2 minute read

Sobrang presyo sa mga laptop ng DepEd, PS-BDM, inanunsyo ng senado

Ni: Ken Rein Samuelle I. Factor

Inilabas na ng Senate Blue Ribbon committee ang resulta ng limang pagdinig kaugnay ng overpriced laptops ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) para sa mga guro noong Enero 19, 2023.

Advertisement

Inirekomenda ng komite ang mga kasong administratibo at kriminal laban sa mga dating matataas na opisyal ng DepEd at ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) hinggil sa pagbili ng mga laptop na ito.

Nais nilang sampahan ng kasong kriminal sina Former Undersecretary Alain Del Pascua, Undersecretary Annalyn Sevilla, Former Assistant Secretary Salvador Malana III, at Director Abram Abanil mula sa DepEd.

Samantala, mula naman sa PS-DBM ay sina dating Officer in Charge Executive Director Lloyd Christopher Lao, dating OIC Exec. Dir. Jasonmer Uayan, at ang tagapangulo ng Bids and Awards Committee (BAC), Ulysses Mora.

Itinatalang 979 milyong piso ang sobrang presyo ng mga ipinabiling mga laptop ng DepEd sa PS-DBM.

Nasa 12% ng mga biniling laptop ang napunta sa tauhang non-teaching imbis na sa mga guro para sana sa pag-aaral online.

Payo ng Blue Ribbon na ibalik ng mga opisyal ang 979 milyong piso at ilagay sa special national teachers trust fund.

Mula sa 20 miyembro ng komite, 12 senador ang pumirmang pabor sa report habang may hindi pagsang-ayon si Sen. Jinggoy Estrada dahil sa isyu ng pinaburang suplayer.

This article is from: