1 minute read
Patuloy na pagdami ng biktima ng human trafficking scheme, inimbestigahan ng senado
ni: Althea Denise R. Delos Reyes
Pinasimulan na ng senado ang imbestigasyon hinggil sa pagdami ng mga biktima ng human trafficking scheme ng isang Chinese mafia
Advertisement
Inihayag ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality Risa Hontiveros ang ilang mga biktima ng nasabing sindikato.
Ayon sa isang Pilipino na umano ay biktima ng scheme sa Cambodia, ang employer niyang Chinese ay pinilit siyang magsama pa ng ibang mga Pilipino para magtrabaho sa crypto scam operations.
Ayon sa kaniya, ang kanilang pinuno sa recruitment agency na nagngangalang Rachel ay nagbibigay ng suhol at ay may kontak sa immigration officers sa Clark Airport upang makalabas ang mga Pilipino sa bansa.
Dagdag pa niya, nagaganap ang recruitment gamit ang online platforms na nag-udyok kay Hontiveros na ipa-crack down ang social media sites na may kinalaman sa mga scheme.
Inilahad ni Hontiveros na marami pa ring Pilipino ang na-scam kahit na marami na silang nasibak kaya duda pa rin siyang may kontak pa ang sindikato sa loob ng Bureau of Immigration (BI).