1 minute read

Ngiting Hindi Mapapalitan

Next Article
PARA SA GINTO

PARA SA GINTO

Ang inakalang makahulugang litrato ng pagkakaibigan, ay may tinatagong kasakiman, na dahilan ng pagkapunit nito. May mga yakap, tawa, matatamis na ngiti, tila isang perpektong grupo, ngunit ano nga ba ang kahulugan nito? Ang mga pagkakaibigan ay hindi perpekto, ika nga, maituturing mo rin silang isang pamilya. Sa isang pamilya, ang problema ay hindi kailanman maiiwasan, darating ito at magiging suliranin sa inyong relasyon. Ganoon din sa isang grupo ng magkakaibigan, ang pagsubok ay maaring tumungo sa kaayusan o katapusan. Karaniwan itong nangyayari sa kabataan kung saan may mga sitwasyong nagtatapos ang isang pagkakaibigan sa hindi kaasam-asam na paraan. May mga pagaaral na tumatalakay ukol sa epekto ng hindi magandang pangyayari sa pakikisalamuha mo sa iyong kaibigan o naging kaibigan.

Ayon sa ilang pag-aaral, ang pakikitungo mo ay naiimpluwensyahan ng mga pangyayaring maganda o hindi maganda, halimbawa na ang tunggalian. Ayon kay Ayra Moore, kakulangan sa pag-unawa, komunikasyon, at ang hindi pagtitimpi, ang mga dahilan kung bakit ito nangyayari. Ang mga pagtatalo ay nagmumula sa kakulangan sa pakikinig bagkus, ang interaksyon sa pagitan ng mga tao ay maaaring maging masilumot. Ang komunikasyon ay mahalaga dahil ito ang puno’t dulo ng isang relasyon mo kasama ang mga tao. Ayon kay Dr. Michele Kerulis, ang paglalabas ng saloobin ay hindi madali sapagkat ang isang mabuting komunikasyon ay ang pagbigay ng kalayaan upang maipahayag mo ang iyong mga nararamdaman at pangangailangan. Isa rin itong paraan upang masolusyonan ang isang problema. Sa katunayan, ang hindi pagiging bukas sa mga usapin sa pagkakaibigan ay magiging dahilan lamang ng pagkawakas nito sapagkat ito ay hindi titibay. Sa lipunang kinabibilangan natin, iba-iba ang ating mga pananaw, ngunit hindi ibig sabihin nito ay hindi na tayo maaaring bumuo ng isang relasyon, maayos na komunikasyon lamang ang kinakailangan upang higit na maunawaan ang ating pagkakaiba. Ika nga ng isang Sikolohista, “Communication leads to community, that is, to understanding, intimacy and mutual valuing.” Tulad ng isang litrato, ang isang pagkakaibigan ay minsan nang hindi naging kaaya-aya. Tuwing kulang ito sa wastong pag-alaga, kaayusan nito ay mawawala. Ang punit na litrato, kapag nabuo muli, pareho pa ba ang kahulugan o hindi na matatanggap kailanman?

Advertisement

“Kulang ng piso.” Sambit ng tindera habang binibilang ang perang binayad ko para sa binili kong isda.

Todo halungkat ang aking ginawa simula sa aking pitaka, hanggang sa kalalim-laliman ng aking mga bulsa. Sinubukan ko ring ilaglag ang lahat ng gamit mula sa dala-dala kong supot, makahagilap lamang ng isang baryang pilak upang mapawi ang gutom na nadarama ng aking tiyan.

Sa wakas! May narinig akong tunog ng barya at ako ay napatalon sa tuwa, ngunit agad akong napangiwi nang ito ay nilabas ko. Singkong butas lang pala.

Kung hindi lang nagtuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, buong araw na akong busog sa tulong ng singkong butas pero sa panahon ngayon, ikamamatay mo na kung kulang ng piso ang iyong salapi.

This article is from: