Sa Hindi Pag-ugoy ng Duyan
0 5 balitang lathalain
ELYZIA MARITES CASTILLAR DIBUHO NONA
REINA MAE “INA” NASINO—nitong Oktubre, naging laman ng mga balita ang pangalang ito matapos ang pagpanaw ng kanyang tatlong buwang gulang na anak na si River nang wala sa kanyang tabi buhat ng pagkakapiit niya sa kulungan. Si Ina ay isang organisador ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap, o KADAMAY, sa mga komunidad ng Maynila. Siya ay naging kasapi rin ng Anakbayan at kalaunan ay naglaan ng panahon upang maglingkod sa mga maralitang lungsod sa ilalim ng Manila Urban Poor Network. Isinusulong nito ang mga kampanya ng komunidad para sa ekonomikong pag-unlad at batayang serbisyo sa mga mamamayan. Nang maupo si Duterte sa pwesto, naging kritikal din si Ina sa paglaban sa mga paglabag nito sa mga karapatang pantao, partikular sa programa ng war on drugs kung saan primaryang target ay ang mga maralita. Ito ay isa sa mga dahilan upang siya ay arestuhin noong nakaraang taon kasama sina Ram Bautista at Alma Moran sa opisina ng Bagong Alyansang Makabayan sa Tondo, Maynila. Ikinulong ang tatlo sa paratang ng ilegal na pag-aari ng mga baril at pampasabog. Tulad nina Ina, kinasuhan din ang higit sa 44 na aktibista sa Bacolod, Negros, at Maynila sa kaparehong dahilan. Gamit ang “kilala nang teknik” ng pulisya para ipiit ang mga aktibista
sa mga gawa-gawang kaso, ang pagtatanim nila ng ebidensya ang nagiging kasangkapan upang maikulong ang mga progresibo sa sala ng pagiging kritikal sa kasalukuyang administrasyon. Lingid sa kaalaman ni Ina na siya’y isang buwan nang nagdadalang-tao noong sila ay inaresto. Hulyo ngayong taon, habang nasa piitan, ipinanganak ni Ina si River ngunit pumanaw rin nitong Oktubre sa sakit na pneumonia. “Iyong anak ko, namatay nang wala ako sa tabi niya dahil kinulong kami. Sinampahan kami ng gawa-gawang kaso,” ani Ina sa isang panayam sa burol ni River. Inihiwalay agad kay Ina ang kaniyang anak isang buwan matapos niya ito ipanganak. Nitong Setyembre, humingi ng pahintulot si Ina sa korte para bantayan si River sa ospital dahil ito ay nagkasakit. Naging kritikal ang kalagayan ni River ngunit hindi pinayagan ng korte ang kaniyang nanay na siya’y makasama at maalagaan. Matatandaan ding binabaan ang araw at muntik pang hindi maibigay ang furlough ni Ina dahil ayon sa BJMP, kulang ang kanilang police personnel na maaaring magbantay kay Ina sa burol ni River. Kabalintunaan ng nangyari noong burol at libing ng kaniyang anak kung saan napapaligiran sila ng higit 40 na pulis.
Wika ni Ina, “ Wa l a n g terorista rito, walang kriminal, pero bakit ganiyan nila kami ituring?” Hanggang ngayon, si Ina ay nakakulong at hindi pa nahahatulan ng korte. Si Ina na nakilala sa pagkakampanya at pagsusulong para sa serbisyo at karapatang dapat ay ibinibigay ng gobyerno ngunit hindi umaabot sa mga marhinalisado. Kasama ng mga progresibong grupo at ng mga tagapagtaguyod at tagapagtanggol ng karapatang pantao, patuloy na inilalaban at mas pinalalakas ang panawagan na palayain ang lahat ng mga bilanggong pulitikal at pagbayarin ang rehimeng Duterte sa pagkawala ni baby River. ▼
BABANGON ANG NUNONG IBINAON SA
PULANG BUHANGIN NG BORACAY ROMA ANGELOU DIZON
umabot lamang sa 3.2 ektarya. ‘Utang na Dugo’ Ang pakikibaka sa lupa ay nakatali sa ‘di maka-masang modernisasyon. Malaki ang utang na dugo sa mga Ating inipit at dinahas para sa komersalisasyon ng lupa. Binaril nang anim na beses ang Ati youth leader na si Dexter Conde noong 2013. Ang kaniyang pagkamatay ang nag-udyok sa maraming Ati na palakasin ang kanilang pag-organisa laban sa pangangamkam ng lupa at komersalisasyong sumisira sa kanilang kabuhayan. Nang ipamahagi ng DENR at DAR ang 3.2 ektarya noong 2018, ilang ulit na pinayuhan ni Duterte ang mga Ati na ibenta nila sa mga malalaking negosyante ang kanilang lupa para pagkakitaan. Bukod pa rito, ang lupang dapat pagtatayuan ng bahay at pagtatamnan ng mga Ati ay pinasok kaagad ng DAR para itaguyod ang paghahardin at produksyon ng mga high-value crops na ibebenta sa mga Boracay hotel owners at sa kalunsuran. Wika ng DAR, mapalalakas nito ang agro-turismo kasama ang partisipasyon ng mga Ati. Sa kabilang banda, malinaw para sa katutubo ang tunay na layunin ng pangulo sa likod ng pagpapasara niya sa Boracay. Hindi umano ito para sa pangangalaga ng kalikasan at ng mga
residente kundi para paigtingin ang pagpasok ng malalaking negosyong pangkomersyo at pang-agrikultura. Isa itong malinaw na pagsasantabi sa sagradong relasyon ng mga Ati sa kanilang tinubuang lupa. ‘Titulong Bigay ng Kasaysayan’ Kasaysayan na ang magpapatunay na ‘di lahat ng lupa ay kailangan ng titulo. Ang mga Ati ay isa sa mga nomad tribes na lumibot sa Panay bago pa man dumating ang mga dayuhan mula sa kanluran. Sila ang nagpangalan sa Boracay. Ngunit dahil sa pagpasok ng komersalisasyon at iba pang industriya na nagtulak sa kanila papunta sa mga kinakalbong kabundukan, tuluyan nang nasakop ng mga dayuhan ang lupang maraming taon na nilang pinangangalagaan. Ngayong pandemya, naging mas agresibo ang gobyerno sa pagtulak ng lokal na turismo upang iangat ang bagsak na ekonomiya. Untiunting niluwagan ang mga travel restrictions sa Boracay dahil sa inihain na “recovery” plan ng DOT noong Hunyo. Katulad ng pagkalimot sa nuno, limot din sa recovery plan ang mga Ati ng Boracay. Sa kasalukuyan, patuloy ang laban ng mga Ati para sa kanilang karapatan sa lupa, kabuhayan, at karapatan.▼
OCTOBER 2020
“TABI TABI PO”—mga salitang nagpapahiwatig ng kabatiran na ang mga nuno ay ‘di lamang alamat kundi representasyon ng pangangalaga sa kultura at kalikasan—dalawang mahalagang sangkap ng turismo—ngunit hindi lahat ay nagpapatabi. Sa gitna ng mapambulag na puting buhangin at makislap na dagat ng Boracay, ibinabaon nito patago ang mga katutubong Ati mula sa halos 2 milyong dumaragsang bakasyonista taun-taon. ‘Laban para sa Lupa’ Matagal nang napag-iwanan ang mga Ati sa komplikadong proseso ng pagkuha ng titulo sa lupa. Noong 2011 lamang legal na ibinigay sa mga Ati ang 2.1 ektarya na binabandi rin ng malalaking pangalan sa lugar na kung saan 1.57 lamang ang okupado sa kasalukuyan. Nitong 2018, binungkal muli ang usapin ng pamamahagi ng lupa sa mga Ati nang ilagay sa anim na buwang rehabilitasyon ang Boracay. Ayon sa Proclamation No. 1064 s. 2006 ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, 628.96 ektarya ang klasipikado bilang lupang agrikultural. Mula sa binabalak na 150 ektarya na ipapamahagi ng administrasyon Duterte, lumagapak ito sa 7.8 na wala pa sa 1% ng kabuuang laki ng Boracay. Mas kakarampot pa rito ang tuluyang naibigay sa may 200 Ati na