Pinakaunang search, rescue base sa bansa pinasinayaan ng PCG By Venus L. Garcia
Pinasinayaan ng Philippine Coast Guard ang kauna-unahang search and rescue base sa bansa na itinatag sa tinaguriang world-class tourist destination ng Pilipinas sa General Luna, Siargao Island. Ang 600 square meters at four-storey building ng Coast Guard base sa Siargao ay itinayo sa 5,000-square meter lot na idinonate ng lokal na pamahalaan ng Surigao del Norte sa pamumuno ni Gobernador Francisco
34
| May 29-June 4, 2021
“Lalo” Matugas. Maliban sa watch tower, helipad, at elevated base defense zone, ito ay equipped rin ng automatic identification system o AIS monitoring equipment upang masiguro ang maritime safety. Ayon kay admiral George Ursabia, Jr., commandant ng Philippine Coast Guard, magandang oportunidad anya ito para sa mga skilled na
residente na maging bagong recruit at miyembro ng PCG at makapagbigay serbisyo sa publiko. Dagdag pa ni admiral Ursabia, dalawa o tatlong units ng fast patrol boats ang itatalaga sa PCS Base Siargao para palakasin pa lalo ang maritime law enforcement at disaster management. Ang nasabing bagong imprastaktura ay magsilbi ring Caraga INFOCUS