20 minute read

Maharlika Para Sa Mahirap?

Next Article
THANK GAD

THANK GAD

Buhat ng bumabagsak na ekonomiya ng bansa at sigaw ng administrasyong “sama-sama tayong babangong muli,”, isa sa mga nabanggit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Sr. bilang bahagi ng mga plataporma ng kanyang administrasyon ay ang pangangailangan ng Pilipinas ng mga investment para sa mga tunguhin at layunin ng bansa. Upang ang mga planong ito ay matupad at mangyari, inihain ng pangulo ang planong Maharlika Investment Funds upang pataasin ang antas ng mga industriya sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga investment at pondo. Totoo mang maganda ang inihain at layuning plano ng pangulo, hindi naman ito swak sa lagay ng estado ng bansa sa panahong ito kung saan maraming Pilipino ang nangangamba sa kanilang buhay, trabaho, at sa maaring maging epekto nito sa Pilipinas at kalinisan ng pamahalaan.

Sa ngayon maraming kinahaharap ang bansa katulad na lamang ng mga naging epekto at buhay na tinangay ng pandemyang COVID-19, kawalan ng trabaho ng maraming Pilipino, pagtaas ng mga bilihin—sibuyas, asukal, gasolina, at iba pa. Dahil dito, mas maraming mas mahahalagang bagay ang dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan sa halip na itulak ang alokasyon at pangongolekta ng mga pondong katulad nitong wala namang kalinawan kung paano at saan gagawin. Bilang karagdagan, hindi rin mawari kung saan pupulutin ang naturang Php 275 bilyon na alokasyon ng pondo para sa Maharlika Funds, lalo pa’t hindi na itinuloy ang naunang plano na kunin ang pondong gagamitin dito sa Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) sapagkat ang mga pondong ito ay para sa mga Pilipinong stakeholder at hindi maaaring magamit ng iba.

Advertisement

pamahalaan, lalong mawawala ang kalinawan sa aksyon ng gobyerno at kung saan nga ba napupunta ang buwis ng taumbayan. Kahit na ang Maharlika Wealth Funds ay nasusuri ng Commission on Audit (COA), mananatili itong kumpidensyal at hindi bukas sa mga Pilipino – na lalong makapagpapataas sa pagtataka ng mga tao kung saan-saang mga proyekto at programa nagagamit ang kanilang mga pinaghirapang kitaing buwis.

Sa kabuuan, ang integrasyon ng mga fund na ito sa iba’t ibang ahensya at kagawaran ng pamahalaan katulad ng Department of Education (DepEd), Office of the President (Malacañang), at Office of the Vice President (OVP) ay magbibigay-buhay sa isang mas mahirap na alokasyon ng budget ng gobyerno para sa mga programa nito para sa mga Pilipino. Halimbawa, ang DepEd ay nagkaroon ng isyu dahil sa mga ordinaryong mamamayan.

Bago pa man sumapit ang taong 2023 ay tumaas na sa 13.4 trilyong piso ang utang ng Pilipinas. Kung kaya’t sa pagpapatupad ng Maharlika Funds, tuluyan na mas lalong nababaon sa utang ang Pilipinas at hindi maikakaila na maaaring matulad ang bansa sa Sri Lanka– na patuloy pa ring baon sa utang. Kung gayon ay dapat lamang na mas bigyang atensyon ng gobyerno ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin. Ang mga agrikulturang siyang tunay na mas nakakatulong sa mga Pilipino dahil sa likas na kagandahan ng lamang lupa at dagat ng Pilipinas.

Bukod pa rito, ang mga pagbabago sa sistema ng pagbubuwis dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law na isinabatas noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang dahilan kung bakit hindi sapat ang mga pondong mayroon ang gobyerno. Dahil dito, mas mahirap maatim ang tunay na ipinapangakong pagpopondo at pagsasaayos ng estadong pinansyal at ekonomikal ng bansa alinsunod sa sinabi ni Marcos na, “ang pangarap ninyo ay pangarap ko.”

Mas mainam rin na mas bigyang pansin kung paano pataasin ang ekonomiya at antas ng Pilipinas – maaaring sa pamamagitan ng turismo at tamang pagbubuwis. Bagama’t kilala ang bansa sa magagandang tanawin, sa patuloy na pagbangon ng bansa galing sa COVID-19 ay hindi pa rin gaano kataas ang mga dumadayong turista. Kung bibigyan lamang ng atensyon ng pamahalaan ang mga magagandang tanawin at tangkilikin ang mga ito, mas makatutulong ito sa Pilipinas na maaaring magresulta sa agarang pagtaas ng ekonomiya na mas maka pagpapalago ng investments para sa bansa.

Bilang karagdagan, kailangan din ng pamahalaang kuning muli ang tiwala ng mga Pilipino sa pagseserbisyo nila at pagtupad nila sa mga pangakong binitawan nila noong kinukuha pa lamang nila ang puso ng mga botante. Upang tunay na maisakatapuran ang sama-samang pagbangong muli, nananatiling mahalaga ang katapatan sa serbisyo at ang kalinawan sa trabahong ginagawa para sa sambayanang Pilipino. Magagawa nila ito sa ng pagsasaayos ng pagbubuwis sa bansa upang kahit papaano ay mapagaan ang pasanin ng mga mamamayan habang tinitiyak na mayroon tayong sapat na kita upang patakbuhin nang maayos at tama ang pamahalaan. Kung kaya, sa dinami-rami ng mga world heritage ng UNESCO sa Pilipinas. Payabungin sana ng gobyerno ang mga ito sapagkat maaaring ito ang maging sagot sa kinahaharap ng pamahalaan. Maaaring magkaroon din ng oportunidad sa larangan ng trabaho ang mga Pilipino. Sa pamamagitan nito, mas lalong matutugunan ang tunay na hinaing ng taumbayan.

Sapilitan

Ang hindi pagsang-ayon sa mandatory ROTC ay hindi maituturing na pagtataksil sa Inang Bayan.

Noong Hulyo 25, 2022, sa kaunaunahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., iminungkahi ng noo’y bagong halal na pangulo sa buong batasan, ehekutibo, lehislatibo, hudikatura, at bansa ang plano niyang buhayin muli ang mandatory Reserved Officers’ Training Corps (ROTC) o ang sapilitang pagpasok ng mga mag-aaral sa militar. Aniya, mas makabubuting ibalik ito at simulan sa mga Senior High School. Sa kasalukuyang kalagayan ng Kongreso at pamahalaan, maging ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kalihim nitong si Vice President Sara Duterte, hindi malabong manumbalik ang kilabot na dala ng nakaraan.

Sa dinami-rami ng mga problemang kinahaharap ng bansa at habang patuloy na nalulugmok ang marami sa kahirapan, hindi ang pagsusundalo nang sapilitan ang dapat pinagpa-planuhan. Ayon sa pamahalaan, ito ang paraan upang masiguro ang disiplina, pagmamahal sa bayan, nasyonalismo, at patriotismo sa mga Pilipino. Subalit, hindi naman dahas ang tunay na pamantayan ng pagmamahal sa bahal. Ang nasyonalismo ay hindi lamang makikilala sa mga pisikalan.

Ang debosyong manatiling tapat sa sagisag ng Inang Bayan ay makikita sa iba’t ibang pananaw – depende sa tumitingin. Tunay nga namang pinagpala ang iba sa lakas ng katawan upang suungin ang pambansang sundaluhan. Ang iba naman ay nangangako ng dedikasyon sa pamamagitan ng pagsulat ng panitikan, pangangalaga sa kasaysayan, pagtulong sa mga nangangailangan kababayan, pagtangkilik ng sariling atin, at pagtahak sa isang propesyong makatutulong sa kinabukasan.

Katulad ng bawat isang may samotsaring pangarap katulad ng pagiging inhinyero, doktor, abogado, guro, at marami pang iba, hindi lahat ng bata ay nangangarap maging sundalo. Hindi lahat ng bata ay dapat at nakatadhanang lupon ng patnugot humawak ng mga baril at sandata at makigyera sa iba. Hindi pa ba tayo natuto sa mga pagkakasala at kamatayan ng kahapon katulad ng pagkamatay ni Mark Chua ng University of Santo Tomas dahil sa sistema at irregularidad ng mandatory ROTC? Hindi dapat ipatupad ang isang sapilitang programa gayong wala namang kasiguraduhang ang mga pagpatay at pang-aabuso ng kapangyarihan ay natuldukan na.

Walang masamang maglingkod sa mga hukbo ng bansa. Sa katunayan, malaking tulong ang kaakibat nito para sa pagpapanatili ng seguridad, kaligtasan, at kapayapaan. Ngunit kung ang magsisilbi naman ay yaong mga pinilit lamang, ang kahalagahan ng kasundaluhan ay hindi rin naman makakamtan. Buhat nito, ang ROTC ay dapat manatiling opsyonal at bukas para sa mga nais magsilbi sa ganoong paraan at hindi sapilitan sapagkat ang mandatory ROTC ay hindi praktikal at ayon sa kagustuhan ng bawat indibidwal na mamamayan. Ang pagpilit sa sino mang maging isang taong hindi naman sila ay pagpatay sa sarili nilang pagkatao – sa sarili nilang katotohanan. Ngayon, ano ang maaaring itawag dito? Isang kahinaan? Isang karungisan sa ipinaglaban ng ating mga ninuno noong himagsikan? Isang pagtalikod sa demokrasya at soberanyang iningatan ng rebolusyon ng lakas-bayan? Hindi. Wala sa mga ito.

Hindi isang kahihiyan o kahinaan ang pagtutol sa sapilitang paglilingkod at pagseserbisyo sa hukbong sandatahan. Hindi nga ba’t ang tunay na kahihiyan ay ang matikman ang pait ng kamatayan sa isang digmaan gayong alam mong mas marami ka sanang magagawa para sa bayan sa pamamagitan ng sarili mong mga pamamaraan? Hindi nga ba’t ang tunay na salamin ng pagmamahal sa bayan ay ang kahandaang ialay ang lahat ng mayroon ka, maging ang sarili mong buhay, nang hindi dinadala ang sarili sa pagiging sundalo at

Agapay Direktor ng Potograpiya: Krizthan Lainuel Macaraig Assistant Chief Photojournalists: Kate Angelica Fetizanan Punong Taga-anyo: Gabriel James Andal, Charles Brian Pabito Katuwang na Taga-

Mata Sa Langit

Aldred Sky Abando

Huwag magpapabudol at huwag magpapaloko upang magandang kinabukasan ay ating matamo.

Modernong Tanikala

Ang eleksyong naganap noong nakaraang taon ang lubusang nagpabago sa takbo ng pamumuhay ng mga Pilipino, lalo pa at muling nakabalik sa kapangyarihan ang rehimeng pinatalsik ng mapayapang pag-aalsa o ang tinatawag na “People Power Revolution” sa pangunguna ni dating Pangulo Corazon “Cory” Cojuangco-Aquino.

Ang botong nagmula sa tatlumpu’t isang milyong Pilipino ang nagbigay ng awtoridad sa ngayon na Pangulong Ferdinand “Bongbong” E. Marcos, Jr., anak ng dating diktador na si Ferdinand E. Marcos, Sr. Hindi maikakailang ito ay malaking sampal sa ating lahat at marahil ay isang senyales na tila nakakalimutan na natin ang ating kasaysayan.

Matapos ilabas ang resulta ng nagdaang halalan, panlulumo ang namutawi sa aking isipan. Nakakalungkot isipin na tila hindi man lang napakinggan ang opinyon at ang mga pananaw ng mga kabataan na nagsusulong ng tapat na pamahalaan.

Marami man ang piniling labanan ang pagkalat ng maling impormasyon sa social media, masasabing hindi ito nagtagumpay sapagkat marami na sa mga Pilipino ang nabilog ang ulo ng mga vloggers na direktang sinisiraan ang oposisyon at ang mga kakampi nito. Hindi nagtatapos sa pagkalat ng maling impormasyon sa social media ang kanser na bumabalot sa ating bansa. Sa kasalukuyan, maraming mga pelikula na rin ang unti-unting nagrerebisa sa kasaysayan gaya na lamang ng pelikula ni Darryl Yap na pinamagatang “Maid In Malacañang” (2022) at “Martyr Or Murderer” (2023). May ilan ding mga sanggunian ang nagsabing ang batas-militar ay ang “golden age” ng ating bansa kahit na sinasabing lumagapak ang ekonomiya ng Pilipinas at lumobo ang utang ng gobyerno.

Dahil sa halalan, maraming pagkakaibigan din ang nasira at maraming pamilya ang nagkawatakwatak. Natatandaan ko pa noong halalan kung gaano kaanghang at katindi ang mga nagiging argumento sa pagitan ko at ng aking ama. Lubusang sumasakit ang aking tenga sa balubaluktot na katwiran na kanyang sinasabi, dahil na rin sa pagiging panatiko niya ni ginoong Marcos. Nagkaroon din ng girian sa pagitan nina

Lorenzo Legarda-Leviste matapos niyang malaman na ang kanyang ina na ngayo’y si

Huling Pasada

Senadora Loren Legarda ay kasama sa grupo nina Marcos at Sara Z. Duterte. Ilang negosyo rin ang nasadlak sa dusa dahil sa patuloy na pagboykot ng mga tao matapos malaman kung sino ang may-ari nito at kung sino ang kanilang sinuportahang kandidato. Isa sa mga naging biktima ng cancel culture ay ang negosyo ng anak ni Chief Presidential Counsel Juan Ponce Enrile na isang brand ng corned beef. Ipinapahayag ng mga pangyayaring ito na ang lahat ng aspeto ng buhay ng tao ay apektado ng politika. May epekto sa ating lahat ang mga kandidatong binibigyan natin ng kapangyarihang pamunuan tayo kaya nararapat na maging maingat tayo sa mga desisyong ating ginagawa. Sa panahon ngayon na kung saan patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin, patuloy na nababago ang kasaysayan, at mas niyuyurakan ang gobyernong hitik na hitik sa mga mapanirang dinastiya, may pagasa pa ba talaga tayong makitang muli ang liwanag? Kailan ba matututo

BANDILA’Y WALANG KULAY

ang mga tao? Kapag ba ang lahat ay nakadilat na at hindi na humihinga dahil sa sobrang hirap?

Mahirap, yan ang aking kasagutan. Tanging magandang edukasyon lamang ang susi sa pagbabago ng ating bayan, subalit paano kung ang sektor ng edukasyon ay lubusang nangangailangan din ng reporma? Napakasakit isipin na tila ang mga pinipili natin ang mas nagpapalubog sa antas ng buhay ng mga nasa laylayan. Laging tandaan na hindi natin dapat iasa sa gobyerno ang ating buhay subalit tandaan din natin at ikintal sa ating mga isipan na sila pa rin ang may hawak ng ekonomiya ng ating bansa. Panig man tayo sa kanila o hindi, lahat ng kanilang ginagawa ay may mabuti o masamang dulot sa atin kaya nararapat lamang na maging maingat tayo sa pagpili ng mga lider na mamumuno sa ating bayan. Huwag magpapabudol at huwag magpapaloko upang magandang kinabukasan ay ating matamo.

Umaarangkadang muli ang pagsulong ng programang dagdag pasanin lamang sa mga mamamayan sapagkat sa kabila ng dumadagundong na protesta ng karamihan ay tila taingang kawali ang mga opisyales sa nasabing isyu – ang “Jeepney Modernization Program” o JMP.

Kamot sa batok ang mga tsuper pati na rin mga komyuter sa nais mangyari ng

LTFRB na kung saan iginigiit nila ang pagpapatupad ng

“traditional jeepney phaseout” upang magbigay-daan sa tinatawag nilang ‘pag-unlad’ ng sektor ng transportasyon.

Ipinakiusap ni Pangulong

Bongbong Marcos Jr.

(BBM) noong unang araw ng Marso sa mga drayber na itigil na ang “strike” at kaniyang binigyang-diin niya ang pangangailangang ipatupad ang programa ng modernisasyon sa “ibang paraan.”

Tila ba ibang lenggwahe ang sinasalita ng mga nakaupo sa pwesto at hindi nila maintindihan ang daing ng bayan. Ayon sa DOTr at LTFRB, iikot lamang sa

₱ 2.4 million hanggang ₱

2.6 million ang minibus na ipapalit sa mga tradisyonal na jeepney. Sa katunayan, ipinasusuko nila ang mga franchise na ari ng mga tsuper at sa kapalit nito ay ang panimulang pera para sa kooperatiba nilang mabubuo bago sumapit ang ika-31 ng Disyembre, 2023.

Sa kabila ng palugit na kanilang ibinigay, karamihan pa din ay hindi sumasangayon sa pang malawakang pag phaseout ng mga jeep.

“Ito nalang po yung main source ng aming pera. Tapos mahihirapan din po ang aking parents sa pagbabayad ng aking tuition tiyaka mahihirapan din sila makapag-ipon para sa aming bahay,” wika ni Sofia Noriel C. Gonzales, isang estudyante mula sa ikasiyam na baitang ng UBJHS.

Nagmimistulang ‘deja vu’ ang mga pangyayari sapagkat minsan nang naganap ang nationwide strike at pangamba ng mga tsuper sa nasabing plano ng gobyerno. Minsan na itong pinroblema ng mga tsuper noong taong 2016 na kung saan nagsimula lamang ito sa simpleng muling pagrerehistro noong ikaapat ng Enero ng mga lumang jeepney hanggang sa pagpapatupad ng JMP.

Sinabi din ni dating LTFRB chairperson Winston Ginez na magsisimula ang mandatory phaseout sa 2017.Isa ito sa mga ginamit ni BBM upang makuha ang tiwala ng mga tao – ipinangako niyang hindi na isusulong ang jeepney phaseout sa ilalim ng kaniyang pamumuno. Hinanakit ng ibang mga tsuper na bumoto kay BBM ay, “Noong panahon ni Duterte, isinusulong na nila. Tapos noong maupo si BBM, ganoon pa rin. Binoto namin para mabago na, hindi rin pala. Hindi pala kuwan [totoo] ‘yung sinasabi nila na ‘Pag nanalo si BBM, wala ‘yang phaseout.’ Pero heto na naman,” sambit ng isang tsuper na si Danilo.

Masasabing “anti-poor” ang nasabing programa sa kabila ng mga mabuting layunin nito sapagkat karagdagang bigat lamang ito sa mga pasanin ng mga drayber. Kung sakali mang maipatupad ang total phase out at magsimulang bumyahe ang mga modernong minibus, siguradong magtataas ang presyo ng pamasahe. Hindi lamang ang tsuper ang naapektuhan nito kundi ang buong sambayanan. Bilang estudyante, mabigat sa aming bulsa ang pamasahe papuntang eskuwelahan. Ano pa kaya kung magtataas pa ito lalo?

Maaaring hindi sapat o sakto lamang ang ₱ 650 para sa isang pamilya upang maitawid ang kanilang mga pangangailangan sa isang araw. Ika nga ni Sofia, “Sa totoo lang po hindi po nila ito [modern jeep o minibus] mabibili, kasi po for 1 day, mahigit asa 1k lang po yung nagiging kita ng dad ko. Tapos po marami din po kaming needs tulad po ng tuition ko, mga grocery, syempre po mga baon at yung tubig at kuryente namin.”

Ibinahagi din ng isang dating propesor sa University of the Philippines na si Teodoro Mendoza, PhD, na ayon sa kaniyang pag-aaral ay magkakaroon ng domino effects at fare increase. Binanggit niya tataas ang cost of living at transport ng pagkain sapagkat karaniwang ginagamit ang mga jeep sa pagkakarga ng mga pagkain mula sa probinsya tungo sa mga merkado. Lahat ay tataas kung tutuusin, ang pamasahe, bilihin, pagkain, pati na rin ang sweldo sapagkat siguradong maraming dadaing tungkol sa kakulangan ng salapi.

Kawalan Ng Kahapon

Charles Brian Pabito

Maging green flag tayo sa mga taong napaliligiran natin, ngunit hindi ayon sa bokabularyo at depinisyong nabuo ng iba.

Red flag para sa mga naghahanap ng green flag.

Ang green flag, isang makabagong salitang ginagamit ng zoomers o mas kilala bilang Gen Z, ay tumutukoy sa isang taong nagbibigay ng impresyong nakapagdadala ng mga positibong senyales sa isang relasyon – sa madaling salita, isang katuwang na sapat upang mapagkakatiwalaang bumuo ng isang ugnayang magtatagal sa haba ng panahon. Sa kabilang banda, inilalarawan naman ang red flag bilang isang katuwang na kakikitaan ng bad vibes o warning signals at may mataas na pagkakataong saktan ang sarili nilang katuwang sa kanilang relasyon.

“Looking for green flags. He is such a walking green flag.”

“Sobrang red flag talaga ng partner ko. Kailan kaya ako makararanas ng healthy relationship at green flag partner?”

SALIN-GRASYA

Yoesha Grace D. Velasco

Tila ba ibang lenggwahe ang sinasalita ng mga nakaupo sa pwesto at hindi nila maintindihan ang daing ng bayan. Ang pagunlad ay hindi basta-basta makakamit sa loob ng isang araw.

Ilan lamang ang mga ito sa libu-libong kasabihang iniuulat at sinasabi ng mga taong naghahanap ng isang matatag na relasyon. Bagama’t walang masama sa pagnanais na bumuo ng isang matibay na relasyon, ang paghahangad at pagmimithi ng isang katuwang na naaayon sa pamantayan ng mga green flag na nabuo sa idinidikta ng pamantayang panlipunan ay hindi makabuluhan upang pagtuunan ng pansin.

Tiwala, pagmamahal, at unawa ang kailangan sa pag-unlad ng isang pagkakaintindihan. Ang isang samahan kung saan isa lamang ang nagsusumikap at umuunawa ay may tiyak na kabiguan. Kaya sa halip na umasa sa pagkakataong makatagpo ng mga green flag sa iba, bakit hindi natin piliing masumpungan ang hinahanap natin sa pamamagitan ng pagkukusa? Minsan, o kadalasan pa nga, ang pilit nating hinahanap sa iba ay hindi natin makita dahil nasa ating mga sarili pala.

Kung makatagpo man ang isa ng pinakamaunawain, pinakamapagkakatiwalaan, at pinakamapagmahal na kapareha, kung hindi naman niya ibinabalik ang positibong ugaling ipinakikita at nararanasan niya, para lang din niyang hinayaang masira ang relasyong ipinundar nila. Buhat nito, mananatili siyang isang red flag sa mga alaala ng kasintahan niyang minahal siya nang sobra. Ang mga ito ang dahilan kung bakit hindi ako aasa sa kapalaran at swerte upang makahanap ng isang taong matatawag kong green flag; sa halip, pipiliin kong maging green flag at magiging mabuting tao, at ang minsan kong hinanap ay kusang darating sa buhay ko. Maging green flag tayo sa mga taong napaliligiran natin, ngunit hindi ayon sa bokabularyo at depinisyong nabuo ng iba. Ang terminong minsang tumukoy sa mga indibidwal na tila magdadala ng positibong senyales sa isang relasyon, sa pagtagal ng panahon, ay naging isang pilit at arbitraryong pamantayang nagdidikta sa iba – isang salitang sumasalamin sa mga social norm at ideyalisasyon.

Walang kabuluhan para sa isang taong umasa sa swerte at kapalaran upang makahanap ng kasintahang matatawag nilang green flag. Samakatuwid, ang isang taong gustong makahanap ng katuwang sa isang relasyon habang nagtatakda ng mga pamantayang dikta ng iba habang itinatago ito sa pangalang green flag ang totoong senyales ng pinakamalaking red flag.

Kung ang pagiging green flag ay nangangahulugang pagpapalit ng sarili upang makasunod sa mga social norm at pamantayan ng iba, mas gugustuhin kong mawala ang pananaw sa mga mga kulay ng bandila.

komentaryo: Ang pagbabalik ng mga marcos sa malacañang

Nakakadismaya. Nakakasuka. Isang malaking pambabalahura sa ating kasaysayan ang resulta ng nagdaang halalan. Ang paglimot ay pagpapatawad sa lahat ng kabuktutang ginawa ng pamilyang nagnakaw sa kaban ng bansa.

Duda Sa Makabago

Nakakatuwang isipin na makalipas ang ilang dekada ay muling nakabalik sa puwesto ang pamilyang pinatalsik sa kapangyarihan. Isa itong magandang balita para sa ating bansa lalo na at naniniwala akong muling magiging maunlad at tahimik ang ating buhay.

Salanggapang Pagkitil

Nakakalungkot na tila unti-unti nang nakakalimutan ng ating mga kababayan ang kasaysayan ng ating bansa. Nakakabahala ang pagkamangmang ng mga Pilipino at pagkabulag nila sa mga kuwentong gawagawaan lamang.

Walang magandang kinabukasang nag-aabang sa ating bansa kung patuloy na magkakaroon ng kawalan sa hustisya ang pamahalaan.

Nito lamang Oktubre 3, isang hindi kilalang mamamaril ang kumitil sa isang sikat na manunulat at isang radio commentator na si Percival Mabasa na kilala rin bilang si Percy Lapid. Siya ang ikalawa sa mga manunulat na nakitil simula noong napaupo sa posisyon si Pangulong Marcos.

Hindi maipagkakailang malaki ang naging pagkukulang ng mga namumuno sa pamahalaan sapagkat naging mabagal ang mga prosesong kanilang ipanapatupad para sa agarang paglutas ng kaso.

hustisya sa bansa, mayroon ding ilang kaso ang hindi na talaga pinapansin o di kaya ginagawa na lamang na parang bula kagaya na lamang sa kaso ng mga mahihirap na hindi nabibigyan ng sapat na justice system sapagkat sila ay salat sa buhay at hindi nabibigyan ng pagkakataon na makakuha ng abogado para sa kanilang sarili.

Ayon sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, ang nagpahayag ng gasgas ngunit napapanahong kasabihan na “kabataan ang pag-asa ng bayan” kung saan ipinaparating niya na ang kinabukasan at pag unlad ng isang lipunan ay nakadepende sa kabataan ngunit sila nga ba ang pag-asa kung ang mga taong nasa paligid nila ay siyang nagdududa?

Sapagkat ang kabataan ay nasa proseso ng paghahanap sa kanilang sarili at hindi pa gaanong hinog ang kanilang kaalaman tungkol sa mga sensitibong bagay, bukas ang kanilang isipan tungkol sa mga opinyon na ipinapahayag ng iba’t ibang tao. Lumalawak ang kanilang kaalaman dahil nakakakita at nakakapanood sila ng mga grapika tungkol sa mga paksang kontrobersyal na siyang nagmumulat sa kabataan sa mga konsepto at ideya na hindi pa handang harapin ng mga nakakatanda.

Ito ay nagsisimula sa mga seryosong usapan sa social media na makikita natin sa mga aplikasyon kagaya ng Twitter at Facebook tungkol sa ekonomiya, politika, at iba pang maaaring magbukas sa kanilang isipan at nagsisilbing motibasyon upang gawin ang alam nilang tama at wasto. Ngunit, may ibang hindi makapamahagi ng kanilang kaalaman sapagkat diskriminasyon at panglalait ang kanilang natatanggap kung gawin man nila ito.

Marami pa rin matatanda lalo na sa henerasyon ngayon ang nagdududa sa kakayahan ng mga kabataan upang mamuno patungo sa kabutihan ng ating kinabukasan sapagkat sa tingin nila marami pang puwede pagdaanan ang mga kabataan bago pa man sila sumubok sa mga seryosong responsibilidad.

Ngunit, para sa akin, hindi naman sa edad tinitingnan ang kakayahan ng isang tao. Kahit man sabihin natin na mas maraming kaalaman ang matatanda kaysa sa mga bata dahil ng kanilang taglay na karanasang napagdaanan dapat isipin din natin na hindi porket mas matanda ang isang indibidwal, mas malala at matindi na agad ang naranasan nila kaysa sa atin.

Dapat tanggapin ng mga nakatatanda na ang mga kabataan ay may kakayahan na makilahok at sumabak sa mga matinding propesyon. Wala din silang magagawa kung hindi tanggapin nila ang kanilang kapalaran sapagkat hindi rin naman nila makokontrol ang prosesong pinagdadaanan ng lipunan na tumanggap ng mga nakakabata kaysa kanila upang mas umunlad patungo sa mabuting kinabukasan lalo na’t ang populasyon ng kabataan sa Pilipinas ay higit sa 40%.

Kaya kailangan na matuto rin ang mga kabataan na tumayo para maipagtanggol nila ang kanilang sarili sapagkat ito ay kakailanganin rin nila pag tumungtong sila sa tamang edad. Magbigay ng galang subalit matuto rin maglagay ng boundaries upang hindi nila maranasan ulit ang diksriminasyon at panlalait sa kanila.

Madaming kaso rin dito sa bansa ang hindi nabibigyang solusyon at hustisya.

Tila kulang ang ating bansa sa mga taong totoo at may puso sa trabaho.

Bukod sa mabagal na sistema ng

ANG KURO

Le Bron James Silang

Oras na para kilalanin ng gobyerno ang maling aksyon ng mga korporasyon at negosyo na may bahagi sa pagka-iwan sa ere ng pangako ng K-12 program.

Maraming nagpapatunay na malaking tulong ang pagkakaroon ng koneksyon upang agarang maresolba ang mga kani-kanilang kaso. Kaakibat na ng pera ang hustisya, kung wala ka nito ay hindi ka magkakaroon ng sapat at hinahanap mong hustisya.

Ang mga kasong ito ang nagpapatunay na hindi lahat ng nagsasabi ng tama ay laging pinaniniwalaan.

Madaming kaso dito sa ating bansa na kung saan kung sino pa ang nagsasabing tama ay siyang pinatatahimik ng pamahalaan. Bukod sa pagpapatahimik, kung minsan ang mga ito ay tuluyan nilang pinapapatay. Dapat na tayong mga kabataan ay maging tunay na mga edukadong nakakaalam kung ano ang tama at mali. Mula rito, nararapat lamang na magsagawa ng karampatang aksyon ang pamunuan ni Pangulong Marcos katuwang ang iba pang mga departamentong responsable sa sistema ng hustisya ng bansa. Dapat lahat ng mga Pilipino ay magkaroon ng sapat at mabilis na hustiya at Hustisyang hindi dapat natatapalan ng pera at posisyon.

Dapat lahat ng mga Pilipino ay magkaroon ng sapat at mabilis na hustiya Hindi sa edad tinitingnan ang kakayahan ng isang tao.

Pananagutan At Pagbabago

Balak i-revise ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd ang K-12 Program sa pangunguna ni Bise Presidente Sarah Duterte bilang Secretary of Education. Ang aksyong ito ay bunga ng mga resulta sa Basic Education Report para sa 2023 na nagpapakita ng malaking kakulangan sa importanteng mga aralin at napakong pangako na maaring makakuha ng trabaho ang mga nakapagtapos ng Senior High School.

Matatandaang ang K-12 Program ay nagdagdag ng dalawang taon sa edukasyon ng mga mag-aaral sa Pilipinas nang inimplementa ito. Layunin nitong mapalawak ang kakayahan ng mga mag-aaral at gawin silang kwalipikado para sa middle-level employment.

Sa huli, hindi lahat ng layunin ay nagagawa at lahat ng pangako natutupad.

Kung kaya’t para maisakatuparan ang mga pangyayari na dapat dala ng pagkakaroon ng K-12 Program, magkakaroon ng pagbabago rito upang mas mapagaling at mapatalas ang isipin ng mga mag-aaral at maging kwalipikado sila na makuha sa trabaho. Ngunit, ang K-12 program lamang ba ang dahilan kung bakit kinakailangan pa rin ng mga Pilipino na makapagtapos sa Kolehiyo upang sila ay makapag-trabaho? May bahagi rin ang mga korporasyon at negosyo kung bakit hanggang ngayon ay masyadong mataas ang istandard upang tayo ay makuha sa kahit anong trabaho. Ito ay nagsisilbing balakid kung bakit maraming mga Pilipino ay hindi makakuha ng maayos na trabaho. Paano nga naman makakapag-trabaho ang mga nakapagtapos sa Senior High School kung kahit ang pagiging kahera ay kinakailangan na makapagtapos ka ng kolehiyo sa Pilipinas? Hindi ba’t parang walang katarungan kung lahat na lamang ng trabaho ay kailangan nakapagtapos ka ng kolehiyo? Saan magagamit ang mga kaalaman na nakuha mo habang ikaw ay nag-aaral ng kolehiyo kung ang trabaho na iyong makukuha naman ay kayang gawin ng isang Senior High School graduate?

Marami sa mga Pilipino ang naghihirap kung kaya’t

Nabigong Obra Maestra

malaking bagay para sa lahat ang layunin ng K-12 na gawing kwalipikado ang mga mag-aaral para sa middlelevel employment kapag nakapagtapos ng

Senior High School. Maganda ang layunin ni Bise Presidente Sara Duterte na patibayin ang K-12 program. Ngunit, oras na para kilalanin ng gobyerno ang maling aksyon ng mga korporasyon at negosyo na may bahagi sa pagka-iwan sa ere ng pangako ng kurikulum. Upang umunlad itong lipunan, marapat kilalanin ang pagkakamali na nagagawa ng sinuman.

Nilinaw ng Department of National Defense (DND) Officer-In-Charge Secretary Carlito Galvez Jr. na ang iminungkahing programang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) ay mas pinahusay uang mapalakas at mapatatag ang mga pangkat ng trainees sa paniniwalang nagpapatibay din ito ng kanilang mental health. Datapwa’t sa pahayag na ito, hindi ko sinusuportahan ang panukalang mandatory ROTC kaugnay sa mga nakaraang pangyayari partikular na ang pagkamatay ni Mark Nelson Chua noong nagsilbi siya sa panahon ng ROTC.

Ang sapilitang pagkikipag-ugnayan sa nasabing panukalan ay itinigil noong 2001 at naging opsyonal dahil sa pagkakagulo ng mga tao at humiling na itiwalaga na ang programa ng dahil sa pagkamatay ni Mark Welson Chua. Si Chua ay isang ROTC cadet mula sa Unibersidad ng Santo Tomas. Pinatay umano siya ng mga kadete niyang seniors matapos niyang ilantad ang korupsyon na nangyayari sa ROTC program noon sa publiko.

Ang panahon ng mandatory ROTC ay naglunsad ng mga korupson sa programa tulad ng pagbabayad ng mga estudyante sa kanilang mga opisyal upang makakuha ng pasadong marka sa nasabing programa nang hindi nakikibahagi dito. Bilang sa mga estudyanteng nakakuha ng passing grades ay binayaran lang ang kanilang grades na nag-usbong sa hindi patas na sistema sa loob ng programa.

Ibinahagi ni Secretary Galvez na ang programa na ROTC na naisip ng DND ay kinabibilangan ng mga kurso na partikular na idinisenyo upang pasiglahin ang katatagan, pamumuno sa sarili, pagbuo ng karakter, at disiplina. Ang programang ito ay may mabuting hangarin ngunit hindi natin maiiwasan na ito ay magdulot ng kapahamakan at maging mapanganib sa mga mag-aaral.

Maraming tao ang hindi sumasang-ayon at hindi sumusuporta sa bagong iminungkahing mandatoryong programa ng ROTC, partikular, ang mga magulang. Maraming tao kabilang ang aming mga magulang ang nagaalala para sa aming mga kabataang estudyante, na posibleng sumailalim sa programang ROTC sa hinaharap. Noong termino ng dating pangulo na si Gloria Macapagal-Arroyo, nilagdaan niya ang Batas Republika Bilang 9163, ang National Service Training Program (NSTP) Act of 2001. Dahil sa Batas Republika na ito, naging boluntaryo at hindi mandatory ang ROTC. Gayunpaman, paulit-ulit na bumabalik ang nakaraan. Hinihimok ni Vice President at Education Secretary, Sara Duterte, na dapat gawing mandatory muli ang elective ROTC program. Sang-ayon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ideya na ibalik ang mandatoryong ROTC program. Sa pag-alala sa pagkamatay ni Mark Welson Chua, natatakot kami na mangyari muli ito sa ibang estudyante. Ang programang ito ay tunay ngang magpapaunlad ng ating kaalaman at kakayahan at maaari tayong magkaroon ng responsibilidad at disiplina sa paglilingkod at pagprotekta sa bansa sa pamamagitan ng programang ito. Ngunit upang maisakatuparan ito, dapat sundin ang mga protocol sa kaligtasan at dapat tanggalin ang korupsyon sa kasalukuyang pamahalaan.

Dapat lahat ng mga Pilipino ay magkaroon ng sapat at mabilis na hustiya

Malayang Kerubin

Kate Angelica Fetizanan

Para sa ibang mga mag-aaral, itinuturing nilang mga magulang ang kanilang mga guro sapagkat sila ang nagpupuno sa mga pagkukulang ng mga miyembro ng tahanan.

This article is from: