Mental health at psychosocial support services binigyang importansya sa Agusan del Norte
dahil magkakaroon sila ng makakausap. “You will survive Covid if the support system is strong,” dagdag ni Pagaran.
By Nora C. Lanuza
Isa sa mga tinututukan ngayon ang lokal na pamahalaan ng Agusan del Norte ang pagtugon sa mental health at psychosocial support services sa kanilang mga residente. Isang psychosocial first aid training ang isinagawa ng probinsya upang makatulong sa mga vulnerable sectors, gaya ng mga kababaihan, mga bata at pati na rin mga senior citizens. Naniniwala si Jorge
42
| May 29-June 4, 2021
Vincent G. Pagaran, isang COVID-19 survivor at hepe ng training division ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na mahalagang may mga makakausap at connection ang mga COVID-19 patient sa mga panahong nasa isolation sila. Ang psychological first aid anya ay makatutulong na maibsan ang dinadanas na kalungkutan o depression ng isang tao,
Dahil sa kahalagahan ng mental at psychological support services, ipinasa din ni board member Elizabeth Marie R. Calo ang isang ordinansa upang maging institutional ito sa probinsya. Ayon din kay board member Calo na mahalaga ang mental health ng isang tao kung kaya’t suportado nito ang pagbibigay ng maayos na attention para dito. Ang nasabing psychological first aid training ay dinaluhan ng mga gender and development focal persons ng Agusan del Norte. (NCLM/PIA Agusan del Norte) Caraga INFOCUS