ni MARIE ADRIELLA ALDAY

Ang Batas na Maka-Mag-aaral

Halos isang taon na nang tuluyang inilunsad muli ng Department of Education ang ‘face-to-face classes’ sa iba’t ibang unibersidad at paaralan sa bansa. Tila bumalik sa simula at nangangapa ang karamihan sa mga guro at magaaral dahil dito. Sa pangangapang ito ay mapapansin nating nagdulot ito ng iilang kaguluhan na nagbigay ng kakaibang karanasan para sa mga mag-aaral.

Bigyang halimbawa ang pagtambak ng mga gawaing pampaaralan at ang pagbibigay ng mga takda kahit sa katapusan ng linggo. Hindi lamang ang mga mag-aaral ang umapela rito, bagkus pati rin ang mga magulang sapagkat kahit ang mga kasama natin sa tahanan na umaasa sa ating presensiya ay apektado na.

Bilang pagtugon sa nabanggit na suliranin ay ipinanukala ng senado ang Senate Bill No. 1792 o ang "No Homework Act of 2023.” Para bang tinanggalan ng tinik sa dibdib ang mga mag-aaral sa ginhawa dahil mababawasan na rin ang kanilang mga gawain. Isinasaad ng Senate Bill No. 1972 o ng "No Homework Act of 2023" na ang pagbibigay ng takdang aralin tuwing Sabado o Linggo ay ipinagbabawal na. Bagkus, ang pagbibigay na lamang ng mga takdang aralin

Balintataw

Ni MARIE ADRIELLA ALDAY

Hadlang Sa Tagumpay?

Hindi na bago para sa mga Lapiscian ang pagkakaroon ng mga pagtatanghal kada buwan bilang isang pamamaraan ng pagdiriwang ng mga aktibidad sa bawat asignatura sa Las Piñas City National Science High School. At isa sa mga sangkap ng pagkakaroon ng matagumpay na pagtatanghal ay ang puspusang pag-eensayo ng bawat pangkat at baitang. Sa muling pagbabalik ng mga buwanang pagtatanghal matapos itong maihinto dahil sa COVID-19 ay nagbabalik na din ang kagustuhan ng bawat mag-aaral na maging matagumpay ang kanilang mga pagganap sa entablado. Ngunit paano maisasakatuparan ang ninanais nilang ito kung ang natatanging sangkap ay ipinagbabawal? Hindi ba’t isa itong pagputol sa aming mga pagnanais na maibahagi ang aming mga talento at makagawa ng isang memorya bilang isang pangkat?

Kamakailan lamang ay ipinagbabawal na ang mga mag-aaral sa LPSci na magsagawa ng ensayo sa paaralan pagkatapos ng oras ng klase para sa mga itinuturing na ‘school-related performance’. Ikinagulat ito ng mga mag-aaral sapagkat hindi lamang sila nabawasan ng oras upang makapag-ensayo, kundi ay nabawasan rin sila ng

Sa loob ng taong 1960-2020, ang Pilipinas ay nasa ika-69 na puwesto sa ‘birth rates’ sa buong mundo, at ika-14 naman sa kontinenteng Asya. Sa kasalukuyan namang HIV/AIDS Registry of the Philippines, 86 na mga Pilipino na may edad 19 pababa ay may HIV/AIDS. Sinasabing 79 na mga kabataan na may edad 10-19, at pitong kabataan na wala pang 10 taong gulang ay mayroon nang ganitong klase ng sakit.

Maging malakas, matatag at matapang

Dahil sa maagang pagbubuntis at pagkakaroon ng HIV/AIDS, nahihirapan sa pamumuhay ang mga nakararanas nito. Mga panunukso, pang-aapi at pang-aabuso ang kanilang pinapasan. Maraming mga kabataan ang napupunta sa maling landas dahil sa maagang pagbubuntis. Ang ilan sa mga maagang nabubuntis ay napapabayaan ang kanilang mga anak na nagdudulot sa hindi pagtapos ng pag-aaral at pagkakaroon ng problema sa kalusugan ng kanilang mga anak. Ngunit, hindi rin naman nagaganap ang nabanggit sa lahat ng pagkakataon dahil hindi lahat ng mga maagang nabubuntis ay napupunta sa maling landas. Mayroon ding mga maagang nabubuntis na ngayo’y mayroong sapat na kaalaman at kakayahan na palakihin nang maayos ang kanilang mga anak. Tandaan, sa mga sitwasyon gaya ng maagang pagbubuntis at pagkakaroon ng HIV/AIDS, tama at sapat na impormasyon at kakayahan ang kailangan. Huwag ikahiya ang pagkakaroon ng HIV/AIDS. Maging malakas, matatag at matapang.

mula Lunes hanggang Biyernes ang pinahihintulutan. Bilang mag-aaral, isa sa mga maituturing kong hadlang sa pagpapahinga ay ang pagdala ng mga gawaing pampaaralan hanggang sa aking pag-uwi. Hindi lamang ang aking pisikal na abilidad ang napapagod sapagkat napapagod rin ang aking mental na kakayahan upang makapagsagot ng mga gawaing ito.

Iginigiit naman ng mga guro na ito lamang ang kanilang paraan upang masiguro na nananatili sa isipan ng mga mag-aaral ang mga aral na kanilang tinatalakay, ngunit sa tingin ko’y may iba pang paraan upang mapanatili ang aralin sa isipan ng kabataan, katulad na lamang ng panonood ng mga ‘video lessons.’ Karamihan ay sasabihin na tamang pamamahala sa iyong oras ang tanging solusyon upang hindi ka matambakan ng mga gawain, ngunit maipapayo mo pa ba ito sa taong mag-isa lamang sa bahay? Masasabi mo pa ba ito sa batang inaasahan ng pamilya sa mga gawaing pantahanan?

Hindi lang naman sa pag-aaral umiikot ang buhay natin. Mayroon din tayong mga problema na ating inaalala at mga tungkulin pagkauwi sa bahay. Dahil bago tayo maging isang mag-aaral, tayo ay isang anak, kapatid at kaibigan.

Ang pagpapatupad sa polisiyang ito ay isang oportunidad upang bigyan ang bawat mag-aaral mula kinder hanggang senior high school ng pagkakataon na makapagpahinga mula sa nakapipiga ng utak na oras sa paaralan. Ang pagsunod ng bawat paaralan dito ay pagpapatunay na hindi lamang ang edukasyon ng mga magaaral ang kanilang pinahahalagahan, kundi pati na rin ang kanilang kagalingang panlahat.

oportunidad na magkaroon ng maayos na presentasyon at matataas na grado para rito.

May isang hindi kanais-nais na pangyayari sa isang baitang na nagtulak sa mga kaguruan upang ipatupad ang panukalang ito sa buong junior high school ng LPSci. Ngunit, kung ating titingnan ay hindi pa rin makatarungan ang tuluyang pagpapatupad nito sapagkat oras at enerhiya pa rin ng mga mag-aaral ang pinag-uusapan dito. Kadalasan, kaya nagkakaroon ng mga ensayo pagkatapos ng oras ng klase ay dahil sa kakulangan ng oras upang makapag-ensayo sa oras mismo ng klase, dahil iilan lamang ang mga gurong pumapayag na gamitin ang kanilang oras para sa pag-eensayo. At naiintindihan rin naman naming mga mag-aaral na ang mga guro ay may paksang kailangang talakayin ayon sa kanilang mga lesson plan. Gayundin ay para rin naman sa amin ang mga araling kanilang binabahagi araw-araw.

Hindi nga naman na responsibilidad ng mga tauhan ng paaralan ang mga maiiwang mag-aaral na nagsasanay pa sa paaralan matapos ang oras ng klase ngunit, ano ba

This article is from: