5 minute read

Modelong Iskolar

UB, binuksan ang audition para sa UB models; 25% scholarship insentibo, ipinagpatuloy

Nagbukas ng mas maraming oportunidad ang Unibersidad ng Batangas para sa mga mag-aaral nito na makasali sa huling lineup ng mga modelo ng paaralan.

Advertisement

Isinagawa ang nasabing audition noong Setyembre 19, 2022, dumaan sa tatlong yugto ang mga Junior High School (JHS), Senior High School (SHS), at mga mag-aaral sa kolehiyo na nagnanais mapabilang sa lineup.

“I think what made me stand out from other students who were also auditioning was that I successfully showcased what it takes to be a proud, confident, self-assured UBian,” saad ni Angelica Denielle Gutierrez, napiling modelo mula sa SHS.

Ayon pa kay Gutierrez, kinailangan niyang mas umangat sa ibang nagaudition kaya ginamit niya ang mga nakamit niyang karangalan sa JHS ng siya ay interbyuhin.

Nagkaroon din ng mga pagkakataon kung saan mga administrator ang pumili sa mga mag-aaral na mapapabilang sa mga modelo ng unibersidad.

“I suddenly got a request from the principal to partake in a video shoot for the school. Despite my nervousness and lack of preparedness due to the late notice, I somehow managed to push through the shooting. After that, the employees informed me that I was already a part of the UB Models,” winika ni Isabel Cuevas, modelo mula sa JHS.

Tatanggap ang mga modelong mag-aaral ng 25% na diskwento sa matrikula, ang mga napiling estudyante ay magkakaroon din ng pagkakataon na maging kinatawan ng unibersidad at makilahok sa mga kampanya nito, gaya na lamang ng advertising.

“It was a pleasant surprise for me because I wasn’t expecting any of that to happen, let alone that it meant I would be receiving a discount in my tuition. The incentive definitely encouraged me to do better as a UB model for the university and for my family,” dagdag pa ni Cuevas.

Ipinahayag ng mga napili na ang kanilang pagsali ay isa ring paraan upang maibalik nila sa unibersidad ang suportang kanilang natanggap mula rito na nagbunsod sa kanilang personal na pag-unlad.

“I wasn’t confident before, but change welcomed me when I graduated and transferred to the University of Batangas,” sinabi ni Stephen Angelo Ramos, isa rin sa mga modelo mula sa JHS.

“Ang nagpa-decide sakin na sumali is that I want to prove to those who make fun of me before na hindi lang ako hanggang dun lang. With that, my friends and teachers encouraged me to join UB Models. At first, I was hesitant but my appreciation towards UB was greater than any doubts,” dagdag pa niya.

SOGIEBill:BatasngKapantayan, InstrumentongKaisahan

Muling isinulong ni Senadora Risa Hontiveros, ang Sexual Orientation, Gender

Identity, and Gender Expression o SOGIE Equality Bill o ang Senate Bill No. 689 sa senado upang mabigyan ng pantay na karapatan ang lahat ng mga Pilipino at mapangalagaan ang kanilang mga interes, kabilang na rito ang paggalang sa kanilang sekswalidad.

Sa kabilang banda, ipinaglaban naman ito ni gender equality chair Geraldine Roman sa mababang kapulungan subalit sa halip na siya ay pakinggan bilang siya ay kabilang din sa LGBTQIA+ community, mas pinili ni CIBAC representative Bro. Eddie Villanueva na lisanin ang pagpupulong matapos hindi tanggapin ang kanyang hiling na ipagpaliban ang sesyon.

Nailatag na ito sa kongreso noong taong 2000. Inisyal na sinuportahan ito ni noo’y senadorang Miriam Defensor-Santiago at dating Akbayan representative, Lorewtta Ann Rosales. Hanggang ngayon, hindi pa rin ito napapasabatas kahit na dalawang dekada na ang nakalipas mula nang buhayin ang batas na ito sa kongreso.

Kinikilala ang Pilipinas bilang isa sa mga bansa sa mundo na kung saan tinatanggap at pinapahalagan ang lahat ng kabilang sa LGBTQIA+ community. Sa katunayan, 73 porsyento ng mga Pilipino ang nagsasabi na dapat lamang tanggapin ng lipunan ang isang tao kahit ano pa man ang kanyang sekswalidad, ayon ito sa survey na isinagawa ng Pew Research Center. ng inhinyero.

Kahit pa positibo ang lumalabas sa ilan pang mga survey tungkol sa pagtrato sa mga miyembro ng komunidad, hindi pa rin maikakaila na may diskriminasyon pa ring nagaganap magpahanggang ngayon gaya na lamang ng naganap kina Gretchen Custodio na isang trans woman noong Agosto 13, 2019 at Jennifer Laude na humantong pa sa kamatayan ng huli matapos siyang lunurin ni Lance Corporal, Joseph Scott Pemberton. Nahatulan si Pemberton ng sampung taong pagkakakulong dahil sa pagpatay niya kay Laude. Sa hindi inaasahang pagkakataon, binigyan siya ng absolute pardon ni dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte noong Setyembre 7, 2020.

Ngayong hati ang opinyon ng mga senador, kongresista, at ng madla patungkol sa panukalang-batas na ito, hindi maikakailang mas matatagalan pa bago ito tuluyang maipasa sa mababa at mataas na kapulungan o sa lehislatura.

Kinonsidera rin ng mga inhinyero sa pagpapaunlad ng school gymnasium ang kaligtasan ng mga taong gagamit nito sa pamamagitan ng pagpapalit ng materyales na gagamitin sa flooring mula cement flooring sa hardwood flooring upang magkaroon ng kontrol ang mga manlalaro sa pagtakbo sa loob ng basketball court.

Ipinangalan ito alang-alang sa dating miyembro ng board of regents, si Carmelo Q. Quizon, ama ni Christopher Quizon, pangulo ng departamento ng isports sa paaralan. Kinlaro ng mga inhinyero na wala silang ispisipikong papel na ginagampanan sapagkat ayon sa kanila ay tulongtulong sila sa lahat ng bagay. Nakiisa rin sa pagpapagawa ng school gymnasium ang animnapung mga manggagawa sa loob ng labintatlong oras bawat araw; ngunit tanging mga pintor na lamang at inhinyero na lamang ang natitira sa pagtatapos ng konstruksyon.

“101% ang aking satisfaction level. Sa sususunod ay lagpas pa rito sapagkat kami ay malapit nang lumipat sa Lipa Campus ng unibersidad,”idinagdag ni Engr. Subaybay.

UBJHS Math Wizards, wagi sa AMC 2022

Sa kabila ng matinding kompetisyon, nakapag-uwi ng apat na karangalan ang mga estudyanteng sumabak bilang kinatawan ng University of Batangas (UB) sa Australian Mathematics Competition (AMC) na ginanap noong Agosto 4, 2022.

Mula sa mga mag-aaral ng UB Junior High School (JHS), nakamit nina Gian Simoun Joshua A. Razon, Isabel B. Cuevas at Yoesha Grace D. Velasco ang “Proficiency Award” na ngangahulugan na isa sila sa mga mag-aaral na nakatanggap ng isang sapat na marka sa kompetisyon Nakuha naman ni Alyssa Jane L. Quilantang ang mas mataas na award na tinatawag na “Credit Award” nang ipamalas niya ang kanyang angking talino sa larangan ng Matematika.

“Nakakaexcite sa akin na mag-represent, kasama ng mga kaibigan at co-competitors namin, ang university. Kahit naging isang malaking challenge ito mentally and physically ay napakita namin ang pinakabest that we, UBians, can bring out in Mathematics,” pahayag ni Gian Simoun Joshua A. Razon ng G8-Darwin.

Pinaghandaan ng mga kalahok ang nasabing kompetisyon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga training mula Hunyo 2022 hanggang Agosto 2022 kung saan pinag-aralan nila ang mga komplikadong konsepto at formula sa asignaturang Matematika na siyang lubos na nakatulong sa kanila sa oras ng kompetisyon.

Ginabayan sila nina Gng. Agnes S. Banaag, Dr. Famela Q. Barairo, Gng. Sherly M. Dela Roca, Gng. Rhea Grace M. Garcia at G. Joshua Panaligan na mga guro mula sa UBJHS Mathematics Department.

Kalat mo, Linis ni Tulfo

Nagsimula ang panawagan niyang ito noong Nobyembre 28, 2022, naniniwala siya na ito ay nararapat lamang sapagkat bago magbahagi ang mga mamamahayag ng impormasyon ay sinisigurado muna nila na ito ay nakaayon sa katotohanan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng fact checking.

Iminungkahi ni Tulfo ang kanyang nais sa hearing na ginanap sa senado na pinasimulan ng komite ng public information at mass media, ngunit nilinaw niya na hindi pa rin dapat tuluyang tanggalin ang criminal charges nito.

Para sa kanya, maaaring maabuso ang batas na ito kung hindi papatawan ng criminal charges ang mga mamamahayag na nagpapakalat ng maling impormasyon.

Sinang-ayunan naman ito ni Senadora Risa Hontiveros na nagbunsod sa paghahain niya ng Senate Bill No. 1593 na naglalayong i-decriminalize ang libel, sapagkat karamihan ng mga kasong may kinalaman dito ay ginawa lamang upang supilin ang karapatan sa malayang pamamahayag.

“These journalists have wasted years of their lives facing charges for basically doing their jobs. Gamit na gamit na ang cyber libel para patahimikin ang ating mga mamamahayag. Kung hindi natin maiwasto ito, patuloy na gagamitin ang libel para kitilin ang ating kalayaan,” ayon kay Hontiveros sa isang press release noong Disyembre 13, 2022.

Matatandaang nakasuhan si Tulfo ng libel, isang dekada na ang nakakaraan.

Maging ang kanyang kapatid ay hindi rin nakaligtas sa naturang kaso, naaresto rin ang kolumnista at mamamahayag na si Ramon Tulfo Jr., kapatid ni Senador Tulfo, matapos maghain ng reklamo si dating kalihim ng Department of Justice (DOJ), Vitaliano Aguirre II na kung saan pinaratangan niya ang huli sa pagkakasangkot ni Aguirre sa “pastillas”

JHS Classroom Project, bida sa Malitam Elem. School

Aldred Sky Abando

Upang mapalago ang financial literacy ng mga estudyante,

This article is from: