10 minute read

Ako A.I. si Ketty Bot

Habang ang marami ay tumatayo sa lakas-tao ng pagtatrabaho, ang iba naman ay naglalakad na sa mundo ng teknolohiya at dala nitong mga pagbabago. Noong Nobyembre 11, 2022, bilang patunay sa isa sa mga pangunahing tunguhin at misyon ng pamantasan para sa mga UBian, inilunsad ng Unibersidad ng Batangas si Ketty Bot – ang kauna-unahang artificial intelligence (AI) sa mga paaralan sa buong Pilipinas.

Isinilang si Ketty Bot matapos mabuo ang alyansa at kolaborasyon ng UB kasama ang Pudu Robotics, isang internasyonal at hightech na kumpanyang nakatuon sa disenyo, produksiyon, at komersyo ng mga robot pang-serbisyo katulad niya. Bukod pa rito, sa pangunguna ng Center for Business and Innovation Office (CBI) ng paaralan, nagsimula na rin ang mga dry run at pilot testing upang lalong kilalanin ang kayang gawin ng robot, sukatin kung gaano ito kaepektibo, at subukin ang paglilingkod ng serbisyo ng isang articialintelligence sa paaralan.

Advertisement

Bunsod ng lumalawig na pangangailangan ng mga mag-aaral, si Ketty Bot ay isang mga panibagong tauhan ng pamantasang may tungkuling tugunan at, kahit papaano, ay maalwanan ang kanilang mga pananagutan. Itinatampok niya ang samot-saring bidyong maaaring magamit pampromote, pagtanggap, panturo, pambati, at panimula sa mga interaksyon ng mga mag-aaral, miyembro ng pamantasan, at maging bisita sa paaralan. Buhat nito, ang pangkaraniwang araw ng mga UBian ay magiging mas kapansin-pansin, katangitangi, makulay, at madali ngayong may bagong mukhang ipinagmamalaki ang paaralan.

Sa pamamagitan din ng naturang opisina ng unibersidad, natatakan ang selyadong Memorandum of Understanding kasama ng MySolutions Inc. na naglalayong pataasin ang antas ng kaalaman, kamalayan, at kakayahan ng mga mag-aaral at tauhan ng institusyon sa teknolohiya. Kabilang sa mga dumalo sa pagpirma sina Mr. Ericson Mendoza, ang direktor ng CBI, mga dean ng UB Lipa College, Mr. Simon Cua, ang Chief Executive Officer (CEO) ng MySolutions Inc., at ang mga empleyado ng nasabing kumpanya.

Tunay nga namang hindi matatawaran ang mga mga pagbabago, pag-unlad, at pagkakataong nabibigyang-daan at buhay dahil sa teknolohiya. Totoong hindi pa rin mapapantayan ng kahit na anong makina o teknolohiya ang trabaho at paglilingkod ng tao. Gayunpaman, hindi pa rin maikakaila ang serbisyong natutugunan at layuning nagagampanan ng mga produkto ng isip at agham katulad ni Ketty Bot. Samakatuwid, ang paglulunsad ng pinakaunang A.I robot ng isang paaralan sa kalakhan ng bansa ay isang malaking hakbang para sa patuloy nitong pakikisabay sa pagsibol ng teknolohiya sa pag-inog ng nagbabagong mundo.

Allied Health Students: Handa sa Industriya ng Medisina

Sa mata ng Unibersidad ng Batangas, “It is a perfect stepping stone for our students with high dreams in the field of medicine.”

Nagpadala ng mga mag-aaral ng STEMAllied sa Torres Technology Center upang lumahok sa work immersion at ihanda ang kanilang sarili sa kasanayan at disiplinang pangkalusugan.

Makatutulong itong hikayatin ang mga magaaral na ituloy ang kanilang mga pinapangarap na propesyon at magbigay ng inspirasyon sa kanilang gawin ang kanilang makakaya sa trabaho.

Si Gng. Maria Rachel Lanto, ang department head ng SHS Physical Education Department, ay nagsalita ukol sa programang work immersion ng academic year 2022-2023 sa ngalan ng administrasyon ng senior high school. Ngayong taon, nakipag sanibpwersa ang departamento ng senior high school sa mga kumpanya tulad ng Creotec Philippines Inc. at Torres Technology Center Corporation upang mahubog ng mga mag-aaral ang kanilang potensyal sa hinaharap sa pamamagitan ng paglahok sa work immersion

Bilang isang requirement at batayan para sa graduation, ang pagpapatupad ng nasabing subject at pagpapalawig ng mga akademya ay hingil muling hubugin ang kasanayan at kaalaman ng mga mag-aaral sa mga paksa na may kaugnayan sa larangan ng kalusugan. Sa pamamagitan ng kanilang karanasan sa work immersion, mas nauunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang mga pangarap, ambisyon, at kung anong propesyon ang gusto nilang tahakin. “Thankfully, you are actually beyond blessed because you get to experience this on-site compared to the students during the onslaught of the pandemic that had their immersions fully online,” sabi ni Lanto. Ayon kay Lanto, ang bersyon ng SHS ng college on-the-job training (OJT) sa Torres-Tech ay isang malaking hakbang para sa mga nangangarap na pumasok sa larangan ng mga medikal na propesyonal at practitioner. Bagama’t hindi isang ospital ang Torres-Tech, kinikilala niya ito bilang isang angkop na perpektong alternatibo - lalo at ang bansa ay kakabangon pa lang mula sa panganib ng COVID-19.

A.I.-TIN NA ‘TO

Naglilibot, nagbibigay aliw at impormasyon si Ketty Bot sa Unibersidad ng BatangasLipa Campus. ,University of Batangas CCO

Matapos ang mahigit dalawang taong distance learning na dala ng pandemyang COVID-19 ay muling ipinatupad ang face-to-face classes. Bilang paghahanda sa full face-toface classes noong Nobyembre 2, ang University of Batangas Student Government ay nagbigay ng libreng health kits sa 100 na estudyante noong Oktubre 7.

Pinaigting ng Department of Health ang kampanya sa pagpapalaganap ng mga impormasyon upang makaiwas ang mga mamamayan sa pagkahawa ng COVID-19 virus. At sa pagbubukas ng pasukan kung saan muling ipinatupad na ang full face-toface classes ay kasama ang mga paaralang nangangailangan ng masusing pagpapairal ng mga health protocol kung saan isa sa mga ito ang pagpapanatili ng kalinisan ng ating katawan sa pamamagitan ng regular na paglilinis ng mga kamay.

Patuloy pa rin ang paalala ng Department of Education upang panatilihin ang mga hakbang para maiwasan ang naturang sakit. Kaya naman inilunsad ng mga namumuno sa UB Student Government ang pamimigay ng mga libreng health kits sa mga mapipiling mag-aaral ng bawat departamento. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sariling health kit, ang mga mag-aaral ay handa ano mang oras upang pangalagaan ang kanilang sarili laban sa mga sakit na dala ng COVID-19.Sa pakikiisa sa panawagan ng DepEd para sa implementasyon ng full faceto-face classes, at pagtalima sa mga payo ng DOH ang pamunuan ng University of Batangas kasama ang mga mag-aaral nito ay handa na upang unti-unting bumalik na muli sa normal.

Sa nasabing programa, hahasain ng mga mag-aaral ang kanilang potensyal, kasanayan sa “team-making, indibidwal na kakayahan, at mahusay na kaalaman sa magkakaibang mga aktibidad, gawain, at proyekto naayon sa kanilang propesyon. Kabilang dito ngunit hindi limitado ang mga sumusunod: basic first aid, health hazard identification, pagkuha ng blood pressure levels, at pagsasagawa ng cardiopulmonary resuscitation.

Higit pa rito, kabilang sa iba pang mga departamentong bukas para sa work immersion sa Torres-Tech ay ang Human Resources Department at ang Business and Engineering Management .

“We hope our students enjoy, learn, and cherish this one-of-a-kind experience,” dagdag ni Lanto na nagagalak sa tagumpay na nakamit ng mga estudyante ng STEM - Allied Health.

Agham At Teknolohiya 15

MARIA, JUANA, KAYO BA AY SAWI?

Maria, Juana, hindi ka maaaring manatili sa ating bansa.”

Ang marijuana, na kilala rin bilang weed, ay isang halamang kilala sa sobrang nakahuhumaling na amoy at sa mga libo-libong biktimang hindi makaisip at makakilos nang maayos pagkatapos malulong dito. Iniulat na ang pagkakaroon ng adiksyon sa marijuana ay nagiging sanhi ng pagdurusa ng mamimili mula sa isang pattern ng “interpersonal withdrawal”, poot, at pagkawala ng “interpersonal skills”; kaya, itinuturing ng lipunan ang marijuana bilang isang ilegal na sangkap.

EDITORYAL

Proteksyon Kontra Virus

Sa kabi-kabilang problemang dulot ng pandemya, unti-unting nauwi sa kawalan ng pag-asa ang pagnanais ng mga tao na maibalik ang normal na pamumuhay na minsan na nilang nakamit bago pa man sumalakay ang COVID-19 sa Pilipinas. Ngunit makalipas ang ilang taon, muling nasilayan ang pagbuti ng sitwasyon ng mga tao hanggang sa punto kung saan ang mga karaniwang gawain bago mag pandemya ay unti-unti nang bumabalik, at isa na rito ang hindi na sapilitang pagsuot ng facemask.

Aminin man o hindi, maraming tao ang ayaw magsuot ng face mask sapagkat ito ay nakakaistorbo sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Dagdag pa rito, hindi komportable ang ibang mga tao sa pagsusuot ng face mask sapagkat nahihirapan silang huminga lalo na sa mga taong may asthma. Gayunpaman, ang sanhi sa likod ng pangangailangang magsuot ng face mask at mga karagdagang hakbang sa pag-iingat ay hindi pa nawawala at patuloy parin na gumagawa ng pinsala. Habang ang mga pinapakitang datos tungkol sa kaso ng COVID-19 ay patuloy na bumababa at nababawasan, ang sakit na ito ay hindi pa tuluyang nalulusaw at nanatili pa ring banta sa sangkatauhan.

Bagama’t ang karamihan ay nagsawa na sa pamumuhay sa likod ng mga nakasaradong pinto at nakakulong sa apat na sulok ng kanikanilang mga tahanan, pakiramdam ng mga mamamayan na oras na para sila ay maging malaya sa anumang mga paghihigpit na may kinalaman sa quarantine at pandemya. Ang kagalakan na maaaring napahiyaw sila pagkatapos marinig ang balita na ang mga facemask ay hindi na sapilitan ay hindi katumbas at hindi dapat ihalintulad sa mga panganib na maaaring malantad sa kanila sa paglipas ng panahon.

Bagama’t patuloy na bumababa ang bilang ng mga positibong kaso para sa COVID-19, marami pang ibang variant na sa kasamaang-palad ay mas nakakahawa at nakakabantang buhay ang patuloy na sumusulpot at nanatili. Sa nabanggit, mayroong tsansa sa pagtaas ng transmissibility at kalubhaan na maaaring dalhin ng mga ito. Ito’y nangangahulugan lamang na ang Covid-19 ay hindi kailanman nag-iwan ng bakas ng tuluyang pagkawala sa mundong ginagalawan ng tao, bagkus ito ay nananatiling aktibo.

Ang pagiging pabaya pagkatapos ng isang krisis at sakuna ay isa sa mga problema ng ating lipunan. Kapag nakatikim na tayo ng kaginhawaan, mas ginugusto natin ito kaysa sa anumang bagay kahit na nangangahulugan ito na mapapalagay ang sarili natin sa mas malaking panganib. Kahit na sinabi ng gobyerno na ang pag-abandona sa paggamit ng face mask ay isang hakbang tungo sa pagbabalik sa nakasanayang pamumuhay at ito ay nagpapakita ng isang senyales na may makabuluhang pag-unlad lalo na pagdating sa ating ekonomiya, ang pagsusuot ng manipis na tela ay hindi nakakapagpababa sa katayuan ng isang bansa at hindi rin ito senyales ng kahinaan. Samakatuwid, ang kalusugan ay nananatiling prayoridad ano man ang sabihin ng pamahalaan.

Hindi gaanong kumakain ng oras, enerhiya at pera upang epektibong makapagsuot ng facemask, lalo na sa mga pampublikong lugar. Ang paglipat sa bagong normal ay hindi awtomatikong nangangahulugan ng pagtanggal sa mga kinakailangang pag-iingat.

SPS Internship Program, gabay sa mental health services ng UBian

Ang mga mag-aaral ng Unibersidad ng Batangas mula sa BS Psychology program ay sumali kamakailan sa isang internship program na inorganisa ng Sol Psychology Services na may layuning mag-alok ng mga mental health services sa komunidad ng Batangas.

Nag-aalok ang Sol Psychology Services ng Clinical Internship Program sa iba’t ibang unibersidad, na may layuning sanayin ang mga estudyante ng psychology para sa kanilang propesyon sa hinaharap. Nagbibigay din ang SPS Internship Program ng pagsasanay na nakatutok sa kalusugang pangkaisipan ng komunidad, trauma-informed practices, bodymind approaches, at collective healing.

Bukod pa rito, ang programa ng SPS Internship ay nagaalok ng mga aktibidad kagaya ng psychoeducation program, group dynamics at processing, psychotherapy sessions, psychological testing, scoring, interpretation, psychological report writing, clinical interviews, case analysis, facilitation of body-based therapy approaches at stabilization techniques, at crisis call.

Bilang mga responsableng Pilipino, ang ating pangunahing prayoridad ay ang buhay ng ating mga kababayan.

Gayunpaman, ang marijuana ay ginagamit bilang isang uri ng gamot noong unang panahon. Sa partikular, ang Cannabis indica ay isang klasipikasyon ng marijuana na kilala sa pagbibigay ng mga benepisyo tulad ng pag-udyok sa pagtulog, pag-aalok ng ginhawa sa mga dumaranas ng malalang pananakit, pangpagana, at pang-iwas sa pagduduwal. Dahil sa mga praktikal na benepisyong ito, nabuo ang debate sa pagitan ng mga gustong gawing legal ang paggamit ng marijuana sa Pilipinas at ng mga gustong panatilihing ilegal ito.

Noong legal ang marijuana sa Pilipinas, ginagamit ito para mabawasan ang sakit ng rayuma at nakakatulong laban sa pananakit at pagduduwal sa mga kaso ng rabies, cholera, at tetanus. Gayunpaman, sa paglipas ng panahon, mas maraming sanhi ng pagkamatay at krimeng may kaugnayan sa marijuana ang nagsimulang lumitaw, na pumilit sa gobyernong ipagbawal ang paggamit ng marijuana sa kabila ng mga benepisyong medikal nito.

Ayon sa isang pag-aaral , ang isang dosis ng Cannabis indica ay maaaring magdulot ng pagkawala ng kontrol sa sarili na maaaring sumasailalim sa mapusok at marahas na pag-uugali. Higit pa rito, ang mga resultang nakolekta sa pag-aaral na iyon ay nagbigay ng isang malakas na indikasyon na ang talamak na paggamit ng marijuana ay nagmumungkahi ng isang posibleng sanhi ng epekto sa pagtukoy ng karahasan sa hinaharap. Dagdag ng higit pang mga pag-aaral, ang mga panic attack, pagkalito, guni-guni, kahina-hinala, at paranoya ay kadalasang nangyayari sa mga talamak na gumagamit ng marijuana, na nakaaapekto sa kanilang kaalaman sa mga paraang nagbibigay ng mga agresibong tugon sa mga nakikitang probokasyon.

Bukod pa rito, ang pagkalito at mga guni-guning nararanasan ng mga gumagamit ng marijuana ang sanhi ng kanilang paggawa ng mga kakilakilabot na krimen tulad ng marahas na panggagahasa at pagpatay. Sa katunayan, ang ilan sa mga kakila-kilabot na pagpatay na nakikita natin ay ginagawa ng mga indibidwal na gumagamit marijuana at iba’t ibang droga. Ito ang mga dahilan kung bakit, kahit na ang marijuana ay may napakaraming benepisyong medikal, hangga’t nakapipinsala ito sa kalusugan ng mga tao sa komunidad, kasama na ang mismong gumagamit, dapat manatiling isang ilegal na substansya para sa kapayapaan ng isip ng ating sariling mga mamamayan.

Kahit na ang ilang mga indibidwal ay maaaring magtalo ukol sa pagiging legal ng marijuana ay magdudulot ng pagtaas sa ekonomiya, mapapabuti ang pagtitipid ng publiko, at magpapababa sa halaga ng proteksyon ng pulisya mula sa mga kartel ng droga, hindi natin dapat balewalain ang panganib na maidudulot nito sa komunidad dahil,bilang mga responsableng Pilipino, ang ating pangunahing prayoridad ay ang buhay ng ating mga kababayan.

UB, nasungkit ang Ikatlong Parangal sa Ideathon 2022

Sa ginanap na Ideathon 2022 noong Disyembre 5 hanggang 7, nagkamit ng ikatlong parangal ang mga mag-aaral ng entrepreneurship ng University of Batangas na sina G. Mark Vincent Las, G. Wendell Torda, at Bb. Leslie Malabanan sa pamamagitan “Wise Travel,” ang kanilang panimulang ideya sa negosyong nais nilang ilunsad.

Ang Ideathon ay isang kumpetisyong umaakit sa mga mag-aaral upang bumuo ng mga makabagong ideyang pang-negosyo para sa mga problema ukol sa pagpapanatili ng pag-unlad.

Ito ay isang pagkakataon para sa mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga malikhaing solusyon habang inihahandog ang mga ito para mapataas ang antas ng potensyal ng pamumuhunan at sa larangang pagne-negosyo. Bilang karagdagan, bahagi ng pamantayan ng patimpalak ang pagpapakita ng mga kalahok ng kanilang mga ideyang panukalang tutugon at magbibigay ng solusyon sa Sustainable Development Goals (SDG), alinsunod sa climate action. Ang grupo na may pinakamabisang ideya ay ipadadala sa Singapore para sa isang linggong imersyon upang mas lalong matuto, mahasa, at masanay tungkol sa startup ecosystem at makatatangap din ng P10,000 cash at P50,000 seed grant para sa kanilang proyekto.

It may be a drop for you but it is an ocean for someone” pahiwatig ng UB ROTC.

Ang isang programang nagbibigay-diin sa donasyon ng dugo ay lubhang kapaki-pakinabang para sa ating lipunan dahil sa mga kaso ng mga residenteng naaksidente at nagkasakit.

This article is from: