8 minute read

Tree planting, isinakatuparan sa QC

Next Article
Kulis Pinay,

Kulis Pinay,

Angelina Amanda A. Garcia 10-Aguinaldo

Bagong punla, bagong pag-asa.

Advertisement

Bilang tugon sa climate change

MAGULANG KO, KASAMA KO: Ilan sa mga magulang na nakiisa sa programang pangkabuhayan ay natuto sa paggawa ng origami vase na maaring maging bagong simulain ng kanilang negosyo. Kuha ni: Bb. Ronalyn Lopez

Programang Pangkabuhayan, pinalakas

Eira Joedi Baldevarona 9-Gonzales

Matapos ang dalawang taong nahinto ang programang pangkabuhayan ay muling nagbukas ang pinto para sa mga magulang na nais matuto ng pangkabuhayan

Ginanap sa CCHS school quadrangle ang

“Project Pangkabuhayan para sa Pinoy (4P’s)” ni Gng.

Empaynado nitong ika-4 ng Pebrero, 2023. Nakiisa ang mga magulang ng mga mag-aaral na nasa ikapitong baitang at mga miyembro ng 4P’s o pantawid pamilyang Pilipino Program.

Ayon kay Gng. Gng. Rowena Empaynado guro sa Technology and Livelihood Education at nangangasiwa sa nasabing program na may layong matulungan at matugunan ang pangangailangan ng mga magulang para matulungan silang makabuo ng sarili nilang negosyo.

Nang magbukas ang klase nagsimula ang proyekto sapaggawa ng “Do It Yourself” o DIY na origami vase at sinundan ng dishwashing liquid.

“Ang programa ay naging masaya at edukasyonal. Natutunan ko rito na gumawa at magbenta ng dishwashing liquid. Natutunan ko rin kung paano ang estratehiya sa pagbebenta at kung paano magbudget para sa mga sangkap na kakailanganin. ayon ka Gng Lyduena Juance, isa sa mga nakiisa sa nasabing programa.

Ang programang ito ayon kay Gng. Juance ay hindi lamang nakatulong sa kanya, kundi sa magulang din na wala masiyadong pinagkakaabalahan.

Suportado ng punong-guro at mga guro ang nasabing gawain at Inaasahan na magpapatuloy ang programang ito, ang susunod na gawain ay paggawa ng polvoron o kaya paggawa ng banana bread.

SULONG CRAMENIANS: CCHS, kinilala ng RC PHINMA

Stephen Rhey Todoc 10-Magsaysay nakiisa ang mga kaguruan ng Camp Crame High School (CCHS), sa tree planting na ginanap sa La Mesa Dam, Quezon City kung saan mayroong 150 na mga boluntaryo mula sa iba’t-ibang mga lugar at paaralan Ang mga gurong miyembro ng Faculty Club ay sina G. Erwin Taguinod, Presidente ng Faculty Club; G. Christopher Frades, Bise Presidente ng Faculty Club; at Gng. Irene Bitancor na Sekretarya ng Faculty Club, at ilang mga mag-aaral ng CCHS ay nakibahagi sa tagumpay nang pagtatanim ng 2,300 punla.

Tinanggap nina Gng. Arlene Tusing at Gng. Chita Mejia bilang kinatawan ng mga guro ng Camp Crame High School ang pagkilala Republican College PHINMA Education bilang “Top 60 Partner Schools, noong ika-7 ng Oktubre 2022.

Ayon kay Gng. Tusing, “ Bilang guidance advocate, malaki ang tulong nito dahil nagiging kasama tayo sa kanilang mga programa at activities tulad ng seminar. Ang pagkilala na ito ay makakatulong para mapatatag pa ang ating partnership sa kanila.

Ang pagkakaroon ng ugnayan ng CCHS at PHINMA Education ay naging daan para magtulugan ang ilang pangangailangan ng paaralan dahil sa kanilang mga donasyon tulad ng hygiene kits.

Nagiging tagapagsalita rin ang kanilang mga kaguruan sa mga seminar tulad ng career guidance.

Paliwanag ni Gng. Bitancor, ang dahilan ng pagpunta niya sa programang ito ay dahil sa pagmamahal niya sa kalikasan at para matulungan na rin ito “Gusto ko kasi ‘yung mga nature tripping tapos isang paraan na rin ‘yon para makatulong sa ating kalikasan,” ika nito Kanya ring ipinaliwanag na ang programang ito ay may malaking tulong sa kalikasan at nakatutulong din na makapagbigay alam sa mga tao tungkol sa estado ng ating tinitirhang kalikasan ngayon. Dagdag niya pa na mahalagang ipagbigay alam sa ibang mga tao ang kahalagahan ng ating kalikasan upang mapabuti pa ang pagligtas natin sa ating kapaligiran. Ang programang ito ay inihandog ng Million Trees Foundation Inc. para sa “Earth Day” nitong ika-22 ng Abril, 2023.

Ito rin ay isinakatuparan upang mabuksan ang isipan ng mamamayan tungkol sa kalagayan ng ating mundong ating ginagalawan partikular ang climate change. Ang kanilang misyon ay makapagtanim ng 10 milyong puno hanggang taong 2030.

Ika naman ni G. Erwin Taguinod, napawi rin ang lahat ng pagod at paghihirap nila upang makapagtanim ng maraming puno sapagkat natupad ang kanilang hangarin na makatulong sa kalikasan.

Kabilang ang mga miyembro ng Supreme Student Government sa nasabing tree planting bilang bahagi ng kanilang adbokasiya sa pagtulong sa kalikasan.

Ayon kay Nathalie Britania, Presidente ng SSG, nakatulong ito upang magkaroon ng kaalaman tungkol sa pagtatanim sa gulayan sa paaralan.

ISANG PUNLA SA PAGBABAGO: Kaiisa ang mga guro (mula sa kaliwa Gng. Irene Joy Bitancor at G. Erwin Taguino) ng Camp Crame High School sa patulong upang labanan ng climate change sa tulongng Tree planting sa pangunguna ng Milli Trees Foundation Inc.

Kuha ni: Gng. Arlene Tusing

SULONG TUNGO

SA PAGKAKAISA:

Malugod na tinanggap ni Gng. Chita B. Mejia, (pangalawa mula kaliwa) ang tropeyo ng pagkilala bilang Top 60 Partner School ng

PHINMA Education.

Kuha ni: Gng. Arlene

Tusing

“Isang malaking pribilehiyo na magkaroon ng scholarship. Maganda na nagbibigay ng voucher ang Department of Education (DepEd) pagkatapos mong grumaduate sa isang pampublikong paaralan. Laking pasasalamat sa pagkakataon na ito, na nagbibigay inspirasyon na mas mag-aral nang mabuti,” pahayag ni Annessa Zamora ng 10-Aguinaldo.

Sa pagkakaroon ng ugnayan na ito ay makatutulong para sa mga mag-aaral lalo na sa nasa ikasampung baitang para sa kanilang senior high school.

Ang PHINMA Education ay nagsimulan noong 2004 sa Araullo University sa Nueva Ecija at nagpatuloy na maabot ang iba pang paaralan tulad sa PHINMA Cagayan de Oro College, PHINMA University of Pangasinan, PHINMA University of Iloilo, Southwestern University PHINMA in Cebu City, PHINMA Saint Jude College in Manila, PHINMA Republican College in Quezon City, PHINMA Rizal College of Laguna, and PHINMA Union College of Laguna.

Freedom of Speech, suportado ng Cramenians

Neil Mathew P. De Vera 9-Roco

Kalayaang makapagpahayag at magbigay ng impormasyon ay sinusuportahan ng Cramenians.

Bilang kinatawan ng mga estudyante, binigyan oportunidad ng Camp Crame High School - Supreme Student Government (CCHS-SSG) na ipahayag ang mga saloobin ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng Project UNO na ngangahulugang UNA sa pakikinig NG mga OPINYON at saloobin ng mga cramenians.

Layunin ng proyekto na matulungan ang paaralan na matukoy ang mga suliranin na kinasasangkutan ng mga magaaral.

Sa pamamagitan ng Project UNO, binibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na maiparating sa mga opisyales ng grupo ang anumang iregularidad na nakikita at napapansin sa paligid ng paaralan o mga gawaing nakakaapekto sa kanilang pag-aaral..

“Gusto ko na maipahayag ng bawat estudyante ang kanilang mga opinyon at saloobin tungkol sa kanilang mga na obserbahan sa loob at labas ng paaralan” ani Denzelle Rome Salvador na opisyal ng pampublikong impormasyon ng CCHS-SSG.

Sinisigurado ng pangkat na magiging pribado at sagrado ang mga liham ng mga estudyante. at agarang bibigyan aksyon ang mga mag-aaral na nagpaparating ng sumbomh sakanilang mga guro at masosolusyunan ang mga problema ng paaralan.

“We encourage the CRAMEnians na lahat ng nakikita nilang lumalabag sa handbook is idrop sa “Project UNO and this also serves as freebox box that what ever concern na meron sa school they can freely and without hesitation” ani Bb. Ronalyn A. Lopez, tagapayo ng CCHS-SSG ukol sa pagpapalawak ng kalayaan sa paglalahad ng opinyon ag saloobin ng mga mag-aaral ng Crame.

Batch ‘76, nagpatayo ng palikuran

Janessa Tucyap 10-Aguinaldo

Oncea Cramenias, always a Cramenians.

Matagumpay na naitayo ang bagong tatlong palikuran na donasyon ng Batch 1976.

Ang pondo para sa pagtatayo ng mga bagong palikuran sa paaralan ay ipinagkaoob ng mga alumnus na kabilang sa Batch ‘76.

Ang donasyong banyo ng Batch 76 ay nagsilbing napakalaking pakinabang para sa ating paaralan sapagkat limitado lamang ang mga pasilidad ng banyo na nagagamit dito.

Labis na pasasalamat naman ang ibinigay ng punongguro, G. Edwin M. Abengoza at ni Gng. Librada Q. Simon sa mga alumnus na nagpatayo ng palikuran.

Ayon kay G. Abengoza, dahil sa mga bagong palikuran na ito, nagkaroon ng sapat na palikuran para sa mga mag-aaral.

“Maraming salamat sa kanila, ilang estudyante mayoon ang Camp Crame, around less than 600? Ang ratio ng bata sa CR is 50:1, kung 600 tayo dapat 12 ang mayroon,” saad ng punong-guro.

Ani ni G. Abengoza, malaking tulong ang alumni association ng paaralan sa pagtugon sa pangangailangan ng paaralan.

“Masaya (kami) kasi dahil hindi na kami or ako mahihirapan kapag kailangan pumunta sa palikuran. Ngayon mas komportable na at mas marami na kaya maiiwasan ang pagpila o paghihintay ng matagal” ani Lanie Camacho, mag-aaral ng CCHS.

“Natutuwa ako talaga. I’m so happy na kahit wala na sila rito, still, ‘yung puso nila nasa atin pa rin,” ika naman ni Gng. Librada Q. Simon, DalubguroI at ang tagapag-ugnay ng CCHS alumni association.

Pinaalalahan naman ang lahat na panatilihing malinis, maayos at iwasan ang vandalism.

Ang nasabing palikuran ang kabilang nasa sa mga pasilidad na tinignan ng Department of Education Wash in School Monitoring na buwanang bumibisita sa mga paaralan sa lungsod ng Quezon.

Kalinisan, kaayos ng daloy ng tubig at mga kagamitan tulad ng ilaw, lababo at gripo.

Nangako ang ilang mag-aaral na magiging responsable sa pagpapanatili ng kalinisan at pangangalaga ng bagong palikuran.

Inaasahan na magiging modelo sila ng mga susunod na henerasyon.

BAGONG PAG-ASA, TUNGO SA KAAYUSAN: Pormal ng ini ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, ang pagtatalaga kay Police Major General Benjamin C. Acorda Jr bilang bagong PNP Chief, bahagi ng kanyang mga plano ang pagpapaunlad ng nasabing ahensya at hangad ng CCHS na tagumpay ng kanyang panunungkulan.

Kuha mula sa Google.com

Rosales, nagbahagi sa Big Talk ng BayLayn 2023

Yassen M. Usman 9-Roco

Pinangunahan nina Elijah Felice Rosales mula Philippine STAR at Wilmor Pacay III ang talakayang isinagawa sa programang Big Talk ng pagbubukas na seremonya ng BayLayn 2023.

Si Rosales ang naunang nagbahagi ng talakayan. Sinimulan niya ito sa katanungang “should we trust the news?” (dapat ba nating pagkatiwalaan ang balita?) at sinunod ang kung ano ang journalism o pamamahayag.

Kanyang ipinadiinan na ang lahat ng pagpapahayag ay komunikasyon, ngunit hindi lahat ng komunikasyon ay pagpapahayag. Ibinahagi niya rin kung paano mailalagay sa balita ang kamatayan ng isang tao. Tatlo ang kanyang ibinigay, pagpapakabayani, politikal at katangahang dahilan ng kasawian.

Inilunsad niya rin ang ideyang tawagin ang publikasyon na ginagawa ng mga mag-aaral na mamamahayag na student publication (publikasyon ng mga mag-aaral) imbes na school publication (publikasyon ng paaralan).

Isinunod niya ang pangkalahatang-ideya, pagmamay-ari, iba’t ibang uri ng midya, at relasyon ng midya’t simbahan, at midya’t estado.

Ang trust at distrust rating naman ang kanyang sinunod na tinalakay.

Ipinakita nito na 27% lamang ng mga Pilipino ang may tiwala sa midya sa pagaaral noong 2022.

Sumunod naman ang pagmamay-ari. Kanyang ipinakita na ang midya na kumontrol sa 58% ng merkado noong 2016, ABS-CBN na pinamumunuan ng Lopez family. Ikalawa, ang GMA Network na hawak ng Gozon-Jimenez-Duavit Family at ang midya na nakapagpatuloy pa rin ng operasyon sa gitna ng Martial Law.

Naririto ang iba pang naibahagi: Philippine Star ni Manuel V. Pangilinan na 50% ang shares, 20% naman sa Belmonte family na unang nagmay-ari nito; Inquirer na hawak ng Rufino-Prieto sa 60% shares nito at si MVP na 13% ang shares; Net25 ng Iglesia Ni Cristo (INC); at ang mga midya na hawak ng gobyerno o ng Presidential Communications Office.

Napag-usapan din ang isa sa mga progresibong site na nagbabalita, ang Bulatlat.com na itinayo noong 2001. Sa huli kanyang pinagdiinan na ang isang mamamahayag ay may pinapanigan, ang katotohanan, ngunit balanse sa pagbabalita.

Tumatak naman ang kasabihang kanyang ibinahagi, “it requires a kilometric process to publish a story” (kinakailangan ng kilometrong proseso ang pag-uulat ng balita) sa mga kabataang mamamahayag na nakikinig.

Ang 2023 na edisyon ng Para Sa Bayan at Lasalyano (BayLayn) ay ang nagsilbing pagbabalik nito. Ito ay isang inter-high school workshop at kompetisyon na pinamamahalaan ng Pahayagang Plaridel ng Pamantasang De La Salle. Ginanap ang BayLayn 2023 noong ika-25 ng Marso 2023.

Sa huli, nagwagi ang isa sa mga pambato ng Camp Crame High School na si Yassen M. Usman sa kategoryang Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita kung saan itinanghal siya sa ikatlong pwesto.

This article is from: