15 minute read
BALITANG larawan
from ANG MAGITING
BALITANG MAY LALIM
Ibang-iba na po ‘yung mundo na ginagalawan ng mga kabataan ngayonAraullo
Advertisement
Cybercrime, bullying, tinalakay
Angelina Amanda A. Garcia 10-Aguinaldo
Ayon sa datos na inulat ng Pilipino Star Ngayon noong Pebrero na mahigit sa 17.5 milyon na mga estudyante ang nakakaranas ng pambu-bully sa kanilang mga eskwelahan.
Isa ito sa mainit na pinag-uusapan ng mga kawani ng edukasyon dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng bullying sa paaralan. Binigyang-pansin ng Department of Education Assistant Secretary Dexter Galban ang datos na 11,000 ang naulat na kaso nito noong taong 2020 pa lamang at inaasahan an marami pa ang hindi naiuulat.
Pagpasok ng taong 2023 halos 28 milyong mag-aaral ang nasa loob ng pampublikong paaralan at lalo pang tumataas ang bilang ng kaso nito. At lumabas sa kanilang pag-aaral na 6.03% ay dulot ng cyberbullying.
Kasama ang mga piling mag-aaral ng Camp Crame High School sa pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng Philippine National Police - Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ay nagsulong sila ng seminar na may temang “Keeping Cyberspace Safe and Secure for Children.” noong ika-29, ng Mayo.
Kabilang si G. Atom Araullo sa mga tagapagsalita ng program ani niya “Ibang-iba na po ‘yung mundo na ginagalawan ng mga kabataan ngayon, sa mundong ito, may iba na pong impluwensya sa paghubog ng kanilang pagkatao. Sa isang banda, maswerte sila dahil maraming kabutihang naidulot at inidudulot ng internet. Halimbawa na lang napakabilis na at napakadali makakuha ng impormasyon at makapag-research gamit ang internet. Kaya nagbubukas ito ng napakaraming mga bagong mga kalidad para sa
#TATAKCramenias
mga kabataan,”.
Malaki ang tulong sa pag-aaral ng social media dahil madaling makakuha ng impormasyon. Dagdag pa ni Araullo, “Pero sa kabilang banda, pinagkukunan din ito ng mga bagong panganib na hindi naranasan ng mas nakatatandang henerasyon at sa lalong pagsulong ng teknolohiya, palaki rin nang palaki ang hango sa ating lahat na panatilihin silang ligtas.”
Sunod niyang ipinaliwanag ang mga panganib na dala ng internet tulad na lamang ng cyberbullying, scam, at marami pang iba.
Ayon sa kanya, nais niyang mapanatili ang kaligtasan para sa kanyang mga pamangkin habang sila’y gumagamit ng teknolohiya.
“Bilang isang tito, madalas ko itong iniisip, syempre iniisip ko ang mga pamangkin ko. Nandiyan ang cyberbullying, mga scam, at iba pa,” paliwanag nito.
Hindi lahat ng implikasyon ng ng bullying ay makikita sa pisikal, paalala ng Ateneo School of Medicine and Public Health maaring ito ay emosyonal kung saan makakaramdam ng pagkabilisa, sikolohikal ang pagkakaroon ng depresyon, seikomatic ito ay ang hindi mabaha ang pagtulog at higit sa lahat sa akademiko partikular ang hindi madalas na pagpasok o kaya pagbaba ng marka.
Mamamahayag ng CCHS, namayagpag sa PressCon
Yassen M. Usman 9-Roco
Namayapag ang mga manunulat ng Camp Crame High School sa iba’t ibang Press Con sa buong Pilipinas.
Ginanap sa Eugenio M. Lopez Jr. Center for Media Arts
Senior High School ang CDIV Press Con na may temang”Campus Journalism: Locally Responsive, Globally Engaged” noong Ika-10 ng Disyembre 2023. kung saan hinirang na pinakamahusay sa pagsulat ng Agham si Stephen Rhey D. Todoc, ikalawang pwesto sa Editorial Writing si Jillian Trinity B. Fiesta, at ikatlong pwesto sa Pagsulat ng Editoryal si Neil Mathew P. De Vera, sa ikaapat na pwesto si Eira Joedi R. Baldevarona sa Pagsulat ng Agham, ikaapat na pwesto rin para kay Jaivee Andrei G. Daverao sa Copyreading & Headline writing, at ikaanim naman sa Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita si Yassen M. Usman. Tatlo naman ang nakakuha ng ika-sampung pwesto: Jeremi Bandiola sa Pagsulat ng Balitang Isports, Aubrey Mapili sa Editorial Cartooning, at Eidjanelle Saudagar sa Kartun Bilang paghahanda sa Division Press Con ay dumalo ang mga mamamahayag ng The Valiant at Ang Magiting ng CCHS sa UP Elevate 11 na may temang “Press and Polarities: Media in the Midst of Political Divisiness” na sa unang pagkakataon ay matagumpay na nasungkit ni Yassen M. Usman ang ikatlong pwesto sa Mobile Journalism Filipino na may paksa na Pananaw ng mga estudyante ukol sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Naging puspusan ang paghahanda ng mga mamahayag ng
The Valiant at Ang Magiting ng CCHS para sa Division Press Con sa San Francisco High School sa tatlong magkakasunod na sabado mula sa Ika-18 at 25 ng Pebrero hanggaang ika-apat ng Marso 2023. Tinanghal sa ika-limang pwesto sa Pagwawasto at Paguulo ng Balita si Yassen M. Usman at sa ika-pitong pwesto sa Column Writing si Avryll Jhaica P. Caldamo.
Sa unang pagkakataon ay nasubukan ng mga mamahayag ng ating paaralan ang sumali sa kompetisyon na isinakatuparan ng University of the Philippines Diliman na itinatawag na “Elevate 11”, sa patimpalak na ito, nagwagi si Yassen Usman sa ikalawang pwesto sa Mobile Journalism Filipino na may paksa na “Pananaw ng mga estudyante sa pagtaas ng mga bilihin”.
Isang panibagong karanasan naman para sa mga mamamahayag ang kanilang pakikilahok sa PUP Radio Conference na sinalihan ng iba’t-ibang paaralan sa Pilipinas, dalawang grupo ng mga mamahayag ang nagtanghal ng kanilang mga talento sa broadcasting at podcast mula sa CCHS “Isang karangalan na maparangalan ng mga competitions na sinasalihan namin, lahat ng pinaghirapan ko nagkakaroon ng magandang outcome kaya napakalaki ng pasasalamat ko sa mga kapuwa ko journalist at adviser.na laging nakasuporta sakin.” ani Usman.
QC, Housing Project para sa mga guro
Lanie P. Camacho 10-Aguinaldo
Nagkaroon ng seremonya ng groundbreaking isang housing project para sa mga guro na Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte kasama si Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary
Sara Duterte Layunin ng Quezon City Mayor Joy Belmonte kasama si Vice President Sara Duterte na mabigyan ng magandang oportunidad para sa mga masisipag na guro kahit non-teaching personnel sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ay magkakaroon din ng pagkakataong maka-avail ng mga house units.
HALIGI NG EDUKASYON: Pinagtibay nina Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte at Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagpapasimula ng pabahay para sa mga guto ng QC Kuha mula sa Facebook ng QC Government.
“Lubos na nagsusumikap ang pamahalaang lungsod ng Quezon na mabigyan ng katiyakan sa paninirahan ang ating mga minamahal na mamamayan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng isang progresibong programang bahay na magkakaloob sa bawat residente ng pantay pantay na oportunidad na magkaroon ng tirahan”, sabi ni Belmonte.
Malaking benepisyo ang natanggap ng maraming kaguruan sa lungsod ng Quezon dahil nagbigyan sila ng oportunidad magkaroon ng bahay na malapit sa kanilang pinagtatrabahuan at hindi na nila kailangan isipin ang mga bayarin o renta sa kanilang tinutuluyan.
Dumalo si G. Erwin M. Taguinod sa groundbreaking ng proyektong pabahay.
“Ang ganitong programa ni Mayor Joy Belmonte ay importante sa amin mga guro dahil sa wakas ‘di na kami mahihirapan pa na maghanap ng bahay na malapit sa aming trabaho na presyong abot kaya.” ani niya.
Ang mga nakakuha ang ng bahay sa proyektong ito ay mga guro na kwalipikadong residente ng Quezon City, sila’y nagpasa ng mga personal na mga dokumento upang magkaroon ng bahay sa isinagawang proyekto. Ipinatayo ng proyektong ito ang isang 12-storey at walong 5-storey residential buildings sa Holy Spirit Quezon City.
Nanumpa ang mga bagong opisyales ng Camp Crame High School - Supreme Student Government (CCHSSSG). “For the longest time, I see the SSG as a working body lang ng mga teachers, I never see them initiating for their fellow Cramenians, kaya ang goal ko talaga, magkaroon ng student leaders ang CCHS that will represent their group, their vision, creativity, talent and love as youth,” ani ng kanilang tagapayo, Bb. Ronalyn Lopez.
Bilang paggunita sa buwan ng kababaihan, handog ng Mary Kay sa mga guro ng Camp Crame High School ang “pampering.” Ginamitan ang mga guro ng mga produkto ng Mary Kay tulad ng lotions, kolorete, moisturizers, at iba pa. Laking pasasalamat naman ng mga guro sa kanilang serbisyong natanggap sa pangunguna Retired Col Celedonia P. Jabel.
Pormal ng nagkaroon ng kasundan ang Camp Crame High School Bikers Club at West Crame cycling Group sa pamamagitan ng pagpirma ng isang Memorandum of Understanding.
K+10+2: Bagong alternatibo nga ba tungo sa reyalidad?
Editoryal
Sa kasalukuyan 12 na taon ang ginugugol ng mga mag-aaral bago pa man makapasok sa kolehiyo, ngunit sa paglipas ng panahon tila ba’y napapansin ng mga mamamayan na isa itong pasakit para sa mga estudyante at maging sa mga magulang na nagpapaaral ng kanilang mga anak. Sa bansang 18 porsyento ang saklaw ng kahirapan, kinakailangan pa nga ba talaga ang dalawang taon upang maihanda ang mga estudyante para sa kolehiyo na dapat sana’y sila na ang isa sa mga nakatutulong sa kanilang mga pamilya at may kahandaan na kahit paano upang maiharap ang kanilang mga sarili sa reyalidad ng buhay?
Isinasaad sa House Bill No.7893, na dadaan pa rin ang mga mag-aaral sa kindergarten at sampung taon para sa Basic Education. Sa panibagong panukalang K+10+2 na sinusulong ng dating Presidente na si Gloria Macapagal-Arroyo at kasalukuyang Representative ng Pampanga, isa itong nakikitang solusyon upang mabigyang pansin ang hinaing ng ibang mga mag-aaral at magulang. Naglalayon ang isinusulong na batas na magkaroon ng pagkakataon ang mga estudyante na magdesisyon kung kukuha pa sila ng karagdagang dalawang taon na kilala bilang Senior High School (SHS) alinsunod dito ang layunin na isa sana itong preparasyon upang kanilang mapaghandaan ang kanilang degree na kukunin tungo sa pagiging propesyonal. Sa kabilang banda, kung maipapatupad din ito makikitang parang naibalik lamang ang sistema ng batayang edukasyon sa dating pagkakabuo nito, kung saan ituturing na mga high school graduate ang mga mag-aaral matapos makumpleto ang kindergarten, anim na taon ng elementarya, at apat na taon ng sekondarya samantalang ang Grade 11 at 12 ay kinakailangang kunin na lamang ng mga tiyak na tutuloy sa kolehiyo.
Bagamat sa sitwasyong ito, makikitang maaaring magkaroon na ng pagpipiliian ang mga estudyante sapagkat hindi maitatago ang katotohanang marami pa ring kabataan sa ngayon ang nangangapa sa patuloy na pagsusulong ng kanilang edukasyon tungo sa reyalidad ng buhay na kanilang tatahakin sa hinaharap. Kung matatandaan, ipinangako sa mga mamamayan na noong unang nailunsad ang K-12 program ay magiging handa na ang mga estudyante sa trabaho kapag sila ay nakapagtapos ng SHS, ngunit mula sa isang pag-aaral ng Philippine Business for Education, 14 lamang mula sa 70 na nangungunang kumpanya sa bansa ang tumatanggap ng mga nakapagtapos ng SHS habang pinipili pa rin ng ibang mga kumpanya ang mayroong degree sa kolehiyo. Isa ito sa mga negatibong epektong nagpapakita na hindi ganoong naging epektibo ang K-12 para sa mga mag-aaral na nasa laylayan ng lipunan. Pinapakita lamang nito na pinapatagal lamang ang pag-aaral ngunit walang kasiguraduhan ang mga mag-aaral kung may naghihintay ng trabaho sa kanila. Naglulunsad ng panibagong solusyon upang ito’y malutas, subalit mabibigyang solusyon na nga ba nito ang pinaka ugat ng problema sa larangan ng edukasyon ng bansa?
Kahit ano pa ang pagbabago na pilit nilang gawin ay babalik pa rin ito sa pinaka ugat na suliraning pikit matang binibigyang atensyon ng sangay ng edukasyon at ito ang pagsasaayos ng kasalukuyang kurikulum na parehas na nagbibigay ng bigat sa mga guro at mag-aaral. Nararapat na pagtibayin pa ang pagtuturo ng mga angkop na aralin para sa mga mag-aaral tungo sa kanilang tatahakin na prospesyon sa hinaharap. Sa datos na inilabas ng Department of Education (DepEd) noong taong 2021-2022, ipinakikita na 28.93 porsyento ng mga SHS na estudyante ang pumili sa Technical,
Solusyong tutugon
Vocational, Livelihood (TVL) na track habang lagpas 70 porsyento ang kumuha ng academic track, kaya naman kahit ano pa ang kanilang gawin ay mapipilitan pa rin ang mga estudyante na kumuha ng karagdagang dalawang taon sa pag-aaral ng sekondarya. Para saan pa ito at isinusulong kung mas minumungkahi ng mga kumpanya ang mga nakapagtapos ng kolehiyo subalit minimum wage lamang din ang kanilang mauunang magiging sweldo. Sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies, noong taong 2020, 70 porsyento ng mga nakapagtapos ng SHS ang piniling ipagpatuloy ang kolehiyo upang makakuha ng degree, habang kulang-kulang 20 porsyento naman ang piniling makipagsapalaran na at magtrabaho.
Binigyan man ng pagkakataon magdesisyon ang mga estudyante kung ipagpapatuloy pa nila ang kanilang pag-aaral ay mapipilitan pa rin silang ipasok ang kanilang mga sarili sa kolehiyo dahil sa sistema ng mga kumpanya sa bansa. Kaya’t hindi na rin nakapagtataka kung maraming mga Pilipino ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang makapagtrabaho, dahil sa sariling bansa nila mismo ay hindi tinatanggap ang kanilang estado sa edukasyon. Kahit pa ilang taon ang kanilang ginugugol at halaga na ipinasok para sa edukasyon ay hindi pa rin ito sapat, para masabihan ka ng “Tanggap ka na”.
Maging parte man ito ng kasalukuyang kurikulum ay hindi pa rin magbabago ang pinagdadaaanan ng bawat estudyante sa ilalim ng sistema ng bansa upang makapagtrabaho. Masasabing handa lamang ang isang indibidwal na harapin ang reyalidad pagkatapos ng pag-aaral kung nahasa na ang kanilang mga kakayahan para sa trabahong kanilang pipiliin, ngunit magiging handa lamang sila kung sila’y may sapat na kaalaman na kanilang makakamit lamang kung sila ay kukuha ng karagdagang dalawang taon na may matibay na pundasyong maglalatag sa kanila. Nawa’y magbunga ng isang malinaw na aksyon ang pinaka ugat ng suliraning ito at pag-aralang mabuti bago ipatupad upang makapagtrabaho na mismo ang mga estudyante sa ating sariling bansa. Magkaroon ng buong desisyon ang mga mag-aaral kung saan hindi sila mapipilitan sa kanilang kailangan gawin, at hindi na sila mahihirapan maghanap ng trabaho sa kanilang natapos sa kolehiyo ng dahil sa mga mapiling kumpaniya. Tunay nga na ang pagtatapos ng pag-aaral ay parang isang sinulid na dadaan sa hindi lang isang karayom, ngunit ang pagkakaroon nang maayos na sistema ng edukasyon para sa isang bansa upang mabigyan ng mga opurtunidad ang bawat mag-aaral sa kanilang hinaharap na propesyon kaakibat ang nararapat na sahod ay kapaki-pakinabang upang tumbasan lamang ang mga pawis, luha, at mga pagsasakripisyo na kanilang ibinigay para sa kanilang pag-aaral.
Kung ang manggawa ang nagpapatakbo ng ekonomiya, bakit hindi ito ang pagtuunan ng pansin ng ating pamahalaan?
Isang malaking dagok sa buhay ng bawat mamamayang Pilipino ang kawalang kakayahang makahabol sa mga nagtataasang bilihin ngayon. Sapat pa kaya ang kinikita ng ating mga manggagawa upang mapunan ang kanilang mga pangangailangan sa gitna ng malubhang krisis sa ating ekonomiya.
Paano nga ba maigagapang ng mga mamamayan ang kanilang mga sarili upang maisalba ang ekonomiya na nanganganib nang bumagsak. Sa kasalukuyan umabot na ng 6.6 porsyento ang pangkalahatan implasyon sa bansa. Ito na ang pinakamababang implasyon na naitala simula nitong pumasok ang taong 2023.
Mahabol pa kaya ito ng mga Pilipino? Kung tutuusin ang pinakamababang pasahod sa Metro Manila ay 570 pesos lamang kada araw, sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin sa merkado ay isang bugtong kung lutasin ng mga manggagawa kung paano nila ipagkakasya ang kanilang sahod upang mabuhay ang kani-kanilang sarili at pamilya.
Matapat na pagbabalita, Maasahang mamamahayag na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Kampo Crame General Castadena, Lungsod ng Quezon
Kung ang manggawa ang nagpapatakbo ng ekonomiya, bakit hindi ito ang pagtuunan ng pansin ng ating sistemang pamamahala? Ang ating mga manggagawa ang isa sa mga nagpapatakbo ng ekonomiya, kung wala sila ay mahihirapang umasenso ang bansa, ngunit kung ang pamahalaan mismo ang unti-unting nagpapalugmok sa kanila matitiyak ang mabagal na pag-usad ng bawat mamamayan. Ano pa ang saysay na may mga nakaupo sa kanilang posisyon upang mapatakbo ang ating bayan kung sa ngayon ay wala pa ring ginagawa man lang o nakikitang plano upang ito ay bigyang pansin at solusyon. Sa sitwasyong ito, masasabi na kahit ang mga manggawa’y hindi nagiging prayoridad ng kasalukuyang administrasyon.
Mananatiling dilat na lamang ba kahihintay sa pagtaas ng sahod ang mga Pilipino? Hanggang saan pa kaya aabot ang kanilang paggawa upang kanilang masolusyunan ang suliranin kung may maidudukot pa ba sila sa kanilang mga bulsa para sa mga gastusin sa arawaraw.
Nakikita ba ng mga nakaupo ang paghihirap ng mga nakatindig na mga mamamayan para sa inang bayan. Ang kanilang mga panandalian solusyon ay hindi kailangan ng ekonomiya, ang kailangan nito ang pagkakaroon ng pangmatagalang tutugon sa suliranin maging ang simpatya ng gobyerno para sa mga mamamayan nito.
Buksan ang mga mata at isipan at alamin na ang katugunan para sa suliranin na ito ay ang pagsasaalangalang ng mga aspetong makatutulong sa pagpapaasenso sa bansa. Bigyang pansin ang mga mamamayang nasa ilalim ng lipunan na kung makikita’y ginagapang na lamang ang kanilang sarili upang mabuhay sa gitna ng krisis na ito. Ang pagkakaroon ng malawakan at mabisang solusyon ang tanging sasagot para sa malawakang implasyon.
PAMATNUGAN 2022-2023
Punong Patnugot: Neil Mathew P. De Vera
Katuwang na Patnugot: Angelina Amanda A. Garcia
Patnugot ng Balita: Eira Joedi R. Baldevarona
Patnugot ng Lathalain: Lanie P. Camacho
Patnugot ng Opinyon: Janessa C. Tucyap
Patnugot ng Agham at Teknolohiya: Stephen Rhey D. Todoc
Patnugot ng Isports at Tagakuha ng Larawan: Jeremi Luther D. Bandiola
Tagawasto ng sipi: Yassen M. Usman
Kartunist at Tagaanyo: Eidjanelle T. Saudagar
Mga Manunulat: Jan Lanvin D. Velasco, Julienne Gabrielle Bautista, Princess Angelica F. Marcelo, Avryll P. Caldamo
Tagapayo: Bb. Alexandria M. Castillo
Punongguro: G. Edwin M. Abengoza
Tagamasid Pansangay sa Filipino at Pamamahayagang Pangkampus: Dr. Rodolfo F. De Jesus
Kapakanan sa tag-init
Janessa C. Tucyap 10-Aguinaldo
“Angpagkakaroon ng pag-asa para sa kinabukasan ay isang layunin na hinihubog sa paaralan, pero mahuhubog ba talaga ang mga utak ng mga mag-aaral kung ito’y nagkakasakit dahil sa sitwasyong ito?
Tag-init na naman! Apektado na naman ang mga mag-aaral sa panahon ng tag-init. Ang mga pampublikong paaralan ay hindi para sa ganitong uri ng klima kung saan laging pawis, masakit ang ulo, at maging isa sa nagdudulot nang pagsusuka ng mga guro at mag-aaral. Kaya naman, napagpasiyahan ng Kagawaran ng Edukasyon na bigyang awtoridad ang mga paaralan na itigil ang klase at ibalik muli ito sa birtwal na porma upang maiwasan ang malubhang init sa mga silid-aralan. Ayon sa nilalaman ng DepEd No. 42, S. 2012 sa implementasyon ng Executive Order No. 66, itinatalaga ang mga panuntunan ukol sa kanselasyon o suspensyon ng mga klase at trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan dahil sa mga bagyo, baha, panahon at mga kalamidad.
Marapat na isasaalang-alang ang kalusugan at kapakanan ng mga mag-aaral sa tuwing may ganitong sitwasyon sa bansa upang masigurado na nasa tama silang pangangalaga. Ang ipilit na ipasok ang mga mag-aaral sa tag-init ay isang kahibangan. Kung iisipin, napakaraming mag-aaral ang posibleng mahimatay, sumakit ang ulo, dumugo ang ilong, at magka-heat stroke nang dahil sa tag-init.
Sa datos, hindi pa bumaba ng 35 ang index ng init sa National Capital Region (NCR) mula ika-18 hanggang ika-22 ng Mayo, 2023. Isang palantandaan na kailangan na ng labis na pagiingat mula sa init.
Nasa pamunuan ng paaralan kung ipagpapatuloy pa ba ng mga mag-aaral ang pagpasok o ito’y gagawin na sa birtwal na porma. Ngunit bakit pa ilalagay sa panganib na dala ng tag-init ang mga mag-aaral kung binigyan naman ng Department of Education (DepEd) ng pagkakataon ang mga paaralan? Isa itong pasakit sa mga guro na kahit gustong magturo at mga mag-aaral na gustong matuto ay nasa ganitong namang kalagayan.
Ang kapakanan ng bawat guro at mag-aaral ang dapat na pangunahing isinasaalang-alang ngayon. Paano makapagtatrabaho nang maayos ang mga guro at mabibigyan ng mga kaalaman ang mga bata kung sila mismo ay nasa hindi magandang kalagayan. Ang matututo at malinang ang kaalaman ng mga mag-aaral ay hindi magiging epektibong mangyayari kung hindi sila makapagpokus sa kanilang gawain nang dahil sa sobrang init ng kanilang paligid.
Ang pagkakaroon ng pag-asa para sa kinabukasan ay isang layunin na hinihubog sa paaralan, pero mahuhubog ba talaga ang mga utak ng mga mag-aaral kung ito’y sumasakit dahil sa sitwasyong ito? Paano na ang mga guro at mag-aaral na araw-araw nakikipagsapalaran sa init ng kalsada? Paano na ang mga pangarap ng bawat isa kung ang tanging pinagtutuunan lamang nila ay kung paano nila maiibsan ang init na kanilang nadarama?
Sa bawat mag-aaral na tumatagal sa paaralan sa ganitong uri ng panahon ay nadaragdagan lamang ang mga buhay na nailalagay sa kapahamakan. Kung kaya’t mas mabuti na uminom lagi ng tubig, magpayong, at hindi dapat magtagal sa tuwing lalabas upang maiwasan ang malubhang init at mga sakit na posibleng makuha rito. Ang bawat mag-aaral na nalalagay sa kapahamakan ay isang kinabukasang nalalagas sa bayan.
Edukasyon o Politika “
Itoba ang isa sa mga katangian na dapat na tinataglay ng isang namumuno sa kagawaran ng edukasyon?
Hanggang ngayon may paniniwalang umiikot sa pamahalaan na sa bawat galaw na ginagawa ng mga Pilipino dahil sa gobyerno, bawat boses ng mga mamamayan tungkol sa sistema, palatandaan na agad na sila’y komunista. Ito ba ang isa sa mga katangian na dapat na tinataglay ng isang namumuno sa larangan ng edukasyon?
Noong maitalaga bilang sekretarya ng Kagawaran ng Edukasyon si Bise Presidente Sara Duterte maraming mamamayan ang pinagtakahan ang naturang pangyayari sa kagustuhan ng kasalukuyang Pangulo na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Kung iisipin, napakaraming suliranin na kailangang tutukan at tugunan sa aspetong edukasyon ng bansa. Subalit napakalaking tanong sa isipan ng nakararami ang pagtatalaga sa posiyong mamumuno sa Department of Education (DepEd) si Duterte gayong ang mga nakalipas nitong mga trabaho ay walang kaugnayan sa larangan ng edukasyon sa halip ang tuon niya ay talaga namang sa politika.
Ngayon na siya ay nailuklok bilang Co-Vice Chair ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), matutuunan pa kaya niya ng pansin ang sistema ng edukasyon? 11 bilyon ang halaga na nasa pangangalaga ngayon ng Bise Presidente dahil sa pondong inilaan para sa Office of the Vice President (OVP), DepEd, at NTF-ELCAC na kung tutuusin ay napakalaking perang kinuha mula sa kaban ng bayan.
Napakarami na ang mga problemang kinahaharap ng sektor ng edukasyon na dapat pagtuunan ng pansin at agarang aksyon, ngunit bakit nagawa pa niyang tanggapin ang posisyon sa NTF-ELCAC? Makatutulong ba ito upang solusyunan ang mga pangunahing problema na kinahaharap ng mga kaguruan at mag-aaral tulad na lamang na mapabilis ang mga mababagal na laptop ng mga guro maging ang maibsan ang init na kinahaharap ng mga kaguruan at estudyante sa ngayong panahon sa mga pambublikong paaralan.
Ang mga pampublikong guro ang higit na nangangailangan ng laptop upang makasabay sa bagong kurikulum ng edukasyon, ngunit ang inilunsad para sakanila ay isang tinipid lamang na proyekto na tinawag pang “Multi-Billion Peso Program” na hindi man lang binusisi ang paghahanap ng kalidad na laptop para sa kanila.
Sa pangyayaring tinawag niya rin ang mga guro na parte ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) nang hilingin nila na suspindihin ang klase sa mga lugar na maapektuhan ng pangmalawakang tigil pasada ay isa sa mga ikinagalit ng karamihan.
Maraming kabataan na ang pananaw sa edukasyon ay isang ilaw ng pag-asa para sa kanila, pero magiging tanglaw pa nga ba ito ng makatuwirang kinabukasan na maituturing kung ang edukasyon na humuhubog sa kanila ay ikinukulong ang opinyon ng bawat isa na kapag ika’y nagsalita tungkol sa mga nakikita mong pagkakamali at kakulangan ng sistema ay isa ka ng rebelde sa kanilang paningin.