2 minute read
Lungsod ng Dakila’t Dangal
Mutya sa timog ng kamaynilaan, Dala ang angking ganda ng kapaligiran, Gayundin ang ‘kay babait na mamamayan, Sa Las Piñas n’yo lang ‘yan masisilayan.
Kahit sagana sa mga water lilies ang katubigan, Ang pagpuksa sa dami nito ay napipigilan, Ginagawa nila itong mga palamuti tuwing may kasiyahan, Ang mga lokal na tagakuha nito ay naambunan din ng kabu hayan.
Advertisement
At saan pa ba pinakakilala ang Las Piñas?
Aba! Dito lamang matatagpuan ang instrumentong walang kupas.
Bawat tono, melodiya at ritmong hatid nito, Tiyak nakikipagsabayan sa pag-awit ng matatamis na himno.
Wala ng mas hihigit pa sa sinaunang Bamboo Organ, Ito ay kanilang pinagyayabong at inaalagaan, Hinuhubog din nila ang mga natatanging kabataan, Na nagpapamalas ng angking galing sa pagtugtog nito sa simbahan.
Ang maganda pa sa mga Las Piñeros, marunong sila magkusa. Sa paglilinis ng kapaligiran at pagtiyak ng kapayapaan, sila’y nagkakai Mga kapitbahay at kalapit-bayan ay masigla nilang kinakamusta, Matatamis na ngiti at malalakas na tawanan ang nangingib abaw tuwing may pista.
Subalit dito ako natutong maging Makadiyos, Makabansa, Makaka Tanging lungsod na karapatdapat ipagmalaki at pangaralan,
Ang nagpapakatotoo ang pinaka perpektong uri ng tao dahil walang dalisay sa mundo. Sa kasalukuyan, ang maayos ay nagiging kasingkahulugan ng perpekto. Tila kahit saan tayo lumugar, ito ang hinahanap ng mga tao. Kung ‘di man umayon sa ganitong pagbabago, pagtanggi naman ang salamin ng pagsuko.
Sa pagsintang labis sa kapangyariha’t tibay, Gumugulo ang kahulugan ng isang pagkataong tunay. Kung ang katahimikan ay nangangahulugang wala lang, Marahil ang buhay mong perpekto ay katahimikan lamang. Sa simula’t sapul na sumibol ka, ika’y nag-ingay at lumuha. Mangmang pa na kayang ipagkibit-balikat lahat, at ang pagtupad sa kagustuhan mo ay isang biyaya. Paulit-ulit kang nahilig, nalibang, nagsawa, naghanap, nakapili hanggang sa wakas, lumigaya. Sa simpleng regalo, ika’y sandaling nagbago ngunit wala lang ito sa mga tao.
Buksan mo na ang iyong mata’t samahan mo ako kahit na tayo’y nakakulong sa itim na abstratong kawalan.
Mayroon ditong mga salamin na magkatapat sa iyong kaliwa’t kanan, kaya halika, dumaan sa gitna, para mas mapalawig ko pa itong kaisipan.
Hindi mo rito makikita ang iyong repleksyon, tanging mga memorya lang sa buhay ng katapatan. Ipinakikita ng karaniwang salamin sa totoong buhay ang pisikal nating katangian, ngunit bahagi lang iyon ng mas malaking katotohanan.
Kung titignan mo ang iyong sarili sa mga salamin dito, ito ang mundong kaya mong sabayan. Ang katauhan ng pagkilala’t pagkahilig, ang magulong habang buhay na perpekto at sa iyo’y sumasang-ayon.
Hindi ito ang iyong maaabot kung mababaliwala ang sinimulan mo. Ang pagbabago’y laging nariyan ngunit sa iyong pagkilos, ito’y magiging kongkreto. Kapag napatibay mo na ang iyong pundasyon na abutin man ng taon at linggo, Hindi ba masarap sa pakiramdam na minahal mo ang sarili mo?
Sa labas ng isang kawalan na walang kahulugan, tayo lang ang makapupuno ng laman nito.
Sa pagbuo ng iyong pagkatao, nakikihalubilo ka na sa kahit sino. Kahit sa mga mata ng isang maliit na grupong malapit sa’yo, ika’y maayos at totoo.
Dahil hindi mahalaga ang resultang minamadali mo bagkus ang paglalakbay na kalakip ng pagkatuto.
Walang dalisay sa mundo at ito’y isang ‘di matigil-tigil na bisyo kaya pagbabago ang magbibigay depinisyon sa tao.
Hindi natin maaabot ang buhay na perpekto dahil tayo’y may kanya-kanyang interpretasyon sa pagbabago.