2022-2023 ANG KAWAYAN SCHOOL PAPER

Page 10

HANDOG PASASALAMAT

Naging

matagumpay ang programa ng Supreme Student Government (SSG), kasama ang iba't ibang klub ng paaralan nitong Pebrero 14, 2023 na ginanap sa bulwagan ng Cauayan City National High School-Main.

Layunin ng programa na magbigay ng munting regalo sa mga napiling mag-aaral ngayong araw ng mga puso.

"Tradisyon na ng paaralan ang pagbibigay ng mga regalo at nakatakda sana itong gawin noong Disyembre ngunit napagpasyahan na mas mabuting sa Araw ng mga Puso ito gawin," saad ni Bb. Almina Juarez, tagapayo ng SSG.

"Naging makabuluhan ang paglulunsad ng project AGAPE dahil sa suporta at gabay ng mga club advisers,"

dagdag nito.

Bukod sa project AGAPE ay tampok din ang You've got Mail na kung saan ay maari kang makatanggap at makapagpadala ng sulat nang hindi nagpapakilala at Loves Packages ng Math Klab.

Paraan ito upang maipaabot ng mga mag-aaral ang kanilang mensaheng pagmamahal sa kanilang mga iniibig o iniirog.

"Masaya ako sa programa dahil unti-unti ng bumabalik sa dati ang mga events na ganito," ani Simone Cabacungan, mag-aaral mula sa SPJ Curriculum.

Nangako naman ang paaralan na isagawa ito taon-taon upang sa munting paraan ay makapagbigay ngiti sa batang napili.

Nakibahagi naman ang mga opisyal sa naturang barangay sa pagpili ng mga pamilyang mabibigayan ng handog.#

Pagmonitor sa mga estudyanteng gumagamit ng Nicotine Products, paiigtingin ng paaralan

Binigyang diin ni Bb. Maribeth S. Dela Peña, punong guro ng Cauayan City National High School-Main na walang magandang naidudulot ang paggamit ng nicotine products o vape sa kalusugan ng tao bunsod ito ng paggamit ng ilang mga kabataan ng naturang produkto sa loob ng paaralan.

Reading Pantry ng CCNHS, tulay sa pagkatuto ng mag-aaral sa pagbabasa

Matatandaang naglabas ng Department of Trade and Industry ng Administrative Order 22-16 o ang Implementing Rules and Regulations para sa Republic Act 11900 o ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act noong Disyembre 5, 2023.

M atatagpuan ang CCNHS

Reading Pantry sa

Faculty Lounge kung saan lahat ng mga mag-aaral ay may pagakakataong basahin ang iba’t ibang uri ng librong nakalatag.

Inilunsad ito sa hangaring matulungan ang mga magaaral upang sila ay masanay sa pagbabasa at malinang ang kanilang pag-unawa sa pagbasa.

“One of the highlights of celebrating the reading month is the launching of our reading pantry talaga, to help the students na masanay sa readings.” ani Vivien S. Tunac, ulong guro sa departamento ng Ingles.

Sa pagsasagawa ng mga naturang programa, inaasahan ni

Maria Rosario S. Puzon, ulong guro ng departamento ng Filipino, na maging daan ito upang makita ng mga mag-aaral ang importansya ng pagbabasa at mahalin ito sapagkat makatutulong itong malinang ang kanilang pagunawa sa pagbabasa.

“The goal of this celebration e [is] to show students na reading is important... Na sa pagbasa ay may pag-asa. Every student should love reading. Kasi ‘pag na-love na nila ‘yong reading, it goes na mae-enhance na nila ‘yong kanilang reading comprehension.”

Mga mag-aaral ng CCNHS,

kumasa

Ibinahagi ni Dela Peña na paiigtingin ng paaralan ang pagbabantay sa mga kabataan lalong lalo na ang mga lumiliban sa klase upang gumamit ng vape o sigarilyo.

Hinihikayat rin niya ang mga nagtitinda ng nasabing produkto namakipagtulungan para sa ikabubuti ng mga kabataan.

Nakasaad sa naturang kautusan ang pagbabawal sa pagbebenta ng nicotine products sa mga menor de edad o mga nasa 18 taong gulang pababa at may kaukulang multa na 10,000 libong piso o pagkakakulong ng 30 araw pababa. Gayundin, ang paggamit ng naturang produkto sa mga Indoor Public Spaces kabilang na ang government offices, paaralan, airport, at maging simbahan na may multang hanggang 20,000 libong piso.#

PAMPALAKASAN City High Spikers inilampaso ang Gray Wolves sa Secondary Mens Volleyball 3-0 Pahina 3 BALITA Schoolbased Press Conference, isinagawa matapos ang higit 2 taong Pahina 3 ANG OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG CAUAYAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL-MAIN TOMO 14, ISYU 01
MUNTING REGALO NG PAARALAN, NAGBIGAY NGITI SA MGA MAGULANG
OPINYON
BALITA
LATHALAIN AGHAM AT TEKNOLOHIYA PAMPALAKASAN
ni Kyara Flores
SAGAP KARUNUNGAN. Mga mag-aaral mula sa Science Technology Engineering ang naki-bahagi at sumuporta sa pagdiriwang ng Reading Month sa Cauayan City National High School-Main.
ni Risia Diniega
sa Dance Competition BALITA Pahina 2 ni Blant Torralba OPINYON Distraksiyon o Inspirasyon? Pahina 5 INA NG PAARALAN. Nagbigay ng
si Bb.
Peña sa paglusad ng Reading Pantry kasabay ng pagdiriwang ng Reading Month.
Dagdag ni Puzon, hindi lang ngayong reading month dapat masusubaybayan ang kahiligan ng mga mag-aaral sa pagbabasa, kundi sa buong taon.# 30 PAMILYANG BENEPISYARYO mula sa Barangay Turayong
talumpati
Dela
ni Raniel Tuppil
Impormasyon mula sa: CCNHS-Supreme
Student Government

Mga panuntunan at programa ng paaralan, tinalakay sa pagpupulong ng SPTA

Umani ng suporta sa mga magulang ang ginawang pagtalakay ng mga guro sa mga alituntunin at programa ng paaralan sa ginanap na 2nd School Parent-Teacher Association Meeting nitong Pebrero 18, 2023.

Hangad nito na ipaalam ang mga nakalatag na programa at mga proyekto ng bawat guro para sa ikagaganda at ika-uunlad ng mga magaaral sa kanilang mga mithiin.

Ibinahagi naman ng mga tagapayo ang mga katugunan sa pag-uugali at performance ng mga batang kabilang sa kanilang seksyon. Kabilang na ang pagsusuot ng uniporme at I.D.

“It’s good na malaman din ng mga parents yung mga status ng kanilang mga

anak para at least makatulong din sila sa pagdidisiplina kasi hindi lang naman [ito] trabaho ng mga teacher. Mostly trabaho ‘yan ng mga magulang, kaya dapat alam mga nangyayari sa kanilang mga anak,” ani Gng. Gina D. Rosales, tagapayo ng Grade 9 Lily.

“Mahalaga ang pagpupulong na ito kasi dito maaaring mai-share at masabi natin ang mga gusto nating mga projects, pero as a president of the PTA, mahalaga ito para maisagawa na namin yung mga nakikita naming projects na kailangan ng gawin upang magamit na ng mga mag-aaral,”— ani Maribel Eugenio, Presidente ng PTA

Tinalakay rin sa nasabing pagpupulong ang paghahanda sa nalalapit na anibersaryo ng paaralan ngayong Abril 1, 2023.#

City High, matagumpay na ginunita ang Students’ Month

ni Shamia Uy

P inagdiriwang ng mga estudyante ng Cauayan City National High School-Main Campus (CCNHS) ang buwan ng mga mag-aaral na nag simula nitong Nobyembre 29 hanggang Disyembre 2, 2022 na pinangunahan ng Supreme Student’s Government (SSG) at iba’t-ibang organisasyon ng paaralan.

Nagtayo ang bawat klab ng banchetto sa nakatalagang pwesto, upang magalak ang mga estudyante ay naghanda ng sarisariling aktibidad ang mga klab kasama ang miyembro ng SSG. Ibinahagi ni Jheremy Atienza na kung isang araw lamang ang magaganap na pagdiriwang, hindi masusulit ng mga estudyante ang naturang pagdiriwang ng “Students Month”. Sa tulong ng miyembro ng SSG at iba’t-ibang klab ay nagtipon-tipon upang

masagawa ng maayos ang kanilang mga plano.

“Masaya at nasabik ako sa pagdiriwang ng Students Month, syempre ilang taon tayong hindi pa nakararanas ng mga ganong aktibidad at sa buhay natin bilang high school isa ito sa pinakatatatak sa atin at dito rin mabububo ang pinakamasayang ala-ala para sa ating mga estudyante, kaya talagang pinaghandaan ito.” ani Jheremy Atienza, Presidente (SSG) Kinagigiliwan ng mga estudyante ang pakulo ng ESP klab na kung saan ang mga mag-aaral ay maaring magpadala ng mensahe nang hindi nalalaman ang kanilang pangalan sa halagang limang puso, at ang Camera na naghandog ng murang mga kagamitan at photo booth na pinilahan ng mga magaaral. Naghandog din ang mga kalahok sa Battle of The bands ng sari-saring musika.

Malugod na pasasalamat ng mga organisasyon sa suporta ng maraming estudyante sa kanilang inihandang aktibidad. Matagumpay na naisagawa ang kanilang mga aktibidad sa tulong ng mga estudyante.#

CCNHS-MAIN 25TH FOUNDING ANNIVERARY: DANCE COMPETITION

Mga mag-aaral ng CCNHS, sumabak sa Dance

Competition

N agpakitang gilas ang iba’t-ibang Kurrikulum ng Cauayan City National High School sa ginanap na Hataw Galaw 2023: Dance Competition nitong Mayo 4, 2023 bilang pagdiriwang sa ika25 na anibersaryo ng pagkakatatag ng paaralan.

City High, nakiisa

Earthquake Drill

Nakibahagi ang Cauayan City National High School sa 1st Quarter 2023

National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ng Civil Defense Office ngayong araw, Marso 9, 2023.

Nagsimula ang aktibidad sa pagtunog ng sirena na hudyat na kinakailangang gawin ng mga mag-aaral at guro ang Duck, Cover, and Hold Technique at magtungo sa ligtas na lugar na isang mabisang paraan upang iligtas at maiwasan ang anumang danyos sa sarili sa oras ng pagyanig. Naging matagumpay ang naturang aktibidad sa pagtutulungan ng paaralan, Cauayan City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) at ng Philippine National Police (PNP).

Departamento ng Filipino, inilunsad ang WIKArton

ni TJ Tolentino

Isinagawa ang programang WIKArton ng departamento ng Filipino para sa Baitang 9 at 10 kung saan ang bawat kategorya ay may limang seleksyon na isininasayos mula sa madali hanggang sa pinakamahirap, ito ay may kalakip na pagsasanay para sa talasalitaan at pangunawa

Hangarin nitong matugunan ang pangangailangang mapataas ang kaalaman at pang-unawa ng mga mag-aaral sa paggamit ng Filipino bilang pangunahing wika.

Nilahukan ang nasabing programa ng 8 kurikulum na kinabibilangan ng Science and Technology Engineering (STE), Special Program in the Arts (SPA), Special Program in Journalism (SPJ), Special Program in Foreign Language (SPFL), Grade 9 Curriculum, Grade 10 Curriculum, Grade 8 Curriculum, at Grade 7 Curriculum.

Itinanghal namang kampeon ang SPA matapos nilang makuha ang ika-unang pwesto sa 96.00 na iskor, ikalawang pwesto naman ang nakamit ng G10 Curriculum mula sa 92.20 na iskor, at ng SPFL sa iskor na 90.80. Inaasahan namang muling magtatanghal ang SPA sa gaganapin na Concert for a Cause ngayong Mayo 5 bilang bahagi ng pagdiriwang.#

sa Taunang National Simultaneous

ni

Ibinahagi ni Tommy Blancafor mula sa CDRRMC na apat na beses sa isang taon isinasagawa ang aktibdad. Ito’y upang ipaalam sa mga magaaral at guro ang mga hakbang kapag tatama ang lindol.

“Mahalaga po ang ganitong aktibidad para sa kaligtasan ng bawat isa sa oras ng sakuna. Hinihikayat ko ang mga kabataang hindi sineseryoso at nakikibahagi sa ganitong aktibidad na makibahagi sapagkat ito’y para sa inyong kaligtasan.” dagdag pa nito.

Matatandaang noong Marso 7, 2023 ay nakaranas ang Davao De Oro ng 5.9 magnitude na lindol na kung saan ay higit 2,900 na pamilya ang naapektuhan.

Patuloy naman ang panghihikayat ng

“Binibigyan ng sets of questions ‘yong students, that’s one of the ways to help them improve their reading comprehension.” saad ni Loreta Montales, coordinator ng WIKArton.

Taong 2021 ay mayroon na ang programang ito at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan.#

National Disaster Risk and Reduction Management Council sa mga Pilipino na makilahok sa mga Earthquake Drills upang malaman ang mga tama at maling hakbang sa oras ng lindol. Gayundin ang mga hakbang bago at pagkatapos ng sakuna.#

2 BALITA KAWAYAN
PANGALAWANG TAHANAN.Isang guro mula sa Cauayan City National High School ang pinupulong ang mga magulang hinggil sa mga patakaran at programa ng paaralan. ni Raniel Tuppil DUCK COVER AND HOLD. Mahalaga ang pakikiisa ng mga mag-aaral ng Cauayan City National High School sa Simultaneously Earthquake Drill upang mapaghandaan ang mga nararapat gawin sa oras ng peligro Sa tulong ng pagsagawa ng Duck Cover and Hold technique. MAG-AARAL AKO. Masayang ginunita ng mga mag-aaral ang Students’ Month sa Opening Program nito sa bulwagan ng paaralan. HATAW GALAW. Mga mag-aaral mula sa SPJ at Grade 7 BEC, kumasa sa Dance Competition.

School-based Press Conference, suportado ng mga mamamahayag

Mga mang-aawit ng SPA, itinanghal na kampeon sa Choir Competition

M uling idinaos ng Cauayan City National High School ang Panagayab 2022: School-based Press Conference na may temang “Sustaining the Excellence and Quality in Campus Journalism” itoy upang maipamalas ng mga estudyante ang kanilang angking galing sa larangan ng pamamahayag mula

Nobyembre 14 hanggang 18.

Layunin ng program ana lalong hubugin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng pamamahayag at maging aktibo sa ating lipunan.

Dinaluhan ang naturang programa ni Gng. Gemma

V. Bala, Education Program Specialist at Journalism Coordinator ng SDO Cauayan City na nagsilbing tagapagsalita ng programa.

Binigyang diin nito na hind kailanman maaaring mapatahimik ang pamamhayag ng katotohanan at natutuwang makita ang mga mamamahayag na aktibo muli sa nasabing larangan matapos ang higit dalawang taong pandemya.

Hinikayat naman ng Punong Guro ng paaralan, Bb. Maribeth S. Dela Peña ang mga mag-aaral na laging ihayag ang tama.

“Always remember that your duty is to get the truth. Always get the truth and bring it. Journalism means you go back to the actual facts. Sabi nga kailanga’y laging may hawak na resibo, hanapin ang dokumento ng katotohanan and be part of that way. Sana pagdating ng araw kaisa kayo

HaPAGbaSA inilunsad ng Departamento ng Filipino bilang tugon sa kakulangan ng kaalaman sa literatura

Isinagawa ng

Departamento sa Filipino at ng

Grade 7 at Grade 8 Curriculum ang HaPAGBasa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Reading

Month nitong Nobyembre 21, 2022.

Layunin ng programa na malaman ang lebel ng interes at pang-unawa ng mga magaaral sa larangan ng literatura sa pamamagitan ng paglatag ng ibat-ibang mga babasahing texto.

“Ang component ng aming program ay to practice [the students’] reading comprehension,” pahayag ni Gng. Renie Labiano, Coordinator ng HaPAGbaSA.

Taong 2021 ng simulan ng Departamento ang nasabing programa at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan.#

sa pagpuksa ng mga fake news,” ani Dela Peña. Ibinahagi ni John D. Gamueda, Coordinator ng Special Program in Journalism na hindi lang sa kompetisyon nasusukat ang kakayahan ng isang mamamahayag bagkus gamitin at ibahagi ang mga ito.

“Magsilbi sana ang araw na ito bilang tanda na hindi lang sa kompetisyon nasusukat ang kakayahan natin upang baguhin ang nakikita nating mali at pangit. Gamitin ang ating journalistic skills araw-araw ay may pagkakataon tayo upang magamit at ibahagi ang ating talento sa pagsusulat at pagsasalita, sa klase man o sa labas ng paaralan at sa buong komunidad,” ani Gamueda.

Ikinatuwa naman ng ilang mga estudyante ang nasabing patimpalak dahil naging daan umano ito upang mapalawak ang kanilang kaalaman sa larangan ng pamamahayag.

“Nakakapagod man ay maraming mga estudyante ang mas natulungang mapalawak pa ang kanilang kaalaman patungkol sa journalism at nabigyan ng pagkakataon ang mga estudyanteng maipamalas ang kanilang angking galing sa larangan ng pagsusulat,” ani Mystyllynne Castillejos, nanguna sa News Writing English.

Inaasahan naman ng ilang mga guro na pagbubutihin pa ng mga magaaral ang kanilang angking galing sa pamamahayag upang makatungtong sa inaasam na National School Press Conference.#

Nagwagi sa Paskuhan sa Providers 2022-choral competition ang mga SPA Vocalists ng CCNHS noong Disyembre 8 na ginanap sa Naguilian Isabela. Nilalayon ng kompetisyong ito na hikayatin ang mga kabataan at paunlarin ang kanilang talento sa pagkanta.

Ibinahagi ni Gng. Pamela Bergonio, coach ng SPA Vocalists na hindi sila gaanong nahirapan sa kanilang pagenensayo dahil determinado ang mga mang aawit na masungkit ang kampeonato.

“Dahil very determinated kaming manalo every specialization classes, pinagprapractice ko sila. Gumawa kami ng regular practice namin and we request also kay principal na bigyan kami ng days para magpractice. “ ani ni Gng. Bergonio.

Samantala, ibinahagi naman ni Isabela Detablan miyembro ng SPA Vocalists ang proseso ng kanilang regular practice na ginaganap pagkatapos ng kanilang klase.

“Ilang weeks din po kaming prinaktis at kinakailangan rin namin alagaan yung boses para sa contest na yon.” ayon kay Detablan.#

COMELEC, hinihikayat ang mga kabataan na magparehistro para sa darating na SK Elections

N agsagawa ang Commision on Elections (COMELEC) ng Voters registration para sa mga edad 15 pataas bilang paghahanda sa SK Elections ngayong taon sa Cauayan City National High School nitong Enero 13, 2023.

Layunin ng programa na hikayatin ang mga kabataan na makilahok sa darating na SK Elections na nakatakdang ganapin ngayong Oktubre.

Matatandaang Oktubre 10 ng nakaraang taon ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Republic Act No. 11935 na naglalayong ipagpaliban ang Barangay at SK Election na nakatakda sanang ganapin noong Disyembre 6, 2022.

Ibinahagi naman ni Roy Baranagan, COMELEC Cauayan City Election Assistant na mahalaga ang naturang aktibiadad sapagkat karapatan ng mga kabataan na bumoto.

“Mahalaga para…kasi karapatan niyong bumoto [at] magrehistro para sa Barangay at SK Election sa Oktubre.

Maraming itong maitutulong sa lipunan kagaya [na lamang] ng [pagkakaroon] [nila] ng karapatan. Puwede silang… at saka yung gusto nila bilang botante”, ani Barangan. Pinaalalahanan ng COMELEC ang publiko lalo na ang mga 15 na taong gulang pataas na magtungo sa pinaka malapit na opisina ng COMELEC upang magparehistro bago matapos ang voter’s registration ngayong Enero 31.

“Sa ngayon kami ni COMELEC chairman [Erwin] Garcia at ang buong Commission en Banc ay wala pang nakikitang legal at factual basis para mag-extend”, ani Rex Laudiangco, tagapagsalita ng COMELEC. Ikinatuwa naman ng ilang mga estudyante ang naturang programa dahil magagamit aniya ang kanilang karapatan na pumili ng lider, hinikayat din nila ang kapwa nila estudyante na pumili ng lider na makapagpapabago ng bansa.

“Maganda siguro kung ang

BAGONG REHISTRADONG MGA BOTANTE

1.4M

maboboto natin in the future ay yung taong makakapagpabago ng bansa natin for a better future”, ani Jermiony Perez

3 BALITA KAWAYAN
ahensya
higit 1,024,521
botante
lumahok
matapos
higit 4
taong
nito.#
magaaral ng Grade 10 Inaasahan naman ng
ang pakikilahok ng
na mga rehistradong
na
sa SK at Barangay Election
ang
na
pagkaliban
PARA SA
SK AT BARANGAY ELECTION 2023
KABATAAN PARA SA BAYAN. Nagsagawa ang Commission on Elections ng Voters Registration para sa mga mag-aaral ng Cauayan City Stand-Alone Senior High School.
SOURCE: COMMISION ON ELECTIONS
ni Nicole Baybayon SUBOK MIKROPONO. Handa nang sumalang ang mga mag-aaral ng City High sa pagulat ng balita sa Radyo bilang bahagi ng School-based Press ni Raniel Tuppil ni Raniel Tuppil HIMIG NG PASKO. Mga mag-aaral mula sa SPA, sumalang sa Paskuhan sa Providers 2022 Choral Competition

EDITORYAL

DISTRAKSYON O INSPIRASYON?

Maliban sa ating tahanan, sa paaralan natin karaniwang natutuklasan ang ating mga kakayahan, kahinaan, at ang ating mga natatanging talento. At sa ating pagpasok dito, mayroong mga aktibidad na inihahain sa ating mga mag-aaral upang mas mahasa ang mga natuklasang talento.

Upang matuklasan o mas mahasa ang mga talento at kakayahan ng mga mag-aaral nagbibigay ng iba’t ibang ekstrakurikular na aktibidad ang bawat paaralan. Katulad nalang nito ang paglisahan pagdating sa isport, sining, pag-awit, at pamamahayag. Mayroon ding mga organisasyon, samahan, at pamahalaan sa loob ng paaralan.

Malaki ang papel ng ekstrakurikular na aktibidad sa pag-unlad nating mga kabataan dahil ito ay nagbibigay ng oportunidad sa mga mag-aaral na matuto ng bagong bagay na maari nilang gamitin sa iba’t ibang konteksto.

Ngunit dahil sa dami ng ating ginagawa sa paaralan, madalas na nating naipagsasawalang bahala ang mga ekstrakurikular na aktibidad. Kaya nararapat bang pagtuunan din natin ng pansin ang mga ganitong aktibidad o tanging akademya lamang?

Maaaring maging sagabal lang sa pagaaral ang pakikilahok sa mga ekstrakurikular na aktibidad sapagkat may oras na mas binibigyan nila ito ng pansin na umaabot sa puntong nawawalan na sila ng pokus sa pagaaral. At dahil sa pagdalo sa mga pagsasanay, madalas na nahuhuli na ang mga kalahok sa mga araling tinatahak sa loob ng silid-aralan.

Laban naman ng ilan, kahit na mahuli sa klase, kakayanin namang humabol at siguradong may mabuti naman itong patutunguhan. Kagaya ng pagkilala at pagpapaunlad ng mga talento. Idagdag pa dito na marami kang makakasalamuhang ibang tao, ibig sabihin nito na mapapaunlad din ng ganitong klaseng aktibidad ang ating kakayahan sa pakikisama, pakikipagkomunikasyon, pakikipagtulungan at pamumuno.

Sa dami ng naka atang na iskedyul sa mga estudyante, karaniwan itong nagdudulot sa mga mag-aaral ng stress, depresyon at pagtataka. Hindi na nila alam kung anong dapat unahin at iprayoridad. May masaklap din na pagkakataon na kung kahit anong pagsisikap mo upang bigyan ng karangalan ang paaralan, hindi naman ito nakakatulong sa pagtaas ng grado.

Subalit kung para sa iba ito ay magdudulot lamang ng stress, para sa kanila naman ay isa itong aktibidad na makakatulong upang maibaling ang kanilang atensyon. Maari itong makatulong na matanggal ang kanilang stress at mapabuti ang kanilang kalagayan.

Kung tutuusin, sobrang nakakawalang gana kung tanging akademya lamang ang pagtuunan ng pansin ng mga mag-aaral. Maraming nakakaranas ng depresyon o iba’t ibang problema dahil sa pag-aaral kaya nararapat na mayroong ganitong aktibidad na mapagtutuunan ng pansin.

Hindi lamang nito mahahasa ang ating mga

Sa lahat ng ating ginagawa mayroon itong masama at mabuting dulot. Marami paraan upang mapaunlad ang ating mga talento at kakayahan na hindi konektado sa paaralan. At meron ding paraan na konektado sa paaralan. Gawin natin kung anong sa tingin natin ang makakatulong upang mapaunlad ang ating sarili dahil sa huli disisyon natin ang mananaig.#

ROTC: PASAKIT SA MGA KABATAAN PARA NGA BA SA BAYAN?

sap-usapan ngayon kung nararapat na nga bang ibalik ang Reserve Officers’ Training Corps o ROTC sa mga paaralan matapos itong tanggalin noong 2002 na mariing tinututulan ng ilang mga estudyante at guro, kasunod ito ng patuloy na paghihigpit at pag-angkin ng China sa West Philippine Sea. Kamakailan lamang ay dinipensahan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang planong pagbabalik ng ROTC sapagkat mas makabubuti umano na ihanda ang mga kabataan sa pag-depensa ng ating bansa sa panahon ng pangangailangan. Dagdag pa niya ay mas mabuti umano ito kaysa gugulin ng mga kabataan ang kanilang oras sa paggamit ng TikTok. Sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ay binanggit nito na balak niyang hilingin sa Kongreso na gumawa ng bagong batas upang gawing mandatory muli ang ROTC sa mga estudyanteng nasa Senior High School.

Matatandaan na noong 2008 nang isabatas ang Republic Act 9163 o ang National Service Training Program o NSTP na ginawang boluntaryo na lamang ang ROTC. Nalulungkot na isipin na sa kabila ng krisis sa ekonomiya ay isinisingit ng gobyerno ang ganitong usapin. May mga alternatibo namang paraan upang solusyunan ang problemang ito.

Dagdag pa rito ay posibleng magresulta rin ito ng ilang negatibong epekto sa mental at pisikal na kalusugan ng mga kabataan. Bakit hindi nararapat na ibalik ang

Mandatory ROTC sa mga paaralan?

Maaaring maging sanhi ng korupsyon, panunuhol, at pangingikil ang pagbabalik ng Mandatory ROTC sa mga paaralan. Halimbawa na lamang noong 2001 ay walang awang pinaslang ang isang ROTC cadet ng Unibersidad ng Santo Tomas na si Mark Welson Chua matapos nitong ibunyag ang mga katiwalian sa loob ng UST ROTC unit. Kayat ito ang naging hudyat sa kongreso upang repasuhin ang batas na bumuwag sa Mandatory ROTC. Hindi maganda isang kabataan na sa murang edad pa lamang ay natuturuan na ng mga katiwalian tulad na lamang ng pagpatay at pangungurakot.

Kung talagang seryoso ang gobyerno na gumawa agad ng batas upang muli itong ibalik ay nararapat lamang na kanilang siguraduhin na hindi ito magiging sanhi ng katiwalian at patayan gaya ng nangyari kay Mark Welson Chua.

Bukod sa katiwalian at korupsyon. Ang pagsasabatas ng Mandatory ROTC ay magiging malaking pasanin at pasakit sa mga estudyante lalong lalo sa mga Senior High Students at College Students dahil sa dami ng mga

subject at project isama mo pa ang mga research, thesis, at assignment. Kung sakaling magiging obligado silang sumabak sa ROTC ay hindi na nila mapagtutuunan ng pansin ang mga mahahalagang bagay katulad na lamang ng kanilang pagaaral at oras sa pamilya at sarili. Dahil dito ay maaring maging sanhi ito ng depresyon na hindi maganda sa isang estudyante dahil maaari itong maging sanhi ng pagpapakamatay o suicide. Ayon sa isang opisyal ng Department of Education sa isang Senate Hearing ay mahigit 404 na mga estudyante ng tinapos ang kanilang buhay at 2,147 naman ang nagbalak na kitilin ang kanilang buhay. Kaya’t ang pagmamandato sa mga estudyante na makilahok sa ROTC ay isang paraan ng pagkitil sa kanilang kalayaan na pumili ng landas na kanilang tatahakin. Hindi sagot ang mandatory ROTC upang disiplinahin ang isang kabataan upang maging isang mabuting mamamayan. Ika nga nila “Sa tahanan nagsisimula ang pagdidisiplina sa mga kabataan”. Maraming problema ang ating bansa tulad na lamang ng mababang ekonomiya, mga kaliwat kanang patayan, korupsyon, at marami pang iba na agad pagtuunan ng pansin. Dahil kung maipapasa ang programang ito ay para ninyong nang ikinulong ang mga kabataan sa isang hawla at para bang walang karapatang pumili ng landas na gusto niyang tahakin. Kaya’t ang hiling ko sa Kongreso at Pangulo ay “No to Mandatory ROTC”.#

KASAPI NG PATNUGUTAN

2022-2023

Raniel Tuppil Ulong Patnugot

Tristan Jil Gabriel Tolentino

Pangalawang Patnugot

Blant Fabreese Torralba

Pangalawang Patnugot

Kyara Arian Kiel Flores

Tagapangasiwang Patnugot

Nhorie Mae Bayubay

Patnugot sa Balita

Maja Rafael

Patnugot sa Lathalain

Dynice Fyte Lata

Patnugot sa Palakasan

Babejiezel Wania

Patugot sa Dibuho

Rob Renei Jun Tactac

Patnugot sa Potograpiya

Jenelyn Sapad

Tagapagwasto ng Pahina

Mga Kontribyutor

Nicole Grace Cacayan

Nicole Villanueva

Heherson Miranda Jr.

Gabriel Jamoral

Micah Ella Pillar

Bella Bautista

John D. Gamueda

Jobelle Salvador Gauiran

Tagapayo

Janice Bungag

Rowena P. Talatala

Mae Ann Baylon Jara

Katuwang na Tagapayo

John D. Gamueda

SPJ Coordinator

Maria Rosario S. Puzon

Ulong Guro III - Filipino

Maribeth S. Dela Peña

Punong Guro II

4
OPINYON KAWAYAN
Raniel Tuppil KATOTOHANAN
ANG OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG CAUAYAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL-MAIN

UNIPORME: BANDERA NG MGA ESTUDYANTE

NAKAKABAWAS BA NG PAGKAKAKILANLAN?

Uniporme o sibilyang pananamit? Isa ang uniporme sa mga naging paksa sa mga paaralan, lalo na nang mapatupad ang DepEd Order (DO) No. 065, s. 2010 na naglalayong hindi required magsuot o bumili ng uniporme ang ating mga mag-aaral sa pampublikong paaralan. Umani ito ng kaniya-kaniyang opinyon ng karamihan na ito’y nararapat lamang sapagkat nililimitahan ng uniporme ang kanilang pagpapahayag sa sarili. Ngunit ipapahayag kong ito’y karapatdapat lamang na ipatupad sa tatlong rason, ito’y nagtataguyod pagkakapantay-pantay, nagpapabuti ng akademikong pag-aaral, at bawas gastos para sa mga magulang.

Una, ang mga uniporme ay nagtataguyod ng pagkapantay-pantay. Ayon sa survey na isinagawa ng Department of Education noong 2016, 86% ng mga guro at administrador sa Pilipinas ay naniniwala na ang mga uniporme sa paaralan ay nagtataguyod ng disiplina at kaayusan sa mga mag-aaral. Kapag ang lahat ay nakasuot ng kaperahong kasuotan, dito’y mararamdaman ng mga estudyante ang hindi pagkakaiba ng bawat isa. Ang pagtutupad sa pagsuot ng uniporme ay mas makatutulong upang matanggal ang ano mang diskriminasyon sa mga social status ng bawat isa. Hindi gaya ng hindi pagsusuot ng uniporme na makikita rito ang iba’t-ibang socioeconomic background ng mga estudyante na maaaring maging dahilan ng bullying o panunukso. Ayon nga sa isang pag-aaral na isinagawa ng National Center for Education Statistics sa Estados Unidos, napag-alaman na ang mga paaralang may pagpapatupad ng uniporme ay may mas mababang saklaw ng pambu-bully kaysa sa mga wala.

Pangalawa, ang uniporme ay nagpapabuti ng akademikong pag-aaral. Mas ramdam ng bawat estudyante ang kanilang pagiging estudyante at pagmamalaki sa kanilang paaralan kapag sila’y nakasuot ng uniporme.

Ito’y nakadagdag din ng motibasyon upang mas paghusayan ang kanilang pag-aaral dahil dala nila ang bigat ng responsibilidad ng pagiging estudyante.

Pangatlo, ito’y bawas gastos para sa magulang ng mga estudyante. Ang mga uniporme ay napag-alamang mas mura kaysa sa mga damit na uso ngayon na branded.

Ang uniporme ng paaralan ay nagtataguyod ng pakiramdam ng pagkapantay-pantay, pagiging epektibo sa gastos, at maaaring humantong sa pinabuting pagganap sa akademiko.

Magpunta ka man ngayon sa palengke, sa paaralan, o sa patahian, o kaya Divisoria sa maynila uniporme ay lubos na mura at bawas gastos sa buong taon ng pag-aaral.

Ang pagkakaroon ng murang halaga ng uniporme dahil na rin sa murang halaga ng materyales sa paggawa nito kaya mababawasan ang pinansyal na pasanin ng mga magulang. Hindi lamang mga damit ng kanilang anak ang kailangan nilang gastusan, marami pa silang gastusin na kailangang pagtuunan at

hindi ang mga usong damit na isusuot ng kanilang anak sa paaralan.

Sinasabi ng mga estudyanteng nasa panig ng DepEd Order (DO) No. 065, s. 2010 na nililimitahan ng uniporme ang kanilang pagpapahayag sa sarili. Ngunit ang personalidad at pagkamalikhain ay hindi nililimitahan ng uniporme, kundi ang iba’t ibang opsyon sa pananamit lamang ng estudyante sa paaralan.

Maaari pa ring ipahayag ng mga estudyante ang kanilang sarili sa pamamagitan ng iba pang paraan, tulad ng kanilang mga hairstyle, accessories, at maging ang kanilang mga akademikong tagumpay. Ang uniporme ay mas naaayon sa paaralan kaysa sa mga usong damit dahil pumapasok sila sa paaralan upang mag-aral at hindi mag-fashion show.

Ang pagpapatupad ng uniporme ay lubos na kapaki-pakinabang para sa mga paaralan at mga mag-aaral. Ang uniporme ng paaralan ay nagtataguyod ng pakiramdam ng pagkapantaypantay, pagiging epektibo sa gastos, at maaaring humantong sa pinabuting pagganap sa akademiko. Karapat-dapat lamag isaalang-alang ng mga paaralan ang pagpapatupad ng mga uniporme bilang isang positibong hakbang tungo sa paglikha ng magandang kapaligiran sa pag-aaral para sa kanilang mga mag-aaral.#

LIWANAG NG PAGBABALIK

PANAHON NA UPANG BUMALIK SA NAKAGISNAN

ahigit tatlong taon ang tila ba paghinto ng ating mundo simula ng dumating ang mikrobyong sumira sa ating buhay. May mga nawalan ng trabaho at marami din ang pumanaw at nabiktima. Mayroon ding mga nabago sa paraan pang araw-araw na pamumuhay, katulad lamang ng ating pag-aaral. Sa isang iglap, taong 2020, inakala natin na panandalian ititigil ang pagpasok ng mga estudyante upang hindi na mas lumaganap pa ang COVID-19. Subalit dahil sa hindi na makontrol, hindi lang araw, linggo, buwan kundi ilang taon ang iginugol natin sa loob ng ating mga tahanan upang pagtyagaan ang makabagong paraan ng pag-aaral Paglipas ng dalawang taon, limitado man, muling nagbalik aral ang mga estudyante noong Agosto 22 para sa school year 2022-2023.

Isa itong paghahanda para sa mandatory face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan na naganap naman noong Nobyembre 2. Marahil dahil sa pagbabalik sa paaralan, samot sari ang naging komento ng mga

Sa una, maraming naninibago at nagsasabi na mas mabuting manatili nalang muna hanggang ngayon ang pagaaral ng online dahil mas komportable at sanay sila sa ganoong paraan.

Ang iba naman ay tila nakaramdam ng takot na makisalamuha sa iba, isa na sa dahilan ang takot na namuo sa kanilang isipin tungkol sa pagkakahawa sa nakababahalang virus, kasama na rin dito ang kanilang personal na rason. Nangangamba rin ang ilan sapagkat aminado silang wala silang gaanong natutuhan sa online. Nababahala sila kung paano makakasabay sa klase kung hindi sapat ang kanilang kaalaman.

Samantala, doble naman ang bilang ng mga natuwa dahil iisa lamang ang ibig sabihin para sa kanila ng muling pagbabalik aral; ang muling mas matutukan ang pag-aaral. Naniniwala silang mas madaming matututuhan sa loob ng silid aralan at personal na naituturo ng mga guro ang mga aralin.

Malaking tulong ang pagbabalik aral para sa mga estudyante upang mas magabayan ng mga guro ang kanilang progreso. Mas madadagdagan at mahahasa ang kanilang kaalaman bilang mag-aaral. Hindi kagaya sa online class, totoong walang papasok sa iyong utak dahil hindi naman natin nakasanayan ang ganoong paraan ng pag-aaral.

May mga estudyante na walang gadget o internet koneksyon kaya naman paniguradong isa iyon sa dahilan ng kanilang paghihirap na makisabay sa online class. Totoong napakahirap alamin ang totoong mensahe ng kasanayan sa pamamahala ng oras.

Sa ating muling pagbabalik sa pag-aaral sa paaralan, naramdaman natin ang iba’t ibang klase ng pangamba, pananabik, takot, at saya. Normal lang na manibago, ngunit maniguradong lilipas din ang pakiramdam na ito. Nakatutuwa namang isipin na maraming masaya dahil mararanasan na ulit nila ang tunay na kahulugan ng pag-aaral. Ito ay ang liwanag na gagabay sa atin patungo sa ating makulay na kinabukasan.#

Para sa anumang sulat/komento/mungkahi/katanungan/kontribusyon, mangyaring magpadala lamang ng liham sa Opisina ng Pahayagan o mag-text sa 09168458934 o mag-email sa ccnhs_angkawayan@yahoo.com o di kaya naman ay bisitahin ang aming Facebook page @angkawayanccnhs

Walang anumang bahagi ng publikasyong ito ang maaaring mailathala o gamitin sa

ng Patnugutan.

5 OPINYON KAWAYAN
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kasapi TJ Tolentino PAG-ASA
Blant Torralba SANDIGAN

Sumusubok. Kumakayod, at kumikita, ito ang hinaharap ng ating mga young entrepreneur. Umusbong lalo na noong pandemya ang itinatawag na “online selling” kung saan kahit ikaw ay bata o matanda siguradong kikita na. Mapaparoon ka man sa mundo, laganap na ang ganito.

Kilalanin natin si Jennifer Garcia ng grade 9 Basic Education Curriculum o BEC. Siya ay 14 taong gulang pa lamang at sinimulan ang kaniyang online business noon na sa ika-walong baitang pa lamang siya. Pinasok niya ang ganitong pagbebenta at makaasang makatulong ito sa kaniyang pamilya at pati na rin sa kaniya. Isa na rin itong libangan kapag may bakanteng oras .

Nagbebenta siya ng damit at panghimagas upang kumita. Ayon nga kay Jennifer, binuksan niya ang pinto sa ganitong karanasan dahil kung minsan ay kakaunti lamang ang kinikita ng kaniyang mga magulang o minsan walang trabaho ang kaniyang ama. Sa paraang ito, siya ay umuunlad at lumalaban araw-araw.

Kaagapay niya sa negosyong ito ang kaniyang nobyo, sa kaniya nanggagaling ang pinango-online selling nito. Sa paghati naman ng kaniyang kinikita, ay ibinibigay sa kaniyang magulang at pang-sarili. Malaki-laki na rin naman daw ang kinikita rito at natutustusang mabuti ang sarili.

Maka-ilang beses ng na-bogus o naloko ang estudyanteng ito. Nadismaya sapagkat mayroong umorder ng kaniyang paninda ngunit ito ay bigla na lamang kinansela at sakaniya ang gastos ng order nito.

maaaring pumigil sa kaniya.

Pinaghirapan ay nabayaran, kumikita siya ng sapat para may ipambaon siya sa pagpasok niya sa eskwelahan. Ayon kay Jennifer, aabutin ng dalawang daan ang kinikita nito sa isang araw at pumapatak ng anim na libo kada buwan ang naiipon nito. Ngunit minsan ay nakukulangan pa rin sa pangbaon kahit na may kinikita, dahil hindi naman sa araw-araw ay may bumibili rito. Hindi mapagkakaila makakatulong nga ito lalo na kung tayo ay nangangailangan.

Kung hindi dahil sa kaniyang pagbebenta online, hindi ito makakapagaral at makahahawak ng pluma. Sa tulong ng kaniyang online selling, ito ang magiging daan para siya ay makapagtapos sa buhay. Bunga na rin ng kaniyang pagbebenta ang pagbili nito sa kaniyang cellphone na kasalukuyan niyang ginagamit upang maging daan sa online selling. Hindi lamang pamilya pati na rin ang sarili ay natulungan.

Sumubok. Kumayod, at kumita, ito ang karanasan ng mag-aaral ng Cauayan City National High School na si- Jennifer Garcia o kahit sino man sa ating hindi nadidiskubreng young entrepreneur. Sa paraan ng kaniyang pag-bebenta, may nakakamit na ito sa kaniyang buhay . “Gumawa lang sila ng paraan kung gusto nila makapag-aral kasi hindi naman ganoon kadali ang buhay.”

Payo ni Jennifer sa mga mag-aaral na gusto tahakin ang buhay online seller ngunit nangangamba na baka makutsiya.

NUMERO, ‘DI MAKAPAGDIDIKITA

Trabaho, Tagumpay, makaahon na sa buhay, pangarap ay matupad. Ilan lang ito sa tagumpay na nakamit na ng mga taong 24 taong gulang ngunit iba ang kwento ng isang estudyante sa Cauayan City National High School.

Makikilala natin si Marilyn de Gracia ng grade 10 Basic Education Curriculum (BEC). Sa taong dalawampu’t apat, narito pa rin siya sa Junior High School nag- aaral upang Ituloy ang pangarap na aahon sa kanyang buhay. pinagkaitan siya ng pagkakataong makasabay sa pag-usad ng buhay dahil sa sakit na acute ulcer. Taong 2016 kailangan niyang magpahinga ng anim na taon upang tuluyang gumaling. Hindi agad nakabalik si Marilyn sa kanyang pag- aaral dahil kailangan niya magtrabaho pagkatapos nitong gumaling dahil sa kahirapan ng buhay.

Nagpahinga ng ilang taon ngunit muling sinindi ang ilaw ng daan patungo sa kanyang pag- aaral ngunit panibagong pagsubok naman ang hinarap. Madalas ng matukso na matanda na siya para mag- aral bilang grade 10 pa lang. Tiniis lahat ito ni Marilyn, ang mahalaga sa kaniya ay makapag-tapos sa pag aaral.

“Kahit sabihin nilang matanda na kayo, magfocus nalang kayo sa sarili niyo para balang araw makatulong rin kayo” — De Gracia

Laki siya sa hirap,nunit sa kabila nito’y gusto niyang makaahon mula sa pagkabaon sa kahirapan, Kaya muling pinasok ni Marilyn ang buhay estudyate sa kabila ng kaniyang edad sa pag- asam na makamtan ang kaniyang pangarap na maging inhinyero o isang guro.

Trabaho, tagumpay at makaahon sa kahirapan, ito ang naging determinasyon ni Marilyn upang maiangat ang sarili palayo sa kahirapang ayaw balikan ng kahit sino man. Sa kabila ng kanyang edad, at problemang pampinansyal dulot ng kahirapan. Hindi ito naging pasanin sa kanyang balikat upang hindi magpatuloy sa daan na siya lang ang makakatahak.#

6
Kahit sabihin nilang matanda na kayo, magfocus nalang kayo sa sarili niyo para balang araw makatulong rin kayo
ni Bella Bautista ni TJ Tolentino

PROGRESONG EXPONENTIAL

Matematika. ang asignaturang kinatatakutan ng ilang kabataan kapag papasok na sa kanilang silid-aralan lalo na kapag may mga takdang-aralin o pagsusulit. Marami ang nagsasabi na hindi nila ito maintindihan, maraming numero, letra, at kung ano-ano pang simbolo. Bamagat ay meron pa ring mga estudyante ang napamahal na rin sa asignaturang ito, gaya ni Micaella Andrea Marquez.

Mula sa silid aralan ng Tesla, ang nasa ika-sampung baitang na si Micaella ay kilala sa pagiging mahusay nito sa asignaturang matematika, madalas ay itinuturo siya kapag may mga math problems sa pisara. Kapag may pagsusulit ay mapapatingala na lamang ang iba kapag narinig na nilang tumayo si Micaella. Siya ay labing-limang taong gulang na. Pagbabalik tanaw, siya ay nasa apat na taon na nang pumasok siya sa isang paaralan. Nasa unang baitang siya nang madiskobre niya ang pagiging mahusay niya sa asignaturang Matematika, diyan na rin nagsimula ang pagsibol ng kaniyang pagmamahal sa nasabing asignatura.

Aniya, minana niya ang pagiging mahusay niya sa asignaturang matematika mula sa angkan ng mga Marquez.

Samantala mula sa kanilang silid- aralan, kinilala si Micaella bilang isang mathematician ng Tesla. Tinuturuan niya rin ang kaniyang mga kamag-aral kapag siya ay may libreng oras.

Isa sa mga tagumpay niya rin ay ang pakikilahok sa MTAP, maliban dito ay makakuha ng 97 na marka sa paborito niyang asignatura, nakakakuha rin siya ng mga perpektong marka sa mga pagsusulit. Ang kaniyang sikreto, makinig lamang ng maayos at intindihin ng mabuti ang nakasulat sa pisara.

Sa kabilang banda, nakakaramdam din ng presyon si Micaella lalo na ‘t iniisip niya na maari siyang husgahan ng mga taong nasa paligid niya kapag siya ay nagkamali pagdating sa mga numero at simbulo ng matematika.

“Progress is not Linear, it’s exponential” pagbabahagi ni Micaella na kung saan ito ay tumutukoy sa ideya na hindi ganap na linear o patag ang pag-unlad o pagkatuto ng isang bagay gaya ng asignaturang Matematika, kundi kailangan ng sipag at tiyaga upang maintindihang mabuti ang itinuturo ng iyong guro sa pisara. Ang pag-aaral ay hindi madali kaya’t kailangan mong maglaan ng oras upang maunawaan ang isang math problem.#

PALA SA KANAN PLUMA SA KALIWA

K ahirapan ay hindi kadena sa ‘ting mga hiraya”. Sa pag-abot ng ating mga ninanasa, minsan ay kinakailangan na nating pasanin ang mga mabibigat na kasangkapan at harapin ang lahat ng kahirapan.

Mula sa apat na sulok ng silid aralan ng Marigold, sinong mag-aakala na meron palang isang magaaral ang humahawak ng pala at pumapasan ng mga sako ng kaskaho upang maabot ang minimithi nitong parangarap. Siya si Laurence Corpuz Marcos, isang labing siyam na taong gulang na kung saan isa siya sa mga hinamon ng buhay.

Ang matangkad, may tamang pangangatawan, at mayuming pananalita na isang binatilyo ay sanay na sa mga pasikot-sikot ng larangang konstruksiyon kasabay nang pag-aaral nito sa kadahilanang maaga siyang sinubok at namulat sa salitang “kahirapan”.

Labing pitong gulang na siya nang magsimula sa pag kokonstruksiyon. Aniya, hindi ito madali sapagkat pisikal na pagod ang kaniyang nararamdaman at kahit labag ito sa kalooban ng kaniyang mga magulang, wala na rin silang nagawa sapagkat mahirap para sa kanila ang magpalaki at pag-aralin ang apat na anak lalo na at ang kaniyang ama ay trabahador din sa parehong larangan at pang-temporaryo lamang.

Babangon ng ala-sais ng umaga, maghahanda, at saka bibitbitin ang mga mabibigat na kagamitan pagsapit ng ala-syete y media ng umaga. Mula sa nasabing oras hanggang sa alas dose ng hapon nagtatapos ang kanilang trabaho. Sa kabilang banda, apat na raan kada isang araw ang sinusuweldo ng katulad niya na mas bata.

Si Laurence ay unang huminto sa pag-aaral

dahil na rin siya ay napabarkada. Ang mga sumunod na paghinto niya ag dahil na rin sa kakapusan.

Dagdag pa niya, hindi siya nakakaranas ng ano mang klaseng pangmamata mula sa iba.

Sa pag-abot ng ating minimithing pangarap, minsan ay kinakailangan din isakripisyo ni Laurence ang kaniyang pag-aaral, kadalasan ay lumiliban siya sa klase lalo na kung wala na siyang pang baon. Saad pa ni Laurence ay minsan ding naaapektuhan ng kaniyang pagtatrabaho ang pag-aaral niya subalit hindi naman ito madalas.

Nakadepende rin kung may salapi pa sa pitaka ang pagbabalanse niya nang pag-aaral at hanap-buhay. Hinahati niya rin ang kaniyang kinikita sa paraan nang pagbabahagi ng salapi para sa pagkain ng kaniyang pamilya at para sa baon o gastusin ng kaniyang pag-aaral.

“Tiyaga lang hanggang sa makapagtapos, pagsubok lang naman ‘yan” pagbabahagi ni Laurence para sa mga kabataan na katulad niya.

Upang maging isang ganap na seaman ay patuloy pa rin siya sa paghawak ng palasa kanan at pluma sa kaliwa. Dahil sa nararanasan ni Laurence ay natutunan niya na hindi lahat ng bagay ay madali bagkus ay kinakailangan mong mag-tiyaga.

Pala sa kanan, pluma sa kaliwa; dalawang bagay na pinagsasabay ng isang binatilyo upang masungkit ang kaniyang pangarap.#

7 LATHALAIN KAWAYAN
ni Maja Rafael ni Althea Ramirez

Pusong

Mahirap tumapak palabas nang may tinatago tungkol sa sarili, mahirap ipakita kung ano ang iyong tunay na kasarian at kagustuhan sa buhay. Mahirap sapagkat hindi mo alam kung anong magiging reaksyon ng ibang tao sa paligid mo. Bandilang Bahaghari. Si Summer Lattao ay isang estudyanteng parte ng LGBTQIA+ na kung saan siya ay tinanggap ng ilan sa kaniyang pamilya at kaibigan, nakaranas ng diskriminasyon at pang iinsulto mula sa ibang kamag-aral, at dumaan din ang mga parangal at tagumpay sa kaniyang buhay.

Si Summer Lattao ay labing-anim na taong gulang na. Isa siyang mag-aaral mula sa kurikulom ng Special Program in Sports(SPS). Siya rin ay mahilig sa larangang balibol.

Mula pagkabata ay alam na niya sa kaniyang sarili na siya ay may pusong panlalaki; isa siyang tibo. Ang mga tao sa kaniyang palagid ay napapansin na ito lalo na ang kaniyang ina na una niyang sinabihan tungkol sa kaniyang kasarian. Siya ay tinanggap subalit kabaligtaran ang naging reaksyon ng kaniyang lola na kaniyang iniyakan.

Maliban dito, ay marami rin ang nangungutya at ginagamit din ang kaniyang pagkakakilanlan upang maitrato siya sa isang negatibong paraan. Hindi rin lahat ng kaniyang kamag-anak ay tanggap siya dahil sa kanilang paniniwala.

Sa kabila ng mga diskriminasyon at pang iinsultong natatanggap niya ay hindi naman nawala ang mga parangal at tagumpay niya sa buhay gaya na lamang noong nasa ika-pitong baitang siya na nag kampiyon sa larangang balibol,

kinokonsidera niya ring tagumpay ang pakikilahok aa mga intern baranggay, poster making, editorial cartooning, at napangaralan bilang mvp sa kanilang volleyball team.

May mga tao rin sa paligid ni Summer ang bukas ang isipan para sa mga LGBTQIA+ gaya ng kaniyang guro, mga kaibigan na nabibilang din sa pamayanang kinabibilangan niya, at ang kaniyang magulang na patuloy pa ring nakasuporta ano man ang kaniyang kasarian.

Bagamat ay ikinalulungkot pa rin ni Summer ang katotohanan na hindi lahat ng tao ay tanggap ang LGBTQIA+ na kung saan madalas siyang nakakarinig at ang kaniyang mga kaibigan ng masasakit na salita dahil para sa kaniya, hindi nila pinipili ang kanilang kasarian bagkus ito ay ang kanilang nararamdaman ng kusa.

Madalas ay hinahayaan na lamang ito ni Summer lalo na at madalas ay puro ito matatanda; Subalit, sinasagot niya ito lalo na kapag alam niya na tama ang kaniyang pinupunto.

“Kapag lalabas ka na, gawin mo ‘yun kung alam mong right place and right time na” saad ni Summer para sa mga taong nagaalinlangan at may takot na rin na ilabas ang tunay na sila.

Siya ay nakalabas na sa isang madilim at malamig na aparador habang bitbit ang banderang bahaghari. Sa kabila ng mga natanggap niyang negatibong pagtrato ay namumuhay pa rin siya sa mundong puno ng tagumpay kasama ang mga taong humahanga at tumanggap sa kaniyang buo. Ang kaniyang anino ay nasa labas na ng aparador.#

BAWAT HAMPAS NG SULIRANIN;Kakayanin

S a pagbuo ng isang matibay at matayog na tore, maraming proseso, kagamitan, pagsubok, at higit sa lahat ay ang maraming oras ang kailangang ilaan.

Pagpasok palamang sa bulwagan sa mataas na paaralan ng Cauayan, samu’t saring mga larong pampalakasan ang masisilayan.

Ngunit, kaagaw pansin ang malalakas na hampas kasabay ng mga bola at yapak ng mga sapatos, sa gitna ng bulwagan ang larong balibol, partikular ang makisig at higanteng Captain ball ng City High Spikers, si John Michael Lagaran.

Isang matangkad, may makisig na katawan, at nakakaantig na ngiti kaya naman siya’y kapansin-pansin sa tuwing siya ay naglalaro. Bawat hampas niya ng bola’y kasabay nang hiyawan ng mga tao, bawat tagaktak ng kanyang pawis ang ay kasabay ng puntos at galak na mapapansin sa kanilang koponan.

Si John Michael ay isang higanteng tao na may tangkad na 6’2, maitim at kulot na buhok, makapal na kilay, moreno ang balat at manipis na labi. Sa pamamagitan ng kanyang bilugang itim na mga mata, ang pagbulusok ng bola sa kanyang banda ay malakas na bumabalik sa kalaban dahil sa malalaman na braso at mahahabang biyas na malakas na pumapalo at tumatalon at tila ba hindi alintana ang sakit na dulot sa paghampas ng bola.

Sa kanyang pagsisimula sa larangan ng palakasan, ito ay hindi naging madali para sa kanya. Siya’y nasa ikaapat na baitang lamang nung siya ay unang beses humawak ng bola. Kasabay nang kanyang pag hampas sa bola’y, kanya rin ang pagbagsak sa sahig na kinatatayuan. Kasabay ng kasiyahan at pagdiriwang sa bawat puntos ay nakaambang pangamba sa tuwing bumabagsak pagkatapos pumalo o harangin ang bola.

Sa pagpapatuloy niya sa pag-abot sa pangarap, hindi nawala ang kanyang mga mapagmahal na magulang, kapamilya na mula sa kaniyang pagsisimula ay naka suporta, at ang kanyang mga kaibigan. Nariyan din ang mga kapwa niya manlalaro na matalo man o manalo ay nandyan sa kanyang likod laging naka suporta. At higit sa lahat, ang naging inspirasyon niya, ang kaniyang Coach Richmon Jay Duazo na walang sawang pagtuturo at pagbabahagi ng mga bagay-bagay na kanyang magagamit sa larangan ng volleyball.

Mula sa kanyang mga sablay na palo, pagbagsak sa sahig, at pagkadismasaya sa sarili, si John Michael ay hindi nawalan ng pag-asa.

Kaniyang ipinagpatuloy niya ang pagmamahal sa larong ito. At gaya ng pagbuo ng isang matibay na tore, siya’y naging matiyaga, nagsumikap, at naglaan ng oras upang makamit ang kaniyang inaasam.

Sa kaniyang tiyaga sa pag-abot ng inaasam na maging isang sikat na balibolista hindi lamang sa paaralan kundi sa buong pilipinas, maraming opurtinidad ang kaniyang natanggap. Isa sa mga inalok sakanya na opurtinidad ay ang pagkakaroon niya ng tyansang mapabilang sa VNS ONE ALICIA, siyaʼy inalok din ng tyansang makapag-aral sa California Academy at University of Perpetual Help Laguna at dito ipagpapatuloy ang kaniyang pag-abot sa pangarap na maging isang mahusay at kilalang balibolista at maging isang sundalo.

Sa pagpapatuloy sa pag-abot ng pangarap na maging isang ganap na manlalaro, gaya ng isang toreng matayog at matibay, itoʼy hindi madali para kay John Michael. Maraming pagsubok ang kaniyang kailangan pang tahakin, marami pang samblay na mga hampas ng bola, pagbagsak ng katawan sa sahig, at pagkaramdam ng pagod. Ngunit, siya’y hindi susuko at siya’y patuloy lang sa pag-abot ng kaniyang matayog na pangarap.

Naniniwalang magpapatuloy at masasaksihan pa ang iyong magagandang ngiti sa susunod mong laban, kasama ang Pamilya, kaibigan, koponan at mga taong patuloy na humahanga sa iyo, tulad ko.

Ang tore ay kailanman’y hindi matitibag nang anumang pagsubok kung patitibayin at patuloy na palalakasin. John Michael, inaasahan kong sa patuloy mong pagbuo nang matibay na tore, ikaw’y muling magiging matiyaga at patuloy na lalaban sa anumang pagsubok upang makamit ang inaasam na tore ng tagumpay.#

8 LATHALAIN
ni Anthon Perico ni Kyara Flores

HATID AY DISGRASYA

Ang mga gadyet tulad ng cellphone, laptop, at computer ay malaki ang naitutulong sa pang araw-araw nating pamumuhay. Simula ng umusbong ang mga bagay na ito ay mas napadali na ang ating mga gawain tulad na lamang ng pakikipagkomunikasyon sa ating mga mahal sa buhay na nasa malayong lugar na dati ay kailangan pa nating padalhan ng sulat na umaabot ng ilang araw o maging buwan bago makarating. Ngunit ngayon ay isang pindot na lamang ay maaari mo na silang makausap. Malaki rin ang naitutulong nito sa mga estudyante para sa kanilang pag aaral lalo noong kalagitnaan ng pandemaya na kung saan ay sa online isinasagawa ang klase.

Ngunit ang lahat ng bagay ay may negatibong epekto o resulta. Ika nga nila “ang lahat ng labis ay masama”. Tila ba ay nagiging balakid ang mga gadyet na ito sa ating kalusugan lalong lalo na sa mga kabataan at estudyante dahil sa labis na paggamit nito. Sa madaling salita ay labis na ginagamit ang mga gadyet na ito na nagreresulta sa pagiging tamad at hindi aktibo sa mga pisikal na gawain na lubos na nakaapekto sa katawan ng isang tao.

Mahalaga ang papel ng mga magulang sa problemang ito. Ngunit, ayon sa pag aaral ay higit 60 porsyento ng mga magulang ay hindi binabantayan ang kanilang mga anak sa paggamit ng teknolohiya. Dahil sa kapabayaan ng ilang mga magulang ay nagreresulta ito sa kawalan ng interes ng mga bata sa mga gawaing bahay at pisikal na mga gawain na alam naman nating napakahalaga para sa pagkahubog ng isang bata. Kung dati ay naglalaro ang bata mga sa labas ay ngayon ay ni hindi na makatayo sa higaan o sa upuan dahil sa labis na pagkahumaling sa paglalaro ng mga mobile games na minsan ay inaabot ng walong oras o higit pa.

Nakasaad sa pagaaral ng National Library of Medicine na ang paglalaro o paggalaw ng isang bata ay isang importanteng elemento upang mahubog ang kanilang kakayahan sa problem solving at creative expression. Ilang pagaaral din ang nagpapatunay na nagiging hadlang din ito sa relasyon o interaksyon ng mga bata sa kanilang mga magulang dahil sa negatibong epekto nito tulad na lamang ng language development, self-regulation, at maging ang pagaaral ng mga bata.

Gaya ng aking sinabi. malaki ang naitutulong ng mga gadget na ito sa mga estudyante. Hindi mo na kailangang pumunta ng library upang magsaliksik dahil mayroon ng Google, Microsoft Bing, at iba pang mga software na madaling maaccess. Naging madali ang paraan ng pagaaral dahil sa tulong ng mga teknolohiyang ito at mas lalong umusbong ang kaalaman ng tao. Ngunit ang mga gadyet na ito ay siya ring naging daan sa mga estudyante na bumagsak at hindi pagiging aktibo sa klase. Nakakalimutan nila ang kanilang mga responsibilidad bilang isang magaaral dahil sa lubos na pagkahumaling sa paglalaro ng mga mobile games.

Ang labis na paggamit ng gadyet ay nagreresulta sa pagkakaroon ng insomia, circadian rhythm disorders, depression, agression, at anxiety. Gayundin, ang labis na pagkababad sa mga karahasan na karaniwang natatagpuan sa mga video ay nagdudulot ng mga emosyonal na problema at maging sa mga kabataan na gumawa ng mga gawaing karahasan. Ito’y ayon sa Harvard Health Publishing.

Ang mga gadyet na tulad ng smartphone, tablet, at computer ay mataas din sa blue light at ang labis na pagkababad dito ay maaaring magresulta ng

mata tulad na lamang ng “Digital Eye Strain” na kung makakaranas ng pananakit at paglabo ng mga mata, ulo, pagkatuyo ng mata, at pagkahilo. Batay sa pag aaral ng National University ay higit 7 hanggang 16 na taong gulang na mga kabataan na labis ang paggamit ng smartphones ay kadalasang nagkakaroon ng cross-eyed o strabismus na kung saan ay ang mga mata ay maaaring lumiko papasok (crossed aka esotropia), palabas (splayed aka exotropia), o patayo na hindi magkatugma (hypertropia).

Hindi maitatangging malaki ang ambag ng mga modernong kagamitan na ito sa pagkalap ng mga impormasyon. Ngunit hindi lahat ng impormasyon na ating nakakalap online ay totoo. Dahil sa kabila ng mga tamang impormasyon ay sumusulpot ang mga ibat-ibang kuro online. Patungkol man ito sa mga polisiya, medisina, teknolohiya, at maging politikal. Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Disyembre 2021 ay higit 51 porsiyento ng mga Pilipino ang nahihirapang suriin ang fake news sa telebisyon, radyo, at sa social media. Ito ang dahilan kung kayat minsan ay ilan sa mga magaaral ay nagpapaniwala sa mga maling balita na kumakalat online. Dahil dito, responsibiladad ng mga magulang na turuan ang kanilang mga anak sa tamang paggamit ng Social Media sapagkat ang maling impormasyon ay may negatibong resulta sa ating lipunan.

Halos lahat ng tao sa buong mundo ay bumabase na sa mga digital na mga kagamitan. Maraming positibong epekto ang mga kagamitan na ito sa pangarawaraw nating pamumuhay. Sa ating pagkain, sa pagkalap ng mga impormasyon, sa pakikipagkomunikasyon, at marami pang iba. Tunay ngang hindi mapaghihiwalay ang tao ang mga kagamitang ito. Ngunit, ang mga kagamitang ito ay may mga negatibong epekto rin sa pamumuhay ng bawat tao. Maraming panganib ang maaaring maiudot nito sa pisikal at mental na kalusugan ng tao lalo na sa mga kabataan.

Nararapat ang gabay ng mga magulang sa tamang paggamit ng mga ito, dahil kung patuloy na lulunurin ng mga makabagong teklohiya ang kanilang pagiisip ay hindi malabong maging baliko ang kanilang mga pangarap. Ang mga pangarap na tanging natutupad kung ikaw ay nagsisipag at nagaaral ng mabuti. Gamitin sa mabuting paraan ang mga kagamitan na ito sapagkat ito’y nilikha upang matulungan at mapadali tayo sa ating mga gawain at hindi upang maging hadlang sa ating pamumuhay.#

LIGTAS ANG MAY ALAM

Isinasagawa tuwing buwan ng Marso ang Fire Prevention Month. Sa kadahilanang, nagsisimula ang tag-init sa nasabing buwan. kung kaya’t dumadami ang insidente ng sunog sa iba’t ibang lugar. maalala noong Marso 11 2023, nagkaroon ng sunog sa ilang bahagi ng Baguio City public market na tumupok sa mahigit 1,700 na stalls at nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at produkto. Isa ito sa dahilan kung bakit mahalaga ang pagsasagawa ng FPM upang maging alerto sa oras ng sunog.

Maaaring magsimula ang sunog kahit oras at panahon. Sapagkat sa panahon ng tag-init, kinakailangan ang mas dobleng pag-iingat. Karaniwang sanhi ng sunog ay dahil sa mga kuryente na naiwang nakasaksak katulad ng mga charger sa cellphone, saksakan ng electric fan, at pinabayaang extension cords. Maaari rin magsanhi ng sunog ang gas na naiiwang nakabukas.

Isinasakilos din ng FPM sa mga paaralan at barangay ang mga aktibidad na patungkol sa pag-iwas sa sunog isang halimbawa ay ang pakikilahok sa fire drill na isa sa mga paraan upang magkakaroon ng sapat na kaalaman ang bawat indibidwal kung ano ang mga gagawin kapag may sunog pati na rin ang kahalagahan nito.

Marami ang nagsasabi na malaki ang tulong ng pagsasagawa ng FPM dahil nalalaman nila ang kanilang gagawin. Subalit sa kabila ng kanilang mga paghahanda, hindi ito nagagamit nang maayos. Sa katunayan, kapag nasa sitwasyon na mismo ng sunog ang iba ay nakakalimutan ang mga dapat gawin dahil napapangunahan na sila ng takot.

Ngayong buwan ng Marso, huwag nating hayaan na dumami ang insidente ng sunog. Isaalang-alang natin ang kaligtasan ng bawat isa. Gayunpaman, hindi lang Marso isinasagawa ang pag-iingat sa sunog kundi pati na rin sa pang araw-araw na pamumuhay.#

9 AGHAM AT TEKNOLOHIYA KAWAYAN
ni Raniel Tuppil
KAWAYAN ANG
PAALALA Kung kayo ay makakaranas ng sunog o di kaya nama’y makakita insidente ng sunog. Mangyaring tumawag sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa numerong 0926-490-5075.

Akademiko o Mekaniko?

a pag usbong ng teknolohiya, hindi maitatanggi na malaki ang naging ambag nito para sa mga estudyante pag dating sa kanilang pag-aaral. Mula daandaang librong kinakailangan basahin upang makalap ang kinakailangan, hanggang sa isang pindot na lamang sa internet. Ngunit sa pagusbong nito sa paglipas ng taon, ginagamit na ng mga kabataan ang mas nauusong Artificial Intelligence (AI) upang gumawa ng mga akademikong gawain tulad ng sanaysay at paggawa ng takdang aralin.

Kung noon ay kinakailangan mo pang pumunta ng silid-aklatan upang maghanap ng mga libro para sa iyong asignatura. Ngayon ay isang pindot na lamang sa internet ay makakahanap ka ng mga e-book o libro sa mga website o software katulad na lamang ng Google Books,Google Scholar, at marami pang iba. Sa pamamagitan ng AI, nagkaroon ng mas malawak na access ang mga mag-aaral

Ang teknolohiyang ito ay higit na kapaki-pakinabang, lalo na sa mga estudyante na nahihirapan sa mga komplikadong asignatura tulad ng Matematika. Sa pamamagitan ng AI, natutulungan ng mga mag-aaral na mas maunawaan ang mga konsepto at maisagawa ang mga gawain nang mas mabilis at mas mahusay.

Dahil dito ay maraming mga estudyante ang mas natututo sa mga bagay-bagay dahil sa dami ng mga impormasyon na pwedeng makalap gamit ang AI. Gayunpaman, hindi maikakaila na may ilang isyung kaakibat ang paggamit ng AI sa edukasyon. Ang isa sa mga pangunahing isyu ay ang posibilidad ng Dahil sa mabilis

BAKUNA: Lunas sa Lahat ng Pangamba

Sa bawat parte ng Pilipinas, ang “vaccine” o bakuna ay naging isang pangunahing pangamba na bumalot sa mga Pilipino, naging resulta nito ang pagdududa sa mga bakuna na maging isang daan upang marating ang kalayaan mula sa COVID-19.

“Prevention is better than cure”, gaano nga ba ka epektibo ang linyang ito. Isang kilalang kasabihan na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng paggawa ng aksyon bago lumitaw ang ilang problema sa halip na hintayin itong mangyari ay mahalagang subukan munang hintayin itong mangyari; mahalagang subukan munang ayusin o iwasan ang mga ito. Nalalapat ang prinsipyong ito sa maraming aspeto ng buhay , lalo na sa kalusugan.

Sa paksa ng “COVID-19”, ang pagbabakuna ay isang pamamaraan upang maiwasan o malabanan ang pagkahawa sa virus na ito. Ang pagiging epektibo ng bakuna konta COVID-19 ay isang sukatan kung gaano nila matagumpay na pinoprotektahan ang mga pasyente mula sa posibleng pagkakaroon ng impeksiyon, sintomas ng karamdaman, pagkakaospital, at kamatayan.

Gumagana ang mga bakunang ito sa pamamagitan ng pagtuturo sa ating immune system na kilalanin at labanan ang virus na nagdudulot ng COVID-19.

Itinuturing na ligtas ang mga sangkap ng bakuna

at madaling proseso ng AI, maaaring umasa na lamang ang mga estudyante sa teknolohiyang ito kaysa sa aktibong pagaaral. Ang resulta nito ay maaaring magdulot ng kakulangan sa tunay na pag-unawa at kakayahan sa mga asignatura. Upang maunawaan ang kabuuan ng isyung ito, isinagawa ng mga dalubhasa ang mga pag-aaral at pananaliksik. Batay sa kanilang mga natuklasan, taliwas sa mga pangamba, nagpapakita rin ang AI ng bahagyang tulong sa mga magaaral sa kanilang pag-aaral. Gayunpaman, pinapayuhan ng mga dalubhasa na huwag maging lubusang umaasa sa teknolohiyang ito at maging kritikal pa rin sa kanilang pagaaral.

Sa pagsusuri ng mga opinyon ng mga est-udyante, nabatid na marami sa kanila ang natutulungan ng AI sa kanilang pag-aaral. Sinasabing napadali nito ang kanilang mga gawain, partikular sa mga asignatura tulad ng matematika at wika. Ang AI ay nagiging isang katuwang na nagpapabuti sa kanilang performance tasks at assignments, lalo na kapag may mga bahagi ng mga ito na hindi nila lubos na nauunawaan.

“Bilang isang estudyante napadali nito ang aking pagaaral sapagkat may mga pagkakataon na kung saan ay hindi natin naiintindihan ang itinuturo ng mga guro ay tinutulungan ako nito upang mapadali ako sa pagtapos ng aking mga assignments and performance tasks lalong lalo na sa math at linguistics.”— Raniel Tuppil, isang mag-aaral. Maaaring sabihin na ang AI ay may malaking kontribusyon sa edukasyon, partikular sa mga mag-aaral. Subalit, ang tamang paggamit at tamang balanse ng teknolohiya ay mahalaga upang hindi ito maging hadlang sa pagkatuto ng mga estudyante. Mahalagang maituro sa mga mag-aaral na hindi dapat iasa sa AI ang ating pagkatuto. Sa ganitong paraan, magagamit ng mga estudyante ang mga teknolohiya tulad ng AI nang wasto at may benepisyo sa kanilang pag-unlad at tagumpay sa edukasyon.#

sa karamihan ng mga indibidwal at halos lahat ng sangkap nito ay ipinakita sa mga pag-aaral na napakabisa sa pagpigil sa virus na ito.

Lahat ng mga bakuna para sa COVID-19 na inaprubhan ng World Health Organization o WHO ay dumaan sa mga randomized na clinical trials upang subukan ang kalidad, kaligtasan, at pagiging epektibo ng mga ito.

Maraming bakuna kontra COVID-19 ang kasalukuyang pinahihintulutan ng Food and Drug Administration upang gamitin, kabilang na ang PfizerBioNTech COVID-19 Vaccine, Moderna, Tanien, at ang Novavax COVID-19 Vaccine.

Sa kabila ng iba’t-ibang uri ng mga bukuna kontra COVID-19. Inaasahan pa rin ang mga ito na maging epektibo ang mga ito sa pagpigil sa malubhang sakit, pagka-ospial at kamatayan dahil sa COVID-19.

Gayunpaman, maaari nating babaan ang panganib hindi lamang sa bakuna ngunit sa pamamagitan ng pangangalaga sa kalusugan at pagdedesisyon ng mabuti araw-araw. Ang pagbabakuna ay isang mabisang diskarte upang maiwasan ang pagkalat ng mga nakahahawang sakit sa loob at labas ng mga komunidad. Ito ay napatunayang parehong ligtas at epektibo sa pagpigil sa mga seryosong impeksiyon, ito ay isang mahalagang kasangkapan sa pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko.#

10 AGHAM AT TEKNOLOHIYA KAWAYAN
ni TJ Tolentino
mula sa : Google
Larawan

Division Sports Athletic Meet, muling umarangkada matapos ang mahigit dalawang taong pandemya

ormal nang sinimulan ang Division Sports Meet sa Lungsod ng Cauayan matapos ang mahigit dalawang taong pandemya na ginanap sa Benjamin G. Dy Sports Complex nitong Marso 3, Dinaluhan ang naturang programa ng mga opisyal mula sa Lokal na pamahalaang panlungsod, mga guro at mag-aaral, at mga atleta mula sa iba’tibang distrito. 200 na mga atleta mula sa Private Schools Athletic Association, 247 mula sa Cauayan Northeast District, 166 mula Cauayan North District, 240 sa Cauayan South District, 166 sa Cauayan West District, at 277 na mga atleta at coach ng Cauayan City Stand-Alone Senior High School.

Igiit naman ng pamahalaang panlungsod ang kanilang buong suporta sa mga atletang Cauayeño. Maswerte umano ang mga kabataan na magkaroon ng mga pasilidad upang mahasa at masanay ang kanilang mga talento sa larangan ng palakasan.

“Kasi noon, we never experienced this grand na dito po sa Sports Complex. Kasi kayo ang unang naka-experience nitong napaka engrandeng [Sports Complex],” saad ni Charlene Joy Quintos, Cauayan City SK Federation President Bahagi din ng naturang programa ay

2023 CAUAYAN CITY ATHLETIC MEET

Cauayan North District (CND) 166

Cauayan West District (CWD) 166

Private Schools Athletic Association (PRISSA) 200

Cauayan South District (CSD) 240

Cauayan Northeast District (CNED) 247

Cauayan City Stand-Alone Senior High School (CCSASHS) 277

CND Taekwondo team, humakot ng 12 Medalya

Nakapag-uwi ng 12 na medals ang Taekwondo team ng Cauayan North District sa kakatapos lang na Division Sports Meet na ginanap sa main gym ng Cauayan City National High School Stakeholders Gymnasium noong ika-5 ng Marso 2023.

Kabilang sa mga nanalo ng Gold medals sa iba’t ibang category ay sina Prince Chad Bugarin at Daire Valeriano sa Mix Pair, Ma.

at Jan Jay Ramirez sa FIN – Boys ang Silver medals.

Isang Bronze medal naman ang napanalunan ni Azalea Pasion sa Welter – Girls Category.

12 na medals ang naiuwi ng Cauayan North District at binubuo ito ng 7 na gold, 4 na Silver, at isang Bronze Medal.

ang tradisyunal na pagsindi ng sulo na hudyat ng pagsisimula ng patimpalak, pagtaas ng mga banner, at drum and lyre parade.

Ikinatuwa naman ng ilang mga atleta ang pagbabalik ng naturang kompetisyon dahil nabigyan umano muli sila ng pagkakataon upang ipamalas ang kanilang talento.

‘Mula sa aking puso, masayang-masaya ako na nakabalik na ang mga paligsahang atletika. Ang dalawang taon na pandemya ay nagdulot ng maraming paghihirap sa buong mundo, lalo na sa mga atleta……Sa kabutihang-palad, ang mga paligsahang atletika ay nagbabalik, at ito ay nagbibigay sa akin ng isang kahanga-hangang pakiramdam,” ani Keenen Reign Antonio, manlalaro ng Tennis.

“Ang pagbabalik ng mga paligsahang atletika ay nagdudulot ng isang mas malaking pag-asa sa maraming mga atleta. Ang mga atleta ay nagkaroon ng pagkakataon upang makipagkumpitensya at magpakita ng kanilang mga kasanayan, mag-aral ng bagong mga kasanayan, at makipagkumpitensya sa ibang mga atleta,” dagdag pa niya.

Ang mga atletang mapalad na magwawagi ay isasabak sa Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) 2023 Meet na nakatakdang idaos mula Abril 24-28, 2023 sa Lungsod ng Ilagan.#

CND bigong maiuwi ang panalo kontra CCSASHS, 53-75

Natalo ngunit susubok muli, bigong madipensahan ng CND ang kampeonato kontra CSASHS sa kakatapos lamang na Division City Meet na ginanap sa Benjamin Dy Sports Complex, Marso 3-4, 53-75.

Nagsimula ang sagupaan ng magkalabang koponan na puno ng determinasyon at inspirasyon, ngunit sa huli ay isang grupo lamang ng mga atletang nagaasam ng panalo ang magwawagi.

Sinubukang habulin ng CND ang CCSASHS sa huling minuto ng laro ngunit hindi sila nagtagumpay na tibaging ang coordinasyon ng kalabang koponan kung kaya’t itinanghal na kampeon ang CCSASHS.

Hindi man nakuha ang kampeonato ay maipagmamalaki parin ang pilak na medalyang kanilang naiuwi, dito masasalamin ang hirap at pagod na kanilang dinanas upang maitayo ang bandera ng Cauayan North District.#

11 PAMPALAKASAN KAWAYAN
DISTRITO MGA KALAHOK
Sa Kabuuan KALAHOK
56 50 7 MEDALYA Impormasyon mula sa: Special Program in Sports
MULING SINAG NG SULO. Isang Atleta ang niliyaban ang kaldera bilang hudyat ng pagsisimula ng CAVRAA 2023 pagkatapos ng mahigit dalawang taong pandemya TAGUMPAY. Sumasalang sa isang labanan ng Taekwondo ang manlalaro na si Prince Bugarin mula sa kurikulum ng Pampalakasan o Special Program in Sports ni Dynice Lata ni Raniel Tuppil

Dynice Lata

City High Spikers inilampaso ang Gray Wolves sa Secondary Mens Volleyball 3-0 ni

eterminasyon, tiwala sa sarili at diskarte ang naging susi upang masungkit ang kampeonato ng City High Spikers laban sa Gray Wolves na ginanap sa Cauayan City National High School Stakeholders Gymnasium.

Nagtapat sa huling pagkakataon ang dalawang team matapos talunin ng City High Spikers ang CCSASHS sa elimination round upang lumaban at makuha ang twice-tobeat sa championship game.

Hindi na binigyan ng pagkakataong

makabawi ng Spikers ang Gray Wolves sa mga malabagyong spike ng team captain John Micheal Lagaran upang makuha ang panalo sa unang set 24-

Determinado namang makabawi ang Graywolves sa kanilang magagandang set ngunit bigo parin itong manalo.

Wala ng sinayang na pagkakataon ang City High Spikers sa huling set, naging maingat na service error at binantayan ang diskarte ng kalaban.

Determinasyon, tiwala sa sarili at diskarte ang naging susi upang masungkit ang kampeonato ng City High Spikers laban sa Gray Wolves na ginanap sa Cauayan City National High School Stakeholders Gymnasium.

Nagtapat sa huling pagkakataon ang dalawang team matapos talunin

SPS Elite pinataob ang SPA Spikers sa nagdaang sportsfest, 3-0

ng City High Spikers ang CCSASHS sa elimination round upang lumaban at makuha ang twice-to-beat sa championship game.

Hindi na binigyan ng pagkakataong makabawi ng Spikers ang Gray Wolves sa mga malabagyong spike ng team captain John Micheal Lagaran upang makuha ang panalo sa unang set 24-14.

Determinado namang makabawi ang Graywolves sa kanilang magagandang set ngunit bigo parin itong manalo.

Wala ng sinayang na pagkakataon ang City High Spikers sa huling set, naging maingat na service error at binantayan ang diskarte ng kalaban.

Tuluyan na ngang namayagpag ang iskor ng Spikers sa huling set ng laro 25-19.

“Nakatulong ang araw araw na ensayo namin sa aming pagkapanalo, matagal naming pinaghandaan ito”, ani Lance Rafallo ng spikers.

“Manalo man o matalo sa huli magkakampi parin tayo dahil iisa lang ang ating dibisyon”, ani Gilbert Paguyo, Coach ng Gray Wolves.

Nagpasalamat naman si Richmon Duazo, tagapagsanay ng City High Spikers sa mainit na suporta ng paaralan sa pangunguna ng Punong Guro Maribeth S. Dela Pena, Iluminada D. Bete, Head Teacher III, MAPEH at Mariano Alipio, SPS Coordinator.

Inaasahan namang sasabak ang City High Spikers sa CAVRAA MEET 2023 ngayong Abril.#

Paghahanda sa Batang

Pinoy, nagsimula nang umarangkada

asungkit ng SPS Elite ang kampeonato kontra SPA Spikers sa ginanap na Students’ Month Culminating, 25-15, 2520, 25-27, sa Cauayan City

N

National High School Stakeholders Gymnasium, ika- 2 ng Disyembre, 3-0.

Sunod-sunod na mabibilis na smash, magagandang set at receive ang ipinamalas ng SPS Elite na naging dahilan upang matambakan ang kabilang koponan sa unang round

Sinubukang humabol ng

SPA Spikers ngunit sa tigas at coordinasyon na ipinapakita ng SPS ay bigo silang lamangan ang mga ito.

Matagumpay na naipanalo ng

SPS Elite ang unang round sa lamang na 10 puntos, 25-15 Sa ikalawang round ay nagpatuloy ang palitan ng malalakas na hampas ng bola, naging maingat ang SPA spikers sa pag receive at pagbalik ng bola.

Ngunit hindi pinayagan ng

SPS na makahabol at manalo ang kabilang koponan kung kaya’t mas lalo pa nilang pinalakas at pinabigat ang mga palong kanilang

ipinapamalas. Ngiting tagumpay ang SPS Elite matapos nilang makuhang muli ang panalo sa ikalawang round, 25-20.8

Sa huling round ay bumigat ang tensyon sapagkat dito malalaman kung may susunod pa bang round o uuwing may luha sa mga mata ang SPA Spikers.

Sinubukang maging maingat ng SPA sa pag kuha at pag serve ng bola ngunit mabibigat na palo at matitigas na dipensa ang sagot ng SPS sa kanilang atake.

Natapos ang huling round ng umintra ang malatigreng palo ni Schumica Summer ng SPS na bigong maibalik ng SPA Spikers, 25-17.

Nilamon ng nakakabinging sigawan ang Gymnasium at napakalakas na buzzer na nagsilbing hudyat na may itinanghal ng panalo.

Pinarangalan na Most Valuable Player (MVP) si Schumica Summer Lattao ng SPS Elite.

“Masaya ako na makatanggap ng parangal” ani Lattao

Tinanghal na First runner up ang SPA Spikers, at Second runner up ang STE Warriors.#

Naglabas na ng petsa ang Philippine Sports Commision (PSC) kung kailan idaraos ang Batang Pinoy, gaganapin ang nasabing patimpalak sa Vigan City, Ilocos Sur, Disyembre 17-22 , 2022.

Pinaghahandaan na nang mabuti ng mga atleta mula iba't ibang relihiyon sa pilipinas ang paparating na Batang Pinoy at pinagdarasal na maging matagumpay ang patimpalak na gaganapin.

Ang naturang paligsahan ay base sa Presidential Execute Order No. 44 na pinirmahan noong Disyembre 2, 1998 na pinirmahan ng dating pangulong Joseph Estrada.

Ginawa ang naturang paligsahan upang maipamalas ng mga atleta kinse anyos pababa ang kanilang abilidad sa larangan ng isports.

" The Protocols are already in place. Medyo mahirap talaga, may kahirapan, but if they were able to do it in Tokyo, Japan, we can do it also" Paninigurado ni PSC commissioner Ramon Fernandez

Naitalaga na ng Philippines Sports Commission ang mga Safety at Health protocols para sa pagdaraos ng Batang Pinoy ngayong taon at sinisigurong ligtas ang mga atleta sa banta ng COVID-19.#

12 pampalakasan KAWAYAN Division Sports Athletic Meet, idinaos matapos ang mahigit dalawang taong pandemya PAMPALAKASAN Pahina 11 ANG OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG CAUAYAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL-MAIN PAMPALAKASAN CND Taekwondo team, wagi ng 12 medals Pahina 11
ONE GOAL FOR CITY HIGH. Nagpulong ang mga miyembro ng City High Spikers bago sumalang sa Volleyball Tournament konta Gray Wolves ng CCSASHS
ni TJ Tolentino
HAMPAS NG TAGUMPAY. Isang beteranong manlalaro mula sa SPA Elite ang nagpagitang gilas sa paglalaro ng Volleyball sa ginanap na Sports Fest kasabay ng selebrasyon ng Students’ Month.
ni Dynice Lata

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.