1 minute read

E-pon Project, Inilunsad

Next Article
Modelong Iskolar

Modelong Iskolar

Isinulong ng University of Batangas Junior High School Department ang pagpapatupad ng E-Pon Project upang maibsan ang mga suliraning pinansyal ng mga mag-aaral matapos tumama ang pandemya sa bansa.

Ipinahayag ni University of Batangas Junior High School

Advertisement

Principal Dr. Hilaria A. Guico na tututukan ng institusyon ang pagsasagawa ng E-Pon Project na naglalayong paunlarin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa usaping pinansyal at mapanuring pagbuo ng mga desisyon na naayon sa DepEd Order No. 22, s 2021.

“Done are the days when financial literacy was essential only when one started to earn. Now students, imagine yourselves when young as you, you can already go to banks and handle transactions like withdrawal, deposit and online banking,” aniya.

Sa ilalim ng E-Pon Project, matututo ang mga mag-aaral na maging mapanuri sa paggastos ng kanilang budget at pagkalkula ng kanilang pang-araw-araw na gastusin sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sariling bank account.

Pumunta ang dalawang kinatawan mula sa Bank of Commerce (BOC) na sina G. Wilson

H. Punzalan, branch manager, at Bb. Cherry Analene D. Javier, branch marketing officer, upang himayin ang importansya ng pagbabangko at ang proseso kung paano makakapagbukas ng bank account sa mga estudyante noong Pebrero 20, 2023.

“Habang bata pa ay bigyan na ng halaga ng mga kabataan ang pag-iipon, kahit barya lamang mula sa kanilang pang-araw-araw na baon ay patuloy pang lalago kung lagi nila itong gagawin at ito ang magsisilbing pambili nila sa mga bagay na kanilang kakailanganin,” isinaad ni G. Punzalan.

Sa pagbubukas ng bank account sa BOC, kinakailangan ng mga mag-aaral na makapaghanda ng initial deposit na 200 pesos, PSA Birth Certificate, 1x1 picture, Barangay Clearance o kaya naman Water o Electric Bill at form galing sa BOC na dapat sagutan ng mga estudyante.

Kaugnay pa nito, maaaring makapili ang mga estudyante kung

ATM card o passbook ang kukunin nila sa tulong ng kanilang mga magulang o guardian.

Samantala, nakaani naman ng positibong reaksyon ang E-Pon Program mula sa mga mag-aaral sapagkat magkakaroon na sila ng sarili nilang bank account na kanilang magagamit sa pag-iipon at pagbili ng kanilang mga kailangan.

“Masaya kasi makakapag-ipon na tayo kahit students pa lang,

This article is from: