4 minute read
Ariba! Lakas ngLapisYana Ariba! Lakas ngLapisYana
68.18%. Batay sa aming munting pananaliksik, iyan ang porsyento ng mga kababaihang namumuno sa paaralan at mga organisasyon ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Las Piñas (LPCNSHS).
Matatag ang isang paaralang mayroong maaasahan at matapang na kababaihan, ‘di lamang sila dedikado sa kanilang trabaho at responsibilidad sa paaralan, marahil ginagawa rin nila ang kanilang makakaya para sa mga taong nakapaligid sa kanila. Subalit nakalulungkot na kadalsan ay nalilimutan nila unahin ang kanilang sarili bago ang iba. Hindi man kasama sa grado ng mga mag-aaral ang mga organisasyon, ngunit nagagawa pa rin nila itong pamunuan at pagtuunan ng pansin.
Advertisement
namin si Sophia Deniella Mabansag na kasalukuyang Punong Patnugot ng opisyal na Pahayagang Filipino ng Las Piñas City National Science High School na Ang PAHAM ukol sa nararamdaman niya sa pagiging pinuno ng isang organisasyon. “Na-debunk or na-disregard ko yung belief na akala ko hindi ko kaya mamuno or akala ko hindi ko kayang maglead ng isang malaking organization” sabi ni Sophia. Marami ang matutuklasan mo hindi lamang sa pamamahayag kundi sa mga kwento ng tao at sa mga bagay na nangyayari sa kapaligiran mo dagdag ni Sophia.
Bilang isang pinuno kailangan mong piliin ang makabubuti para sa lahat, ito ang binanggit ni Coleen Galagate na copresident ng organisasyong Ilustrado Book Club.
“Ilustrado was very hard to form, in the start, so dun pa lang I feel like was a big test on how we would look at it” Wika ni Fiona Fuentes, co-president din sa nasabing organisasyon.
Sila ay nagpursige upang maitayo ang Ilustrado na masasabi nilang dahilan ng pagbabago sa kanilang buhay bilang mga mag-aaral. Nagawa nila ang lahat ng ito sa tulong ng tagapayo at mga kinatawan ng kinabibilangang kapisanan. Mula rin sa karanasang ito natutunan nila ayusin ang oras upang mabalanse nila ang pagiging mag-aaral at pinuno ng organisasyon.
Nakausap din namin si Leorisse Leigh Sto Tomas na Pangulo ng Supreme Student Government (SSG) sa LPCNSHS.
“Pinakamagandang natutunan ko is yung kahalagahan ng youth paticipation and ng active participation din natin syempre as citizens” ani niya.
Hindi lamang sya Presidente ng SSG, siya ay Kalihim Tagapagpaganap o Executive Secretary ng Las Pinas Alab Youth Advocates (LAYA). Tulad ng sinabi ni Sophia, nabanggit din ni Leorisse na marami pa rin ang maaaring magbago sa mundong ating
“Hayaan mo ‘yan may sariling mundo ‘yan!” kinagagalawan, mahalaga rin para sa kanya na magkaroon ng ugnayan sa mga taong nakapaligid sa iyo.
“Hindi lang talaga yung mga nasa taas para maka-angat ka, kailangan alam mo kung ano yung nangyayari sa ilalim kasi yun yung way kung pano ka makakuha ng na solutions sa mga problems” sambit ni Leorisse.
Nag-iba ang kanyang perspektibo sa buhay dahil sa edad na 15 taong gulang, aktibo na siya sa mga organisasyong kanyang kinabibilangan. “I know how hard it is to juggle things, kaya mas nagiging empathetic din ako” Wika niya.
“Yung pagiging leader ko sa school, sa bahay, sa mga kapatid ko, sa lahat ng bagay. Iisa lang, kumbaga iisa lang yung nangyayari — yung consistency ng leadership nandodoon parati.” Banggit ni Bb. Ma. Johanna Carvajal na Pangulo ng Faculty Club Officers.
Ang pagiging pinuno ay hindi madali, ngunit hindi ito dapat maging hadlang sa mga kababaihang gustong mamuno. Huwag kang matakot na magkamali, at humindi. Ang isang pinuno ay hindi nangyayari sa isang gabi, ito ay binubuo. Hindi ka rin dapat pinagsisilbihan ng mga kinatawan mo, “pay it forward” diin ni Bb. Johanna.
“Embrace the opportunity, do not say no — say yes to the opportunity and do your best as much as you can to help other people develop and grow” Dagdag niya.
Sa halos 68% kababaihang namumuno sa mga organisasyon at kaguruan ng paaralan, 100% ang binibigay nila para sa ikagaganda ng LPCNSHS. Malayo ang narating natin sa pagpapahalaga ng kakayahan ng mga kababaihan lalo na sa paaralan, ngunit ang pagiging pinuno ay hindi lamang natatapos sa paaralan. Nadadala ito sa pamilya, kaibigan at sa Inang Bayan.
Rafael Quilling Iii
Maraming magandang mapupulot kung ika’y magiging mamamahayag na magaaral. Ay! Pasensiya na. Madalas masyado ang gamit ko sa katagang “ma.” Matagal din tayong nakulong sa’ting mga tahanan ngunit huwag mabahala. Halina’t sa akin ay sumama.
Ibabahagi ko sa’yo ang iba’t ibang “ma” na iyong mapapala matapos maging isang ma? mamamahayag.
Ma? Matututo ka.
Malalaman mo kung paano panindigan ang katotohanan habang iniiwasang kumiling sa kasinungalingan at mga impormasyong walang kasiguraduhan. Sa aming paaralan, ang Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Las Pinas, maaari kang magsulat gamit ng magkaibang istilo katulad ng Balita, Lathalain at Editoryal. Bukod pa rito, puwede mong pagtuunan ng pansin ang mga paksang Isports at Agham. Mayroon pang kategoryang pagwawasto ng balita para sa mga metikuloso sa gramatika at layon ng mga sulatin.
Ma? Marami kang makikilala.
Hindi mawawala ang kolaborasyon sa isang organisasyon. Ayon sa aming gurong nagtapos ng Sikolohiya na si Bb. Aprilyn Miranda, nagkakaroon ng koneksyon, katauhan, inspirasyon at karagdagang kakayahan ang isang binata o dalagang magiging miyembro ng isang organisasyon at kabilang na rito ang mga school paper.
Ma? Magiging masaya ka.
Batay sa isang pananaliksik na naibahagi rin sa modyul ng
Personal Development ng mga nasa ika-11 na baitang, napatunayang mas masaya ang mga kabataang sumasali sa mga organisasyon at mas napalalayo sila sa mga bisyo. Kahit ako, nakararamdam ng katuparan at pagkalugod bilang isang Campus Journalist dahil nakikita ko sa sarili kong marami pa akong kayang gawin bukod sa mag-aral lang. Nabanggit naman ng Department of Health (DOH) sa isang pag-aaral na halos 3.6 milyong Pilipino ang nakaranas ng mental health issues noong 2021 kung kaya’t maaaring makatulong ang mga organisasyon para sa atin.
Ma? Mamahalin mo ang ating Inang Bayan. Maraming magandang mapupulot kung ika’y magiging mamamahayag na mag-aaral at kabilang na rito ang nasyonalismo. Ngayong lumalaganap pa rin ang pekeng impormasyon, kailangan natin ng mga kabataang magtatanggol sa katotohanan ng mga isyung pampaaralan, panglungsod at panlipunan. Matagal tayong nakulong sa’ting mga tahanan kaya halina’t lumabas at kumilos para ipalaganap ang
Akala yata nila ay hindi ko naririnig ang mga sinasabi nila. Nakatutok lamang ang aking atensyon sa binabasa kong magasin habang okupado ang mga tenga ko ng wireless earphones. Mas gugustuhin ko pang huwag na lamang pansinin ang mga tao sa paligid na wala namang ginawa kundi pumuna ng kapwa.