1 minute read
MAS PINALAKING UB GYM, INIHANDA PARA SA NCAA-S 2023
Kurt Bicol
Upang maiangat ang kalidad ng serbisyong handog ng Unibersidad ng Batangas Main Campus sa mga mag-aaral, sinimulang palakihin at paunlarin ang mga pasilidad ng school gymnasium na siyang nagkakahalagang 30 milyon pesos noong ika-19 ng Setyembre 2022.
Advertisement
Iminungkahi pa ni Engineer Marylane Subaybay, isa sa tatlong mga nakaatas na inhinyero sa pagsasaayos ng gymnasium, na ang pagpapatayo nito ay kasabay ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa (February) na pangungunahan ng Unibersidad ng Batangas.
“Ang pagkakaalam kong turn over namin ay sa January 15,” isinaad ni Engr. Subaybay ukol sa muling pagbubukas ng nasabing pasilidad.
Tinalakay pa nina Engineer Lester Jhun Pontanes at Engineer Halston Mata na may mga karagdagang mga kagamitan sa gymnasium kagaya ng “movable basketball ring, scoreboard, bleachers, backstop, flooring, at rest rooms” para sa mga isasagawang mga paligsahan sa hinaharap.
Dagdag pa ni Engr. Subaybay ang bagong idinagdag na elemento ng gymnasium, ang cut walks with railings na maaaring magamit sa pagsasaayos ng mga kagamitang teknikal.
“Para iyan sa mga maintenance [commitee], daanan nila para sa pag-aayos ng mga kailangan ayusin tulad na lamang dito sa may stage. May mga cut walk para sa mabilisang pagaasikaso ng mga lighting and for their easy access,” saad