5 minute read

UBHS, humakot sa 41st KAT

tsaka para magamit ‘yong extra na pera for emergencies at pwede rin makatulog ito sa tuition,” pahayag ni Alian Jazeel Perez, mag-aaral mula sa G10-Franklin.

Ikinagalak din ng mga guro ang proyekto na ito dahil nabibigyan ang mga estudyante ng mga kaalaman sa usapang pinansyal at nagkakaroon din ang mga estudyante ng kalayaan na maging maingat sa hawak nilang pera at maiwasan ang sobrang paggastos.

Advertisement

“As a teacher masaya ako because University of Batangas unlocks many doors of opportunities, simula sa iba’t iba pang project natin, binibigyan natin ng katuparan up to this point na ang financial literacy and independence ay di lang natin bastang ibibigay kung di ipapaintindi sa ating mga bata.

Pinatunayan ng mga kalahok mula sa University of Batangas High School Department ang kanilang angking galing sa pagpapahayag ng katotohanan bilang Batangueño nang masungkit nila ang mga karangalan sa iba’t ibang kategorya sa 41st Karibok Ang Tuktok (KAT) noong Nobyembre 26 hanggang Disyembre 3, 2022.

Nakilahok ang 29 na mga institusyon upang bigyang tibay ang tema ng kompetisyon sa taong ito na “Talino at Talentong Batangan Para sa Katotohanan”, at ang mga kalahok ay nagmula sa unibersidad.

“Even in the screening and the outputs they are submitting to me two weeks prior to the contest proper, I could see a big potential that they would win and bring honor to themselves and to our university,” ani Gng. Ritchie Magadia, isa sa mga tagapagsanay ng mga kalahok.

Pumangalawa si Carmela B. Cueto sa pagsulat ng sanaysay, natamo naman nina Hannah Yochabel F. Sude, Isabel B. Cuevas, at Yoesha Grace D. Velasco ang ikaapat na puwesto sa quiz bee, sa kabilang banda, nasungkit din ni Aliah Angeline V. Dimaculangan sa photo contest ang ikaapat na puwesto, samantala, nakamit nina Aldred Sky P. Abando na naging kalahok sa essay- writing at Kate Angelica S. Fetizanan sa digital art making ang ikalimang puwesto, Lahat ng nabanggit ay pawang nagmula sa junior high school department.

Dagdag pa rito, nakamit naman ni Carl Dominic Macatangay ang ikaapat na karangalan sa essay-writing, naagaw naman nina Ian Cristopher Ramos sa digital art making at Christine Joy Montoya sa poster making ang ikalimang puwesto, sila naman ang mga kalahok na isinabak ng senior high school department.

“As one of the coaches, I believe that the thorough preparations they had gone through contributed a lot to their winnings. Ang mga bata naman, likas na ang pagiging mahusay—kumbaga, nag-ambag lang kami sa hulma,” saad ni Bb. Neña Porcino, isa sa naging gurong tagapayo ng mga naturang kalahok.

Pinayuhan sila ng kanilang mga tagapagsanay na magpokus sa pagbuo ng mga ideya at pagbabahagi ng kaalaman sa iba’t ibang uri ng isyu na pinaniniwalaan nilang maaaring matalakay sa kompetisyon.

Ibinahagi rin naman ng ilan sa mga kalahok na sinananay sila na mag-isa upang lalo pang malinang ang kanilang mga abilidad; ang isa ay nagbasa ng maraming artikulo online at ang isa naman ay nag-ensayo rin sa pamamagitan ng pagguhit ng mga likhang-sining.

Nagsanay ang mga kalahok ng ilang linggo upang lubusang maging handa sa kompetisyong kanilang lalabanan.

Sa kabila ng ilang mga hamon na kanilang pinagdaanan, nagpapasalamat sila at ipinagmamalaki nila ang pagkakataong maging kinatawan ng unibersidad sa nasabing kompetisyon at ipamalas ang kanilang husay at talino na nagbunsod sa kanila upang maabot ang rurok ng tagumpay.

Pagsasakatuparan ng UB Comms, mas pinalawig

Nagsagawa ang Unibersidad ng Batangas (UB) ng UB Comms upang mas mapagyaman pa ang mga kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikipagtalastasan, lalo’t higit kilala ang unibersidad sa pagkakaroon ng mga mag-aaral na magaling hindi lamang sa pagsusulat, maging sa pananalita.

Malayang nakapamili ang mga mag-aaral mula sa lahat ng departamento ng unibersidad ng asignatura at aralin na kanilang tatalakayin subalit tanging mga asignatura na itinuturo sa pamamagitan ng wikang Ingles lamang ang kanilang maaaring pamilian.

“It is actually a different experience, especially for me na newcomer sa UB, nakakatuwang isipin na we are given the chance to act as teachers and communicate with other students to teach lessons and impart knowledge sa kanila,” ayon kay Jasmine Silvosa, isang mag-aaral mula sa ika-9 na baitang.

Pinaalalahanan ang mga mag-aaral na hindi maaaring magtalakay ng mga aralin mula sa mismong asignaturang Ingles. Ayon sa mga palatuntunan, dapat ay hindi bababa sa labinlimang minuto ang bidyo upang ito ay masabing balido.

Inaasahang makapagpapasa sila ng kanilang bidyo na nagtuturo sila sa harap ng maraming mga magaaral bago ang katapusan ng buwan ng Marso upang magkaroon sila ng karagdagang puntos para sa ikatlo at ikaapat na markahan.

Tinatayang tatlumpung puntos ang kanilang matatanggap para sa kanilang partisipasyon sa nasabing aktibidad ng unibersidad na direktang madadagdag sa marka nila sa recitation.

“The prizes come in different forms, mayroon tayong monetary sa ating students and of course sa ating coaches, and alongside those prizes, mayroon din tayong additional grades yan as participation sa performance tasks ng ating mga English-based subjects,” isinaad ni G. Michael Justin de Mesa.

Pinapaalalahanan ang mga mag-aaral na dapat ay maipawasto muna sa kanilang guro sa Ingles ang iskrip na kanilang gagamitin sa pagbibidyo.

Bumuhos ang pagkagalak ng mga mag-aaral mula sa Malitam Elementary School matapos magtungo ang mga grade 9 na mag-aaral upang isakatuparan ang kanilang proyekto para sa asignaturang MAPEH at Social Studies, ito ang kanilang magsisilbing major project para sa ikatlong markahan.

Nagkaroon ng feeding program, dance tutorial, at exercises ang mga grade 4 na magaaral sa paggabay na rin ng mga estudyante mula sa ikasiyam na baitang sa pamumuno ng kanilang mga guro na kabilang sa Makabayan Department.

“As we bonded with the kids, we became aware of our privilege as UBians. We were able to return home with realizations and warm hearts despite all the unexpected occurrences,” sinabi ni Grace Jean Bacay mula sa seksyon ng Avogadro.

Sinasabing ang aktibidad na ito ay nakaayon din sa core values ng paaralan, ito ay ang paglilingkod sa kapwa mamamayan, lalo’t higit sa kapwa Pilipino na talagang nangangailangan.

Nakipag-ugnayan si Gng. Elsa G. Santos sa Division Office upang malaman kung sinong grupo ng mga kabataan ang maaaring maabutan ng tulong ng mga mag-aaral mula sa Unibersidad ng Batangas (UB).

“Nakakatuwa lang po kasi kita mo sa ngiti ng mga bata yung saya na naidulot namin sa kanila, hindi ko po lubos maisip na makakapagpaabot po kami ng tulong kahit sa maliit na paraan,” winika naman ni Axel Camacho, isang mag-aaral mula sa Lavoisier.

Student Leaders ng UBHS, namayagpag sa APPSAM ‘23

Patuloy ang pamamayagpag ng mga estudyanteng lider ng UB High School maging sa isang lunsod na daan-daang kilometro ang distansya matapos makibahagi at makapaguwi ng mga panalo mula sa APPSAM 2023 sa Teachers’ Camp, Baguio noong Marso 15 hanggang 17, 2023.

Matapos ang mga talakayan, beauty pageant, at kompetisyon sa pagsusulat, pagsasalita, at patalinuhan upang paigtingin ang mga talento at kakayahang mamuno sa sekondaryang paaralan, umuwing tagumpay ang mga Brahman pabalik sa UB Main Campus sa kanilang ikatlong araw. Ngiting tagumpay ang baon pauwi nina Maria Yoshabel Mendoza at Shealtiela Audrey Cueto na nagkamit ng ikalawa at ikatlong gantimpala sa Essay Writing contest. Samantalang sina Isabel Cuevas naman ay 3rd Place sa Math

Competition, Aldred Sky Abando ay 3rd place sa Dagliang Talumpati

Carl John Garcia ay 2nd Runner

Up sa Mr. APPSAM at 1st Runner

Up sa General Information Quiz Bee, Nylamre Shaira Berberabe ay 1st Runner Up sa Madamdaming Pagbasa, Nayla Malimban ay 1st

Runner Up sa Vocal Solo, Josiah Shem Sumagaysay ay finalist sa Oration, Celine Joy Agapay ay finalist sa Extemporaneous Speaking, at Angelica Denielle Gutierrez ay top 6 finalist sa Ms. APPSAM 2023.

Bukod sa bakbakan at tagisan ng husay sa mga paligsahang nabanggit, hindi rin sinayang ng mga delegado ang pagkakataong matunghayan ang kalakhan ng Summer Capital of the Philippines matapos bumisita sa Burnham Park, Mines View, Botanical Garden, at Laperal Whitehouse.

Kasama ng 60 na mag-aaral sina G. Jerico Alberto, G. Michael De Mesa, Gng. Sherie Ann Evangelio, G. Julius Mendoza, Bb. Jessa Perez at Bb. Mylene Holgado ay tumanggap ng karangalan bilang pinakamalaking delegasyon sa nasabing patimpalak sa buong Pilipinas.

This article is from: