3 minute read

Gaano Ka-sports ang Esports?

Next Article
Replay Bago Call

Replay Bago Call

ni: Gerry B. Dela Rosa Jr.

Marami sa atin ang nakapaglaro na ng video games, maging offline naman ito o online. Sa kasalukuyan, ang video games ay may iba’t ibang uri. Ang mga halimbawa na lang nito ay ang Racing, Puzzle, Adventure, First-person shooter, Battle Royale at ang pinakatampok na Multiplayer online battle arena, na mas kilala bilang MOBA. Bukod sa mga nabanggit marami pang ibang uri ng video games, kaya naman marami ring tao ang nawiwili rito. Ngunit may ibang tao na hindi ito nakikita bilang libangan lamang. Waring sa kanila ito ay maaaring pagkakitaan at maaaring sa iba naman ito ay isa pang mas malaking kompetisyon. At ang kompetisyon na ito kung saan naglalaban-laban ang mga may mataas na kasanayan sa ilang laro, ay tinatawag na esports.

Advertisement

Ilan sa mga katangian na ipinapakita sa isports ay naipapakita rin ng mga manlalaro sa larangan ng esports. Ngunit kontrobersiya pa rin kung maituturing nga ba na isport ang esports, may mga nagsasabing oo at meron namang hindi. May mga aspeto sa esports na pasok sa isports, kaya naman may mga sumasang-ayon na ito ay maituturing bilang isport

Ang esports ay nagsimulang maging sikat sa Estados Unidos noong 1980s pa lamang. Ito ay dahil sa Space Invaders Championship na dinaluhan ng higit sa 10,000 na manlalaro. At ang mga ito ay naglaban-laban upang makuha ang panalo sa isang bersyon ng larong Asteroids. Noong Ika-10 ng Oktubre 1980 ay nanalo sa kompetisyong ito si William Salvador Heineman, dahil dito siya ay tinaguriang first winner of a national video game competition. Kahalintulad nito sa isports ay ang pagkakaroon ng maraming mga manlalaro at pagkakaroon ng kampyonato.

Naipapakita sa isports ang pagtatapat ng mga manlalaro na may matataas kasanayan sa laro na kanilang kinabibilangan. Ang mga larong ito ay maaring tagisan lamang mula sa dalawang manlalaro hanggang sa dalawang pangkat o higit pa. Mula sa pagpapangkat-pangkat na ito, nagkakaroon ng eliminasyon sa mga magtatapat na pangkat sa mga susunod pang lebel ng kompetisyon. Ang mga pangyayaring ito sa isports ay nasasaksihan rin sa esports, kung saan nagkakaroon ng eliminasyon hanggang sa umabot ito sa finals. Upang makatungtong dito ang mga manlalaro ay sumasabak pa rin sa malawakang pag-eensayo, kahit na sila ay mayroon ng mataas na kasanayan sa kanilang laro. Makikita rin ito sa mga esport teams sa pamamagitan ng kanilang pag-iistream online. Naipapamalas sa parehong isports at esports ang pagkakaisa ng mga manlalaro rito. Isa pa sa pinakamahalagang parte sa isport gayundin sa esports ay ang maitanghal ng mga manlalaro ang kanilang dedikasyon.

Sa pagpapamalas ng ganitong mga bagay, masasabi na ang esports ay isa na ring ganap na isport. Ngunit mas naipapakita sa ibang isport ang kakayahan ng buong katawan na haharap sa larong kinabibilangan nito. Kung saan ang karamihan ng isport ay kinakailangan na mahubog ng manlalaro ang kanilang pisikal na kakayahan. May pagkakapareho rin naman na kinakailangan sa isports at esports ang malakas na kapasidad sa pag-iisip o paghuhubog ng manlalaro sa kanilang kakayahang mental. Halimbawa na lamang nito ay ang larong chess kung saan diskarte ang labanan. Tulad na lamang sa esports na mas naipapamalas ang estratehiya ng mga manlalaro sa kung papaano nila maipapanalo ang kanilang paligsahan.

This article is from: