lathalain
0 8
Deretsahang Kontradiksyon
Ang Pambubusabos ng Terror Law sa Konstitusyon REXSON BERNAL
Ang ating kalayaang makapag-post ng sentimyento sa ating social media ay isa lamang sa mga dahilan kung bakit mahalaga ang Saligang Batas ng Pilipinas. Ngunit sa ilalim ng reaksyunaryong gobyerno, nasaan ang kalayaan sa pagtuloy na pagbabalikwas sa talim ng de facto martial law sa ilalim ni Duterte? Ang Saligang Batas ay tumatayong balangkas ng uri ng anumang pamahalaan. Nakapaloob dito ang mga karapatang pantao na siyang nag-iisang depensa ng taumbayan laban sa pang-aabuso ng pamahalaan at ng mga alipores nito. Hindi lamang isang dokumento ang Saligang Batas, bagkus ito ay ang pisikal na anyo ng soberanya na nagmumula sa bawat Pilipino. Ngunit sa pamamalakad ng administrasyong Duterte, hindi maiaakila na nabalewala ang pagtaguyod ng Saligang Batas at niyurakan ang libo-libong bayani na nakiisa upang baguhin ito noong People Power Revolution. Magbalik-tanaw tayo kung ano ang mga karapatang ibinasura ng kasalukuayng estado. ARTIKULO XII//I, SEKSYON 10 “Hindi dapat paalisin o gibain ang kanilang mga tirahan ng nagsisipanirahan sa mga dukhang urban or rural maliban kung naaayon sa batas at sa paraang makatarungan at makatao.” Sa pangangampanya ni Duterte noong 2016, kanyang ibinida ang proyektong “Build, Build, Build Infrastructure Plan” kung saan ipinagako ang Golden Age of Infrastructure na magtataguyod ng mga trabaho at magwawakas ng kahirapan sa kalunsuran. Ngunit sa kabila ng pagyabong ng mga imprastaktura ay siya ring malawakang pagpapalayas at demolisyon sa mga komunidad ng maralitang lungsod tulad ng Sitio San Roque sa Quezon City, na kinabubuhayan ng 20,000 na residenteng pilit na pinapalayas upang magbigay daan sa proyekto mula Build, Build, Build.
Ang mga demolisyong ito ay nagpapakita ng anti-mahirap na layunin ng rehimeng Duterte upang magbigay pabor sa mga korporasyon habang patuloy na naghihirap ang masang Pilipino. ARTIKULO III, SEKSYON 4. “Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan na mapayabang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan.” Ganap na 7:52 ng gabi, noong Mayo asingko, nagpaalam ang ABS-CBN sa milyung-miyong mga manunuod dahil sa ceast and desist order na inatang ng kasalukuyang administrasyon. Pilit na inakusahan ng National Telecommunications Commission (NTC) ng patung-patong na kaso ang nasabing istasyon na sa kalaunan ay napatunayang walang paglabag sa batas. Hindi ito ang unang pagkakataon na ito ay kinaharap ng ABS-CBN. Noong 1972, pinatigil rin ng diktador na si Ferdinand Marcos ang operasyon ng ABS-CBN. Isa sa mga “red flags” na maituturing kung paano ginagawang idolo ni Duterte si Marcos pagdating sa pagyurak ng mga karapatang pantao. ARTIKULO II, SEKSYON 15. “Dapat itaguyod at pangalagaan ng Estado ang karapatan sa kalusugan ng mga mamamayan at ikintal ang kamalayang kalusugan sa kanila.” Ngayong ang ating bansa ay kumakaharap sa matinding pandemya dulot ng COVID-19, tila ba’y hindi naka-pokus ang gobyerno sa pangkalahatang kalusugan ng mamamayan. Sa halip na bigyang solusyong medikal, pilit nilang ipinagpapatuloy ang militarisasyon sa lahat ng aspeto, mula pagsasagawa ng mga swab test hanggang sa pagtuturok ng bakuna sakaling ito ay makataring sating bansa. ARTIKULO II, SEKSYON 3 “Ang awtoridad na sibilyan ay sumasaib-
Sining at Pakikibaka
LAG? DC? NO DATA?
Ang Internet Akses sa Panahon ng Neolberalismo ORLY PUTONG
abaw ng sa militar sa lahat ng panahon” Kung makikita sa motto ng pulis at militar, ibinibida nila ang “To serve and protect.”, ngunit sino ang itinutukoy nila? Ang mga naghaharing uri? Ayon sa datos na nakalap ng Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura o UMA, umabot na sa 244 na magsasaka at aktibista ang pinaslang ng mersenaryong AFP-PNP sa termino ni Duterte. Lubos na takot ang dala nito sa mga uring magsasaka na tanging hangaring ay mabuhay nang payapa at mapakain ang kani-kanilang pamilya. ARTIKULO II, SEKSYON 27. “Dapat pamalagiin ng Estado ang pagkamatapat at pagkamarangal sa lingkurang pambayan at magsagawa ng positibo at epektibong mga hakbangin laban sa graft and corruption.” Nito lamang Agosto, pumutok ang isyu ng katiwalian at korapsyon sa PhilHealth, ang pangunahing health insurance na inaasahan ng mga Pilipino. Ayon sa nakalap na impormasyon, 15 bilyon pesos ang naibulsa ng mga matataas na opisyal ng DOH, bolyong halaga na maaaring ipamigay bilang ayuda at ipambili ng mga COVID testing kit. Ito lamang ay ilan sa mga halimbawa ng mga ibinasurang saligang batas ng rehimeng Duterte. Kanya ring ilang beses binaggit ang kanilang pano na baguhin ang saligang batas, at ito ay mariing pagpapakita ng kanilang takot sa mamamayan. Ang mga taktika ng pasistang estadong ito ay hindi tatalab sa pinagsamang puwersa ng masa na patuloy na lalaban upang maiangat ang laban upang ilantad, salungatin, ihiwalay, at puksain ang Duterte Virus! ▼
“Lag? I don’t know her.”-- Ito ang naging tweet ng artistang si Liza Soberano matapos tumugon ng PLDTsa reklamo nito sa napakabagal na internet. Natural na naging mainit na usapin sa social media. Totoong para sa ordinaryong Pilipino na kahit papaano ay may akses sa internet, isang malaking ‘sana all’ ang ganito. Normalidad sa atin ang mabagal na internet. Araw-araw tayong napapasigaw sa inis dahil sa napakapangit na serbisyo ng mga internet service providers o ISP. Ayon sa pag-aaral ng OpenSignal na isang kompaniya ng mobile analytics, ang Pilipinas ay isa sa may pinaka mabagal na internet connection sa mundo. Sa pagitan ng mahigit 87 na bansa, ika11 tayo sa pinaka mabagal na upload speed at ika-16 sa download