1 minute read

Pagkahumaling sa Taong Papel

Next Article
PARA SA GINTO

PARA SA GINTO

Dumating na ang bagong kasapi sa aking koleksiyon! Ako nga pala si “binder” o ang mistulang nagtitipon-tipon ng mga papel na nakahihiligang kolektahin ng mga K-pop fans – ang ‘photocards.’ Maaaring narinig mo na ang salitang ito mula sa kamakailang palabas ng Kapuso Mo, Jessica Soho kung saan itinampok nila ang isang batang babae na nagngangalang “Bea”, na nagnakaw umano ng mahigit P2 milyon sa kanyang pamilya para makabili ng K-pop merchandise. Naku! Nahatulan tuloy ng maling ideya ang publiko sa halaga at gampanin ng aking koleksiyon. Alam kong hindi madaling unawain ang pagkahumaling sa likod ng mga ‘photocard,’ dahil ito ay karaniwang mukha ng isang idolo sa isang papel.

Maaaring nakabibigla sa isang baguhan, higit pa sa isang taong hindi pamilyar sa mga grupong korean. Mula sa pagkilala sa mga miyembro, pakikinig sa kanilang musika, at pakikinig sa kanilang mga panayam at iba’t ibang palabas – napakaraming dapat malaman! Ngayon, ika’y bibigyan ko ng isang bimder tour upang mas mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa proseso ng hilig kong tunay na nagbibigay kaligayahan sakin.

Advertisement

Sa bawat pahina, iyong masusulyapan ang mga eksklusibong larawan ng aking mga idolo na hindi pa nailalabas sa ibang plataporma. Ang mga ito ay aking nabubunot bilang freebie sa mga album na inilalabas ng mga grupo.

Ala-suwerte ang pagkuha sa mga papel na ito, sapagkat isang diskarte ito upang akitin ang mga tagahanga na bumili ng higit pang mga kopya ng album sa pag-asang makuha ang kanilang paboritong miyembro (ang kanilang “bias”) o para lamang kumpletuhin ang koleksyon.

Sa mga susunod na pahina, bagama’t nagsimula sila bilang isang simpleng pabingwit sa mga album, makikita mo rin ang mga photocard na nakukuha ko sa bawat paglabas ng merchandise. Maging ang mga magasin, DVD, kalendaryo, medyas, at mga bote ng tubig ay may mga photocard bilang kanilang mga freebie ngayon. Sa kabila ng pagtaas ng halaga ng mga papel na ito sa paglipas ng panahon, hindi maisasantabi ang hirap na ginagawa ng mga kolektor para lamang makuha ang kanilang mga gustong photocard. Hindi nakagugulat na karamihan sa mga tagahanga ay pabirong tumawag ng kanilang pangongolekta bilang investment. Ngunit habang ang presyo sa merkado ng mga photocard ay maaaring kakila-kilabot para sa mga hindi tagahanga, ang kasiyahan nadarama ng pagkuha ng iyong kinagagalakang photocard o sa panahong makumpleto ang iyong koleksiyon ay tunay na hindi nabibili ng salapi.

This article is from: