2 minute read

Sublime Torch, Ang Mabinian, nagdaos ng pantas-aral, pagsasanay

Ni: Jamae B. Pelleja

Ginanap ang tatlong araw na pantas-aral at pagsasanay sa Miguel Rojo Ibana (MRI) Hall ng Mabini Colleges (MC) simula ika-21 ng Setyembre hanggang ika-23 ng Setyembre, 2022.

Advertisement

Isinaayos ng Sublime Torch at Ang Mabinian, dalawang publikasyon ng MC ang Seminar and Workshop on Campus Journalism 2022 na may temang, “New Normal in Campus Journalism: Producing Resilient Journalists in Conquering Societal Changes” sa tulong ng kanilang mga gabay na tagasanay.

Malugod na tinanggap ni Ernesto M. Obing, school paper adviser ng Ang Mabinian, ang mga dumalo sa programa sa kaniyang pambungad na salita.

Opisyal na sinimulan ni Ruel A. Noblefranca, ang Head of Student Affairs ng MC ang pagtitipon sa bating panimula at paghikayat sa mga mag-aaral na mabilang sa publikasyon ng Sublime Torch at Ang Mabinian.

Nilahukan ito ng mahigit 100 mag-aaral sa pansekondarya at kolehiyo ng institusyon upang dinggin ang mga kasanayan sa iba’t ibang paksa ng mga panauhing tagapagsalita.

Sa unang araw ng programa, sinimulan ni Arlyn Guzman ang talakayan sa News Writing at Opinion Writing na sinundan ni Rheuben Rigon: Sports at Feature Writing.

Ang pangalawang araw naman ay sinimulan ni Esther Bolocon: Devcomm, Copyreading & Headline Writing at John Vincent Bucal: Poetry and Journalism.

Sa huling araw ng programa, sinimulan ito ni Ailla Mapa: Editorial, sinundan ni Glenn Paul Binaohan: Layouting, at Jestone Balbaira: Cartooning.

Ang bawat presentasyon ay may patimpalak at itinalaga ang mga nanalong kalahok sa bawat paksang kanilang sinalihan bilang ganap na miyembro ng publikasyon ng MC.

This article is from: