5 minute read

Bagong Hari ng Kalsada?

Next Article
BUHAT NG PAGLIPAD

BUHAT NG PAGLIPAD

Mga tsuper, komyuter umaray sa Jeepney Phaseout

Umapila ang maraming samahan ng mga jeepney driver sa implementasyon ng Public Utility Vehicle Modernization (PUV) Program ng Department of Transportation (DOTr) dahil sa banta nito sa kanilang hanapbuhay sa oras na mapaltan ang mga lumang dyip ng mga modernized minibus sa kalsada.

Advertisement

Binigyang-diin ni Malayang

Alyansa ng Bus Employees at Laborers (MANIBELA)

President Mar Valbuena na isa sa mga requirements ng PUV

Modernization Program ang bumuo ng kooperatiba ng mga driver at operator, ngunit hindi lahat ng ruta ng mga sasakyan ay may malakas na kinikita kaya magkakaroon sila ng problema sa kakayahang pinansyal na bayaran ang unit ng mga minibus na umaabot sa 2.4 hanggang 2.8 milyong pIso.

“Hindi naman po lahat ng ruta malakas ang byahe. Kung titingnan, saan namin kukunin ang ipangbabayad sa 500 thousand pesos monthly na loan? Kaya po, nagdadalawang isip sumanib, sumali o mag-modernize ‘yong ating hanay dahil po sa napakabigat na bayarin,” isinaad ni Valbuena.

Bagamat naglaan ang gobyerno ng subsidiyang 160,000 pesos sa mga jeepney driver at operator, magagamit naman ito agad bilang downpayment sa supplier o manufacturer ng mga minibus, at kakailanganin muli nila na magbayad sa mga susunod pang mga buwan.

Binigyan na rin ang mga jeepney driver at operator ng mga suhestiyong bangko na maaari nilang utangan upang magkaroon ng maayos na unit na kapalit ng luma nilang jeep, ngunit malaki naman ang ipinapataw sa kanilang interest upang makautang.

“Hindi dapat ituloy ang jeepney phaseout dahil maraming katulad naming single ownership na jeep. Paano na lamang kung mawala na? Ano ang magiging hanapbuhay namin?,” pahayag ni Jeus A. Papasin, isang jeepney driver na namamasada sa rutang North Bayan-Lumang Palengke sa Batangas City.

Ilang mga unibersidad din ang nagdeklara ng paglilipat ng klase sa online upang suportahan at magbigay-daan sa transport strike na pinangungunahan ng mga jeepney driver at operator bilang pagprotesta sa implementasyon ng PUV Modernization noong Marso 6 hanggang Marso 12.

Kaugnay nito, sinuportahan ni Shealtiela Audrey Cueto, isang estudyante mula sa G10Archimedes ng University of Batangas na bumabyahe araw-araw papunta sa paaralan, ang kampanyang

“#NotoJeepneyPhaseout” dahil sa posibleng pagtaas muli ng minimum jeepney fare kapag nagsimula nang ipatupad ang PUV Modernization Program.

Matatandaang pumalo ang inflation rate sa Pilipinas sa 8.7% noong Enero 2023 na naging dahilan ng pagtaas rin ng minimum jeepney fare sa 10 hanggang 12 piso kasabay ng pagmahal ng presyo ng langis sa bansa.

“As a student na napapaaray na rin sa 10 pesos na pamasahe which used to be 8 pesos, malaki ang hakot nito galing sa aking baon. Some students ride 2-3 jeepneys just to get to school, for sure tataas ang pamasahe kapag isinama sa computation ng gas, and other fees and responsibilities na need gampanan ng drivers,” aniya.

Sa kabilang banda, ipinakita naman ng ilan ang kanilang suporta sa nasabing programa ng gobyerno dahil sa mga magagandang maaaring maidulot nito kagaya ng pagresolba ng polusyon sa hanging nagmumula sa mga jeep at pagbibigay ng maginhawang byahe sa mga komyuter.

Ayon kay Rohan Lior Flores, isang estudyante mula sa G10Catapang, sang-ayon siya sa Public Utility Vehicle Modernization subalit nararapat pa rin himayin ng gobyerno ang paraan kung paano nila ito ipapatupad upang magkaroon ng sapat na panahon ang mga jeepney driver at operators na makisabay sa panibagong sistema ng pamamasada na ito at maiayos ang mga nakikitang “flaws” o kahinaan ng nasabing programa.

Gayunpaman, tinugunan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga hinaing ng mga jeepney drivers at operators sa pamamagitan ng pagpapalawig ng deadline ng pagkakaroon ng kooperatiba mula Hunyo 30 hanggang Disyembre 31 at niluwagan din ang multa sa mga mahuhuli sa pagkumpleto ng mga requirement.

“Pinarating na rin sa amin ang mga hinaing na iyan, sa mga penalties kung pwede nga raw i-waive, sumang-ayon naman ang board that we will ease some of the penalties for this PUJs, for all PUVs na tumatakbo,” hayag ni LTFRB Chairperson Cheloy Garafil.

Una sa Rehiyon

Isa itong paraan ng pagbibigay-pugay at pagkilala sa natatanging kontribusyon ng mga bata sa paaralan sa larangan ng pagsulat, pagsali sa mga patimpalak, at pakikibahagi sa pagbuo ng opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral.

Hindi bababa sa 50% na discount ang scholarship na tintatanggap ng mga batang Pioneer. Full scholarship naman o 100% ang pinakamataas na scholarship na maaaring tanggapin ng isang mamamahayag batay sa ebalwasyon ng editorial board ukol sa kanyang husay, talento, mga kontribusyon, karanasan, at tagal ng paglilingkod sa paaralan.

Ayon kay Carl Dominic G. Macatangay na nasa ika-12 baitang ng UBSHS at tumatayong

Editor-in-Chief ng The Westernian Pioneer at Tunog Pamantasan, isa siya sa nakatatanggap ng kalahating porsyento ng scholarship mula sa pagiging manunulat ng mga balita, lathalain, editorial, at artikulong pang-agham at teknolohiya sa kanyang ikalawang taon ng pagiging bahagi ng pahayagan.

Sinusuportahan nito ang mga mag-aaral na kagaya niya, lalo na ang mga may hilig, interes, at likas na talento sa pagsusulat at pagbabalita ng mahahalagang mga impormasyon at hindi natatakot sumubok sa ganitong uri ng mga extracurricular activity.

“I felt like my hardwork is being rewarded. I am thankful for the University kasi, masaya yung parents ko dahil sa scholarship na natatanggap ko,” ayon kay Macatangay. “I hope this reminds everyone to pursue their passion at heart, especially for writing, because if one is inspired with what they write, what they write inspires others,” dagdag pa niya patungkol sa mga magaaral na nagnanais ding pasukin ang mundo ng campus journalism.

“Kung wala ang ating mga campus journalists, wala ang Pioneer, kaya dapat lang i-recognize ang lahat ng effort at husay ng ating writers,” ani niya.

Gayunpaman, sa kabila ng mga requirement at gawaing pang-akademiko ay nagagampanan pa rin nila ang lahat ng kanilang mga tungkulin sa pahayagan at walang gawain, pagsusulit, at proyekto sa mga asignatura at pananagutan ang nananatiling napababayaan.

Integrasyon ng UBian STRUT sa kurikulum, hinimay ni Dr. Perez

Carmela Cueto at Celine Joy Agapay

Inaprubahan ng Land Transportation Office (LTO) at Department of Education (DepEd) ang integrasyon ng “Student Today, Road Users Tomorrow” modyul sa kurikulum ng mga mag-aaral mula sa ikasampung baitang ng University of Batangas, na siyang kauna-unahang pagkakataon ng pagpapatupad ng theoretical driving course sa isang paaralan sa buong rehiyon ng CALABARZON, Hunyo 4, 2022.

Tinalakay ni University of Batangas

President Dr. Hernando P. Perez na isusulong ang makabagong integrasyon na ito ng institusyon sa pagbabalik ng face-to-face classes ng mga mag-aaral sa Agosto 2022 na siyang makakatulong sa kanila na mapabilis ang proseso ng pagkuha ng students’ permit sa pagmamaneho sapagkat maaari na itong makamtan matapos ipakita ng estudyante ang kaniyang diploma sa LTO.

“Wala ng driving school na papasukan; wala ng trainings sa LTO,” pahayag ni Dr. Perez sa isang panayam mula sa GMA: Regional News TV.

Sinigurado ng LTO at DepEd ang kalidad ng serbisyong hatid ng mga guro patungkol sa pagmamaneho at mga batas pangtrapiko sa mga mag-aaral, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga seminars at assessments upang magkaroon sila ng sapat na kredibilidad para mabisang makapagturo ng nasabing paksa..

Sumailalim din ang mga modyul na gagamitin ng guro sa pagtuturo sa maraming pagpupulong at mahabang proseso ng inspeksyon kasama ang mga hepe ng bawat rehiyon na kumakatawan sa LTO upang maisaayos ang mga parte nito na kinakailangan ng mga rebisyon para matiyak ang kalidad ng edukasyong matatamasa ng mga mag-aaral.

Inatasan ang tatlong guro ng Social Studies at isang guro ng Edukasyon sa Pagpapakatao na sina Dr. Roderick Del Mundo, G. John Paulo Perlas, Gng. Ritchie Magadia at Bb. Jessa Ramos mula sa Junior High School Department na magturo ng mga STRUT modyul sa mga mag-aaral mula sa ika-sampung baitang.

Ayon kay Gng. Ritchie Magadia, dadaan ang mga mag-aaral sa isang exam bago matapos ang taong panuruan na naaayon sa pamantayan ng LTO upang masukat ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mga batas trapiko kaya sinisigurado ng mga guro na maituturo nang ayos sa kanila ang mga STRUT modyul.

“If the teacher and the students are working together para maging maganda itong ating course na ito, I would rate it as 10 kasi unang-una this is very new to the students and napaka interesting ng mga modyuls na binigay para sa mga bata, and, at the same time, because the teachers are being engaged and being trained. Because of that, we are licensed to teach here at UB kaya talagang maganda ang integration na ito,” dagdag pa ni Gng. Magadia.

This article is from: