7 minute read

THANK GAD

Suporta ng UB sa LGBTQIA+ Community mas Pinaigting

Lagrisola

Advertisement

Kinilala ng Unibersidad ng Batangas (UB) ang mga estudyante at mga empleyado na kabilang sa LGBTQIA+ community dahil sa pagkakasali ng gender sensitivity sa mga layunin ng paaralan.

Sa nagdaang panahon, maraming preparasyon ang inihanda ng unibersidad tulad ng mga trainings at webinars upang mas lumawak pa ang kaalaman ng lahat tungkol sa sekswalidad at kasarian.

“Every school has the Gender and Development Center which entails a lot of programs and activities for the development of our students’ wellness when it comes to gender talks. In our JHS Dept, we incorporate gender sensitivity not only in the lessons but also in the classroom set-up,” ani ni Gng. Ritchie Magadia, isang guro sa Araling Panlipunan sa Unibersidad ng Batangas.

Tinalakay pa ni Gng. Magadia sa isang panayam na maraming programa at aktibidad ang ginaganap para sa pagpapaunlad ng kaalaman ng mga mag-aaral pagdating sa usapang kasarian.

Napag-usapan din ang gender sensitivity nang matalakay sa mga estudyante sang mga araling may kinalaman sa kasarian alinsunod sa pagpapatupad ng gender sensitivity bilang isa sa mga layunin ng paaralan.

Tinuruan ang mga magaaral ng mga aralin patungkol sa kasarian pati ang iba pang aspekto nito tulad ng gender identity, sexuality, gender discrimination, at feminism.

Nagsagawa rin ang unibersidad ng mga karagdagang hakbang upang mas maging inklusibo pa ang paaralan sa paghahatid ng mga programa at mga estratehiya sa pagtuturo ng gender differences, issues, at inequalities na makakapagdagdag pa sa kaalaman ng mga estudyante.

“Siguro ang pagiging open ng UB sa third gender community ay magiging magandang factor at advantage ng school dahil mas magiging engaging ang ating school lalo na sa mga kasali sa LGBTQIA+ dahil tayong mga taga UB ay super open and walang discrimination,” ani ni

Scholastic Prime English Program

Marc Jairus Evangelista. Nagsaad din ang ibang estudyante ng mga paraan upang mapapalaganap pa ang gender equality, isa sa kanilang rekomendasyon ay ang paglalahad ng impormasyon gamit ang mga seminar.

“Para sa akin, dapat nating suportahan ang mga organisasyon na nagtataguyod ng gender sensitivity. Maaari rin itong magpatupad ng mga patakaran at programa na nagtataguyod ng gender sensitivity, tulad ng mga patakarang nagpoprotekta laban sa diskriminasyon at karahasan na nakabatay sa kasarian,” ani ni Hanz Ornales, isang Grade 11 na estudyante sa unibersidad.

Ini-anunsyo rin ng unibersidad ang mga programang isasagawa sa Marso kung saan ang lahat ay maaaring magsuot ng kulay lilang damit upang ipakita ang kanilang suporta sa gender equality at women empowerment.

HS PUB, nangunang muli sa DSPC

Carmela Cueto

Dinomina muli ng The Westernian Pioneer at Tunog Pamantasan ang larangan ng pamamahayag matapos makapag-uwi ng 75 na kampyeon at 50 na parangal sa katatapos lamang na Division Schools Press Conference (DSPC) 2022 na isinagawa sa Batangas City East Elementary School, Alangilan Central Elementary School, University of Batangas at Bulwagang Ala Eh noong

Hinirang ang mga mamamahayag na bumubuo ng TWP at TP na kampeon sa TV Scripting and Broadcasting, Radio Broadcasting, Collaborative and Desktop Publishing at Online Publishing sa kategoryang English at Filipino.

Kamangha-mangha, nanguna naman ang mga kinatawan ng Online Publishing sa kategoryang English at Filipino sa Best News, Best Feature, Best Sports, Best Photo and Artwork, Best Editorial at Best Web Design.

Nasungkit ng Collaborative and Desktop Publishing English ang unang pwesto sa Best News, Best Editorial, Best Feature, Best Layout at ang Best Photo. Ang Best Sports naman ay nakamit ang pangalawang pwesto habang ang Best Editorial Cartoon naman nakatangap ng pangatlong pwesto.

Nakamit ng Collaborative and Desktop Publishing Filipino ang unang karangalan sa Best Editorial, Best Feature, Best Sports at ang Best Photo. Natangap naman ng Best News at Best Layout ang ikalawang karangalan habang ang Best Cartoon naman ay nakamit ang pangatlong karangalan.

Hindi nagpahuli ang nasabing publikasyon sa mga indibidwal na patimpalak kung saan nakamit ni Cassandra Alexie Lopez ang ikatlong karangalan sa Science Writing (English) habang nakuha rin nina Cloud Cedrick Benlot (Sports Writing Filipino), Rechel Ann Balmes (Photojournalism English) at Hannah Yochabel Sude (News Writing English) ang ikalimang karangalan.

Sa selebrasyon ng kauna-unahang OrgFest, AESA nakalikom ng 10k

Charles Brian Pabito

Umabot sa sampung libong piso ang nakuha ng Aspiring Engineering Students Association (AESA) mula sa isinagawa nilang mga aktibidad sa kauna-unahang pagdiriwang ng Org Fest sa University of Batangas Senior High School Department sa kabila ng pagkakaroon ng limitadong budget noong Pebrero 6 hanggang Pebrero 10.

Pinangunahan ang nasabing programa ng AESA, Medisina, Financial and Economic Achievers Circle (FEAC), HUMSS Republic, TVL Educational Circle of Highschool Students (TECHS), Arts and Camera Club, TAG, Sports Club, Supreme Student Council, Association of Competent and Excellent Students (ACES) at TAHAS Debate Society na mga organisasyon mula sa iba’t ibang strand ng UB Senior High School.

Pagwawagi ng UB sa Diamond Category, nagpaigting pa sa kampanya sa pagbabasa

Aldred Sky Abando

Nakamit ng Unibersidad ng Batangas (UB) ang ikalawang puwesto sa patimpalak na pinangunahan at inorganisa ng Scholastic Prime English, tinatayang apatnapu’t limang aklat na nabasa at mga pagsusulit na naipasa ang average na naitala ng mga mag-aaral.

Nakatanggap ang pamunuan ng paaralan at ang mga mag-aaral ng mga aklat, mga unan, at mga estante kung saan nila maaaring ilagay ang mga napanalunang aklat.

Tinatayang nagkakahalaga ng apatnapung libo o 40K ang lahat ng mga kagamitan sa pagaaral na natanggap ng pamunuan, ang lahat ng ito ay matatagpuan sa silid-aklatan ng unibersidad.

Dahil dito, nagkaroon ng mas organisadong kampanya ang unibersidad sa pagbabasa, hinihikayat ng mga guro ang kanilang mga estudyante na magbasa sa kanilang libreng oras at kaagad na sagutan ang mga pagsusulit na nakalakip dito.

“Seryoso talaga ang unibersidad na makuha ang unang puwesto sa nasabing patimpalak kung kaya’t nagkaroon sila ng mas standardized na reading campaign, at kita naman natin ngayon na mas ginaganahan ngang magbasa ang mga mag-aaral at mas matututo pa sila dahil reading can broaden one’s horizon,” winika ni Kent Gabriel B. Magbuhat, isang mag-aaral mula sa ikasampung baitang.

Lahat ng mga mag-aaral mula sa pamunuan ay inaasahang makapagbabasa ng dalawampung aklat sa ikalawang markahan, dalawampu’t lima naman sa ikatlong markahan, at apatnupung aklat naman sa ikaapat na markahan bilang pagtalima na rin sa mga kailangan nilang requirement para sa asignaturang Ingles.

‘Sana Hindi Magamit’

Para sa kahandaan ng mga Teen Healthcare worker sa sakuna CPR Training, inilunsad ng BMS

Carmela Cueto

Child (Bulilit) Health Workers Foundation, Inc. at Batangas Medical Society (BMS), isinagawa ang hands-only CPR Training sa mga mag-aaral ng University of Batangas Junior High School Department noong Martes, Marso 14, 2023.

Tinalakay ni BMS President Dr. Loralie

Evangeline Perez-Miranda kasama ang ilang mga doktor at nars na kinatawan ng Batangas Medical Center (BatMC) ang mga pangunahing kaalaman sa pagsagip at pagbibigay ng paunang lunas o Basic Life Support (BLS) sa 45 na mga Teen Healthcare worker.

“We hope that this will be a good learning experience to all of you. We never know when you will need knowledge like this kasi akala niyo hindi niyo magagamit ngayon. But, maybe one or few years later down the line, there will be an emergency and you will be the person on site who has the knowledge to help someone’s life,” ani Dr. Miranda.

Itinuro rin sa mga mag-aaral ang paggamit ng Automated External Defibrillator sa panahon ng sakuna dahil hindi na puwede gawin ang mouth-to-mouth resuscitation ayon kay Dr. Tenorio.

Natapos ang training sa paghahandog ng sertipiko sa mga mag-aaral na nakilahok sa mga Bulilit/Teen Healthcare Program Training mula Setyembre 2022 hanggang Marso 2023.

Dagdag pa rito, naiuwi rin ni Alyssa Gabrielle Banta ang ika-anim na karangalan sa Feature Writing Filipino, Sidnee Madlangbayan ang ikawalong karangalan sa Copyreading English, Johna Pauline Ama ang ika-sampung karangalan sa Photojournalism Filipino at Mary Je Anne Dimailig ang ika-sampung karangalan sa Editorial Writing Filipino.

Upang maisulong ang halaga ng pananaliksik,

“As this will be the first time we conduct this after the lockdown, we want to ensure that everyone has a wonderful experience. In light of this, we would like the events to mark a significant turning point for AESA as well as make the OrgFest as memorable as possible for every UBians,” isinaad ni Samantha Ashley Maligalig, treasurer ng AESA.

Interbiochemics-Math Club, nagsagawa ng Research Forum

Aldred Sky P. Abando

Nag-organisa ang Interbiochemics-Math Club ng isang research forum upang maikintal sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga pagaaral, lalo’t higit kabilang sa misyon ng Unibersidad ng Batangas (UB) na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga Ubian pagdating sa pananaliksik.

Ginanap ang nasabing forum noong Marso 3 at 10 mula 8:30 hanggang 11:30 ng umaga, magkahiwalay ang naging sesyon para sa mga mag-aaral na nasa ika-9 at ika-10 baitang.

Napili ng paaralan si Gng. Felicitas Cortez upang talakayin ang mga paksang dapat matutunan ng mga mag-aaral upang maging matagumpay sila sa mga pananaliksik na kanilang isinasagawa.

“Labis po na makakatulong ang forum na ito para sa isang mag-aaral na gaya ko dahil nadadagdagan ang knowledge and understanding ko para mas mapabuti at mas maging effective ang research na ginagawa namin,” ayon kay Chris Kurvey C. Rivera, isang mag-aaral mula sa ika-10 baitang ng Basic Education Curriculum (BEC) na dumalo sa programa.

Ang tema ng naturang forum ay “Intensifying the 21st Century Skills through Fostering a Productive Research Culture” na kung saan tinalakay ang mga karaniwang konsepto at mga katangian ng isang qualitative na pananaliksik.

“Nakakatuwa lang po kasi alam po ng club yung mga needs namin, most especially na may research subject po kami, malaking tulong po ito sa aming lahat,” isinaad ni Samantha Paulene D. Canlas, isa ring mag-aaral mula sa ika10 baitang ng Science Class.

Nabanggit din ang mga metodo sa pag-aanalisa ng mga paksang may kinalaman sa pananaliksik, mga teknik sa pangangalap ng mahahalagang datos, pagbuo ng mga instrumento ng pananalksik, at marami pang ibang proseso na makapagpapadali sa gawain ng mga mag-aaral na naatasang manaliksik bilang kanilang proyekto sa ilang asignatura.

“With the recently concluded research forum, all I can say is “excellent work” to everyone who helped make it a success,” sinabi ni Gng. Rovic P. Casao, isang guro sa pananaliksik.

Pinangunahan ni Isabel B. Cuevas, presidente ng Interbiochemics-Math Club ang programa, dumalo rin naman ang ilang mga guro sa agham at matematika upang masaksihan ang mahalagang pagtitipon na isinagawa online.

This article is from: