12 minute read
basurang plastik
Habang ang nakararami ay gumagamit ng mga tumbler para lamang inuman, ang University of Batangas naman ay nakakita ng isang mas malaking tunguhin at adbokasiyang dapat matugunan. Noong ika-12 ng Nobyembre, nagsagawa ang UB Community Extension Services (CES) ng isang kampanya sa paggamit ng tumbler. Ang adbokasiyang ito ay naglalayong maibsan o mabawasan ang sangkatirbang basura tulad ng mga plastik.
Batay sa isang World Bank report noong Marso taong 2021, ang Pilipinas ay taon-taong nakalilikha ng mahigit tatlong milyong toneladang plastik ng basura kung saan limandaang libong tonelada ang napupunta sa katubigan, tulad ng plastik, bote, balot ng tsitsirya, styrofoam, at iba pa.
Advertisement
Ayon naman sa ulat ng Ocean Conservancy at ng McKinsey Centre for Business and Environment, ang Pilipinas ay ikatlong pinakamalaking pinagmumulan ng mga basurang plastik sa karagatan. Iniuugnay ng pagaaral ang pagkalat ng mga nakolektang basura sa dalawang salik: ilegal na pagtatapon ng mga kumpanyang naghahakot ng basura, at mga dump site na matatagpuan malapit sa mga daluyan ng tubig. Batay sa mga panayam ng lokal na pamahalaan at mga grupong pangkalikasan, isa sa mga dahilan ng pagkalat ng basura ay pangongolekta ng basura mula sa lugar ng koleksyon at dinadala patungo sa mga dump site.
Ang polusyong gawa ng plastik ay may lubhang epekto sa ating pangaraw-araw tulad na lamang ng mga pagka-bara sa mga daluyan ng tubig na siyang nagpapalala sa mga sakuna lalo na tuwing tag-ulan. Kaya’t nakiisa ang Unibersidad ng Batangas sa kampanya kontra polusyon sa pamamagitan ng paghihikayat sa mga kinauukulan, guro, mag-aaral at malawakang paggamit ng tumbler noong ika-14 ng Nobyembre, nakaraang taon. Pinagunahan ito ng kagalang-galang na pangulo ng UB, Dr. Hernando Perez, kabilang ang mga kawani ng UB Community Extension Services, mga guro, at mag-aaral mula sa sekondarya, pati na rin ang iba’t ibang organisasyon at estudyante sa kolehiyo ng University of Batangas at iba pang bumubuo nito.
tp sarbey
7 sa 10 TutolMag-aaral, Sa Ideya ng Genetic Engineering
Sa bawat sampung mag-aaral sa Unibersidad ng Batangas, pito ang naniniwalang ang genetic engineering ay hindi makatutulong sa ating lipunan.
Batay sa isinagawang sarbey, 70% ng mga estudyante ay tumutol sa genetic engineering at naniwalang ito ay magdudulot ng masamang epekto sa mga tao kapag ginawang legal at normalisado.
Ayon kay Jonas Czar Gutierrez, isang mag-aaral ng STEM-E ng G12-Sodium, kailangan munang pag-isipan ng nakararami ang teknolohiyang ito bago ito gamitin bilang solusyon sa mga pandaigdigang problema.
Sinang-ayunan naman ito ni Joseph Hermoso, isang mag-aaral ng HUMSS ng G12-Villa, na naniniwalang ang genetic engineering ay magdudulot ng pinsala sa milyun-milyong buhay dahil sa pagbabago ng gene ng mga organismo tulad ng mga hayop at halaman.
Sa kabila nito, 30% ng mga estudyante ang sang-ayon sa ideya ng genetic engineering, tulad ni Elizabeth Louise Silang, isang mag-aaral ng STEM-AH ng G12-Harrington. Ayon sa kanya, ang genetic engineering ay maaaring maging solusyon sa mga problema tulad ng malnutrisyon at deforestation, at kailangan itong aprubahan dahil sa mga benepisyo nito.
UB, nakipagsanib-pwersa para sa mas malinis na Cuta
Bunsod ng tumataas na antas ng polusyon sa mga karagatan, ang University of Batangas Community Extension Services (CES) ay nakipagsanib-pwersa sa Brothers Industries Philippines Inc. at Solid Earth Tradings para sa International Coastal Cleanup 2022 na may layuning paigtingin ang paglilinis at pagtatanggal ng mga basura sa coastal area ng Cuta, Batangas.
Alinsunod sa temang
“Connecting People for a Trash-Free Coastline,” pinag-isa ng ICC 2022 ang iba’t ibang paaralan at mga student organization para sa isang layunin: linisin at protektahan ang mga coastline mula sa panganib na dala ng umaapaw na basura.
Ang International Coastal Cleanup ay isinagawa sa coastal area ng Sitio West, Cuta, Batangas City, noong Nobyembre 17 hanggang 18, 2022, sa tulong ng mga magaaral sa kolehiyo ng iba’t ibang kagawaran, UB CES, at marami pang organisasyon ng mga mag-aaral.
Kabilang sa mga nagtipontipon, nagkaisa, at nagtulong-tulong sa paglilinis at pagpupulot ng mga basura sa coastline ng Cuta ang mga organisasyong pang-akademiko katulad ng University of Batangas – Young Communicators’ Guild (UB YGC), University of Batangas Seeds of the Nations (UB SONS), UB Association of Legal Management Majors (ALMMa), Future Engineer’ Society (FES), at UB Organization of Psychology Students.
Bukod pa rito, ayon sa UB Organization of Psychology Students, “We are one, together we will connect for a trash free coastline,” na nagpapakita ng kanilang determinasyon sa pagsasama ng kanilang mga ideya sa ICC 2022 at pagtulong sa paglilinis ng baybayin sa lugar ng Cuta, Batangas.
67.7% ng UB-SHS, Kulang sa Tulog
Sa resulta ng isinagawang pag-aaral ng Tunog Pamantasan (TP), agaw-pansin ang kakulangan sa oras ng pagtulog o “sleep deprivation” sa mga mag-aaral ng University of Batangas Senior High School (UBSHS).
Ayon sa nakalap na datos mula sa 100 na mag-aaral ng SHS, 67.7% ang nagsabing malaki ang epekto ng kanilang sleeping schedule sa performance nila sa kanilang pag-aaral.
Sa kanilang mga karaniwang araw, 60.4% ng mga mag-aaral ang natutulog pagsapit ng ika-11 ng gabi hanggang ika-12 ng umaga, habang 20.8% lang ang natutulog pagsapit ng ika-9 hanggang ika-10 ng gabi, at 2.1% ang tulog pagsapit ng 7 hangang 8 ng gabi. Bukod pa rito, 13.5% ng mga mag-aaral ang natutulog sa pagitan ng ika-1 hangang ika-2 ng madaling araw at 3.1% na natutulog pagkalipas ng ika-3.
Bilang karagdagan, ang mga datos na nakolekta ay nagsiwalat na 68.8% ng mga mag-aaral ng SHS ay natutulog sa average na 4 hangang 7 oras at 10.3% ay natulog ng 8 hangang 9 na oras. Lumabas din sa datos na 20.8% ng mga mag-aaral ay natutulog lamang ng 3 hangang 4 na oras.
Ayon kay Nick Villalobos, isang doktor ng medisina, ang mga teenager na nasa edad 13 hanggang 18 taong gulang ay dapat matulog ng humigit-kumulang 8 hanggang 10 oras bawat araw. Gayunpaman, ang mga datos na nakalap ay nagsiwalat na 10.3% lamang ng mga magaaral ang nakakatulog sa loob ng 7 hangang 8 oras, kung kaya’t 89.6% ng mga mag-aaral ng SHS ay hindi nakakamit ang pinakamababang oras ng pagtulog na kailangan nila para sa kanilang edad.
Bukod pa rito, ayon sa nakalap na datos, ang gawaing pang-akademiko ang pangunahing dahilan kung bakit 68.8% ng mga estudyante ng SHS ang nakakaranas ng kakulangan sa tulog. Ang social media ay binanggit ng 22.9% bilang dahilan ng kakulangan sa tulog, at ang online gaming ay binanggit ng 5.2%. Samantala, ang natitirang 3.1% sa kanya ay nagbanggit ng mga dahilan tulad ng pagbabasa ng mga fiction book at pagkakaroon ng insomnia.
Sa isang banda, tuwing Sabado at Linggo, 47.9% ng mga estudyante ang natutulog sa bandang alas onsei hanggang alas dose ng madaling araw, habang 17.7% lang ang natutulog sa bandang alas nuebe hanggang alas diyes ng gabu, at 2.1 % ang natutulog sa bandang alas syete hanggang alas otso ng gabi Ang mga mag-aaral na natutulog sa bandang ala una hangang alas dos sa katapusan ng linggo ay may mas mataas na iskedyul ng pagtulog kaysa sa kanilang iskedyul mula Lunes hanggang Biyernes, na tumaas mula 13.5% hanggang 26%.
Bagama’t dumami ang mga estudyanteng natutulog pagkalipas ng hatinggabi, ang nakalap na datos ay nagpakita na 37.5% ng mga mag-aaral ang natutulog ng 8 hangang 9 na oras, habang 22.9% lamang ang natutulog ng 4 hangang 7 na oras. oras. Bilang karagdagan, 26% ang natulog ng 9-10 oras at isa pang 13.6% ang natulog ng higit sa 11 oras, kaya 77.1% ng mga mag-aaral ng SHS ay nakamit ang oras na kinakailangan para sa pang-araw-araw na gawain at responsibilidad ng mga kabataan.
Kamakailan lamang, noong ika-7 araw ng Marso 2023, nakipagtulungan ang Unibersidad ng Batangas sa Pioneer Clinical Labaratory & Medical Clinic upang isulong ang donasyon ng dugo upang matulungan ang mga mamamayan ng komunidad na nangangailangan ng dugo.
Bukod pa rito, noong Agosto 22, 2022, nakipag-ugnayan ang UB sa Saint Patrick’s Hospital Medical Center at nagsagawa ng “blood letting day” bilang pag-alaala sa yumaong pangulo ng UB, si Dr. Abelardo B. Perez, na gaganapin sa UB gymnasium.
Habang noong ika-4 na araw ng Marso 2023, ang UB main ROTC unit ay nakipagtulungan sa Batangas Medical Center (BATMC) at Provincial Health Units ( PHO ) upang magsagawa ng bloodletting activity para sa ating mga kababayan. Kaugnay ng kanilang temang “ Save life, Give blood,” layunin ng programang itong mag-donate ng dugo para sa ating mga kapwa Pilipino na nangangailangan ng dugo. Ang mga donors para sa bloodletting activity ay mga boluntaryo mula sa army reservist and Community Defense Center (CDC) personnel, kasama ang UB cadet officers.
Bago magsimula ang programa, hinikayat ang mga boluntaryo na sagutan ang isang form at sumailalim sa screening interview upang suriin ang kalusugan ng bawat tauhan at matiyak na magiging maayos ang daloy ng aktibidad upang masiguro na hindi ito magdudulot ng pinsala sa mga donor at tatanggap ng dugo.
Bukod pa rito, ang opening remarks ay isinagawa ni CPT Rogelio Driz, samantalang ang closing remarks naman ay inihatid ni 1st Lieutenant Javier C. Reyes. Nagsimula ang programa noong 8:30 a.m. at natapos ng 11:30 a.m., na nagpapakita na naging matagumpay at maayos ang programa ng bloodletting na pinangunahan ng Unibersidad ng Batangas.
“Blood donation does not cost us anything, but it can save someone’s life,” dagdag ng UB ROTC, na nagpapahiwatig na mayroong toneladang mamamayan na nangangailangan at naghihintay na may isang donor na mag-donate ng kanilang dugo upang magkaroon sila ng pagkakataong gumaling at madugtungan pa ang kanilang buhay.
68.8%
Ang bilang ng mga estudyanteng may kakulangan sa oras ng pagtulog dahilan sa gawaing pangakademmiko.
22.9%
Ang social media ay binanggit bilang isa sa mga dahilan ng kakulangan sa tulog ng mga estudyante.
5.2%
Isa rin sa mga binggit ang online gaming bilang dahilan sa kakulangan sa tulog.
3.1%
At ang natitira naman ay dahilan ng pagbabasa ng mga fiction books at pagkakaroon ng insomia.
Mmalayo ang narating ng 21 taong-gulang na Gold Laner ng ECHO
Philippines na nagngangalang Frederic Benedict “Bennyqt” Gonzales o mas kilala bilang si “Bagyong Benny” dahil sa pangingibabaw niya sa M4 World Championship na nagbigay sa kanya ng Finals MVP kontra Blacklist International. Bagama’t narating na niya ang tagumpay, madaming pagsubok ang pinagdaanan ng bagyo patungo sa kanyang lagay ngayon.
Malaking pagbabago ang nangyari kay
Benny dahil sa paglipat niya sa koponan ng
AURA PH upang maghanda sa MPL Invitationals
Naging masigabo ang pagsalubong sa opening ng
NCAA Season 24 sa pamamagitan ng pamamalakad ng University Host na University of Batangas upang pormal na masimulan ang programa. Ito ay ginanap sa bagong bihis na Carmelo Q. Quizon Gymnasium sa UB Main Campus noong Pebrero 24 taong 2023.
Bagama’t marami ang mga bisitang dumagsa sa programa, nasimulan ito ng matagumpay sa pagkilala sa mga paaralan at mababagsik na players na lalahok sa gaganaping mga kompetisyon sa sumusunod na mga araw.
Ilan sa mga paaralan na kinilala ay ang University of Batangas, Lyceum of the Philippines University
Batangas, Philippine Christian University
Dasmariñas, FAITH Colleges, De La Salle Lipa, San Beda College Alabang, Colegio De San Juan
De Letran Calamba, San Pablo Colleges, TRACE Colleges, University of Perperual Help System
Laguna at Emilio Aguinaldo Colleges Dasmariñas. Sa loob ng malawak na gymnasium, kanilang nasilayan ang maayos at malinis na inihandang mga kagamitan upang gamitin sa programa.
Dito rin ay nagpakilala ang naging host ng nasabing programa na sina Renz Contreras at Celeste Cananua na nagkaroon ng matagumpay na pamamalakad ng kabuuang kaganapan.
Matapos ang pagkilala, nagbigay ng kaantig-antig na pangunahing mensahe ang ilang mga panauhin kabilang na ang presidente ng University of Batangas na si Dr. Hernando B. Perez.
Naipahayag sa pamamagitan ng bidyo ang paghahatid ng introduksyon sa mga paaralan na lumahok kalakip ang pagbibigay ng sertipiko ng partisipasyon.
Nagpamalas din ang University of Batangas ng galing sa pamamagitan ng pagbibigay ng masiglang intermisyon sa pangunguna ng makukulay at naggagandahang kasuotan ng UB Bench Cheering at ilang mga props na nakapaloob din ang mga logo ng paaralan na iprinisenta ng Dance Troupe upang aliwin ang mga manonood.
Nagbigay ng motibasyonal na mensahe ang dalawang tanyag na manlalaro na sina Sisi Rondina at LA Tenorio na ginawaran din ng kaukulang sertipiko ng pagkilala. Kaganyakganyak ang naging mensaheng ibinahagi ni Sisi Rondina lalo pa at nagbigay siya ng kanyang pansariling karanasan buhat sa siya ay isa pa lamang estudyante na naging isang magaling atleta upang maipakita sa iba ang kaniyang kakayahan. Naging malaman din ito sa pagpapahayag ng kaniyang kwento ng pagdiskubre sa kanya bilang isang mahusay na atleta, kung kaya’t nagsilbi itong inspirasyon sa mga nakakarami. Bukod dito, naging kahangahanga din ang isang mahusay na manlalaro na si LA Tenorio sa pagbabahagi ng kaniyang sariling kwento sa mga panauhin.
Samantalang matapos ang pagbibigay ng mensahe, ipinangalandakan naman ang husay at kakayahan ng mga Brahmans nang magbigay ng kamangha-manghang pagganap ang UB Pep Squad upang muling aliwin ang mga panauhing dumalo.
Pinangunahan ng atletang si Marquiz Macatangay ang pagsambit ng Oath of Sportsmanship matapos ay iwinagayway ng mga team captain ang kani-kanilang bandera ng kanilang paaralan .
Sa pagtatapos ng programa, idineklara ni Atty. Jesus V. Mayo, Chairman/Policy Board NCAA South Season 24, anf pagbubukas ng panibagong season.
Pinaghandaan ng Sports Development Office ng unibersidad kasama ng pwersa ng Culture, Arts, and Publications Office (CArP) ang pagbubukas ng kaabang-abang na kompetisyong pampalakasan.
2020 pero tinalo sila ng MPL-PH Champion at M2 World Champion na Bren Esports.
Sinimulan ni Benny ang kanyang paglalakbay bilang manlalaro para sa AURA
PH sa Season 7 ng MPL-PH na nagkaroon ng
9-4 standing sa regular season. Sa kasamaang palad, bigong makapasok sa finals ang AURA dahil winalis sila ng dati niyang koponan na
Nangibabaw ang bagyo at ang koponan ng ECHO sa M4 World Championship na ginanap sa Jakarta, Indonesia dahil sa ipinamalas nilang galing laban sa iba’t ibang bansa. Sa pagkakataong ito, pinatalsik sa trono ng orcas ang Defending World Champions na Blacklist International sa 4-0 sweep at itinanghal si Bagyong Benny bilang Finals MVP. Sa kasalukuyan, namumuno pa rin si Benny at ang orcas sa regular season ng MPLPH Season 11 sa 6-1 na standing at ikalawa sa pwesto na nasa likod ng M2 Champions na Bren Esports. Pinatunayan ng gold laner na karapat-dapat siyang mapansin sapagkat nangahas siyang maging dakila.
Isa si Frederic Benedict sa nagbibigay inspirasyon sa napakaraming kabataan lalong lalo na sa ating unibersidad kagaya na lamang ng isang estudyante dito sa ating Unibersidad na si Sean Howell Magnaye na ginawang inspirasyon si Benny upang maging esports player at pagsabayin ang pag-aaral at paglalaro.
“Ang ganda ng gameplaay na prinoproduce ni Benny overall yung chemistry nya with the team, how he handles the lanings, rotations and how he farms”. Isa lamang si Howell sa mga estudyanteng nabigyang inspirasyon ni Benny dito sa ating unibersidad. Dahil dito, ay mas napapalawak na ang esports scene hindi lamang sa ating paaralan kung hindi pati na rin sa ating bansa.
Brahmans, wagi kontra BYB Mabini, sinukbit ang tiket sa NBTC league
Namayagpag ang University of Batangas matapos lampasuhin ang BYB Mabini sa iskor na 127-55 sa UB Brahmans sa 2023 NBTC Qualifying league championship na ginanap sa University of Batangas, Hilltop Campus noong Marso 13, 2023.
Unang segundo pa lamang ng unang kartada ay agaran ng nagpasiklab ang
Unibersidad ng Batangas matapos agarang makapagtala ng sunod sunod na tres na naging dahilan upang mapolobo agad nila ang kanilang kalamangan sa unang kwarter.
Ipinagpatuloy ng UB Brahmans ang kanilang nasimulaan sa unang kwarter ng laban nang magpakawala ng agresibong opensa upang gibain ang depensa ng BYB Mabini na nagbigay ng halos tatlongput limang kalamangan na pabor sa Brahmans matapos ang ikalawang kwarter, 60-25.
Sinubukang bumawi ng BYB Mabini sa ikatlong kartada ng makahabol sa agresyon na ipinapakita ng UB Brahmans sa pamamagitan ng pagbawi sa opensa ngunit bigo pa rin silang mapadikit ang kanilang iskor.
Hindi man lang kinabahan ang Brahmans sa BYB Mabini at agarang nakipaggitgitan at nagpamalas ng mas pinaigting na depensa na naging dahilan upang hindi na makayanan ng BYB Mabini ang pahirap na ibinibigay ng Brahmans na nagdagdag pa ng sampong kalamangan sa pagsisimula nang huling kartada, 100-40.
Sinelyuhan ng UB Brahmans ang laban sa pamamagitan ng sunod sunod na tres at layup na naging dahilan upang makakuha sila ng 72 na kalamangan,120-55
Naging susi ng Brahmans ang kanilang mga mahuhusay na three pointers at ang mga magigilas na rebounder player. Matapos maging kampeon ng 2023 NBTC Qualifying league ay pupunta naman sa Manila ang Brahmans para sa 2023 NBTC league upang kaharapin ang mga manlalaro mula sa iba’t ibang koponang nagmula sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas. Ang pagkapanalong ito ang nagbigay sa mga Brahmans ng dagdag motibasyon sa pagsasanay matapos ding makuha ang kampeonato sa nakalipas na City Meet at BCPRISA.
IMPLUWENSYA NG ECHO, NAGBIGAY INSPIRASYON SA MLBB TEAM NG BRAHMAN
Ginulat ng ECHO Philippines ang mundo matapos pabagsakin ang Blacklist sa pamamagitan ng malinis na pagkawalis sa Best-of-7 Finals sa M4 World Championship sa Nangibabaw ang mga orcas sa unang bahagi ng laro kung saan si ECHO KarlTzy ang nakakuha ng unang pagong habang pinaslang ni ECHO Sanji sina Wise at Hadji sa kanyang 1st at 2nd skill combination ni Xavier.
Sa ika-4 na minuto ng laban, kontrolado ng boys in purple ang laro nang makuha ni KarlTzy ang pangalawang pagong habang nahulog sa kamay ni ECHO Roamer Yawi ang Blacklist Gold Laner na si Oheb.
Isang matinding sagupaan ang naganap sa ika-6 na minutong marka nang patayin ng Blacklist sina Yawi at SanFord kapalit ng OhMyV33NUS at ang huling turtle na nakuha ng Jungler ng ECHO.
Isa pang paghaharap ang nangyari sa mid lane habang pinatay ni ECHO Sanji ang Team Captain ng Blacklist na OhMyV33NUS upang mapilitan si Hadji na gamitin ang Real World Manipulation ni Yve ngunit sinigurado ni Oheb ang pagpatay laban kay Bennyqt na sinamahan ng kanyang mga kasamahan sa koponan.
Habang nakuha ng ECHO ang unang Lord of the game, nagkaroon ng 2-1 trade pabor sa mga batang lalaki sa purple pagkatapos i-execute ang Blacklist’s Jungler at Mid Laner. Pagkatapos ng isang matinding
Lord clash sa mga huling minuto ng labanan, gumawa ng outplay si ECHO SanFord sa pagpatay kay Oheb at Hadji na naging sanhi ng pag-decode ng ECHO Express ng Blacklist. Tinapos nila ang laban sa 7-14 na talaan para sa panig ng ECHO at idineklara si Bennyqt bilang Finals MVP ng tournament.
Dahil nabigo ang Blacklist na gumawa ng kasaysayan sa pagkapanalo ng back-to-back world titles, gumawa ng kasaysayan ang ECHO dahil sila ay nangahas na maging mahusay na nagbigay sa Pilipinas ng 3 M-World titles.
Sa kabilang banda nagwagi naman sa isang laro sa acadarena ang koponan sa mlbb ng Unibersidad ng Batangas kontra University of Rizal System, 2-1 na ginawa sa pamamagitan ng online tournament noong March 12, 2023. Unang game ay halos di maka