SAPAK: Sining at Pakikibaka Tomo 1 October Issue

Page 6

balitang lathalain

0 6

PAMANA NG PAGLABAN. Nagpapatuloy ang paglaban ng mga Bacooreño para igiit ang kanilang karapatan sa Sitio Silangan mula sa mga nais umangkin nito tulad ng grupo ni Amy Gawaran, katuwang ang mga opisyal ng lokal na gubyerno ng Bacoor, para sa binabalak na “Urban Redevelopment and Heritage Preservation Area” dito. LITRATO PANDAY SINING BACOOR

Ang Patuloy na Paglaban ng Sitio Silangan PANDAY SINING BACOOR

Sining at Pakikibaka

MULA PA NOONG 2019, nang dahil sa Comprehensive Land Use Plan (CLUP) sa Lungsod ng Bacoor na binuo noong si Strike Revilla pa ang alkalde at ngayo’y pinalalawig ng kasalukuyang alkalde na si Lani MercadoRevilla, ginigipit at pinapalayas ang maralita ng Sitio Silangan. Pinagpapatuloy at mas pinalalala ng kasalukuyang lokal na pamahalaan ang malawakang plano ng pagpapalayas, gibaan at sunugan sa Bacoor. Isa sa mga nakasaad sa plano ay ang pagtransporma sa “Lumang Bacoor,” na kalakhaan ay ang Lupang Cuenca kung saan matatagpuan ang Sitio Silangan, bilang isang “Urban Redevelopment and Heritage Preservation Area.” Layon itong gawin bilang sentro ng turismo at pagtatanghal ng mga “pamana ng kasaysayan” ng lungsod. Ngunit para mangyari ito, kinakailangang “linisin” ang Lumang Bacoor. Ibig sabihin, sa

planong ito, walang puwang ang maralita. Ang pagkikibitbalikat ni MercadoRevilla at pagpayag niya na abusuhin ang CLUP ang dalawang pangunahing dahilan ng sunud-sunod na mga gibaan at clearing operations sa iba’t ibang lugar sa Bacoor. Ito rin ang dahilan kung bakit maraming nangangamkam sa Lupang Cuenca. Sa gitna ng pandemya, nagpapatuloy pa rin ang pang-aagaw ng lupa dito. Napakaraming take at pananakot sa maralita ang naganap sa loob ng pitong buwan. Ang dating tatlong lagusan papasok at palabas ng sitio na esensyal sa kanilang pang-araw-araw ay ngayo’y isa na lamang matapos iligal na isinara ng mga security guard na tauhan ni Amy Gawaran, isa sa mga nang-aagaw ng lupa. Kung matatandaan noong Setyembre 21, nagpaputok ng baril ang mga tauhan ni Gawaran upang sindakin ang mga lumahok sa protesta ng pag-alala sa Batas Militar kasabay ng pagtambol ng kanilang mga panawagan. Isa lamang ito sa napakaraming ulit ng panunupil at pananakot na ginagawa niya sa mga tagaSitio Silangan.

Ngunit patuloy ang kanilang paglaban. Naninindigan sila sa kanilang karapatan sa lupa at nananawagan para sa paglayas ng mga nais magnakaw nito. “Matagal na kami ritong naninirahan, kami ang may karapatan dito. Bakit ninyo kami kukuhaan ng karapatan?” Tanong ng isang lokal na lider matapos paputukan noong Setyembre. Nitong Oktubre, kasama ang sektor ng simbahan at hanay ng kabataan, dinaos ng komunidad ang unang anibersaryo ng kanilang paglaban. Nakipamuhay ang mga kabataang ng Cavite sa komunidad at natuto at nagturo sa masa. Noong mismong araw ng anibersaryo, Oktubre 18, nagkaroon ng salu-salo habang naghanda ng mga kultural na pagtatanghal at pagsambang bayan para gunitain ang pakikibaka para sa karapatan sa lupang kanilang nilinang. Mulat ang masang maralita sa kanilang mga karapatan. Alam nilang walang ligal na basehan ang mga pangangamkam ng lupa at alam nila kung paano ito labanan. Buhay ang pakikibaka sa diwa ng mga taga-Sitio Silangan. Kitang-kita ito sa mga pangkultural na pagtatanghal ng mga kabataan tuwing may kilos-protesta, sa mga mamamayang sama-samang kumikilos para sa kapakanan ng komunidad, at sa malawak na hanay ng mga kabataang Kabitenyo na sumasapi at nakikipamuhay sa kanila. ▼

PAG-ASA NG BAYAN. Buhay ang diwang mapanlaban ng mga tagaSitio Silangan maging sa mga kabataan nitong magbibitbit ng sulo tungo sa tagumpay ng kanilang pakikibaka para sa mga karapatan. LITRATO PANDAY SINING BACOOR


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.