2 minute read
Tropeyong Walang Katumbas
ni: Klara Mae A. Cardinal
Naging hamon sa kanilang tagapagturo kung paano disiplinahin ang mga manlalaro nang hindi nagiging sobrang higpit sa pagturo. Bago pa magsimula ang balik-eskwela ay nagkaroon na ng praktis ang mga dating manlalaro ng volleyball. Tuwing linggo ay naglalaan sila ng tatlong oras na ensayo upang masanay sa paglalaro ng bola ang kanilang palad at katawan na natengga noong quarantine.
Advertisement
Pinaghandaan, pinagsumikapan, at pinaglaanan ng oras ang pag-eensayo para sa nalalapit na laban. Mula ikaanim ng umaga hanggang ikaanim ng gabi. Isinala nang mabuti ng kanilang coach ang mga gustong makasali sa grupo ng Red Phoenix Volleyball Team. Pinilahan at halos mahirapan mamili ng bagong miyembro ngunit nakaraos pa rin sa tulong ng mga dating manlalaro.
Sumapit ang araw na sila’y lalaban. Isip at lakas ang kailangan upang matalo ang kalaban. Tagisan ng palo at ubusan ng enerhiya sa paglalaro. Puntos sa Red Phoenix at puntos sa kabilang grupo. Nakabibinging sigawan ang maririnig sa bawat kanto ng gusaling pinagdausan ng laro.
Sa kalagitnaan ng kanilang paglalaro sa finals ay kitangkita ang tagaktak na pawis sa kanilang mga mukha at ang pagsubaybay ng kanilang mga mata sa pagpapasahan ng bola. Gaano man kalamig ang simoy ng hangin sa gabi, gayon naman ang init ng laban sa pagitan ng College of Criminal Justice Education (CCJE) at Red Phoenix.
Makalipas ang ilang minuto ay lumalayo na ang puntos ng dalawang magkalabang grupo. Mapanlinlang ang bola. Kitang-kita ang galing ng CCJE sa laro at kung gaano ito kabihasa pagdating sa larangan ng volleyball. Hampas sa bola, galing sa pagtantiya at bilis ng paa sa paghabol sa bola ang naging galaw ng team CCJE sa paligsahan.
Sa dulo ay nagwagi ang CCJE sa patimpalak. Pinarangalan bilang kampeon sa larong volleyball makalipas ang dalawang taon ng pandemya. Nagsigawan at nagpalakpakan ang ilang mga manonood ng laro.
Nadaig man ang Sekondaryang Departamento sa laro ay uuwi pa rin silang may ngiti sa labi, bitbit ang nabuong magandang samahan ng Red Phoenix kasama ang kanilang coach na si Sir Henry Blaise E. Ilan. Ayon dito, natuto siyang gumising nang maaga para sa mga mag-aaral na hahasain niya pagdating sa larong volleyball. Ang koneksyong nabuo sa pagitan ng mga manlalaro ng Red Phoenix ay walang katumbas na kahit anong tropeyo dahil hindi lamang ito nabubuo sa loob ng court, naidadala rin ito