29 minute read
SA NGALAN NG EDUKASYON
Walang maiisaayos sa Kagawaran ng Edukasyon kung ang pilit na iminumungkahing solusyon ay tila walang kaugnayan sa tunay na problemang hinaharap.
Kamakailan, idineklara ni Bise Presidente Sarah Duterte ang Department of Education (DepEd) order no. 49 na nagbabawal sa mga guro na magkaroon ng kahit anumang pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral sa labas ng paaralan upang matiyak na walang pang-aabuso at pagkiling ang maganap sa mga mag-aaral. Sa mga nagdaang buwan, nag-ugat mula sa mga opisyal ng DepEd at maging ang mga guro ang mga kasong may kinalaman sa sekswal na pang-aabuso sa mga mag-aaral. Naglahad ng mga patunay ang mga biktima na nagmula sa social media. Dagdag pa rito ang pagbabawal sa pakikipag-ugnayan sa loob ng social media. Ngunit ang masama rito, tila walang nakalatag na bagong paraan ng komunikasyon kung sa makabangong mundo ay social media ang tanging paraan para magapi ang komunikasyon.
Advertisement
Kung ang mga guro ay tinatawag na pangalawang magulang ng mga mag-aaral, hindi maikakailangang magkakaroon ng kaunting interaksyon na nagsisilbing gabay nila sa mga estudyante. Ang pagiging malapit ng mga guro at estudyante sa isa’t isa ay maaaring humantong sa pag-usbong ng pagkiling, lalo na kung ang ilang mga mag-aaral ay tumatanggap ng higit na magandang pagtrato kaysa sa iba.
Gayunpaman, mahalagang tandaan na hindi ito nangangahulugan na ang relasyon mismo ay likas na may kinikilingan o nakapipinsala. Sa katunayan, ang pagkakaroon ng positibong relasyon ng mga mag-aaral at kanilang mga guro ay makatutulong sa pagpapaunlad ng positibong kapaligiran sa sistema ng pag-aaral at pagbutihin ang mga resulta at kalidad ng edukasyon.
Ang pagbabawal sa magiliw na ugnayan sa pagitan ng mga magaaral at guro ay makikita bilang isang hakbang na ginawa upang matugunan ang mga potensyal na kawalan ng timbang sa kapangyarihan at mga
DISTR-AKSYON
alalahaning etikal na maaaring lumitaw sa ganoong mga relasyon. Datapuwa’t, ang naturang pagbabawal at paguutos ay mahalagang magkaroon ng malinaw na patakaran at alituntunin sa lugar na nagbabalangkas ng angkop at propesyonal na mga hangganan sa pagitan ng mga guro at mag-aaral.
Bilang isang mag-aaral ng institusyon na nagpapalakad ng isang “technology-driven environment” kung pilit na ipagbabawal ang paggamit ng social media upang masiguro ang kalidad ng seguridad ng mga magaaral ay tila mawawalan ng saysay ang modernisasyon sa institusyon.
Para sa ibang mga mag-aaral, itinuturing nilang mga magulang ang kanilang mga guro sapagkat sila ang nagpupuno sa mga pagkukulang ng mga miyembro ng tahanan. Ang pagbabalewala ng ganitong ugnayan ay mag-uusbong sa mga suliranin na haharapin ng mga mag-aaral gaya na lamang ng pagbaba ng kalidad ng pag-aaral.
Habang ang marami ay nagpapakasasa lamang sa apat na sulok ng kanilang mga silid-aralan, ang ibang mapalad na mag-aaral naman ay nakararanas ng iba’t ibang kwento sa labas ng mga ito. Totoo ngang ang buhay ng isang senior high school student ay nakatuon sa akademiks at sa paghahanda nila para sa kolehiyo. Subalit, bahagi rin ng paglalakbay ng isang estudyante ang pagkatuto niya sa kanyang mga pinagdaraanan at ang pag-iipon ng mga karanasang magiging sandata sa pagtahak sa tunay na buhay. Tunay mang dapat ituon ng isang mag-aaral ang kanyang pokus at atensyon sa pag-aaral, mas magiging makabuluhan ang kanyang student life kung susubukan niyang pasukin ang mundo ng mga student organization at extracurricular activity.
Halimbawa, ang University of Batangas-Batangas City Campus Senior High School Department ay mayroong 11 organisasyon, 6 na nag-rereprestsenta sa bawat senior high school strand; ang Mentors of Excellence in the Development and Instruction of Students IN Allied Health (MEDISINA) ng STEM-Allied Health, Aspiring Engineering Students Association (AESA) ng STEM-Engineering, ang Financial and Economic Achievers Circle (FEAC) ng ABM, HUMSS Republic ng HUMSS, TVL Educational Circle of High School Students (TECHS) ng TVL, at The Art Guild (TAG) ng GAS-AAD. Mayroon namang tatlong special organizations katulad ng Sports Club, l, Association of Competent and Excellent Students - Honors Society (ACES), at ang TAHASDebate Society, bukod pa sa mga grupo ng Culture, Arts and Publications Office katulad ng HS Choir, Dance Troupe, Pep Squad, Teatro Anino, Rondalla, Stringers, at Tunog Pamantasan.
Isang miskonsepsyon na ang pagsali sa mga organisasyon ay hindi importante, at sayang lamang sa oras, pagod, at trabaho. Ang pagsali sa mga organisasyon ay isang malaking tulong sa buhay ng isang estudyante hindi lamang sa loob ng unibersidad kundi pati na rin sa buhay nito bilang isang indibidwal. Tinutulungan rin ang mga mag-aaral na mahasa ang kanilang galing sa kanilang mga kakayahan at talento sa loob ng organisasyon.
Katulad na lamang ng TAHAS - Debate Society na kinabibilangan ko. Mula sa aking bahagi ng iba’t ibang organisasyon sa kung saan ay nagkakaroon ng weekly at bi-weekly na pagsasanay ang mga miyembro sa larangan ng debate. Nagkakaroon din ng
DALAWANG PANGALAN, ISANG PAARALAN
KA-AGAPAY?
Celine Joy Agapay
Hindi lahat ay makakasabayan, laging may mauuna o maiiwan ngunit habang ang pagsuko ay ‘di parte ng plano, siguradong sa dulo ay tunay na kabutihan ang mananalo.
Naturingang komunikasyon ang isa sa mga importanteng haligi ng epektibo at malusog na relasyon ng pamilya, batay man sa dugo o sa pinagsamahan. Di maikukubling mahirap panatilihin ang pag-uusap o ang koneksyon sa pagitan ng mga tao kung malayo sila sa isa’t isa. Kaya naman sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pagkakataon na magkasama ang mga magkakapatid sa pagpasok sa ating ikalawang tahanan, kilala rin bilang ating paaralan, patuloy na maaaring mas makilala pa nila ang isa’t isa.
Sa Patnugot, mga kaganapan na ang mga estudyante ang nag-oorganisa para sa buong departamento katulad na lamang ng nakaraang “Org-Fest” na ginanap noong ika-6 hanggang ika-10 ng Pebrero, 2023, kung saan ay naipakita ng iba’t ibang organisasyon ang galing sa iba’t ibang larangan sa pamamagitan ng mga patimpalak na inorganisa ng mga nasabing organisasyon sa departamento ng Senior High School. Sa pagsisimula ng taong panuruan 2022-2023, ang Senior High School Department ng University of Batangas ay mas naging bukas sa mga extracurriculars kagaya na lamang ng pagsali sa mga patimpalak sa labas ng unibersidad, na kalimitan ay sa mga miyembro ng organisasyon kinukuha sapagkat ang mga organisasyon ay patuloy ang paghahasa sa mga estudyante sa larangan na kinabibilangan nila. Malaki rin ang tulong ng mga organisasyon hindi lamang sa mga miyembro nito kundi pati na rin sa lahat ng estudyant, gaya na lamang ng proyektong inilulunsad ng Association of Competent and Excellent Students - Honor Society (ACES), ang weekly tutoring na libreng natatanggap ng mga estudyante ng UBBC-SHS na mayroong academic organization card ng kanilang academic organization na kinabibilangan nila base sa kanilang senior high school strand. Automatiko silang nabibilang sa isang academic organization sa pagsisimula ng kanilang “senior high school life” hanggang sa matapos ito. Ang paghahanda sa kolehiyo at sa buhay labas sa pag-aaral ay isang pagsubok sapagkat nalilimitahan sa isang paaralan ang kakayahan ng isang estudyante bilang isang indibidwal kung kaya’t ang pagsali sa mga organisasyon ay mahalaga sa pagkatuto ng isang estudyante sa pakikihalubilo, pakikisama, at pakikipag-kaibigan sa ibang tao. Maraming oportunidad din ang nagbubukas sa pagsali sa mga ito. Napapalawak din ang kaalaman ng isang estudyante sa pag-oorganisa ng iba’t ibang aktibidades at kaganapan sa loob man o labas ng unibersidad. Sa pagsali sa mga organisasyon, marami kang makikilalang tao, matututunang mahahalagang aral ng buhay, at mas makikilala mo ang iyong sarili. Dito matututunan ng isang mag-aaral ang tunay na buhay sa labas at pagkatapos ng pag-aaral. Dito siya makabubuo ng mga bagong pamilya, makatutuklas ng mga bagong talento, at makapagiiwan ng mga alaala. Matututunan mong sumubok, mabigo, manalo, at higit sa lahat, matututunan mong enjoy-in ang buhay ng isang estudyante. Matapos ang lahat, ang mga extracurricular activity at student organization ay hindi distraksyon kundi inspirasyon.
Bilang isang mag-aaral sa UBBCSHS, na miyembro ng MEDISINA, TAHAS-Debate Society, at manunulat sa The Westernian Pioneer, masasabi ko na talaga namang nakatulong ang aking mga organisasyon sa paghubog sa aking mga talento at paghasa sa aking mga kakayahan. Nakilala ko ang aking pangalawang pamilya sa TAHAS, at natutunan ko kung paano makitungo at makihalubilo sa ibang tao. Importante ang paghubog sa karakter at hindi lamang sa larangan ng akademiko. Hindi ko maisip kung nasaan ako ngayon kung hindi ako sumali sa mga iba’t ibang extra-curricular sapagkat binuo ng mga taong aking kasama, mga guro, at mga karanasan ang aking senior high school life.
Liham sa patnugot
Batid po ang UB ay isang panaluhing paaralan dahil sa palagian at mahusay nitong pagsasanay sa kanilang mga mag-aaral. Dahil dito may mga pagkakataon na nahuhuli sila sa mga pagsusumite ng mga aktibiti at iba pang gawain. Sana naman po ay mabigyan sila ng dagdag na konsiderasyon ng lahat ng guro
Ricciella Joyce Almarez G10 - Archimedes
Dear Ms. Almarez
Makasisiguro ka sa aming suporta ngunit mas makabubuting iparating mo ito sa inyong administrasyon upang matugunan nang mabilisan. Marahil kapag makakausap mo ang ibang pinagkakatiwalaang guro at maipakikitang dala-dala mo ang pangalan mo, departamento ninyo, at buong paaralan ay masosolusyonan ang iyong hinaing.
Aldred Sky Abando Punong Patnugot
GUINTONG PLUMA
Sa pagsali sa extracurricular organizations, marami kang makikilalang tao, matututunang mahahalagang aral ng buhay, at mas makikilala mo ang iyong sarili. Dito matututunan ng isang mag-aaral ang tunay na buhay sa labas at pagkatapos ng pag-aaral.
Dagdag kapayapaan ng loob ng mga magulang ang pagkakaroon ng mga anak na napasok sa isang paaralan sapagkat alam nilang nasa ilalim ng maaasahang pangangalaga ang kanilang mga anak, at iyon ay sa piling ng bawat isa.
Ayon naman sa odmps blog noong Pebrero 2022, ang mga bata ay makakapagbigay ng sapat na emosyonal na suporta at proteksyon sa mga kapatid sa loob ng institusyon. Nakikita nila ang isa’t isa sa pang araw-araw na paglabas kaya naman mas lumalalim at lumalawak ang kaalaman nila sa mga nangyayari sa buhay ng isa’t isa. Sa tulong din nito ay mas nalalaman nila ang mga problema at mga pangangailangan ng isa’t isa kaya’t magiging mas madali ang pagbubuo ng solusyon para sa mga hamon na parating.
Sa kabilang banda ay may mga kasahulang maaaring mapansin ang mga mamamayan sa pagpasok ng mga magkakapatid sa isang eskwelahan. Ilan ang mga nakapaloob sa sinasabing drawbacks ng pagkakaroon ng kapatid na papasok sa parehong paaralan.
Ayon sa Lifevif, maaaring magkaroon ng pag-aaway sa pagitan ng mga magkakapatid kung magkakaroon ng problema o pagkakaiba-iba sa kanilang mga pagkatao at katangian. At kung magkalapit ang baitang o nasa parehong baitang at seksyon ang mga magkakapatid, mataas ang probabilidad na maipagkumpara ang galing, talino o talento nila sa isa’t isa. Sa huli ay ang indibidwal na priority ng isang mag-aaral ang magdidikta sa kanyang mga desisyon na siyang nakakaapekto sa kanyang pamumuhay bilang estudyante.
Kailangang tanggapin rin na tulad ng paligid natin, maaaring magbago ang pananaw at pag-iisip ng bawa’t isa dahil parte ito ng paglago. Hindi lahat ay makakasabayan, laging may mauuna o maiiwan ngunit habang ang pagsuko ay di parte ng plano, siguradong sa dulo ay tunay na kabutihan ang mananalo.
Sa Patnugot, Matagal na pong ninanais ng mga mag-aaral sa high school ang pagpapalawak ng canteen upang hindi maging mahirap ang paghahanap ng upuan at pagpila sa bilihan at maiwasan ang pagkakaubusan ng pagkain. Hanggang sa ngayon, ganoon pa rin po ang sitwasyon at patuloy kaming naghihintay sa matagal na naming inaasam.
Dear Ms. Salva
Althea Nichola Salva Lubos naming nauunawaan ang kagustuhan ng lahat para sa isang malawak na canteen, subalit hindi basta-basta ang pagpapalaki nito dahil sa limitadong espasyong mayroon tayo. Sa kasalukuyan, sapat naman ang oras upang kumain kaya gamitin nawa ng lahat ang ano mang mayroon at wala rin namang masamang sumubok sa mga kainan sa labas ng paaralan. Karagdagang payo at magdala ang mga mag-aaral ng pagkain upang hindi na makipag-siksikan sa canteen.
Carl Dominic Macatangay
Kilala bilang Summer Capital of the Philippines, ang Baguio ay kilala hindi lang sa matatamis nilang strawberry at malamig na klima kundi lang sa pagbuo ng mga hindi makakalimutan na alaala. Ito ang kwento ng mag aaral ng Unibersidad ng Batangas.
Bago
Baguio
Wala pa man ang araw, nagliliwanag na ang mga nasasabik na mga mata ng mga mag aaral bago ang biyahe paalis ng Batangas. Nagtipon-tipon bago ang bukang liwayway ang mga mag aaral sa main campus para sumakay sa sasakyan ng Unibersidad ng Batangas.
Sa pagsapit ng alas-singko ng umaga, umandar na ang sasakyan at umalis na papuntang City of Pines.
Sa kalagitnaan ng biyahe, huminto sila sa
Pangasinan para makakain ng agahan. Naging mahaba ang paglalakbay kaya’t kinailangan din ang mahaba ang pasensya pero tila hindi pansin ang pitong oras na matagal na biyahe dahil habang ang iba ay natutulog, ang iba ay mas lalo pang nakilala ang isa’t isa.
Baguio
Ang mga nakaidlip ay namulat sa kamangha manghang tanawin sa labas. Makikita na ang tunay na ganda ng Baguio. Sa unang pagtapak, saktong alas dose na kaya’t kumain na sila sa pinakamalapit na restawran. Sumunod ay pumunta na sila sa DepEd Teacher’s Camp at doon na binaba ang mga gamit. Masasabi mo talagang isang magandang oportunidad para sa mga mag-aaral ng iba’t ibang pribadong paaralan sa bansa na maging bahagi ng APPSAM: 10th National Leadership Assembly at Talent Fair dahil isang beses lang ito nangyayari sa isang taon.
Dumalo ang mahigit kumulang na tatlong daan na mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa bansa. Ang tatlong araw na seminar at paligsahan ng mga mag-aaral tungkol sa liderato ay nagbigay ng malalim na kaalaman sa mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng pagiging isang lider sa kanilang mga paaralan. Magkaiba man ang mga pangalan, nagkakaisa sa Baguio para sa seminar ng liderato ang mga mag-aaral.
Ang plenary sessions ay idinaos sa Benitez Hall sa Teacher’s Camp na nagbigay ng isang di malilimutang karanasan para sa lahat ng mga mag-aaral. Isang makabagbag-damdaming talakayan tungkol sa mga hamon sa liderato ang nagsimula sa programa kung saan nagbahagi ng kanilang mga karanasan sa mga estudyante ang mga imbitadong tagapagsalita. Kasunod nito ay ang mga pangkatang gawaing nagbibigay-daan sa mga mag-aaral upang nagpakitang-gilas sa kanilang mga kasanayan sa pagpapamalas ng liderato.
Bye Baguio Ang mga mag-aaral ay naging bahagi ng isang makabuluhan at makabagong araw sa seminar. Ibinahagi ng mga tagapagsalita ang kanilang kaalaman at karanasan sa larangan ng liderato. Inihayag nila ang kahalagahan ng pagiging isang lider at kung paano ito makakatulong hindi lamang sa kanilang personal na buhay kundi pati na rin sa kanilang mga responsibilidad. Sa kabuuan, nagkaroon ng mga mahahalagang aral ang mga mag-aaral tulad ng pagiging bukas sa iba’t-ibang perspektibo, pagtitiyaga, at pagiging mahusay na tagapakinig. Ang kaganapan na ito ay naging isang tagumpay sa pagpapahusay ng mga kakayahan sa pagpapamalas ng liderato ng mga mag-aaral. Ang bawat isa ay nagpakita ng kanilang kasanayan at determinasyon upang magtagumpay hindi lamang sa kanilang mga paaralan, kundi pati na rin sa pag-aalay at pagsislbi sa komunidad.
Hindi naiiba sa mga karaniwang laro ng mga batang Badjao ng Malitam Elementary School ang mga sayawan, kantahan, at takbuhang naganap noong Sabadong iyon—nadagdagan lamang ng mas marami pang tawanan, mas malakas pang iyakan, at higit 20 pang kasalo sa kainan.
Matapos ang ilang taong paghihiwalay, nabuo muli ang pagkakaibigan ng mga girl scout ng University of Batangas Junior High School at mga batang Badjao ng Barangay Malitam noong Nobyembre 26, 2022 dahil sa Tulong Bata Project. Sa suporta ng Girl Scouts of the Philippines Batangas City Council at UB Alumni Association, ang mga bata ay nabigyan ng mga damit at nabusog sa lugaw at tuwa.
Araw ang binilang upang matapos ang mga preparasyon. Pagpaplano ng programa, pagbili ng mga papremyo, at pangongolekta ng mga damit na hindi na ginagamit—lahat ay maaaring umusbong sa oras ng pagsasagawa ng proyekto. munting donation na binigay namin. It was really worth it kasi natulungan namin sila, we had fun and napangiti namin sila,” hayag ni Ricciella Joyce Almarez, song leader ng UBJHS Girl Scouts. Ramdam sa kasiglahan ng mga kaganapang tulad nito na matagumpay na naitawid ang layunin ng Tulong Bata Project—matulungan at maprotektahan ang mga batang Badjao. “Hangad din ng GSP ang magbigay kaalaman sa mga bata at mabigyan sila ng mga pangunahing pangangailangan,” paliwanag ni Angel Brent Noble, isang girl scout na nagboluntaryo sa proyekto. Idinagdag pa ni Angel na sa pamamagitan ng ilang simpleng paraan tulad ng pagbibigay ng pagkain, pamamahagi ng damit, pagpapalaro, at pagsasayaw kasama ang mga batang Badjao, naisagawa ang layuning ito.
Sa kabila ng maingat na paghahanda, mayroon pa ring kaguluhang nagpaingay sa Malitam Elementary School. Kung may isang bagay na nakalimutang alalahanin ng mga scout, ito ay ang rambulang hindi mawawala sa bawat aktibidad na may kasamang dose-doseng bata.
Dali-daling naghahanap ang mga batang Badjao ng mga bagay na maaari nilang gamitin sa larong pahabaan, nang biglang makita ng mga scout ang dalawang batang namumula ang mga mukha sa galit at halos makalbo sa paghihilahan ng buhok. Nauwi rin ang sabong na ito sa yakapan matapos maturuan ng mga scout ang dalawang bata na mapatawad ang isa’t isa. Kung sana ganito rin kadali sa mundo ng mga nakakatanda, hindi ba?
Kung ang karamihan ay nawiwili sa mga bidyo sa TikTok ng mga sikat at hinahangaan nila, ang ibang UBians naman mismo ang sikat na pinanonood at hinahangaan ng madla. Kapantay ng pagiging mahusay na mag-aaral ang katangitangi, kahanga-hanga, at nakaaaliw na mga content na ipinamalas nina Lara, Alodia, at Nyla sa kani-kanilang mga TikTok account.
Halos tatlong taong singkad magbuhat ng kumalat ang pandemya sa Pilipinas, maraming Pilipino ang nainip sa kani-kanilang mga tahanan at nakatagpo ng panibagong kaaaliwan at kagigiliwan. Habang ang iba ay patuloy na naghahanap ng mapagkakaabalahan, TikTok ang naging sandigan ng tatlong Brahman upang simulang ipakilala ang kani-kanilang mga pangalan.
Lumilipad nang walang Pakpak
Ano nga ba ang nagagawa ng binti ng isang tao? Para kay Lara Isla ng University of Batangas Senior High School, ang mga ito ay magagamit hindi lamang upang umakyat sa ikaapat na palapag at marating ang kanilang silid kundi maging sa pagrampa, pagbibisikleta, at pagsayaw. Kilala sa kanyang mga bidyo sa pagbibisikleta, pagpapaganda bilang isang UB Model, at paglipad bilang isang flyer ng UB Pep Squad. Ang buong buhay ni Isla ay nakatuon sa pagbibigay ng liwanag para sa iba. Ito ay dahil sa pangarap niyang magbigay-ngiti at pag-asa sa mga bata sa pamamagitan ng pagpapagaling sa kanila kaya siya ay nasa allied health strand ng UBBC-SHS. Kasabay nito ang mga hatawan ng Pep Squad at kanyang paglipad sa ere na talaga namang makapigilhininga para sa mga manonood. Kung kaya’t maging sa TikTok man o sa sayawan, entablado, at paaralan, makikita ang pagiging aktibo ni Isla sa pagtupad at pagganap sa kanyang mga samot-saring gampanin. “Ang TikTok ay hindi lamang para magpalipas ng oras, ito ay nagsisilbing daan upang magamit ang ating imahinasyon sa pagpapahayag ng ating mga sarili,” ayon kay Isla, na mas kilala sa ‘@briannaislaa’ na may 60,000 followers sa nasabing plataporma na siyang nagiging paraan upang maihayag ang kanyang sarili habang nagbibigay-kulay sa bawat hakbang na kanyang tinatahak.
Biyaya ng Ginintuang Tinig Kung anong husay sa paghawak ng pera ay siya ring humaling ang dala sa pag-awit at pagkanta. Iyan naman si Alodia Castillo ng Accountancy, Business and Management (ABM) strand. Bukod sa talento sa pag-awit, si Castillo rin ang tagasuri ng organisasyong binubuo ng mga mag-aaral ng ABM. Ang organisasyong ito ay ang Financial and Economic Achievers Circle o mas kilala bilang FEAC na tumutungo upang pataasin ang antas ng financial literacy sa mga mag-aaral ng UB kung kaya’t kaakibat din ng boses niya ay ang pangarap niyang maging isang entrepreneur. Hindi maikakailang si Castillo ay isang mabuting mag-aaral sa paaralan at masipag na artista kapag trabaho na ang usapan. Sa murang edad pa lamang ay namulat na si Castillo sa katotohanan ng mundo kung kaya’t maaga niyang sinimulan at tinahak ang kanyang paglago sa mundo ng trabaho. Siya ay isang artista sa ilalim ng Jams Artist Production kaya hindi na bago sa kanya ang paggawa ng mga bidyo sa TikTok na nagpapakita ng kanyang pagsayaw at pagkanta. Talaga namang ang lahat ng makabibisita sa kanyang account ay mapapasabing mahal niya ang kanyang ginagawa at masaya siya sa pagiging artista dahil tunay na kapansin-pansin ang tuwa at ninging na masisilayan sa bawat ngiting kanyang binibitawan.
Ayon sa kanya, hinding-hindi niya makalilimutan ang alaala niya sa Jams Artist Production kung saan nabigyan siya ng pagkakataong kumanta sa harap ng napakaraming direktor, prodyuser, manunulat, at mga artista noong PMPC Star Awards Television. Sa Castillo ay isang patunay sa paniniwalang kung mahal ng isang tao ang kanyang ginagawa, magsisilbi itong inspirasyon sa kanya sa halip na trabahong nakapapagod kaya habang maaga pa lamang ay iniuukit na niya ang pangalan niya sa industriya.
3-in-1 pero hindi Kape
Sinong mag-aakalang kayang mapagsabay ng isang tinedyer ang pagiging isang student leader, beauty queen, at online influencer? Iyan si Nylamre Shaira Berberabe na mas kilala bilang si ‘@_akoitosilamreang’ na may tumataginting na kalahating milyong followers sa TikTok.
Hindi lamang basta estudyante si Nyla. Siya rin ang Pangulo ng kanilang Supreme Student Council na siyang boses at kinatawan ng lahat ng mga mag-aaral para sa kani-kanilang mga tunguhin, magilas na mag-aaral sa umaga, at TikTok influencer pagka-dismiss ng klase.
“ANG GIRL SCOUT AY MATAPAT, ANG GIRL SCOUT AY MATULUNGIN, ANG GIRL SCOUT AY KAIBIGAN NG LAHAT AT Bakas sa dedikasyon at trabaho ng mga nagboluntaryong scouts ang kanilang katapatan sa pagtupad sa Batas ng Girl Scout, at bilang ina ng UBJHS GSP, buong pusong ipinagmamalaki ni Mrs. Divina Magnaye ang bawat isa sa kanila. “Nakita ko talaga kung pa’no nila sineryoso yung project. Sa malasakit nila sa mga ganitong klaseng mg proyekto, natutuwa talaga ako kasi totoo yung kagustuhan nilang maalagaan at kaibiganin yung mga Badjao,” ika niya. Matapos ang isang buong araw ng kasiyahan at pagtupad sa responsibilidad ng makataong pagkalinga, ay oras na upang magpaalam muli ang mga batang Badjao at mga girl scout sa isa’t isa. Magkakalayo man, ang pagkakaibigang kanilang nabuo at mga namutawing alaala ay siguradong magtatagal hanggang sa muli nilang pagsasama.
Bilang isang UB model at kandidatang nakoronahang Binibining Pinamukan Proper noong 2022, si Nyla ay isang matatag na tagapagtaguyod ng pagmamahal sa sarili at pagpapataas ng sariling kumpiyansa.
Sa kasalukuyan, bilang isang graduating na estudyante, mas binibigyang prayoridad niya ang kanyang pag-aaral upang makamit ang kanyang mga pangarap sa hinaharap katulad ng pagiging isang guro, abogado, at career sa social media.
At katulad ng lahat ng mga beauty queen na labang-laban sa mga sagutan at tiktakan sa mga tanungan, iniiwan niya ang mga katagang, “In order for us to achieve our goals, we should always believe in ourselves.”
Nasa silid-aralan man o wala, nasa paaralan man o hindi, ang tunay na kahanga-hanga ay ang pusong ipinaglalaban ng bawat isa – sikat man o hindi, kilala man o hindi. Sukat man sa bilang ng mga follower nila ang kasikatan nila sa TikTok, walang salita naman ang kayang tumumbas sa impluwensiyang mayroon sila sa pagbibigay inspirasyon, kaalaman, at kamalayan sa iba habang ginagawa ang mga bagay na nakapagpapasaya sa kanila.
Wala sa oras at sa lugar kung hindi sa pagtitiwala sa sarili, pagpapakumbaba at ienjoy ang proseso.” Ito ang pananaw ng estudyanteng si Carl John Garcia ng University of Batangas na nanalo sa patimpalak sa kabila ng isang araw lamang na preperasyon. Hindi sukatan ng oras na inilaan sa pageensayo ang pagkapanalo kung hindi ang pagtitiwala sa sarili.
Sapul mula sa antas ng elementarya, si Carl John ay hindi na palasali sa mga kompetisyon sa labas man o sa loob ng paaralan. Kaya ganun na lamang ang kanyang kaba nang--- “Sali ka? Debate PNU, kaso sa 22 na yon,” tanong ni Atty. Mary Christel Joy Contreras ang namamahalang guro ng Tahas, isang organisasyon ng mga estudyanteng may kakayahan sa pagdedebate. Sinabi ito ng guro isang araw lamang bago ang kompetisyon.
Sa pagkabanggit pa lamang ay agad naisip ni Carl John na ang kanyang makakatunggali ay mga bihasa na sa kaniyang sasalihan na paligsahan. “Nang malaman ko na national level ay inaasahan ko na magagaling talaga kasi galing sila sa mga prestihiyosong paaralan katulad ng Sobel De Ayala at De La Salle, dahil dito naikumpara ko at kinewestyon ko ang aking sarili ngunit sa huli pinagkatiwalaan ko ang aking kakayanan at sa tulong ni Atty. Contreras nalaman ko kung paano o ano ang konsepto ng pagdedebate.”
Ngunit alam niyang dapat siyang maging reyalistik sapagkat hindi sapat ang oras na nakalaan para sa kanyang pag-eensayo. Kaya sa loob ng isang araw, umupo siya sa isang sulok ng kanyang silid-aralan upang mag-ensayo sa kanyang sarili habang patuloy na nakikinig sa talakayan ng klase.
Nang dumating ang araw ng kompetisyon ay nagkaroon ng problema ukol sa transportasyon patungo sa Philippine Normal University kung saan gaganapin ang patimpalak, na muntik ng maging rason para hindi makasali si Carl John.
Baon ang tiwala sa kanyang sarili, nakapasok siya sa finals, “Nung nakapasok ako sa finals laking tuwa ko na, sabi ko sa sarili ko sapat na yun sa akin.” “Okay na po ako umuwi, nakapasok na ako” bungisngis niya. Ngunit alinsabay sa kanyang sinabi, ang mga kaisipan na tutal narito na rin naman ako ay gagawin ko na ang lahat ng aking makakaya at kung palarin man ako ng pagkakataon ay makasungkit man lang ng pwesto sa pagkapanalo baon pabalik sa Batangas.
Kung hindi kapani-paniwala para kay Carl John na siya ay nakapasok bilang finalist mas lalong hindi siya makapaniwalang nakamit niya ang ikalwang pwesto sa kompetisyon ng debate sa temang Arts and Literature Talent Festival 2023.
“Kapag nakakatuklas ako ng bagong bagay o nakakapunta sa ibang lugar, natutuwa na ako na para bang accomplishment na yun sa akin.” aniya na sadya namang nakakapagbigay ng inspirasyon sa mga estudyante, na nagsasabing hindi pwesto ang mahalaga sa pagsabak kung hindi ang iyong matututunan sa proseso. “Hindi para manalo, para mag-enjoy.” wika ni Carl John Garcia, Arts and Literature Talent Festival 2023, 2nd placer.
Imbis na palda at takong ang inirarampa ay polo at pantalon ang unipormeng suot ng isang guro ng robotics na si Ms. Berlyn A. Sandoval. Para sa mga bagong salta ng high school, hindi na bago para kay Ma’am Sandoval ang mga matang nagtataka, naguguluhan, at nanghuhusga mula sa mga mag-aaral.
Kamakailan lamang ay idinagdag ng institusyon ng Unibersidad ng Batangas ang GAD o ang “Gender and Development” sa mission at vision ng paaralan. Bahagi ng misyon ng Science High School ay ibase ang kurikulum ng mga magaaral sa mga kaugnay na disiplina kabilang ang pagiging sensitibo ng kasarian na makakatulong sa holistic na pag-unlad ng bawat indibidwal.
“Pride moves and brings us a step closer to inclusivity, and success as it is definitely a prideful event that the institution should celebrate,” sambit ni G. Michael De Mesa, guro sa journalism. Dulot ng Tamang Uniporme
Noong unang panahon ay hindi pa gaanong bukas ang lipunan sa komunidad ng mga tibo, bakla, at iba pa. Madalas hindi pumapasok ng paaralan si Ma’am Berlyn noong elementarya sapagkat ayaw niyang suotin ang unipormeng palda at blouse.
“Nung grade 2 ako ay ti-nry kong mag-uniform ng pambabae. At dahil hindi sanay ang mga kaklase ko, tinawanan nila ako. Hindi na siya naulit [ang pagsusuot ng unipormeng pambabae]” pahayag ni Bb. Sandoval.
Hindi rin siya makasali sa mga programa, ganap, at patimpalak sapagkat hindi niya batid kung ano ang kanilang isusuot kaya naman madalas ay hindi na lamang siya pumapasok. Ngunit sinong kolehiyo. Sa katunayan ay ipinatawag siya sa isang panayam ukol sa kaniyang dahilan. Ipinaliwanag niya na doon siya komportable at mahirap ang magsuot ng palda sa kaniyang kursong summation technology. Dangal ng Suportado Sa kaso ni Ma’am Berlyn, siya ay buong-pusong suportado ng kaniyang mga magulang sa kaniyang kagustuhan at pagkilala sa sarili. Tatlong taong gulang pa lamang siya ay napansin na ng kaniyang ina na ikinasusuklam niya ang pagsusuot ng mga bistida, palda, at iba pang kasuotang pambabae. Ibinahagi niya na simula elementarya ay unipormeng panlalaki na ang kaniyang suot sapagkat doon siya komportable. Ipinaliwanag sa kaniya ng kaniyang mga magulang na kung saan man siya masaya ay walang humpay siyang susuportahan ng kaniyang pamilya. Ayon kay Bb. Berlyn, “Bakit daw ba nila ako pipigilan eh dun ako masaya. Ayaw nilang nakikita na kaya ako magrerebelde ay dahil hindi nila ako suportado,” ang sambit ng kaniyang ni Bb. Sandoval. Buong akala niya ay tanging sa pananamit lamang siya naiiba sapagkat madalas din siyang nakakatanggap ng mga komentong nagsasabing mas babae pa daw siya sa babae. Mistulang nag-iba ang lahat nang tumuntong siya ng kolehiyo kung saan ay nakita niya ang tuluyang nagpakilala sa kung sino talaga siya. Dala ng Damdamin at Responsibilidad Walang kamalay-malay si Ma’am Berlyn sa kaniyang tunay na saloobin, hanggang nang lapitan siya ng kapwa babae upang ipabatid ang nararamdaman nito para sa kaniya. Dito niya napatunayan na hindi siya pusong babae at sa halip ay babae din ang hangad ng kaniyang puso. Ngunit bilang isang guro, kinailangan niya na ingatan ang kaniyang reputasyon at kredibilidad dahil isa siyang huwaran para sa mga mag-aaral. Para sa kaniya, marami pa din siyang mga limistasyon sa kabila ng kaniyang kalayaan.Wala naman sa kasuotan ang halaga ng isang tao at sa halip ay nasa puso ang gandang taglay ng isang indibidwal. dinami-rami ng mga departamento sa kolehiyo ng University of Batangas, ang mga taga-senior high school lang pala ang makapagtitipon ng pinakamahuhusay na debatista sa buong rehiyon. Ito ang kwento ng pangangasiwa ng TAHAS Debate Society sa kauna-unahang inter-school debate competition ng paaralan.
Ang TAHAS, ang organisasyon ng mga debatista ng UB Senior High School, ang napagpasyahang manguna sa pamamahala sa paghahanda ng isang patimpalak upang sukatin ang husay, tapang, at talino ng mga mag-aaral ng SHS sa Region 4-A, CALABARZON. Ayon kay Atty. Mary Christel Joy Contreras, ang tagapayo ng TAHAS, ang nasabing organisasyon ang naatasan nina Dr. Hernando Perez, ang President ng UB, at Dr. Aurora Tolentino, ang Vice President for Academic Affairs, para sa akreditasyon ng kagawaran ng senior high school.
“The pressure is on us, but I believe that our academic organization can do it because I have trust in our members,” ani Contreras sa ikalawang general assembly ng TAHAS na siya ring nagsilbing oryentasyon at talakayan ukol sa mga hakbang pagsasaayos ng mga pondong gagamitin. Kabilang sa mga isyung pagtataluhan at magiging sentro ng mga argumento at tagisan ang mga kontrobersiyal na usapin katulad ng same sex marriage at SOGIE bill para sa mga bahagi ng LGBTQIA+ community, sapilitang ROTC, alitan sa teritoryo ng Tsina at Pilipinas, kusang-loob na pagsusuot ng mga face mask, usaping pang-ekonomiya, pangkalusugan, at pangkapaligiran, at marami pang iba.
Ang paligsahan ay pansamantalang iniskedyul sa huling linggo ng Abril – isang linggo matapos ang midterm examinations ng SHS upang bigyan ng sapat na oras ang mga tagapangasiwa sa pagpipinalisa ng venue at mga gagamiting materyales sa buong kompetisyon.
Kung dati, ang UB ay nagpapadala lamang ng mga mag-aaral upang lumaban sa iba’t ibang kompetisyong pinangungunahan ng mga paaralan sa Kamaynilaan, ngayon, UB na ang darayuhin ng mga paaralan para sa isang paligsahan. Matagal nang nakapag-iwan ng marka ang UB sa larangan ng ganitong mga patimpalak. Ngayong taon, ang interschool debate competition ng TAHAS ang makapag-iiwan ng panibagong kulay sa marka ng paaralan.
Ang mga tauhang kasama sa programang ito ay ang mga executive ng mga organisasyong Financial Economic Achievers Circle (FEAC) at Mentors for Excellence in the Development and Instruction of Students in Allied Health (MEDISINA) ng UB Senior High School Department. Idinaos ang programa noong ika-24 ng Pebrero na naglayong pangaralan ang mga bata tungkol sa community public health, hygiene, at financial literacy. Nagsilbi bilang host sa kaganapan si Jazmean Marie Cueto at Cassandra Alexie Lopez.
Ayon sa mga taong naging bahagi ng pagdaraos ng kaganapang ito, isang karangalang maging parte rito dahil sa pagiging masiyahin ng mga bata. Sa katunayan, puno ng mga ngiti at tawa ang mga bata habang nangyayari ang programa.
Ang programa ay sinimulan ni Shanna Marylo Macatangay sa pamamagitan ng dasal at pag-awit. Sumunod ay si Gng. Milette De Torres na naghandog ng pambungad na mensahe para sa mga bata. Matapos ay ipinaliwanag na ang naging daloy ng mga pangyayari sa naturang programa.
Si Carl Dominic Macatangay ng MEDISINA ang nagpaliwanag ng unang talakayan sa mga bata. Nilayon nitong ihatid sa mga bata ang kahalagahan ng pangangalaga sa katawan natin — isang napapanahong bagay sapagkat ang pandemya ay nandito pa rin at hindi natatapos. Bagay na nakalilimutan ng nakararami sa pag-alis ng gobyerno sa utos na kailangan mag suot ng facemask at pagbaba ng mga nakakakuha ng COVID-19.
Matapos ni Carl Dominic ay sumunod na si Stephanie Kata Arteza na siyang nagpaliwanag ng ibinigay na brochure sa mga bata. Ang brochure na ito ay naglalaman ng mga importanteng bagay na makatutulong sa mga bata upang mapanatili nila ang kanilang personal hygiene. Nilalaman nito ang mga sagot sa tanong kung paano ito mapangangalagaan katulad ng tamang paghuhugas ng kamay, paglilinis sa katawan, at pag-iwas sa body-odor at bad breath. ay muling nagpamigay ang mga mga tauhang kasama sa CES sa mga bata. Ngunit kung kanina ay hygiene kits, ngayon naman ay mga alkansya sa hugis ng isang baboy. Idinagdag pa ng mga tauhan sa mga batang mas ayos na may pangalan ang kanilang alkansya at busugin ang mga ito araw-araw upang sila ay mawili na mag-ipon.
Ang kabataan ang itinuturing na pag-asa at kayamanan ng bayan; noon, ngayon, at bukas. Kung kaya’t mahalaga na mapangaralan ang bawat binhi sa mga importanteng bagay sa ating buhay. Kasama sa importanteng mga bagay na ito ang pagkakaroon ng financial literacy at maayos na hygiene na mas lalong binigyan ng pagpapahalaga sa panahon ng pandemya. Ang Community Engagement Services (CES) ng UB ay nagsulong ng isang programa sa Tinga Labac Elementary School.
Matapos maipaliwanag ang dalawang araling ito ay pumasok na ang pamimigay ng mga hygiene kit sa mga mag-aaral ng Tinga Labac Elementary School. Ang mga kit na ito ay donasyon mula sa bawat estudyante ng UBSHS at naglalaman ng mga bagay na makatutulong sa mga bata para mapangalagaan nila ang kanilang mga sarili. Kung kaya’t hindi lamang natuto ang mga bata kung paano nila dapat pangalagaan ang kanilang sarili kundi nakasiguro din ang CES na magagawa nila ito sa pamamagitan sng pamimigay ng mga kit na kanilang magagamit.
Bukod sa kahalagahan ng pangangalaga sa sarili nilang mga katawan, ang mga bata rin sa Tinga Labac elementary School ay napangaralan tungkol sa financial literacy. Isa itong mahalagang aralin sapagkat nakatutulong ito upang mas maging wais ang mga bata sa kung paano nila gagastusin ang pera na kanilang hawak na makatutulong sa paglaki nila. Ang araling ito ay pinangunahan ni Sarah Angela Matuto ng FEAC na siyang nagpaliwanag sa mga bata.
Para kay Matuto, masaya ang magturo sa mga bata sapagkat sila ay napakagiliw at talagang nagbibigayatensyon sa mga salitang kanilang binibitawan. Idinagdag din niyang ninanais niyang magamit ng mga bata ang bago nilang natutunan sa paghawak nila ng salapi.
Mahalaga ang idinaos na programa sa Tinga Labac Elementary School para sa taong kasama sa programa ng CES. Ayon kay Cueto, isang tagapagdaloy ng programa, makatutulong ito sa mga bata sapagkat mas alam na nila ngayon kung paano mapangalagaan ang sarili at ang kanilang salapi — mga bagay na makatutulong sa kanilang kalusugan, paggastos, at pagdedesisyon.
Samakatuwid, ang pagbibigay ng ganitong pangaral sa mga bata
Ang mawalan ng asawa, ang ating kasama, kaibigan, at kabiyak panghabangbuhay, ay isang napakasakit na pangyayari. Ito ay nangangailangan ng lakas at determinasyon upang tayo ay makabangon. Kung kaya’t bilang isang single-parent, si Ma’am Ritchie A. Magadia ay isang napakatapang na tao sapagkat nagawa niyang bumangon at ngumiting muli mula sa madilim na yugto ng buhay nila ng kaniyang mga anak, ang pagkamatay ng kaniyang asawa.
Naging guro noong nasa ikaapat na taon na si Ma’am Ritch ng Kolehiyo nang magturo siya sa Kumon Stonyhurst Southville International School. Dalawang taon siya bilang assistant sa Kumon bago naging isang pribadong guro o private tutor ng halos isang dekada. Matapos nito ay napagdesisyunan niyang sundin ang tahak papunta sa pagiging propesyonal na pagtuturo at kumuha ng LET exam noong taong 2017. Hindi man niya ito hilig nang magsimula sa Kumon ngunit nang mapamahal sa mga tinuturuan niya ay naging hilig na ni Ma’am Ritch ito at ngayon ay halos pitong taon na siyang propesyonal na nagtuturo.
Si Ma’am Ritch ay nakapagtapos mg Masters of Education Program (MAEd) nang dalawang beses para sa non-thesis at thesis program noong 2019 at 2021 ayon sa pagkakabanggit. Siya ay nakapagtapos ng Magna Cum Laude sa non-thesis program at nagaral online para sa thesis program. Sa pagtahak sa daan patungo rito ay napagtanto niya na walang kinalaman ang edad sa iyong ginagawa. Pinatunayan niya ito nang makapagtapos siya sa MAEd kahit na siya ay may tatlong anak na 17, 12, at 10 na ang tanda, asawa at edad na nalalapit na sa ika-40.
Ngunit, ang buhay ay hindi lamang puno ng kasiyahan, ito ay nabahiran din ng kadiliman na dulot ng lungkot at pangungulila. Naranasan ito ni Ma’am Ritch nang siya ay mabyuda noong bisperas ng pasko. Araw na dapat ay magbibigay ng saya sa bawat pamilya sa pagsalubong nila sa araw ng Pasko. Ang kalungkutan na dulot ng pangyayaring ito ay lalong napalala ng pandemya sa pagkakulong ng buong bansa sa kanilang mga bahay.
Maraming ginawa si Ma’am Ritch sa pagharap niya sa katotohanang wala na ang kaniyang asawa. Nagsimula siyang mag-gym, muay thai, freediving pagmomotorsiklo, paglalakbay, pangangalaga sa mga halaman, at pagkanta sa choir. Mga bagay na kanyang ginagawa hanggang ngayon. Ipinakita niya ang kaniyang hindi matatalong kalakasan sapagkat nakabangon siya. Bumangon siya at lumabas ng mas mabuti bilang ina, guro, kaibigan, at tagasunod kay Kristo. Ayon nga sa kaniya, ang Diyos ay mabuti at siya ay pinagbuti nito. Pinakita sa kanya ng Diyos ang tamang daan at ngayon ay narito na siya, nagniningning at nagsisilbing modelo para sa kanyang mga anak.
Ang katapangan ng isang tao ay naipapakita sa iba’t ibang paraan, maaaring ito ay pisikal pero maaari rin lumitaw sa ibang paraan. Talagang may mga pangyayari sa ating buhay na kailangan natin lagpasan, mga pangyayaring nagpapabuti sa atin bilang tao. Sinabi pa ni Ma’am Ritch na maaaring kinuha ng Diyos ang kanyang asawa at ama ng anak nila upang makita nila ang kagalingan ng Diyos. Sa huli, ang mga pagsubok na nangyayari sa buhay natin ay nagpapakita ng determinasyon ng isang tao sa patuloy niyang pagbangon.
Kasabay ng nanlalamig na simoy ng hangin ay ang makukulay na samu’t saring palamuti at parol ang makikita sa loob ng Unibersidad ng Batangas.
Sa pangunguna ng Supreme Student Council (SSC), itinalaga ang programang “Christmas Tree Lighting: Hang-a-Ball, Share-a-Gift, and Win-a-Friend” na siyang ginanap noong ikaw-17 ng Disyembre upang markahahan ang diwa ng Pasko.
“The entire purpose of this Christmas season is to express appreciation, that finding opportunities to be nice and kind, as well as being grateful for loved ones” ani ni Bb. Almira R. Panganiban, tagapayo SSC.
Karaniwang makukulay na bola-bola ang isinasabit sa mga Christmas tree pero sa kaso naman ng UBJHS, sa bawat handog ng mga mag-aaral, makakatanggap sila ng Christmas paper ball bilang kapalit na ipamamahagi ng mga opisyal ng SSC. Ang pangunahing layunin ng proyekto ay upang mangolekta ng iba’t ibang uri ng mga ayuda mula sa mga magaaral (Grade 7 hanggang 10). Ang mga nakolektang ayuda ay ibibigay sa mga napiling mga benepisyaryo kinabibilangan ng ating mga guwardiya, janitor at mga orphans bilang regalo sa pasko.
“Masaya kami sa natanggap namin dahil kahit kaunti ay meron kaya salamat. Kahit maliit na bagay, hindi man gaanong kalaki ay masaya na kami at buongpusong nagpapasalamat,” ikinagagalak nina Lonlon Baliwag at Juvenar Garcia, mga pintor na nakatanggap ng ayuda mula sa programa ng SSC.
Ngayon, nakikita bilang matapang at kamangha-manghang tao si Ma’am Ritch. Kilala siya sa kanyang mga hobbies na kasama ang pagmomotorsiklo at paglalakbay, bagay na patok sa kanyang mga estudyante. Ang gawi niyang pagmomotorsiklo ay ginagawa niya kapag siya ay napapagod, ginagamit niya ito upang makapagpahinga. Palagi rin bumibisita si Ma’am Ritch sa kanyang asawa kasama ang kanyang anak. Isang repleksyon para sa kanilang salita para sa taong ito na “acceptance” o ang pagtanggap.
Nag-iwan si Ma’am Ritch ng tatlong paalala sa kanyang mga anak.
Electronic Insect Repellent: Ahas na Walang Kamandag
Basta may lasong nakakabit, walang magsasakang gagamit.
Sa panahon ngayon, ang industriya ng agrikultura ay lubos na umaasa sa magsasaka. Kung sisirain ng mga peste ang kanilang ari-arian, kakailanganin ng mga magsasakang bumili ng insect repellent upang maiwasan at maitaboy ang mga ito.
Kayang pawiin ang mga insekto at makamit ang pest control sa mga ari-arian at bahay ng consumer sa pamamagitan ng mga insect repellant. Gayunpaman, sa kabila ng magagandang epekto ng Insect repellent, ang gamit na ito ay nagtataglay ng nakalalason na kemikal na maaaring magdulot ng pinsala sa mga tao tulad ng mga pantal sa balat at pangangati.
Dahil dito, ang mga mag-aaral ng University Of Batangas - Electronics and Communications Engineering (ECE) ay nakagawa ng isang aparatong gumagamit ng mga ultrasonic wave upang takutin at itaboy ang mga peste tulad ng insekto at daga nang hindi gumagamit ng anumang nakapipinsalang kemikal.
Kalidad ang susi sa komunidad na maunlad
Ayon ka Engr. Framces De Mesa, ECEprogram head of University Of Batangas, “ I always ask my students na kapag gagawa kayo ng system or magdedesign kayo ng system pilitin niyong na makapagdesign ng system na may magiging malaking impact sa community na kung saan ma utilize talaga ang product ”
Dahil dito, naisipan ng 4th year ECE students na gumawa ng isang pesticide na walang ginagamit na nakalalasong kemikal para sa kanilang thesis at para narin matulungan ang mga magsasakang dumadaing tungkol sa pest infestation na nararanasan nila at nakapagpapababa ng kanilang kita sa pang-araw araw na buhay
Dagdag pa rito, ayon sa interview ni Ren Delton Garner, isa sa mga 4th year ECE students, malapit ang ginawa nilang mbensyon sa puso niya dahil may palayan sila sa probinsya ng Mindoro at nararamdaman niya ang mga daing ng mga magsasaka.
Ayon kay Garner, kapag patuloy ang paggamit ng chemical pesticides, masyadong mabababad ang mga halaman at makasasama na ito sa ating kapaligiran at kalusugan.
Kapalit ng mga nakalalasong kemikal, ang electronic insect repellent na inimbento ng mga ECE students ay gumagamit ng ultrasonic waves na nilikha mula sa aparato upang mataboy ang mga peste at hayop katulad ng daga, kulisap, ahas at maging ibon.
Dagdag pa rito, napatunayan nila na ang kanilang imbensyon ay nakapag papawala talaga ng mga peste,kaya maraming mga magsasaka ang nagsimulang gumamit ng electronic insect repellent bilang pantaboy sa mga peste.
Dahil epektibo ang imbensyong ito, plano ng mga estudyanteng ipropose ang kanilang proyekto sa Department of Agriculture para pondohan at maibahagi ang kanilang produkto sa ibang magsasaka sa probinsya.
lathalain