2 minute read
MC, nagkamit ng mga puwesto sa kauna-unahang Perpetualite Student Research Competition
Ni: Venice Lynyl M. Abarca
Wagi ang mga piling mag-aaral ng Mabini Colleges High School Department matapos lumahok sa kauna-unahang Perpetualite Student Research Competition na ginanap noong ika-30 ng Marso, taong 2023, sa University of Perpetual Help System DALTA, Las Piñas na may temang, “Transitions: Advancing Research in Academic Discipline.”
Advertisement
Nakuha ng mga estudyanteng sina Emmanuel Sanchez, Nathalie Rafael, Samantha Ricci Rosales, at Roman Joseph Gallardo mula sa ika-12 na baitang, pangkat Dalton sa ilalim ng strand ng STEM ang unang puwesto sa parangal na Best Research Paper at Best Presenter at ikalawang puwesto naman sa Best Abstract sa kanilang research title na, “Superworm (Zophobas morio) Biodegradation Characteristics and Tolerability in Disintegrating Selected Hydrocarbon-based Plastic.”
Gamit ang kanilang research title na, “Relationship between Awareness and Implementation of Municipal Ordinance No. 019-2013 (Environmental Code of Daet, Camarines Norte) in Accordance with R.A. 9003,” inuwi ng mga mag-aaral na sina Rainer Jan Jardin, Laurence Nares, Julianne Emerose Baljon, at Janna Villagracia mula sa ika-12 na baitang, pangkat Rubble sa ilalim ng strand na ABM ang ikalawang puwesto sa Best Research Paper at Best Presenter at unang puwesto sa parangal na Best Abstract.
Sila ay lumahok sa kompetisyon kasama ang kanikanilang mga tagapayo na sina Jonathan Delos Santos, Gail Abasolo, at Maria Consuelo Quindara, ilan sa mga guro ng pananaliksik sa institusyon.
Kabilang din sa ginanap na paligsahan ang mga kolehiyo mula sa departamento ng College of Business Administration and Accountancy na siyang nag-uwi ng ikalawang puwesto bilang Best Abstract at Best Presenter at ikatlong puwesto sa Best Research Paper at College of Nursing and Midwifery ng Mabini Colleges na nakakuha ng unang puwesto bilang Best Abstract, ikalawang puwesto bilang Best Research Paper, at ikatlong puwesto bilang Best Presenter.