3 minute read

SCIENCE KONEK

Next Article
PARA SA GINTO

PARA SA GINTO

Laban kontra Climate Change, binigyang diin sa naganap na Youth Summit

Advertisement

Unity in Sustainability: Environment, Social, and Governance. Ito ang naging sentro ng Youth Summit na isinagawa ng ScienceKonek sa F1 Hotel Manila, Bonifacio Global City, Taguig City noong Pebrero 11, 2023.

Isa ang ‘Ang Paham’, ang opisyal na pahayagang Filipino ng Las Pinas City National Science High School, sa mga napaunlakan bilang maging student media partner ng isinagawang Youth Summit. Katuwang ang iba’t ibang organisasyon, institusyon at mga ahensya ng pamahalaan. Matagumpay na naidaos ang nasabing pagpupulong na nilahukan ng mga Earth Science student leaders at advocates mula sa Luzon, Visayas at Mindanao. Kasama rin sa dumalo ang ilang mga opisyales ng gobyerno,mga kilalang personalidad at marami pang iba. Ilan sa mga tinalakay ay ang mga problemang nararanasan natin partikular na ang isyu ng Climate Change.

Isa ang Carbon emission, resulta ng pagsusunog ng mga fossil fuels tulad ng uling, dahon ng puno, natural gas, oil, at mga kagamitang gawa sa kahoy ang nabigyan ng pokus sa presentasyon ni Miss Earth

2017, Ambassador for the World Wide Fund for Nature Philippines (WWF PH) at Youth Ambassador Bb. Karen Ibasco. Ayon sa kanya, bukod sa mga human activities, malaki ang parte ng Carbon emission sa paglala ng Climate Change. “Fossil fuels are coal, oil, natural gases, and so on, so once you burn them you actually creates so much carbon in the atmosphere and you increase the greenhouse gasses in the atmosphere. That causes so much

Cleanest Classroom Contest, pinasinayaan ng YES-O

Opisyal nang inilunsad ng Youth for Environment in Schools Organization (YES-O), ang proyektong ‘Cleanest Classroom’ sa Las Piñas City National Science High School (LPCNSHS) nitong Marso.

Unang inanunsyo ng organisasyon ang magiging patakaran sa patimpalak noong Marso 14 2023 kung saan kanilang ginawaran ng parangal na “Cleanest Classroom of the Month” ang anim na pangkat mula sa iba’t ibang baitang na nakapag-panatili ng pinaka malinis na silidaralan sa buong buwan ng Marso.

Ilan sa mga pangkat na kinikilala ay ang pangkat Bravery ng ika-pitong baitang, Connection ng ika-walong baitang, Family ng ika-siyam na baitang at pangkat Fortitude para naman sa ika-10 baitang. Samantala, nagwagi rin ang pangkat Altruistic ng ika-11 baitang at Generosity ng ika-12 baitang.

Ayon sa mga kasapi ng nasabing organisasyon, ang buwan ng Marso ay ang simula ng tagsibol o spring season sa maraming bansa. Ito ang nagsisilbing hudyat sa tinatawag na “spring cleaning” kung saan isinasagawa ang masinsinang paglilinis upang makaiwas sa allergies na dala ng mga bagong sibol na halaman at pollens. “As we consider our classrooms as our second home we should start cleaning for the best day-to-day moments in our school year,” saad pa nila.

Napatunayan sa ilang mga pag-aaral na isinagawa sa Canada at U.S. na ang kalinisan sa silid-aralan ay mayroong direktang epekto sa kalusugan at academic performance ng mga mag-aaral.

Sa pahayag ng nasabing organisasyon, layunin ng proyektong ito na hikayatin ang mga mag-aaral na isabuhay ang isa sa tatlong core values ng DepEd–ang pagiging makakalikasan. Bukod pa rito, adhikain din nito na ipagpatuloy ang disiplina sa kalinisan ng bawat pangkat.

Bilang pagpapatuloy sa proyekto, nitong Abril muling kinilala ang mga seksyon na nakapagpanatili ng kalinisan sa kanilang mga silid sa buwan na iyon.

Ginawaran ng “Cleanest Classroom of the Month” award ang pangkat Accountability ng ika-pitong baitang, Connection ng ika-walong baitang, Faith ng ika-siyam na baitang at hindi rin nagpahuli ang pangkat Commitment ng ika-10 baitang.

Inaasahan ng organisasyon na magpapatuloy ang inilunsad na proyekto hanggang sa pagtatapos ng taong panuruan 2022-2023.

Hinihikayat naman ang bawat isa na makilahok upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa lahat ng silid-aralan ng LPCNSHS.

heat to be trapped in the planet,” saad ni Bb. Karen

Ibasco.

Dagdag pa rito, tinalakay din ng

Founder ng Communities Organized for the Resource Allocation (CORA) at United Nations Environment Programme (UNEP) Goodwill Ambassador na si Bb. Antoinette Taus ang mga negatibong epekto ng mga plastic at food waste sa ekonomiya, biodiversity at kalusugan.

“I was so shocked to find out that food waste is actually the third largest greenhouse gas emitter in the world,” wika ni Bb. Antoinette Taus. Sa Pilipinas, tinatayang umaabot sa 1,717 metric tons ng food waste ang nakokolekta bawat araw. Ito ay base sa datos na inilabas ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOSTFNRI).

Bilang tugon sa lumalalang krisis na pangkalikasan, ibinida naman ng mga nabanggit na organisasyon ang ilan sa kanilang mga programa at kampanya na inilunsad upang labanan ang climate change. Isa na rito ay ang “Ayoko na Plastik Movement” ng WWF PH. Layon ng programang ito na limitahan ang paggamit ng mga singleuse plastics.

Bukod pa rito, nagkaroon din ng partnership sa pagitan ng United States Agency for International Development (USAID) at CORA, ito ang “Clean Cities, Blue Ocean” kung saan adhikain nitong tanggalin ang mga plastik sa katubigan lalo na sa mga lugar ng Manila Bay, Philippine Sulu at West Philippine Sea.

“What we can do is to start changing our ways, to start recalibrating our minds and redirecting ourselves because together as a global community our micro efforts will have a macro effect to help save our home and our planet.” pahayag ni Bb. Karen Ibasco.

This article is from: