1 minute read

Resulta ng LET 2022, inanunsyo

Ni: Venice Lynyl M. Abarca

Inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC) ang resulta ng Licensure Examination for Teachers (LET) 2022 sa parehong antas ng elementarya at sekondarya noong Disyembre 17, 2022.

Advertisement

Nagkamit ang Mabini Colleges ng passing rate na 57.86% sa elementarya at 60.73% naman sa sekondarya.

Inihayag ng PRC na 49,783 ang pumasa mula sa 91,468 sa elementarya, habang 71,080 mula sa 139,534 naman ang nakuha sa pansekundaryang bilang.

Nakuha nina Baby Patricia Tabamo Bensi at Maria Catherine Cauba ng Cebu Normal University ang pinakamataas na grado sa antas ng elementarya sa porsyentong 94.60.

Nanguna naman si Jessiree Flores Pantilgan ng University of Mindanao-Panabo sa pansekundaryang antas sa kaparehong marka na 94.60.

Idineklara ng PRC ang Philippine Normal University bilang nangungunang paaralan na may 78 pasado mula sa 82 na kumuha ng pagsusulit.

Ginanap ang nasabing pagsusulit noong ika-2 ng Oktubre, taong 2022 at may tinatayang 34 na silid na ginamit.

This article is from: