2 minute read
BATANG HANDA
from ANG MAGITING
Cramenians, tinuruan ng proper CPR
A. Garcia 10-Aguinaldo
Advertisement
Itinuro sa mga mag-aaral ng Camp Crame High School (CCHS) ang tamang paraan ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) gamit ang Brayden Adult CPR mannequins na ibinahagi ng Defense Technologies Inc.
Noong Agosto 23, 2022, nagsagawa ang Defense Technologies Inc. ng inisyatibang
Project Safe na nagbigay sa mga mag-aaral ng
CCHS ng pagsasanay sa paggamit ng Basic Life Support (BLS) at Automated External Defibrillator (AED). Ito ay upang mapalawak ang kanilang kaalaman sa pagsagip sa kanilang kapwa.
Layunin ng Defense Technologies Inc. at ng Pilipinas AED na maturuan ang mga mag-aaral kung paano makapagligtas ng buhay gamit ang mga gadyet na ito.
“Ang mission naming ay to empower and also (ma-improve) ‘yung sa skills ng students,” ani Bb. Princess Llorente, kawani ng Defense Technologies Inc.
Ipinaliwanag ng Punong-guro ng paaralan sa isang panayam na si Ginoong Edwin Abengoza, ang pagpapalunsad ng programang ito ay para sa kaligtasan ng nakararami at sa programang ito matutunan ng mga estudyante ang makapagligtas ng buhay ng ibang tao.
“Nilunsad natin ‘yan (Project Safe), dahil para makapag-save tayo ng buhay. Iyong tinuro sa atin, ‘yan ay simple, pamamaraan kung sakasakaling nagkaroon ng isang kasama ninyo sa loob ng paaralan na atakihin o kaya sa isang okasyon naman ay nalunod, very effective ‘yan(Project Safe), para ma-save natin ang buhay ng tao” ika nito.
“CPR is a very basic(procedure), lalonglalo na ‘pag ganitong sitwasyon natin na medyo mainit so hindi natin maiiwasan na, malay natin, ‘no? Along the way or within the campus may atakihin, kailangan ‘yan ng first aid na CPR. So kung lahat ng bata marunong mag-CPR, kumbaga malaking chance sa ‘tin ‘yon to save lives” dagdag nito.
Ayon naman sa mga mag-aaral ng CCHS, ang programang ito ay nakatulong sa kanila at nagsilbing isang mahalagang bagay na maaaring magamit nila sa pagtulong sa ibang tao sa hinaharap.
“Tinulungan ako nito (programang Project Safe) kung paano mag-survive o paano tulungan ‘yung mga kailangan i-cpr dahil importante rin ‘to sa buhay na matutunan dahil kakailanganin mo rin ‘to para sa sarili mo na kung may nangangailangan sa ‘yo, matutulungan mo,” ani Kiell Yap, mag-aaral ng CCHS.
“Kapag nangyari man ‘yon sa isang lugar o sa isang event, p’wede natin siyang (CPR) magamit,” ika ni Jecca Lista, mag-aaral din ng CCHS.
Ayon sa Philippine Heart Association, malaking porsyento ang inaatake sa puso sa labas ng Hospital. Ang pag-aaral kung paano gawin nang tama ang CPR ay makatutulong upang mabigyang tulong ang ibang tao kung mayroong mang mga insidente ang mangyari.
Kasing-init
ng panahon ang usapan tungkol sa panawagan ng mga magulang, mag-aaral at mga guro sa pagbabalik sa nakagawiang school calendar.
Matatandaang pinirmahan ni dating Education Secretary Leonor Briones ang inilabas na DepEd Order No. 012, series of 2021 bilang tugon sa pagbabago ng sistema ng edukasyon dahil sa panahon ng pandemya.
Nagsagawa ng sarbey ang mga mamamahayag ng Ang Magiting sa kanilang pananaw kung dapat bang magpatuloy ang ganitong school calendar matapos ipatulad ng bagong Education Secretary na si Bise Presidente Sara Duterte ang implementasyon ng full face-to face classes na naglalayong matugunan ang learning loss sa mga mag-aaral dulot ng pandemya.
Lumabas sa sarbey na walo sa sampung mag-aaral ang sumasang-ayon na ibalik na ang nakagawiang school calendar upang maiwasan ang mga karamdamang dulot ng mainit na panahon at kahirapan sa pagtuturo sa mga guro.
Ayon kay Angela Lauriano mula 9-Gonzales, “Para sa akin ay oo. Dapat nilang ibalik sa dati nitong buwan na Hunyo hanggang Marso upang maiwasan ang mga panahon na mainit na nagiging dahilan upang maraming estudyante ang nahihimatay at nahihirapan sa loob ng classroom dahil sa init ng panahon.”
“Kung may plano talaga ang DepEd na ibalik sa dati ung school calendar mas okay kasi mainit ‘yung mga buwan ng March hanggang May lalo na kung magtuturo tayo sa Physical Education sa mga mag-aaral,” ani Bb. Gisela Marie Parenas, guro sa asignaturang MAPEH.
Isang panibagong karanasan
Assalamualaikum.