1 minute read

Virtual Galing Expo 2022, ginanap

Ni: Ken Rein Samuelle I. Factor

Muling isinagawa ang dalawang araw na Division Senior High School (SHS) Virtual Galing Expo noong ika-14 hanggang ika-15 ng Disyembre, taong 2022.

Advertisement

Nagkamit si Shanella Marie S. Gonzales, mag-aaral ng Mabini Colleges – High School Department ng ikalawang puwesto sa Academic Quiz Bee sa Filipino sa Piling Larang.

Ayon kay Gonzales, nagpapasalamat siya sa kaniyang mga tagapagsanay na sila Mike Harold T. Jalata, Christine Joy G. Bitara, at Ernesto M. Obing at “worth it” daw ang nasabing karanasan.

Ang nasabing pangyayari ay may temang, “Showcasing Helpful Strategies and Extraordinary Performance and Outputs” at ginanap upang ipamalas ang kakayahan ng mga estudyante sa senior high school sa iba’t ibang larangan. Binubuo ang nasabing eksibisyon ng siyam na patimpalak: Academic Quiz sa Filipino sa Piling Larang, Statistics and Probability, Earth and Life Science, kasama rin ang Bread and Pastry Production NC II, Food Beverage Service NC II, Cookery NC II, EIM NC II, CSS NC II, at Showcase and Display Presentation.

Inilabas naman ang kabuuang resulta ng nasabing paligsahan noong Disyembre 27, 2022 ng School Division Office (SDO) ng Camarines Norte sa perma ni School Division Superintendent Nympha D. Guemo.

This article is from: