8 minute read
LAPISYANO, Ano'ng Say Mo?
Comprehensive Sex Education
“Mahalaga ito upang magkaroon ng malusog at responsableng mga desisyon tungkol sa sexual at reproductive health.”
Advertisement
— Mag-aaral mula sa ika-7 na baitang
“Layunin nitong bigyan ng malay ang kabataan sa tamang pakikipagtalik, panganganak, at ang reproductive health ng isang tao.”
— Mag-aaral mula sa ika-8 na baitang
“Maganda ito dahil mas nagiging ‘aware’ ang mga bata sa kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin.”
— Mag-aaral mula sa ika-9 na baitang
“Malaking tulong ito upang mapababa ang bilang ng ‘teenage pregnancies’ at lumawak ang kaalaman ukol sa reproduksiyon.”
— Mag-aaral mula sa ika-10 na baitang
“Mahalagang magkaroon ng kamalayan at kaalaman ang mga estudyante tungkol sa sekswalidad.”
— Mag-aaral mula sa ika-11 na baitang
“Panahon na upang maging maalam at maging bukas ang mga mag-aaral o sa mga kabataan sa ganitong mga paksa na magagamit at maaapply sa totoong buhay.”
— Mag-aaral mula sa ika-12 na baitang naman ang iilang oras para payagan ang mga mag-aaral sa usaping ito nang makapaghanda para sa nalalapit na mga pagtatanghal?
Ito rin ay resulta ng pagbibigay ng mga gawain na ang pagitan lamang nito sa araw ng presentasyon ay halos iilang araw o linggo lamang. Kailangan ding maintindihan ng mga guro na hindi porket kami ay magaaral ng isang paaralang pang-agham ay kaya na naming ipagkasya sa aming oras ang napakaraming mga gawaing pampaaralan.
Kung inaalala lang naman ng kaguruan ang ating kalagayan ay mas mabuti pang payagan na lamang ang mga mag-aaral na mag-ensayo sa loob ng paaralan nang sa gayo’y maaari nilang matutukan at mabantayan nang husto ang mga mag-aaral sa kanilang paghahanda at maiwasan ang mga hindi kanais-nais na pangyayaring maaaring makaapekto sa kanila at sa kanilang presentasyon.
Tandaan na kaakibat ng pagiging isang mag-aaral ng paaralang pang-agham ang mga extracurricular na mga aktibidad, at hindi ito maisasagawa nang maayos kung hindi makapaghahanda nang husto ang mga kalahok nito. Isa lamang ang pagpapayag na ibigay ang iilang oras sa paaralan upang kami ay makapaghanda at makapag-ensayo sa pamamaraan ng pagsuporta. Nawa’y payagan na muli ang paghahanda at pageensayo sa ‘school premises’ pagkatapos ng oras ng klase para sa mga ‘school-related performance,’ sapagkat sa huli, ang tagumpay ng isang Lapiscian, ay tagumpay rin ng buong LPSci.
Silakbo
Ni ARRYN LEIGH DELOS REYES
Kakulangang
Kailangan
Tugunan
Hindi na panibagong isyu sa Pilipinas ang kakulangan ng sahod ng mga guro. Sa katunayan, noong Abril 3 nitong taon lamang ay nagprotesta muli ang Alliance of Concerned Teachers o ACT sa Department of Education upang mapakinggan ang kanilang mga hinaing sa sobrasobrang trabaho na hindi naman natutumbasan ng kakarampot nilang sahod.
Agarang aksyon ang tunay na kinakailangan ng mga Pilipinong guro nang mawakasan na ang suliraning matagal na nilang kinahaharap. Hindi ito ang nararapat na pagtrato sa mga bayaning humuhubog sa iba't ibang propesyonal.
Hindi mapapantayan ng milyong pasasalamat ang mga sakripisyo ng mga guro para sa ikabubuti ng kanilang mga estudyante. Ayon sa mga gurong aking nakapanayam, matinding pagmamahal sa napiling propesyon ang taglay ng isang guro upang magtagal sa larangang ito. Kung ating ibabase sa deskripsyon ng kanilang trabaho, walong oras lamang ang kanilang kailangang igugugol para sa trabaho. Ngunit, buong araw nila ang nakalaan upang matugunan ng pangangailangan ng kanilang mga itinuturing na anak. Sa sitwasyong ito pa lamang, atin nang nasasaksihan ang dedikasyon na mayroon sila sa pagtuturo.
Tunay na napakalaki ng naiambag at maiaambag pa ng mga guro sa panlipunang Pilipino. Hindi lamang sila nagbibigay ng aral pang-akademiko sa mga mag-aaral, bagkus sila rin ang mga taong humuhubog sa pagkatao ng mga kabataan. Nagiging katuwang din ng pamahalaan ang ating mga guro tuwing eleksyon, isang responsibilidad na hindi naman talaga sakop sa kanilang trabaho ngunit kailangan pa rin nilang tugunan. Karapat-dapat ang mga guro sa mas mataas na pasahod upang matumbasan ang
Bantay
Ni LHYNDELLE ANGELA RAMOS
Silid-aralan
Kulang na Kulang
Isa sa mga naging at nagiging hamon ng ‘education sector’ ay ang kakulangan ng mga silid-aralan. Ngayong taon dito sa LPSci, “na-dissolve” ang ibang mga pangkat sa kadahilanang kulang ng mga silid-aralan. Kaya naman, nagdulot na naman ito ng pagbabago at maraming adjustments.
Tinatayang kulang ng 167,901 na silid-aralan ang bansa ayon sa 2019 National School Building Inventory (NSBI). Matapos talakayin ang 2023 national budget, ibinahagi ni Senator Win Gatchalian na kinakailangan ng bansa ng P420 bilyon para mapunan ang kakulangan sa mga silid-aralan.
Sa ngayon, isa sa mga naging solusyon ng mga paaralan ay ang pagkakaroon ng iskedyul sa paggamit ng silid. Ito ay nangangahulugan na sa isang araw ay hindi lang iisang klase ang gagamit nito. Ito rin ay nangangahulugan na may kahati ang mga mag-aaral sa mga kagamitan na nasa loob ng silid. Ngunit, hindi sapat ang pagkakaroon ng
Durungawan
Ni ANDREA TANCINCO
K-10+2: Plus o Minus Perwisyo
Noon ay halos madaliin ang pagpapatupad ng programang K to 12 kahit hindi pa handa ang lahat ng paaralan sa bansa. Ngayon, maaari na namang baguhin ang kurikulum at ibalik ito sa dati sa pamamagitan ng patakarang “K to 10 Plus Two” na panukala ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Sa programang ito, tinatayang pananatilihin ang apat na taon na pag-aaral sa hayskul habang ang baitang 11 at 12 ay gagawing ‘mandatory’ para lamang sa mga nagnanais na makapag-aral ng kolehiyo. Magkakaroon nga ba ng malaking pagkakaiba ang kasalukuyang K-12 curriculum at ang kumakaway na K-10+2? Madadagdagan ba o mababawasan ang paghihirap sa pag-aaral ng mga estudyante dahil sa bagong panukalang ito?
Ayon sa International Trade Administration, noong taong 2020, ang mga estudyante na nag-aaral sa kolehiyo dito sa bansa ay nasa mahigit tatlong milyon. Dahil marami pa ring mag-aaral sa bansa ang nagnanais na makapag-aral sa mataas na edukasyon, hindi ba’t halos walang ipinagbago ang K to 12 sa bagong programang K to 10 Plus Two dahil kinakailangan pa rin ng mga estudyante na maging SHS graduate para makakuha ng degree sa kolehiyo?
matayog na kahalagahan nila sa ating bayan.
Noon pa man ay hindi na sapat ang sinasahod ng mga guro sa ating bansa, ngunit dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay lalo silang nahihirapang pagkasyahin ito. Ayon sa Philippine Go, ang buwanang pasahod ng isang Teacher 1 o ang “entrylevel position” sa pagiging public school teacher ay PHP 27,000. Nagmimistula lamang itong malaki sa mata ng iba subalit halos hindi natatapos ang mga gastos na kakambal ng pagiging isang guro. Mayroong mga sitwasyon kung saan ang guro mismo ang bumibili ng kagamitang pang-eskwela ng kanilang mga estudyante, isang pangangailangang ang pamahalaan dapat ang nagsusustento.
Ang mga kaguruang Pilipino ang ugat ng bawat propesyong mayroon tayo. Hindi magkakaroon ng pulis, doktor, o piloto kung walang guro ang maghahasa sa kanilang maging magaling sa kanilang larangan. Pero kung iyong mapapansin, nagsitaasan na ang mga sinasahod ng mga ibang manggagawa, ngunit ang mga guro ay nananatiling sumisigaw para sa bagay na matagal na dapat nilang nakamit.
Agarang aksyon ang tunay na kinakailangan ng mga Pilipinong guro.
Nakalulungkot na lamang talagang malaman na para bang nababalewala ang mga paghihirap ng mga gurong humulma sa mga Pilipinong nagpapaunlad sa ating bansa. Habang ang Pilipinas ay patuloy na tumutungo sa progreso, ang ating mga guro ay nananatili sa pagsusumikap para sa kinabukasan ng mahal nating bayan.
Papaabutin pa ba natin ang problemang ito sa puntong mapapagod na ang ating mga guro? Sana ay matutunan nating mga Pilipino na pahalagahan ang mga taong nagbigay ng aral at leksyon na ating dadalhin habang buhay. Huwag tayong matatakot lumaban para sa alam nating nararapat para sa mga gurong nagsisikap at nagsasakripisyo para sa atin!
iskedyul para sa hating classroom. Kapag may nawawalang gamit na naiwan ay mahirap sumisi ng iba, lalo na kung walang ebidensya.
Ang pinakamagandang solusyon ay ang pagpapatayo ng mga ‘annex’ na maglalaman ng mga karagdagang classrooms. Sapagkat, hindi naman natin mapipigilan ang pagdami ng mga estudyante. Hindi man agaran ito ay magandang simulan na upang malutasan ang mga darating pang mga hamon na dulot ng isyung ito sa hinaharap.
Kinakailangan bigyang prayoridad na malutasan ang problemang ito. Sapagkat, isa itong hadlang sa mga mag-aaral na nagsisikap upang maabot ang kanilang mga pangarap. Sa apat na sulok ng isang simpleng silid, maaaring maabot ang tuktok ng tatsulok.
Sa apat na sulok ng isang simpleng silid, maaaring maabot ang tuktok ng tatsulok
Makikita ang hirap ng mga guro, magulang, at mga mag-aaral nang bumagsak ang patakarang K to 12 sa kanilang harapan. Ngayon pa kayang magpapatupad na naman ang gobyerno ng isa pang hanay ng mga komplikadong pagbabago sa sistema ng ating edukasyon. Oo, mayroong posibilidad na mas mapadali nito ang buhay ng mga estudyanteng nais makapagtrabaho agad dahil sa pinaiksing taon ng pag-aaral nang sa gayo’y makapagtatapos at makakukuha sila ng trabaho nang mas maaga. Ngunit, dahil sa daming pagsasaayos na kanilang inihahain ay mas magiging mahirap na makasunod ang mga mamamayan.
Hindi ito laro at nakadepende rito ang estado ng edukasyon
Marapat na pag-aralang muli ang daloy ng magiging programang ito upang tunay na malaman kung mayroon itong bawas o dagdag na pighati. Hindi biro dahil mahabang panahon ang kinakailangang paghahanda para sa sinasabing patakarang ito.
Masisira ang sistema ng ating edukasyon kung magpapatupad ng mga malaking pagbabago agad-agad! Hindi ito laro at nakadepende rito ang estado ng edukasyon ng mga estudyante! Anumang kurikulum ang gamitin, ang kalidad ng edukasyon ang siya pa ring dapat na pangunahing prayoridad ng lahat.
Alpas
Ni JEANINE CIELSEY REVAULA
Edukasyon sa Gitna ng Tag-init
Nitong Mayo, inilunsad ng Department of Education (DepEd) na magpatuloy muna sa ‘blended learning’ habang ang bansa ay nakararanas ng matinding init nang dahil sa El Niño. Magandang adhikain ng ahensya na ipagpatuloy ang pagsulong ng edukasyon kahit sa kalagitnaan ng krisis ng tag-init. Gayunpaman, ang kakulangan ng preparasyon para sa biglaang pagsulong nito ay makahahadlang sa magandang dulot nito sa estado ng edukasyon sa bansa. Mababalitaan na kaliwa’t kanan na kaso ng ‘stroke,’ pagkahimatay at ‘dehydration’ ang nararanasan ng mga tao sa tindi ng init ng panahon, lalo na sa mga kabataan na napasok pa sa paaralan. Binago kasi ng DepEd ang ‘school calendar’ nang dahil sa pandemya kaya’t may pasok ngayong Marso hanggang Mayo na dating buwan ng bakasyon. Kaya naman, hindi maikakaila na marami nga ang nahirapan na magpatuloy sa pag-aaral sapagkat lubha ang init na nararanasan ng bawat isa, lalo na ang mga nasa pampublikong paaralan.
Dagdag pa rito, karamihan sa mga pampublikong paaralan ay kulang sa mga ‘electric fans’ at siksikan pa ang mga mag-aaral sa maliit na silid. Hindi talaga maiiwasan na maapektuhan ng matinding init ang mga mag-aaral kaya’t ito ay makahahadlang sa kanilang pag-aaral.
Mabuti na lamang na naisipan ng DepEd na ilipat muna sa ‘blended learning’ ang sistema ng edukasyon upang makapagpa-ginhawa kahit papaano sa mga guro at magaaral.
Bagaman makatutulong ito upang maiwasan ang kaso ng ‘heat stroke’ at ‘dehydration,’ mahirap pa rin ang biglaang pagpatupad ng ‘blended learning’ sa bansa. Marami pa rin ang nahihirapang makasabay sa ‘online classes’ nang dahil sa kahinaan ng ‘internet connection’ at maging sa kakulangan ng gadgets para rito. Marami rin ang walang ‘personal space’ sa kanilang mga tahanan at may mga responsibilidad na dapat punan. Higit sa lahat, nakapapanghina ang ‘online classes’ nang dahil walang pisikal na interaksyon sa pagitan ng kapwa magaaral at sa kanilang mga guro. Matatandaang marami ang nakaranas ng ‘anxiety’ at iba pang ‘mental health problems’ noong nagpatupad ng ‘online classes’ noong nakaraang pandemic. Sa susunod, upang hindi biglaan ang pagbago ng sistema ng pagsusulong ng edukasyon sa bansa, mainam na pag-isipang mabuti ng DepEd ang hakbangin para sa kapakanan ng lahat, lalo na ng mga guro at mag-aaral. Mainam na maghanda sila ng plano sa tuwing sasapit ang ‘di inaasahang kalamidad upang handa sila kung sakaling magkakaroon ng ‘blended learning.’ Higit sa lahat, ang pag-aaral upang amendahan muli ang school calendar ay kinakailangan upang tiyakin na hindi tatapat sa panahon ng matinding tag-init ang pagpasok ng mga bata sa paaralan. Isipin dapat ng DepEd na dapat maisulong nang wasto at komprehensibo ang edukasyon sa bansa. Kapakanan ng lahat ang dapat nilang isaalang-alang. Hindi nawawala ang pagkatuto at walang makahahadlang sa pagpapatuloy ng edukasyon sa bansa. Ito ay kinakailangan upang makapag-produce pa ng mga panibagong propesyunal at ‘critical thinkers’ para sa ikabubuti ng bayan. Mabuting isulong ng gobyerno ang pagsindi ng determinasyon sa mga estudyante na magpatuloy sa pag-aaral at hindi pilitin silang mag-aral sa gitna ng matinding tag-init.