SEPTEMBER 2020 VOLUME I
LATHALAIN / 09 Dalawang Lahi, Iisang Laban
OPINYON / 15 Bato sa Buhangin EDITORYAL / 02
Boses sa Papel
Ginanap ngayong buwan ang deliberasyon ng Kongreso ukol sa pinanukalang P4.506 trillion badyet ng Pilipinas para sa 2021. Inaprubahan ito ni Pangulong Duterte noong ika-30 ng Hulyo at ipinasa ng Department of Budget and Management sa Kongreso noong ika-25 ng Agosto. Matapos ang pagsusuri ng Kongreso, ito’y nakatakdang aprubahan muli at pirmahan ni Duterte. Bitbit ang temang “Reset, Rebound, and Recover: Investing for Resiliency and Sustainability”, ayon kay Budget Secretary Wendel Avisado, ang layunin ng proposal na ito ay “panatilihin at palakasin ang mga proyekto ng pamahalaan para sa paglaban sa pandemya”. KAGYAT NA SUPORTA PARA SA IBANG AHENSYA Mula sa lahat ng mga ahensya ng pamahalaan, ang Department of Education (DepEd) ang nakatanggap ng pinakamataas na allocation sa halagang P606.5 B. Ngunit ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT), hindi ito sapat. Pahayag ng secretary general ng ACT na si Raymond Basilio, “Dahil sa kakulangan sa pondo ng planong remote learning ng
NTF-ELCAC AT DND, TIBA-TIBA SA 2021 BUDGET, PANGUNAHING SEKTOR; ISINANTABI DepEd, higit 4 million [mag-aaral] ang nanganganib na mapag-iwanan, habang ang [ibang] makapagpapatuloy ay mapipilitang magtiis sa bumabang kalidad ng edukasyon.” Nabawasan naman ang badyet ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 53%. Mula sa P366 B budget noong 2020, bumagsak ito sa P171.2 B. Ito ay sa kabila ng inaasahang pagtaas ng poverty rate at kawalan ng trabaho dahil sa nagaganap na economic recession. At alinsunod umano sa tema ng 2021 budget, P131.72 B lang ang inilaan para sa Department of Health (DOH) sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 matapos ang anim na buwan ng quarantine. Mula rito, tinatayang P5.02 B lang ang nakalaan para sa COVID-19 response. P2.5 B dito ang mapupunta para sa procurement ng bakuna para sa COVID-19, P3.7 B para sa PPE at COVID cartridges, at P290 million naman para sa operasyon ng mga laboratories. Magkakaroon din ng budget cuts para sa mga ospital na nagsisilbing COVID referral center. Nagpahayag ang ilang mga senador ng kanilang pag-aalala ukol sa mababangalokasyon para sa COVID-19 response, DOH, at DSWD.
“NECESSARY” EXPENDITURES Samantala, nakatanggap ang Department of National Defense ng P209.1 B, 16% na pagtaas mula noong 2020. Kalakhan nito ay nakalaan para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa halagang P96.8 B. Bukod pa rito, tatanggap ng 2969.26% na pagtaas ang badyet ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC, na kilala sa pagredtag ng mga lehitimong organisasyon, mamamahayag, kritiko, at progresibo. Mula sa P622.3 million budget noong 2020, lumobo ito sa P19.1 B. P16.44 B dito ay ipamamahagi sa mga barangay (P20 million kada barangay) na “cleared” ng NTF-ELCAC. Depensa ng Malacañang, “valid expenditures” ang malaking badyet dahil gagamitin umano ito para sa “anti-insurgency” campaigns ng pamahalaan. P1.107 trillion o 24% ng panukalang 2021 budget ay inilaan para sa Build, Build, Build, ngunit 0.42% lang dito ang mapupunta sa pagtatayo ng Health Infrastructures. Mayroon pang P397.22 B na lump sum na nakalaan sa DPWH central office na walang
SA PAHINA 5